All Chapters of Revenge or Love: Chapter 61 - Chapter 70
80 Chapters
Chapter 61: Broken
Ilang oras na ako nakapikit pero hindi ako madatnan ng antok. Hanggang dumalaw ang doktor at kinumpirma na wala naging serious damage ang ulo ko. Inayos ni Matt ang mga hospital bills ko. Nagpasalamat ako ng todo sa kanya."Ang bilis mong magbihis." Ngumiti ako kay Matt paglabas ng banyo. "Ayaw na kitang maabala pa. Kumusta na pala ang lagay ni Rafael?" tanong ko habang tinutupi ang hospital gown."Malubha siya," malungkot niyang sagot. Napaangat ang labi ko at namutla. Kasalanan ko ito."Total okay na rin ako. Pwede ako na lang ang mag-alaga sa kanya dahil ako naman ang may kasalanan kung bakit siya nandito." Tinaas niya ang kilay niya at pilyong ngumiti. "Bakit?" "Sigurado kang iyon lang ang dahilan?" "O-Oo, ano pa bang magiging dahilan ko?" nauutal kong sagot."Bakit namumula ang mukha mo?" Tumalikod ako at hinawakan ang mukha ko. Pahamak naman ito."Halata kasi ang pag-aalala mo sa kanya. Sige puntahan mo na lang siya sa room 201." Pagpihit ko paharap sa kanya. Naglalakad na si
Read more
Chapter 62: Nothing at all
Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi ni Rafael. Bakit naman niya naisip na may relasyon kami ni Matt."Bakit hindi ka makasagot?" Ngumisi ako. "Akala ko wala ka namang pakialam." Kunot ang noo niya at hinagis sa kama ang phone."Use it. Contact Matt. Sabihin mo siya na lang magbantay sakin!" Highblood na nga siya agad. Ang bata naman niyang highblood. Umiling-iling ako."Pwede kalma ka lang. Tatawagan ko lang siya para pabili yung mga pagkain mo.""No need! Here is the money. Buy me good food." Mabilis niyang nilabas ang wallet niya at nagbigay ng maraming bills."Parang masyado naman marami ito." "That's enough." Inabot niya ang phone niya at tinago."Teka…" bulong ko."What?! Akala ko bang gusto mo lang magpabili ng pagkain ko?" Umusok na ng tuluyan ang ilong niya. "Bilhan mo na ko ng pagkain!" Sumigaw siya muli. Lumapit ako at tinakpan ang mga mata niya."Take a deep breath." Utos ko sa kanya. Napangiti ako ng sumunod naman siya. Ang bilis talaga magbago ng mood niya."Breath o
Read more
Chapter 63: Dark Room
Bawat galaw ni Rafael nakabantay ako. Habang inaalagaan ko siya lalo akong nakonsensya. Hirap siyang gumalaw dahil sa sling sa isang braso. "I need to take a quick shower." Bigla niyang sinabi habang inaayos ko ang pagkain niya. Huminto ako at agad lumapit sa kanya. Hinawakan ko ang stand ng dextrose niya at sumunod sa bath room."Kailangan mo ba ng tulong sa loob?" Tanong ko. Pumihit siya paharap sakin."No!" Tumango na lang ako at hinayaan na siya maligo. Sana hindi siya mahirapan. Pagkatapos ng ilang minuto bigla siyang sumigaw. "Crap!" Nagmadali akong kumatok sa pinto ng banyo. "Rafael!" Bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig na may bakal na nahulog. Yung dextrose stand niya! Bumalik ako sa mga maliit na cabinet sa tabi ng kama niya. Alam ko narito ang mga kopya ng susi. Sa paghahalungkat ko nakita ko agad ang nakalagay na susi ng banyo. Bumalik agad ako sa pinto at binuksan ito. Nanlaki ang mga mata kong makita siya nakaupo sa sahig. Mabilis ako lumapit pero napamura siya. "T
Read more
Chapter 64: Annoyance
Hindi ko mapigilan ang unti-unting pagwarak ng puso ko. Sa simula palang mali na itong nararamdaman ko para kay Rafael pero mas masakit palang marinig mula sa kanya na hindi niya ako gusto kahit isang kaibigan lang. "I am just trying to use her. Kung magiging magkaibigan kami baka maturo niya ang kailangan natin para mahuli siya at yung lalaking pinalit niya kay James." Lalong nadurog ang puso ko sa pagpapatuloy niyang magsalita. Pumatak ang luha ko at kinagat ko ang labi ko upang pigilan ang mga hikbi. "May pinto pala dito?" Napahinto ako ng lalong lumakas ang boses niya. Binuksan ko ang flashlights at tumakbo sa kwarto ni James. Hindi niya ko pwedeng makita dito. Dumiretso ako palabas ng pinto at nagmadaling pumasok sa silid ko. Ang pakikipagtulungan niya sakin ay gawa-gawa niya lang para hulihin ako. Humiga ako sa kama at kinuha ang unan. Binuhos ko ang iyak ko hanggang kusang napagod ang mga mata ko. Kahit anong gawin mo Rafael wala kang mahahanap na ebidensya sakin dahil hindi
Read more
Chapter 65: A warm hand
Walang nagsasalita sa amin ni Rafael habang hawak niya pa rin ang kamay ko. His warm hand gives a sudden chill to my spine. I don't know if it was cold for fear or my feelings for him. His eyes flickered and gleamed like telling me I was the best thing that happened to him. "Move," My fantasy for him faded as he whispered and turned around. Tumikhim ako at tinanaw siya palabas ng pinto. His warm hand gave me a good tickling sensation in my tummy. Napabuga ako sa hangin at hindi makapaniwalang umurong ang dila ko dahil sa simpleng paghawak niya lang sakin. Minabuti ko na lamang na magpaka-busy buong maghapon at nagpapasalamat naman akong hindi na siya bumalik pa sa kusina. "Anong niluto mo?" Ngumiti ako ng humarap kay Matt at mas lalong lumapad ang ngiti ko ng makita ko sinong kasama niya. "Rica!" Masayang kong sabi at niyakap siya. "Kumusta ka naman dito?" Tanong niya at tumango kay Matt. Umiling si Matt at sinabing, "Sige, maiwan ko na kayo.""Anong nangyari sayo?" tanong ni Ric
Read more
Chapter 66: Found out
Nakatitig lang ako sa namumulang mukha ni Rafael. Hindi siya ngumingiti pero hindi rin salubong ang kilay niya. Ito ba ang magiging kapalaran ko sa paraiso? Ganito ba ang mga nakukuha ng mga namatay? Makakasama ko ang kamukha ni Rafael sa kabilang buhay. Kumurap kurap ako at napahawak sa akin mukha. "Diane!" Parang may mali. Bakit Diane pa rin ang tawag sakin? Sinigaw niya muli ang pangalan ng ate ko. Hinawakan niya ang balikat ko at niyugyog ito. "Are you still shocked?" "I will call a doctor," Suhestiyon ni Matt. Hindi pa nga ako patay. Buhay pa ko, at si Rafael ang nagligtas sakin. Tumikhim ako at sumagot, "Ayos na ako." Yumuko ako at tinitigan ang mga kamay ko puno ng dugo. "S-Salamat," nauutal kong sabi. "Diane!" Patakbo lumapit sakin si Rica at niyakap ako. "Akala ko mahuhuli na sila." Dagdag niya sa pagitan ng iyak. Niyakap ko siya at nakitang tumalikod na si Rafael samin. "Sandali lang," bulong ko kay Rica. Mabilis akong lumapit kay Rafael. Wala na ang sling niya sa bras
Read more
Chapter 67: The Proof
Halos labing limang minuto na akong yakap ni Rafael. Hindi ako nagsasalita at hinayaan lang na maramdaman ko ang bawat tibok ng kanyang puso. Kahit hindi ko alam kong sino ang tinitibok nito kakapit ako sa init na yakap na bigay niya sakin. May biglang tumikhim sa likod namin at natulak ko siya palayo."Kumain na tayo tapos na akong magluto." Sambit ni Matt. Nagkatinginan kami ni Rafael at ramdam kong ang pamumula ng akin pisngi. "I'm sorry! Did I disturb your moments together?" makahulugang sabi ni Matt."H-Hindi!" Sabay namin sagot.Kunot noo nag-palipat lipat ng tingin sa amin si Matt. Naglakad na papunta sa kusina si Rafael at sumunod na lang ako. Sa hapag-kainan na ka harap kami ni Rafael sa isa't-isa habang si Matt panaka-nakang tumitingin samin. "Masarap yang niluto ko. Adobo na matamis pero walang mas tatamis sa nakita ko kanina." Katyaw nito."That's nothing," mabilis na sagot ni Rafael at sumubo. Nothing? Nawala lahat ng ilusyon ko na mayroon na rin siyang pagtingin sakin.
Read more
Chapter 68: The Bestfriend
Hinila ako pababa ng hagdan ni Rica at hindi ako makapagsalita sa nalaman ko. Saan naman kaya pumunta sina Rafael? Dumiretso kami sa kusina at pinaghain niya ako. "Kumain ka na!" Giit niya. "Ayaw ko—" Naputol ang sasabihin ko ng isubo sakin ni Rica ang manok. "Kain na tayo! Huwag kang magpalipas ng gutom at isa pa pinaghirapan ni Filo ang pinambili niya diyan! Minsan lang maglibre ang boyfriend ko. Kaya kumain ka na!" Sita niya. "Oo na po, kakain na." Pilit ako ngumiti at kinagatan ang lechon manok. Ngumiti siya at kumain na rin. Buong maghapon wala kaming ginawa ni Rica kung hindi kumain at natulog lang kami. Bawal daw maglinis dapat sa pangatlong araw na lang para masulit namin ang bonding naming dalawa. Samantalang si Filo pumunta na lang ng umaga at babalik ng hapon kasi busy sa trabaho. "Game!" Agad bungad ni Rica sakin sa pinto ng silid ko. "Anong lalalruin natin?" Kumunot ang noo niya at biglang sumenyas siya na kinikilig. "Ano nga kasi yun?" "Manonood tayo!" Tili ni
Read more
Chapter 69: The Truth
Dumaan ang katahimikan samin ni Rica at mataman lang siyang nakatingin sakin. Nangungusap ang mga mata at naghihintay kong tatango ba ako o iiling sa suhestiyon niya. Huminga ako ng malalim.Mula ng makilala ko si Lance lagi siya ang naging tagapagtanggol ko. Hindi ko makakaya na masaktan siya o mapahamak dahil sakin. Binuksan ni Rica ang tablet niya at binasa ang message ni Lance."Michaela, whatever happened, I am here for you. Call me! Let's talk. Please." Inabot ni Rica ang tablet at tumango sakin. "Maiwan na muna kita dito. Pag-isipan mo Diane-este Michaela. May kaibigan kang handang tumulong sayo." "Salamat." Tipid kong sagot at tumitig sa tablet. Idadamay ko ba talaga ang bestfriend ko sa ganitong sitwasyon. Pumikit ako ng mariin at pilit iniisip ang tamang gawin. Bago pa ako makapagdesisyon tumunog ang tablet. Pagdilat ko si Renz ang tumatawag pero mas gusto ko siyang tinatawag na Lance. Sinagot ko ito at pilit ngumiti."Tell me the truth. What happened to you? We are best fr
Read more
Chapter 70: The Lovemaking
Halos dalawang oras na ako sa kusina nang pumasok si Matt. Walang siyang sinabi pero kumuha siya ng mga pagkain sa mesa. Hinayaan ko na lang hanggang maglakad siya papunta sa pinto. Pumihit na ako paharap sa lababo at nagsimulang maghugas."Diane, you can wash the dishes later. Follow me." Kunot noo akong humarap sa kanya. Tinaas niya lang ang mga dala niya. Lumapit ako at kinuha ito. Tahimik akong sumunod sa kanya. Buong akala ko aakyat kami sa hagdan pero lumiko siya at binuksan ang pinto na kakulay ng dingding. Sumunod ako sa pababang hagdan at napahinto ng makita ang mga wine na nakalagay sa salamin na cabinet pati ang iba pang uri ng alak. "Put the food on the counter." utos niya. Sumunod na lang ako at mabilis na nilapag ang mga plato na may pagkain. Akmang maglalakad na ko pabalik sa pinto nang may humila sa akin paupo."Stay here," Amoy ko sa hininga ni Rafael ang matamis na alak. Ilang oras pa lang ang lumipas mukhang marami na siyang nainom. "Maglilinis pa ako," giit ko at
Read more
PREV
1
...
345678
DMCA.com Protection Status