Pinunasan ko ang mukha ko at huminto sa pag-iyak. Tumayo naman si Matt at iniwan ako sa sala. Bakit nga ba ako umiiyak?Tumingin ako sa kamay ko. Hindi naman masakit at isa pa kasalanan ko naman. Alam kong hawak ko na ang bubog ng basag na baso, kinuyom ko pa rin ang kamay ko. Umiling ako at tumayo. Nakailang hakbang pa lang ako ng marinig ang tunog ng telepono. Lumapit ako dito at sinagot."Matt makes sure Diane will not go anywhere. Monica is in shock now." Nagbuga ako ng hangin. Ang babaeng yun talaga patuloy pa rin ang pagsisinungaling."Huwag po kayong mag-alala Sir, hindi po ako tatakas dahil wala naman akong kasalanan!" Sigaw ko sa telepono at binaba ito. Grabe talaga ang Rafael na iyon, mas pinaniniwalaan niya talaga si Monica kesa sakin. Sabagay sa mga mata niya pala ako ang pumatay sa kuya niya. Napaluha na naman ako. He was indeed playing my feelings. I will never believe in his words again. Pinunasan ko ang mga luha ko at tumakbo paakyat sa hagdan. Nakita ko bukas pa rin a
Baca selengkapnya