All Chapters of Lover ko si Bespren: Chapter 161 - Chapter 170
174 Chapters
Chapter One Hundred Sixty One  
PROMISES are made to be broken. Ito ang motto na hindi  binabalewala ni Hannah dahil talaga namang mahirap na umasa ka na lang sa pangako gayung hindi ka nakasisiguro kung tutuparin ba ito ng taong nangako. Kahit pinsan ni GB si Silver ayaw niya itong pagkatiwalaan ng labis. Tingin kasi niya, kahit tinutulungan siya nito, hindi pa rin sapat na dahilan iyon para pagkatiwalaan niya ito ng husto. Paano naman kasi, alam niyang may iba itong motibo. Ayaw man niyang maging mapagduda pero alam niyang may gusto ito sa kanya at gagawin nito ang lahat para maghiwalay sila ni GB. Kung hindi lang siya buntis ay parang gusto na niyang umalis sa poder nito ngunit kailangan din niyang maging ligtas at alam niyang dahil may pagmamahal sa kanya si Silver, hindi siya nito pababayaan. Kaya, kaysa ma
Read more
Chapter One Hundred Sixty Two  
“BAKIT ba lagi na lang ninyo akong pinupuna?” nagmamaktol na tanong ni Gelli sa kanyang mga kapatid. Pinaglipat-lipat pa niya sa kanyang Ate Abi at Ate Mimi ang kanyang tingin. Ngunit, hindi pa rin nagbabago ang tingin ng mga ito sa kanya. Matatalim ang tingin sa kanya ng kanyang mga ate, parang gusto siyang sakalin. What’s new? Sarkastikong tanong niya sa sarili. Talaga naman kasing parating mainit ang dugo sa kanya ng mga kapatid. Malalim na buntunghininga ang kanyang pinawalan. Inakala niya kasi dati kapag walang Kat-Kat ay maibabaling na sa kanya ang atensyon ng mga kapatid. Well, nangyari naman iyon pero hindi niya makuhang magsaya ngayon. Hindi naman kasi nabaling ang atensyon ng mga ate niya sa kanya dahil binubusog siya ng mga ito sa pagmamahal. Sa halip, pinaliliguan kasi siya ng mga ito ng sermon. “Anong oras na ba?” nakapameywang na tanong ng kanyang Ate Mimi. Matabang niya itong sinagot. &l
Read more
Chapter One Hundred Sixty Three 
"DAMN," inis na bulalas ni Silver. Kahit kasi may importanteng tinatalakay sa quarterly meeting ng kanilang kumpanya Madrigal Sweets ay wala roon ang kanyang atensyon. lumilipad pabalik sa kanyang resthouse, kung saan naroroon si Hannah. Kung hindi lang siya nag-aalala na hagilapin siya ng mga magulang at matuklasan ng mga ito na kasama niya si Hannah, hindi siya susunod. Ngunit, kilala niya ang mga magulang kapag nay ginustong gawin ang mga ito. May pagkakataon nga na walang pakialam ang mga ito kung makapanakit ng iba. Ang mahalaga sa mga ito ay ang perang maaaring makuha ng mga ito. Masakit mang tanggapin pero mukhang pera ang kanyang mga magulang. Iyon nga ang dahilan kung bakit nagawa ng mga itong agawin kina Blue at sa ina nito ang mana na dapat ay para sa mga ito. Kaya, importante talagang walang dapat na makaalam ng tungkol kay Hannah. Dahil baka maging dahilan pa iyon para tuluyan itong mawala sa kanyang buhay. Hah, hindi
Read more
Chapter One Hundred Sixty Four 
"KAMUSTA na nga pala kayo?" Biglang tanong ni Gray kay Silver. Sa palagay niya'y sa simpleng pagtatanong niyang iyon ay makakahagilap siya ng maraming sagot. Ang kailangan lang ay pagtuunan niya ng pansin ang bawat ekspresyon nito. Iyon ang turo sa kanya noon ni Hannah para malaman niya kung ang isang tao ay nagsasabi ng totoo o hindi. Sabi nga, eyes are the window of your soul kaya sa pagtitig pa lang sa mata ng isang tao ay malalaman na kung nagsasabi nga ba ito ng totoo o hindi. Kaya, iyon ang gusto niyang gawin ngayon kay Silver. Nagdududa nga ba siya sa pinsan? Ayaw niyang magsabi ng 'oo' ngunit hindi niya kayang balewalain ang nararamdaman niya. Alam niyang may mali kaya dapat lamang na pag-ukulan niya ito ng pansin. Nag-chat naman siya kay Your Princess na may bisita siya kaya mamaya na siya magri-reply dito. Gusto muna niyang pag-ukulan ng pansin si Silver. Ewan niya pero parang may nagsasabi sa kanyang may itinatago ito.&n
Read more
Chapter One Hundred Sixty Five 
ANG pagtatalo nila kanina ni Gray ay kailangang magawan ng paraan, mariing sabi ni Silver sa kanyang sarili. Oh, para tuloy gusto na niyang humarap sa pader at iumpog ng paulit-ulit ang sarili. Sa palagay niya ay malaking kabobohan ang kanyang ginaqa. Damn!Interesado ka ba kay Regine? Tanong pa niya. Bobo!Ang dahilan niya kaya in-invite niya si Gray na magpunta sa kanyang condo at ipakilala kay Gray ay upang makita ni Gray na in-love na siya sa ibang babae tapos kanina ay parang excited aiyang ipamigay kay Gray ang girlfriend at hindi siya ang tipo ng taong nagsi-share. Kung may gusto siya, lahat ng paraan ay gagaqin niya para wala ng makaagaw noon sa kanya, gaya na lang ng ginagawa niya kay Hannah. Hindi, hindi niya ikinulong si Hannah! mariin niyang sabi. Si Hannah mismo ang may gustong layuan si Gray. Ibig sabihin, sinusunod lang niya ang gusto ng kanyang mahal at hindi dapat malaman ni Gray na peke lang ang pagkamatay ni Hannah kaso nga
Read more
Chapter One Hundred Sixty Six 
MATAMIS na matamis ang ngiti ni Hannah habang hinahaplos niya ang kanyang sinapupunan. ka-chat niya kasi si Your Hero, na walang iba kundi ang kanyang mister at matalik na kaibigan, si GB. Kaya naman, ang lapad lapad ng kanyang ngiti nang umagang iyon. Hindi nga niya inintindi kung mag-isa lamang siya doon dahil nagpaalam si Silver sa kanya na pupunta ng Manila. Gayunman nilutuan naman siya nito ng request niyang to ino, tipa at binating itlog with garlic rice. Ang gusto kasi niya ay iyong maraming-maraming bawang. Kung magkasama lamang sila ni GB, sisiguraduhin niyang ito ang magluluto para sa kanya. Hindi siya papayag sa katwiran nitong hindi ako marunong magluto. Aba, naghihirap siyang dalhin ang anak nito kaya kailangan naman ay maghirap din ito. Malalim na buntunghininga lang ang pinawalan niya dahil talagang masakit sa kanyang ang kasama niya ay ang lalaking hindi niya mahal. Gayunman, ipinagpasalamat pa rin niya na may lalaking nagtitiyaga sa kanya.&
Read more
Chapter One Hundred Sixty Seven
AGAD na itinago ni Hanna sa ilalim ng kanyang kutson  ang cellphone niya. Malalim na buntunghininga lamang ang kanyang pinawalan ng maalala niyang ang bago niyang cellphone na binili ay iniwanan niya noong magkita sila ni Nicole pero dinala niya ang cellphone na binigay sa kanya ni GB dahil mas kampante siya kapag dala niya ito. Pakiramdam niya kasi ay mas safe siya. Para kasing kasama na rin niya ang asawa't bestfriend. At dahil si Silver ang kasama niya, pakiwari niya'y hindi rin makabubuting malaman  nito na mayroon siyang cellphone. Kaya't kailangan niya iyong itago ng husto. Kunsabagay, imposible rin namang makita ito ng lalaki dahil  di niya ito hinahayaang pumasok sa silid na kanyang tinutuluyan.Malalim na buntunghininga muna ang pinawalan niya matapos magsabi ng 'wait' kay Silver. Ilang beses na kasi itong kumatok at ayaw na niya itong paghintayin pa.&n
Read more
Chapter One Hundred Sixty-Eight 
SINO ang kasama mong babae nu’ng isang araw? Nalasing ka ba nu’ng isang araw? Huwag na huwag kang magtitiwala sa mga taong nakapaligid saýo, kahit na nasa kadugo mo. Kung minsan ay hindi ka rin nakatitiyak kung ano ba talaga ang tumatakbo sa kanilang isip kaya huwag mong hayaan na maisahan ka nila.”Bigla tuloy kinabahan si Gray sa mga tanong na iyon ni Your Princess na tiyak na tiyak niyang si Hannah. Ngunit dahil alam naman niyang may katigasan ang ulo nito, tiyak nga niyang hindi ito aaminin at gagawin pa rin ang gusto. Kaya, kaysa pilitin niya ito, nag-isip na lamang siya ng paraan para makakuha siya ng impormasyon dito. Gusto kitang makita, wika niya. Kahit alam niyang malabo nitong gawin ang pakikipagkita, minabuti pa rin niyang subukan. Kaya, agad niyang hinagilap ang kanyang cp ng bigla itong
Read more
Chapter One Hundred Sixty-Nine 
"ANO ang gustong kainin ni baby?" Nasa may lanai si Hannah noon at nagpapahangin, tulad ng kanyang nakagawian ay hinihinas-himas na ang kanyang tiyan, nang marinig niya ang boses ni Silver. Napabuntunghininga siya nang malalim. Kung maaari lang ay iwasan niya ito nang iwasan kaso hindi naman maaari dahil nasa iisang lugar lang sila. Saka kailangan din naman niyang lumanghap ng sariwang hangin at kailangan din niyang maarawan. Makatutulong iyon hindi lang sa kanya kundi pati na rin sa kanyang dinadala. "Natutulog siya," sabi na lang niya pero hindi niya nililingon si Silver. Nakaupo na kasi siya sa mahabang sofa na naroroon dahil napagod na siya sa kakalakad. Sinamantala niya ang paglalakad-lakad habang abala si Silver sa pagluluto. Hindi niya kasi gusto ang ideya na lagi itong nakaalalay sa kanya na para bang ito ang kanyang asawa. Asaw
Read more
Chapter One Hundred Seventy 
KUNG may sakit lang sa puso ang demonyong babae na ito, malamang, inatake na ito sa puso. Hindi kasi nito napigilan ang mapahagulgol nang sabihin na nasusunog ang mansyon nito. Hindi tuloy niya napigilan ang mapangisi. Ang sarap-sarap naman kasi talagang pagmasdan na para itong kandilang nauupos. Mahal na mahal kasi nito ang bahay na iyon pero ngayon ay malapit ng maging  abo."Ang bilis din ng karma, ano?" Hindi niya napigilang itanong dito. Marahas na buntunghininga lang ang kanyang pinawalan. Ibig sana niyang kontrolin ang kanyang emosyon pero hindi niya magawa. Ang sakit kasi na naibaon nito sa kanyang puso ay masyadong malalim. Kaya naman, gusto rin niya itong ibaon ngayon sa hukay. Napangisi siya ng lihim sa kaisipang ililibing niya ito ng buhay pero ayaw naman niyang magpabigla-bigla. Hindi rin naman kasi niya gustong mahuli at ma
Read more
PREV
1
...
131415161718
DMCA.com Protection Status