Eight Months Later…Punong-puno ng kaba ang waiting room ng ospital. Paulit-ulit na naglalakad si Lucas habang hinihintay ang balita tungkol kay Rhea, na kasalukuyang nanganganak. Nasa waiting room din sina Kaley at ang iba pa nilang kaibigan, kasama ang mga kapatid niyang sina Luciana, Lucia, at Luca.“Kuya, puwede bang umupo ka muna? Nahihilo na ako kakatingin sa kakalakad mo,” reklamo ni Lucia habang nakasandal sa upuan.“Lucas, relax. Magiging okay si Rhea,” sabi ni Rave para pakalmahin siya.Umiling si Lucas at napahawak sa ulo.“Paano ako magre-relax? May nabasa ako na sobrang sakit daw manganak. Paano kung sobrang nasasaktan si Rhea ngayon? Paano kung may mangyaring masama sa kanya?”Agad na tumayo si Ruffa at lumapit sa kanya.“Hoy, Mars, huminga ka muna nang malalim. Nasa ospital si Rhea, at may mga doktor na nag-aalaga sa kanya. Magiging okay din ang lahat,” sabi ni Ruffa habang hawak ang mga balikat niya.Napabuntong-hininga si Lucas pero hindi pa rin siya mapakali. Umupo si
Read more