Dinala ni Clinton, a.k.a. Stranger, si Rhea sa isang restaurant. May sarili naman itong kotse kaya hindi nagtagal ang biyahe nila.“Here, you can sit here,” sabi ni Clinton bago hilahin ang upuan para kay Rhea.Palihim na napangiti si Rhea habang umuupo. In fairness, gentleman pala si Stranger.Pagkatapos siyang paupuin, umupo na rin si Clinton sa tapat niya. Itinaas nito ang kanang kamay para tawagin ang waiter habang pinagmasdan naman ni Rhea ang labas ng restaurant. Napili kasi ni Clinton ang mesang nasa gilid, kaya malaya siyang nakapagmamasid sa paligid sa pamamagitan ng transparent na glass wall.“What do you want to eat, Miss?” magalang na tanong ni Clinton na agad nakakuha ng atensyon niya.“Same as yours. Hindi naman ako mapili sa pagkain, Stranger,” sagot ni Rhea.Napangisi si Clinton sa narinig. “Stranger, huh?” pang-aasar nito bago ibaling ang atensyon sa waiter na naghihintay sa kanilang order.Umorder si Clinton at hindi nagtagal ay umalis na rin ang waiter. Samantala, hi
Read more