Nag-aalinlangan, sinagot ni Lucas ang tawag habang abala ang kanyang ama at lolo sa malalim na usapan tungkol sa negosyo. Sa kusina, nagkukwentuhan ang kanyang ina at lola tungkol sa pagluluto, habang ang tatlong kapatid niya ay abala sa kani-kanilang mundo, lalo na si Lucia, na para bang palaging wala sa kasalukuyan.“Oh, babe, bakit ka napatawag?” bungad ni Lucas kay Rhea, may halong pabirong tono.Nagulat man si Rhea sa pagtawag sa kanya ng “babe,” hindi niya ito pinansin. Mas matindi ang kirot sa kanyang ibabang tiyan dahil sa dysmenorrhea.“L-Lucas…” napapanginig ang tinig ni Rhea sa telepono, may kasamang pag-iyak at singhot.“Babe, miss mo na ba ako? Sandali lang—bakit ganito ang tunog mo? May nangyari ba sa Mama mo ulit?” biglang nagbago ang tono ni Lucas, bahagyang pinataas ang boses para makuha ang atensyon ng kanyang lolo. Nilagyan niya ng kaunting drama upang maipakita ang kanyang pagkaabala.“M… masakit…” Naiiyak na saad ni Rhea, mas malakas pa ang boses kaysa dati, malina
Terakhir Diperbarui : 2022-03-08 Baca selengkapnya