All Chapters of Strangers Got Married (Tagalog): Chapter 11 - Chapter 20
160 Chapters
Chapter Eleven
Ramdam ko na ang pag-ikot ng mga mata ko dahilan ng pagkahilo dahil sa lalaking ito na halos isang oras na yatang pabalik-balik sa harapan ko. Tila hindi siya mapakali. “You have to stay with me.” “A-ano?” Hindi ako makapaniwala sa narinig kong lumabas sa bibig niya. Huminto siya sa paglalakad at inilihis ang katawan niya para harapin ako.  “I will pay you, of course.” “Heto na naman tayo…” Buntong hininga kong sabi. “Listen, blonde. I can't lose two weddings at once because people will suspect me and our wedding, okay? Just stay here for a couple of nights.” Ang galing talaga ng lalaking 'to magmakaawa kapag may kailangan, lahat ng bagay ginagawa niya gamit ang pera. “Alam mo Liam, may mga kasama ako sa hotel at hindi ko sila pwedeng basta na lang iwan doon.” Hindi ako sigurado kung babalik pa ng New Jersey si Trina dahil sa sinabi niya sa akin kanina. Hindi ko lang alam kay Eliz. “Then bri
Read more
Chapter Twelve
Tumigil saglit sa paglalakad ang butler na kasama namin at tila hinihintay si Maddison.Napahinto din kami dahil hindi namin alam ang daan papunta sa kwartong tutuluyan namin.Nang sa wakas ay nakalapit na siya sa kinatatayuan namin ay binigyan niya ng halik. ang butler sa pisngi nito.Dahil sa ginawa niya ay nakumpirma kong anak nga siya ng butler na 'to.Hindi naman kataka-taka dahil may pagkakahawug ang dala nilang awra at presensya.“Are you with Liam?” Iba ang tono ng pananalita niya kumpara sa noong kinausap niya kami. Mas mahinahon ang boses nito.“Yes dad, pero mamaya pa siya makakabalik kasi may kailangan pa siyang tapusin sa office.”“I see... umakyat ka muna sa kwarto mo. Kailangan ko muna silang ihatid sa tutuluyan nilang silid. Mamaya tayo mag-usap.”Doon lang yata niya napansin na may iba pa palang nariririto bukod sa kanilang dalawa. Isa-isa niya kaming pinasadahan ng tingin mu
Read more
Chapter Thirteen
“What are you trying to do and why do you have to run?”Pilit kong hindi hinaharap si Liam dahil sa kahihiyan. Yumuko ako at inilayo ang mukha ko para hindi magtama ang mga mata namin.Nakita ko sa gilid ng aking mga mata ang paglipat ng tingin niya sa cake na hindi ko sinasadyang nalaglag at ngayon ay nasa sahig na.Umakyat ang dugo ko sa ulo, and swear, nai-imagine ko ang pamumutla ng mga labi ko kahit hindi ko naman nakikita.“I-I'm sorry…” mariin kong kinagat ang ibaba ng labi ko dahil sa kirot na naramdaman ko sa paa, kasabay ng kahihiyan.Umangat ang kamay niya patungo sa aking mukha, at nang marahan itong dumampi sa balat ko ay nakaramdam ako ng kaunting kiliti na nagmumula sa mga daliri niya. Pilit niyang pinagtatama ang aming mga mata, na patuloy ko pa ring iniiwasan.Mabuti na lang at bahagyang natatakpan ng buhok ko ang aking mukha habang ang mga mata ko ay nakapako sa sahig, pinipilit pa rin na hind
Read more
Chapter Fourteen
“Maddison? You're still staying in this house with your dad? We haven't seen each other in a long time ever since I left, how are you?”Narinig ko ang boses ng ina ni Liam pero wala akong kapal ng mukha para lumingon sa direksyon nila, kung saan makikita ko si Maddison.Ibinaling ko na lang ang mga tingin ko kay Liam, and this time, nakuha ko na ang atensyon niya.“I'm sorry… Ibaba mo na lang ako…” mahinang bulong ko sa kanya.Nakatitig lang siya sa mga mata ko at tikom ang bibig. Habang pinagmamasdan ko ang mga mata niya, alam kong may kakaiba. Nakita ko na nuon ang ganitong mga titig niya, at alam kong masama ang loob niya. Tila nagiging kakaiba ang kulay ng mga mata niya sa tuwing hindi siya nasisiyahan sa sitwasyon. At para sakin, nakakatakot ang mga ito.Naiwan ang tingin ko sa ere nang ilihis ni Liam kay Maddison ang mga titig niya. Pinanuod ko ang pagbabago ng ekspresyon sa mukha niya. Nagsa
Read more
Chapter Fifteen
“S-Si Rafael… Nakabuntis siya ng ibang babae.” Napansin ko ang panghihina ng mga tuhod niya at napaupo sa kama.Dumapo ang kamay ko sa bibig dahil sa narinig ko. Nakakalungkot na hindi ko man lang ito nalaman agad.“Sorry…” Sana tinanong ko siya noong una palang. Masyado akong abala sa pag-iisip kung gaano kahirap ang buhay ko, nang mga oras na kailangan ni Tring ng kaibigan na dadamay at makikinig sa kanya.“Bakit ka humihingi ng tawad? Hindi naman ikaw ang nakabuntis hahaha.” Alam kong tinatawanan lang niya ang sakit ng mga nangyari.“So, ibig mong sabihin nagkaroon pa ng lakas ng loob ang panget mong boyfriend na humanap ng ibang babae?”Pinandilatan ni Trina si Eliz dahil sa sinabi nito.Kahit masakit ang paa ko ay pinilit kong maglakad at makalapit kay Trina.Nang makalapit ako sa kanya ay agad ko siyang niyakap at itinaas ang kamay ko sa ibaba ng likod niya para ipaalam
Read more
Chapter Sixteen
“You guys help yourselves and eat.” Pag-aya sa amin ng mama ni Liam.Tila ba napako ang mga paa namin sa sobrang kahihiyan kaya kahit ang humakbang ay mahirap.“Come on, Crystal. Don't be shy.” utas ni Sybil na bakas ang pagpipigil ng tawa. “Actually, kami nga ang dapat na mahiya dahil underdressed kami.”Mas lalo lang akong tinamaan ng hiya sa dahil sa sinabi ni Sybil, na halata namang sinadya niya dahil nakikita kong nagpipigil parin siya ng tawa.Sana ay nilabas niya nalang ang mga tawa niya, dahil mas nakakahiya kapag pinipigilan niya.Ngayon lang dumapo sa amin ang mga tingin ni Liam. Gumalaw ang mga mata niya mula sa tuktok ng ulo ko, pababa sa aking mga paa. Para akong na-scan ng mga mata niya, pero bumagal ang mga tingin nito sa dibdib. at hita ko kong lumalabas sa gilid na slit.Sina Trina, Eliz at ako ay nagsimulang nang maupo sa tatlong upuan na nakalaan para sa amin.“You look so b
Read more
Chapter Seventeen
Nang matapos kumain ang lahat, nag-alok akong maghugas ng pinggan.  Pero agad akong nagsisi nang sabihin sa akin ng tatay ni Liam na sanay akong maging waitress, na kahit sa bahay nila ay gusto ko pang maghugas ng pinggan.Hindi ata siya aware na hindi naman tagahugas ng plato ang mga waitress. G“Madam, pwede na po ba kaming umakyat?” magalang kong tanong na ina ni Liam. Gusto ko nang umakyat dahil ramdam ko na ang bigat ng paghinga nina Trina at Eliz. Gaya ko ay nasaktan rin sila sa mga narinig kanina.Alam kong hindi kami mayaman tulad nila, kaya ganun na lang ang pakikitungo sa amin ng ama ni Liam.“Crystal honey, you'll sleep in Liam’s room, whether you like it or not. Kailangan niyong masanay na matulog nang magkasama.” Mahinhin na sabi ng nanay ni Liam.“Madam, mas magiging maayos ho sa akin kung kasama ko ang kapatid at kaibigan ko.”  Agad na umiling ang ina n
Read more
Chapter Eighteen
“She hasn't told me anything yet.”“Hindi nakakahinga si Crystal sa madidilim na lugar. Kahit ipilit pa niya ay hindi siya makakatagal!”“Why?”Malalakas na boses ang gumising sa akin mula sa pagkakatulog.“T-Trina...?”Hindi ako masyadong makapagsalita at makakita, pero sigurado akong siya ang pinangagalingan ng boses na 'yon.“Crystal? Crystal, okay ka lang?!” Narinig ko ang mabibilis niyang yabag, at nang makalapit siya ay tuluyan ko nang nakita ang kabuuhan ng mukha niya.Iginala ko ang mga mata ko sa loob ng silid. Hindi pamilyar ang lugar na ito sa akin.Nang may maramdaman akong kirot sa kamao ko ay agad ko itong tiningnan at nakita ko ang isang maliit na karayom na nakatusok sa kamao ko. Nakita ko ring nakatusok rito ang dextrose needle.“Nasa hospital ba ako?” nanghihina kong tanong kay Trina. Nararamdaman ko pa rin ang panghihi
Read more
Chapter Nineteen
Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto, umawang ang bibig ko ng may nakita akong isang pamilyar na karakter.Pororo.Kahit saan ako tumingin ay nakikita ko ang cute penguin na si Pororo.“OH MY GOD!!! HAHAHAHAHA.” umikot sa buong kwarto ang malakas kong tawa.Nakakatawa dahil si Pororo, siya yung blue and white cartoon character. Maliit na penguin na may helmet aviator at malalaking goggles sa mata na halos sakop ang kalahati ng mukha niya.Mas nakakatawa pa ang kuwarto ni Liam dahil balot ito ng kulay blue na mga dingding na halos matakpan na sa dami ng Pororo stickers. Isang alarm clock na may parehong patterns, isang kumot na may  Pororo, ang tsinelas niya, at ang bintana na may blue accent to blend in.Dagdag pa, iyong Pororo plushies niya kama.Kahit saan, nandun si Pororo. Parang ang weird nun kapag may karelasyon ka na tapos nandito kayo sa kwarto habang patay ang ilaw. Hindi mo alam na nakatitig na p
Read more
Chapter Twenty
“Ayoko...” I plead under my breath.Tinalikuran ko na lang sila habang mariin na nakapikit ang aking mga mata.Ano ba talaga ang gusto nila?Lalo na si Liam. Ano ba talaga ang gusto niya?Bakit parang kailangan niya palagi na ipakita sa akin kung paano niya tratuhin  ang girlfriend niya?“If I told you to watch, you must watch. Otherwise, I'll bind your hands and force you to keep an eye on us.” Bumalik na ang malalamig na tono ng pananalita niya, na tila ba sumasalakay sa aking katawan at inuutusan itong sumunod.“P-Pero bakit...? Pakiusap… Huwag mong g-gawin sa akin 'to…”Naramdaman kong muli ang paninikip ng dibdib. ko kasabay ng pangingilid ng aking mga luha habang paulit-ulit na nagmamakaawa.Sinapo ko ang dibdib. ko para kalmahin ang paghinga, dahil ramdam kong unti-unti nanaman itong bumibigat. Nawalan na ako ng pag-asa na magpapakita sila s
Read more
PREV
123456
...
16
DMCA.com Protection Status