Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto, umawang ang bibig ko ng may nakita akong isang pamilyar na karakter.
Pororo.
Kahit saan ako tumingin ay nakikita ko ang cute penguin na si Pororo.
“OH MY GOD!!! HAHAHAHAHA.” umikot sa buong kwarto ang malakas kong tawa.
Nakakatawa dahil si Pororo, siya yung blue and white cartoon character. Maliit na penguin na may helmet aviator at malalaking goggles sa mata na halos sakop ang kalahati ng mukha niya.
Mas nakakatawa pa ang kuwarto ni Liam dahil balot ito ng kulay blue na mga dingding na halos matakpan na sa dami ng Pororo stickers. Isang alarm clock na may parehong patterns, isang kumot na may Pororo, ang tsinelas niya, at ang bintana na may blue accent to blend in.
Dagdag pa, iyong Pororo plushies niya kama.
Kahit saan, nandun si Pororo. Parang ang weird nun kapag may karelasyon ka na tapos nandito kayo sa kwarto habang patay ang ilaw. Hindi mo alam na nakatitig na p
“Ayoko...” I plead under my breath.Tinalikuran ko na lang sila habang mariin na nakapikit ang aking mga mata.Ano ba talaga ang gusto nila?Lalo na si Liam. Ano ba talaga ang gusto niya?Bakit parang kailangan niya palagi na ipakita sa akin kung paano niya tratuhin ang girlfriend niya?“If I told you to watch, you must watch. Otherwise, I'll bind your hands and force you to keep an eye on us.”Bumalik na ang malalamig na tono ng pananalita niya, na tila ba sumasalakay sa aking katawan at inuutusan itong sumunod.“P-Pero bakit...? Pakiusap… Huwag mong g-gawin sa akin 'to…”Naramdaman kong muli ang paninikip ng dibdib. ko kasabay ng pangingilid ng aking mga luha habang paulit-ulit na nagmamakaawa.Sinapo ko ang dibdib. ko para kalmahin ang paghinga, dahil ramdam kong unti-unti nanaman itong bumibigat.Nawalan na ako ng pag-asa na magpapakita sila s
“Crystal!”Napalingon ako sa boses na tumawag sa akin mula sa 'di kalayuan.“Sybil.” Binigyan ko siya ng tipid na ngiti at bahagyang inayos ang buhok ko.Ayokong isipin niya na hindi ako kagusto-gusto.Paano nalang kami magkakatuluyan kung ganoon?Mabilis na tumakbo palapit sa akin si Sybil, at nabigla ako sa sunod niyang ginawa.Hinawakan niya ang braso ko at agad na hinila palayo kay Liam.“T-Teka…”Tinitigan ako si Sybil sa mga mata, pero hindi ko maintindihan kung ano ang ibig sabihin ng ekspresyong iyon.“Ahh!” Isang malakas na putok ng baril ang sumagot sa tanong ko at nagpatalon sa akin kay Sybil dahil sa takot.“Welcome,” sambit ni Sybil sa mahinhing tono na mas nagpakunot ng noo ko.Pinaputok ni Liam ang baril na ngayon ay nakatutok sa ulo ng babae.“What right do you have to step in my place? Do you wish to die?”
[LIAM'S POV]Before the wedding I never expected that the perfect plan I had will turn out like this. I will be the one to make Spencer's Legacy drown from the world of business. I never like my father. I don't have to like him, because he never did even care about me. And to think that I will save him again into the chaos that I know I'm not the only one who started at all, makes me sick of this kind of scenario. I already came up with a new plan, the ploy that I think will succeed and drag the whole Villareals into mud. It's their fault, they deceived and tricked me. I thought that Eureka will help me to have my own power, and to get rid of the Spencer beside my name, but I was wrong. It's a big mistake trusting that girl. She fooled me. I did everything I could to get her heart so that she would help me, but it turns out that she is just using me to help her plans to get back to my father. The classic Villareal thing. Revenge, revenge, rev
[Crystal]“Fix yourself.”Muli kong pinasadahan ng tingin ang suot ko. “Maayos naman ang suot ko ah? Maganda nga eh!” pagmamayabang ko.Ibinalik ko na lang ang tingin ko sa puting pantsuit ko. Niyakap nito ang buo kong katawan kaya nadagdagan ang hubog ng balakang ko. Hindi sa akin ang damit na ito, hinatid lang kanina sa kwarto. Kasama ng napakagarang gintong kwintas at hikaw, na dapat daw ay isuot ko.Hindi ko alam kung talagang maayos ba ang itsura ko dahil wala sina Trina at Eliz sa kwarto. Kahit ang magtanong ako sa mga tao duo sa bahay nila ay hindi rin daw nila alam o nakita.“I'm talking about your behavior. If possible, refrain from speaking when you don't have to.”Hindi ako nakasagot nang bumaba siya ng sasakyan. Gusto ko siyang kausapin tungkol sa nangyari kagabi at kanina... pero natatakot ako sa magiging reaksyon niya. Baka bigla na lang niya akong tutukan ng baril sa ulo.
Unknown number:[Please come down for a minute. I will wait here till my legs are broken as long as you don’t show up.]“Pfft.”Hindi ko mapigilan ang matawa sa message niya.Sige na nga, mas mabuti nga siguro ang bumaba muna at puntahan siya kahit saglit lang.Baka rin matagalan pa silang mag-usap ng Sam na iyon sa opisina, at kung mananatili ako doon, malamang makakaistorbo lang ako.Ayaw din naman ni Liam na magsalita ako ng kahit na ano kapag may ibang tao.Kaya ano pa ang gagawin ko doon? Tutunganga at aantayin siya na parang isang bata na sinama sa opisina?Namalayan ko na lang na nagsimulang maglakad ang mga paa ko patungo sa elevator para makababa sandali. Itinaas kong muli ang phone ko para i-save ang unknown number at pangalanan itong 'mushroom' sa contacts.Teka, ano nga ulit ang pangalan ng lalaking iyon?Tatawagin ko na lang siyang mushroom sa ngayon. After all, para nama
Sigurado ako na ang lalaking 'to sa harapan ko ay si Blade. Namukhaan ko ang mukha niya noong inutusan siya ni Liam na ipag-drive ako pabalik sa hotel.“Kanina ka pa ba diyan?”Tipid siyang tumango. “Palagi akong nandito, at malapit sa inyo.”Nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi niya.“Ako ang assigned personal guard mo, at palagi akong naroroon saan ka man magpunta. Nakasunod at nagbabantay, Mrs. Spencer.” magalang niyang sagot bago yumuko sa harap ko.“Teka… Ano?”Hindi siya sumagot at nakatayo lang sa harapan ko.“Ibig bang sabihin nang palagi kang nandiyan, naririnig mo rin ang lahat ng sinasabi ko?”Parang ang uncomfortable naman na palagi niya akong sinusubaybayan at binabantayan na para bang wala akong privacy. Babae pa rin ako at lalaki siya!“Kahit na may narinig ako, wala pa rin akong narinig.” Diretso at magalang ang tugon ni Bl
“As I mentioned earlier, the wristwatch he handed you has GPS built-in where he can track your location.” Paliwanag niya, pero nakatuon lang ang atensyon niya sa daan. “So, I ordered Blade earlier to leave that watch at the restaurant near the building. Now, look at his text messages to you. If you don't see what's wrong, then there's something wrong with you.”Ano naman ang motibo ng lalaking iyon para gawin sa akin ang ganoong bagay? Nakakatakot.“Hindi kaya may iba siyang dahilan kung bakit niya ginawa iyon?” ani ko sabay lingon kay Liam.“I’ve warned you numerous times, but you-”Napatigil siya nang tumunog muli ang phone ko.[Mom, Calling...]Nang makita ko ang pangalan ng aking ina na nag-flash sa screen, agad kong pinatay ang tawag.Marahil ay nagtataka na sila kung bakit hindi pa kami umuuwi pagkatapos ng tatlong araw.Patawarin mo ako mom. Pero hindi ako babalik sa
“Trina! Eliz!” Binitawan ko ang braso ni Liam at nagsimulang tumakbo papunta sa kanila.“Happy birthday, Crystal!”Natutuwa ako na hindi sila pinalayas ni Liam. Niyakap ko silang dalawa ng mahihigpit.Natakot ako.Natatakot akong mag-isa.Kahit noong una ay ayaw ko silang dalhin sa bahay ni Liam, ayoko namang iwan nila ako ngayon.“Crystal, my wife,”Nang marinig ko ang boses ni Liam na tumawag sa akin, lumingon ako sa direksyon niya.Walang katapusan ang mga flash ng camera na tumatama sa kanyang mukha.Ang ganda ng mga ngiti ni Liam. At salamat sa mga liwanag na tumatama sa mga mata niya, mas kumikinang ito.Para bang totoong-totoo na mahal niya ako.Tila walang Maddison na nage-exist sa likod ng hindi totoong buhay na ito.“Happy birthday, love.” gumalaw ang kanyang kamay na parang may ipinapakita sa akin.Nang sundan ko kung saan nakaturo ang