Lahat ng Kabanata ng My Sugar Daddy's Brother : Kabanata 71 - Kabanata 80
131 Kabanata
Chapter 70
Ginabi na kami sa daan pauwi ng mansyon. Maaga pa lamang ay sarado na ang ilang kabahayan na aming dinaraanan. Napakatahimik ng lugar.Pagdating sa mansyon ay may nakahain ng hapunan sa hapag kainan.“Tataba po yata ako dito Ginang Lorie,” biro ko.Tumawa ang mag-asawa maliban kay Mateo na nanatiling blanko ang mukha.Simula nang matapos ang tawag ko kanina kay Troy at Lesie ay hindi niya na ako kinulit. Nagsasalita na lamang siya kapag kausap ang mag-asawang Benito.“Bukas ay bibisitahin naman natin ang dalawa pa’ng lupain.” Bahagya akong nabigla sa sinabi ni Ginoong Alfredo, kung gayon ay hindi lamang isa bagkus ay tatlong lupain ang pagtataniman ng mga cacao. Siguradong malaking tulong ito sa mga taga-rito at sa Hacienda Miraflor na din.Katulad ng aking inaasahan ay masarap ang pagkain na inihain sa amin. Mabilis akong nabusog at dinapuan ng antok, pero nilalabanan ko iyon dahil nakakahiyang humikab ulit ako
Magbasa pa
Chapter 71
Maliwanag ang kabuuan ng kwartong tinutuluyan ko. Nakatalukbong din ako ng kumot at nakasuot ng earphones. Natatakot akong makarinig ng kahit anumang ingay katulad ng alulong, kaya mabuti nang makinig na lamang ng musika.Ilang minuto na siguro akong pabaling-baling sa kama ngunit hindi pa rin ako nakakatulog. Marahil ay dahil sa liwanag at musikang pinapakinggan ko.Sana'y kasi akong tahimik at malamlam ang ilaw o 'di kaya'y madilim kapag matutulog.Pinalitan ko ang pinapakinggan sa nakakaantok na kanta. Unti-unti naman itong umepekto sa akin, subalit mabilis akong napabangon nang may maramdamang mahinang pagkalabit sa aking balikat.Sisigaw sana ako sa takot kaya lang ay mukha ni Mateo ang sumalubong sa akin pagtanggal ko ng kumot, na tumatakip sa aking buong katawan."Ano'ng ginagawa mo dito?" Nahihilakbot kong tanong.Para akong aatakehin sa puso sa pambibigla ni Mateo. "Sorry. Pumasok na ako dahil hindi ka nagbubukas kanina
Magbasa pa
To My Lovely Readers
Hi!  Kumusta kayo? I hope you guys are having a good day today. Gusto ko mag-thank you sa mga mambabasa na patuloy na nagbibigay ng gems. Maraming salamat. Nawa'y napapakilig kayo ni Mateo at Sandra. As much as possible gusto ko gawing affordable ang bawat chapters at worth it. Sana napapasaya kayo ng akda ko. My next update will be on November, next month. Focus muna po ako ngayon sa pag-re-review for my board exam.  Wish me luck and please include me in your prayers 😊 Yours Truly, Rina        P.S hindi na-i-pa-publish. Need daw ng more than 100 words.   Baka pwede na. Haha 😂
Magbasa pa
Chapter 72
Katulad ng sinabi ng mag-asawang Benito ay nagtungo kami sa dalawa pa'ng lupain na pagtataniman ng mga cacao.Halos isang oras ang layo nito sa mansyon, kaya naman habang nasa byahe ay naipapaliwanag ko na sa kanila ang ilang mga bagay tungkol sa negosyo."We'll going to visit Hacienda Miraflor one of these days," nakangiting saad ni Ginoong Alfredo.Marami silang tanong tungkol sa hacienda, kaya hindi maiwasan na mailwento ko sa kanila ang tungkol sa pag-ibig ni Arman sa akin, na naging dahilan upang mailipat sa pangalan ko ang buong ari-arian nito.Hindi ko na dinetalye pa iyon dahil naiilang ako kay Mateo. Kapatid niya si Arman at hindi ko maiwasan ang isipin na hindi ko sinasadyang magkaroon ng relasyon sa kanilang dalawa."Matapos mamatay ni Arman ay hindi ka na umibig muli?" tanong ni Ginang Lorie, na nakaupo sa tabi ng asawa nito. Kami ni Mateo ay nasa likod nila at sa unahan naman si Manong Elmer at isang babae na ayon sa mag-asawa ay sekre
Magbasa pa
Chapter 73
Hindi ko alam kung alin sa dalawa ang nagpawala ng takot ko sa aswang kagabi, ang payo ba ni Mateo o ang cold treatment niya? Kanina pa ako gising ngunit masyado pang maaga kaya inubos ko na lamang ang aking oras sa pagtingin sa kabuuan ng kwarto.  Napakalaki nito at iisipin mong master's bedroom pero ayon sa mag-asawa ay kwarto ito ng panganay nilang anak. Maswerte ang kanilang mga anak dahil mayroon silang mabuting mga magulang, kompletong pamilya at masaganang buhay. Matapos ang ilan minuto pa'ng pagmumuni-muni ay napagpasyahan ko nang bumangon. Hindi ko alam kung mayroon pa ba kaming lakad ngayon kasama ang mag-asawa, pero ayon sa kanila ay nais nila kaming ipasyal sa isla.  Dumiretso sa banyo upang maligo. Bago sana kami mamasyal ay gusto ko munang tapusin ang mga gawain sa opisina na ipinapa-send sa akin ni Lesie. Para na nga siyang boss kung makapag-utos at ako naman ang kan'yang sekretarya. Ang problema ko lang ay pap
Magbasa pa
Chapter 74
Alas-tres na nang hapon nang makarating kami sa resort.Benito Island Resort. Iyan ang nakasulat sa malaking karatula sa ibabaw ng malaking bukas na gate.May ilang mga sasakyan doon na para sa turista katulad ng sumundo sa amin noon ni Mateo sa pantalan.Mayroong mga kubo at tatlong palapag na hotel building kung saan maaaring manatili ang mga bisita.Mabagal lamang akong maglakad sa maliit na batong inaapakan ko sapagkat pinagmamasdan ko ang buong resort."Maligayang pagdating po sa Benito Resort, Miss Cassandra and Mr. Mateo. Ako nga po pala si Jasmine, ang mag-a-assist sa buong stay ninyo dito sa resort." Ang tinig ng isang isang maganda at matangkad na babae, na lumapit sa amin, ang nagnakaw ng atensyon ko.Wala sana akong balak na matulala sa kan'ya kun'di nabigla ako sa halos lumantad nang pisngi ng kan'yang dibdib sa masikip nitong uniporme.Mayaman ang mag-asawang Benito, pero bakit naman tila matipid sa damit ang babaeng ito
Magbasa pa
Chapter 75
Suot ang plain blue spaghetti strap dress ay lumabas na ako ng aking kwarto. Huminto ako sa tapat ng kwarto ni Mateo at pinakiramdaman kung naroon pa ba siya ngunit wala akong ingay na marinig.Nagkibit balikat na lamang ako at dumiretso sa baba. Wala ring taong nakatambay sa munting salas ngunit kaliwa't-kanan ang pabalik-balik na empleyado sa kusina. Lahat sila ay nginingitian ako.Madilim na nang lumabas ako, subalit abala pa din ang mga tauhan ng resort sa pag-istima ng mga bisita. Ilang hakbang mula sa kinatatayuan ko ay makikita ang ilang tents na mayroong mga ilaw. Tila hilera ito ng mga kainan sa tabing dagat.Naririnig din ang ingay ng mga tao, tawanan at kwentuhan. Sumasabay ito sa agos ng dagat sa dalampasigan. Buhay na buhay ang lugar at sigurado akong mahihirapan ang sinuman na dalawin ng antok."Miss Cassandra! Dito po." Ang pagtawag ni Jasmine sa pangalan ko, ang nagpalakad sa akin palapit sa isang tent na mayroong mahabang lamesa.K
Magbasa pa
Chapter 76
It was a quick but familiar kiss.Mabilis akong bumangon nang mapansin ang paggalaw ng mga labi niya sa ilalim ng akin.Mapungay ang mga matang tinitigan niya ako. Umiwas ako ng tingin. Aalis na sana ako nang hulihin niya ang kamay ko at hilahin pahiga sa kan'yang dibdib.I can hear his heart pounding loudly. Malakas iyon at damang-dama ko ang tibok. Epekto ba iyon ng alak? Is he palpitating? Ayos lang ba siya?Tumingala ako upang sana ay tanungin siya pero napigilan ako nang masuyo niyang halik sa aking ulo."Nagseselos ka ba kanina?" tanong niya gamit ang paos na boses. Gusto kong pagtawanan ang tanong niya upang itago ang totoong sagot kaya lang ay lasing naman siya. Makakalimutan niya din naman kinabukasan ang sagot ko.Marahan akong tumango. Aaminin ko, nagseselos ako. Iba pala kapag nakikita mismo ng sarili kong mga mata na ibang babae ang kasama at kinakausap niya.Kanina pa bumabalik sa a
Magbasa pa
Chapter 77
Gabi na at wala pa din si Mateo. Hindi ko siya nakitang pumasok sa kwarto niya kaya nag-aalala akong baka nasa laot pa ito. Ayoko pa sanang bumaba kaya lang ay sigurado akong hahanapin ako ng mag-asawa. Nang makapagbihis at makapagpahinga ay bumaba na ako. Sa hapag na ako ng dining area ng resthouse dumiretso dahil natanaw ko nang nakaupo doon ang mag-asawa. Wala yata akong ibang gagawin dito kun'di ang kumain. Sandali kaming nagkwentuhan habang hinihintay na ihain ang mga pagkain. Sa totoo lang ay hindi pa ako nagugutom. Pakiramdam ko nga'y hindi pa din natutunaw ang kinain ko nang mag-isa kaninang lunch. Makalipas lamang ang ilang sandali ay isa-isa nang inihain ng mga katulong ang pagkain. Katulad ng inaasahan ko ay mga lamang dagat iyon. Mayroon pa'ng grilled fish na saktong-sakto sa laki ng bandehado. Subalit ang putaheng hindi ko inaasahan ay ang dala-dala ni Mateo. Mabango ito nakakatakam na nakalagay sa malaking mangkok
Magbasa pa
Chapter 78
Ipinahiram muli sa amin ni Ginoong Alfredo ang kotse. Ito'y kahit pa pareho lamang ang pupuntahan namin. Mamaya daw kasing hapon ay mayroon silang sasalubungin na bisita. Hindi ako magkanda-ugaga sa paglingon sa aming dinaraanan. Nakakamangha ang road trip naming ito dahil tila kaunti na lamang ay malilibot na namin ang isla.  Katamtaman lamang ang bilis ng pagmamaneho ni Mateo at mas lalo itong bumabagal kapag mayroon akong nakikitang magandang tanawin. "Wow! Ang ganda ng burol. Napaka-berde ng kulay nito!" Kinuha ko ang cellphone ko at kinuhanan ito ng litrato. Kung alam ko lang na ganito kaganda ang Isla Benito ay dinala ko ang aking camera. Sinundan ko pa nang tingin ang tanawin hanggang sa makalampas na kami. Sumandal ako sa shotgun seat at pinagmasdan ang larawang kuha ng aking cellphone. Every scenery in this island is breathaking. Marami pa kaming napuntahan na magagandang spot dito sa isla. Mayroong tumitigil kami at nagl
Magbasa pa
PREV
1
...
678910
...
14
DMCA.com Protection Status