Lahat ng Kabanata ng Lucky Me! Instant Mommy?: Kabanata 31 - Kabanata 40
58 Kabanata
Chapter 31
Chapter 31            "We’re home," ani Carter matapos akong alalayang bumaba ng kotse niya.            Nginitian ko na lang siya kahit medyo kinakabahan ako, iba na kasi ngayon. Kasama na namin Lola niya. Mukha pa namang masungit. Ayoko namang tanungin si Carter kung hanggang kailan mananatili ang Lola niya doon. Diyahe. Bahay naman niya ito, kaya kahit sino’ng gusto niyang patirahin, karapatan niya. Kaya quiet lang ako.            "La, nandito na sila." ngiting-ngiting ani Carter nang madatnan namin ang glamorosa niyang Lola na nag-i-spray ng mga halaman sa may garden.            Napatingin siya sa amin at itinigil ang ginagawa. Ngumiti siya kaya nakahinga ako ng maluwag. Baka pwede naman kaming maging  close?
Magbasa pa
Chapter 32
Chapter 32Tumayo na ako at nagligpit na ng mga pinagkainan."Madam ako na diyan," saway ng isang kasambahay."Okay lang, sanay-"Napatigil ako nang may narinig na doorbell."Ako na." sabi ko at nagtungo sa labas.Binuksan ko ang gate at nakita ang panauhing medyo may edad na ngunit matikas pa rin ang tindig. Mukhang mayaman. Nangingintab ang itim na sasakyan niyang BMW. May nakatayo pang isang lalaki sa likuran niya na may bitbit na kung ano. Driver niya siguro."Sino po sila?" magalang na tanong ko."Nandiyan ba si Carter?" parang atubiling tanong pa niya."May kailangan po ba kayo sa kanya? Ano nga pong pangalan niyo?" sa halip ay tanong ko.Ayoko ngang magdisclose ng kahit anong info, baka mamaya mafia or ano pa ito."I’m Alfred Doctolero. I’m his father."Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. Tatay ni Carter? Ay wow nagsusulputan na mga family members ni Carter ngayong nalalapit na ang
Magbasa pa
Chapter 33
Chapter 33Nakakainis naman ang Carter na ‘yon! Hindi naman ako bingi para sigaw-sigawan niya ko. K. Fine. Naging insensitive nga siguro ako, naging makulit. Pero tama bang patalsikin niya ang tutuli ko sa sigaw niya? Sampigahin ko nguso niya, eh.            Napabuntong hininga ako habang nakatingin sa nakapinid na pintuan ng silid niya. Ibinaba ko ang kamay kong akmang kakatok doon. Balak ko sanang yayaing kumain na siya ng hapunan at magsorry na rin sa pagiging slight pakialamera ko about sa pudra niya. Pero ‘wag na. Baka isnabin ako ng tukmol at tuluyan na akong mabadtrip sa kanya.            Sayang nagluto pa naman ako ng giniling. Kasi alam ko trip niya iyon.            Ganyang mainit ang ulo niya, bahala siya. Ayokong mabugahan na naman ng apoy. Umalis na ako sa tapat ng p
Magbasa pa
Chapter 34
Chapter 34Speechless ako sa ipinagtapat ni Carter na anak siya sa labas. Hindi ko alam kung paano magrireact. Pero sigurado naman akong hindi ako nadismaya sa sinabi niya.            "Noong bata ako, nagtataka ako kung bakit hindi apelyido niyang Doctolero ang gamit ko. Tapos tuwing birthday ko, never nakaattend yang tatay ko. Kung hindi post celebration, advanced naman. Iyon pala kabirthday ko asawa niya!" kwento niya at napatawa pa ng pagak.            "Carter..." nakaramdam ng lungkot para sa kanyang sambit ko.            "Siyempre magtataka ang asawa niya kung wala siya sa birthday nito, kung pupuntahan niya ko. Sino ba naman ako para piliin niya? Anak lang naman ako sa labas. At dahil nga anak ako sa labas, hindi niya ko tuluyang mapapasok sa mundo niya. Palagi akong itinatago. Hindi
Magbasa pa
Chapter 35
 "Callie, kain tayo," yakag ni Carter habang abala ako sa paghuhugas ng bote ni Harlie, kaya napalingon ako.Kadarating lang niya galing opisina at napansin ko kaagad ang malaking supot na bitbit niya na may nakasulat na Hap Chan."Uy, ayos 'yan, ano'ng mga dala mo?""Marami. Ang baby?""Naku kakadede lang kaya hayun inantok.""Ah. Mamaya ko na lang pupuntahan pag gising na. Ya, pasalang na lang ng mga baby bottle sa sterelizer, thanks," ani Carter at hinila na ko papuntang dining.Inilapag niya doon ang supot. Inilabas niya isa-isa ang laman na nakalagay sa isang malalaking transparent na plastic tupperware."Ang dami, ah?" puna ko at tinulungan ko na siyang mag-alwas.Hindi ako familiar sa mga pagkain na iyon. "This is one of my favorite Filipino-Chinese restaurant. I'm sure you'll like it, hindi na tayo magluluto. Ito na lang ang kainin natin," nakangiting aniya."Kaya pala hindi
Magbasa pa
Chapter 36
Chapter 36          "There you are.  Kanina pa kita hinahanap, bakit dito ka kumakain?" maang na tanong ni Carter nang maabutan akong nag-aalmusal kasama ang mga maid. Kakasimula ko palang kumain.            May sarili kasi silang table na nasa loob rin ng kusina.            Napakamot ako sa batok. Paano ko ba sasabihin sa kanya na ayaw naman ng Lola niya sa akin? Siyempre, dahil nakikitira lang naman ako, ako ang mag-a-adjust. Iwas-pusoy na lang kumbaga, para walang maging problema. Nakakailang namang sumubo ng malaki kung iyong kasama mo sa hapag, eh, may sama ng loob sa’yo. Baka wala akong kamalay-malay na ipinapanalangin na pala niya kong mabulunan.            "Uhm, wala. Masaya lang sila kakwentuhan habang kumakain." katwiran ko at humigop ng kape s
Magbasa pa
Chapter 37
Chapter 37Napapalakpak si Juanda nang makalabas si Carla.            "Ang galing mo Ma’am, napaalis mo ang bruha." tawang-tawa niyang sabi.            "Shhh, loka, marinig ka nun." tawa ko.            "Oh, bakit nakasimangot si Carla? Hindi rin ako pinansin." tanong ni Carter na biglang pumasok sa kitchen.            "Ay Ma. Baka may period. Teka nandiyan ka na pala. Tamang-tama luto na ‘to."            "Wow, sakto, gutom na rin ako. Tulungan ko na kayo."            "Hindi na. Pwesto ka na sa dining, kami na ni Juanda ang magdadala."        &nbs
Magbasa pa
Chapter 38
Chapter 38           "You’ll stay. Harlie, needs you by his side. And I constantly want you by my side…"            Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Carter.            "C-Constantly?" paniniguro ko.            "Yes...pwede naman siguro ‘yon di ba? I really like being with you." walang kakurap-kurap na sagot niya.            Bigla kong nabawi ang kamay ko na hawak niya.      "I-I don’t think that’s gonna happen.""You don’t want to be with me anymore?" bumakas ang pagkadismaya sa mukha niya.Parang gusto kong bawiin ang sinabi ko pero ayokong lokohin ang sarili ko. Sa totoong buhay kasi hindi palaging nangya
Magbasa pa
Chapter 39
Chapter 39"Nakakagulat ka naman." siko ko kay Carter.            "Let’s go?" aya niya na wala man lang kangiti-ngiti sa mga labi.            "Ah okay. Jacob, mauna na kami. Ingat ka sa daan." paalam ko kay Jacob.            "Sige, ingat din." kaway pa ni Jacob.            Akmang kakaway din ako nang hagipin ni Carter ang braso ko at hinila na ako palayo.            "Oi, makahatak ka naman, may lakad?" tanong ko kay Carter habang palabas kami ng publishing house.            "Rush hour na, mahirap matraffic."            "Sabagay." nasabi
Magbasa pa
Chapter 40
Chapter 40"Naku girl, medyo matagal din tayong hindi nagkita, ah? Kaya dapat shot ka!" halos pasigaw na ani Irene dahil hindi kami magkarinigan sa lakas ng sound system sa bar na pinuntahan namin sa may BGC ."Oo, libre mo naman, eh! Teka asan jowa mo, bakit hindi mo sinama?" tanong ko saka lumagok ng isang shot ng kung anumang cocktail drinks ‘yon."War kami. Kaya tayong dalawa lang, kaya magpakalunod ka diyan. Hayop na ‘yon, di man lang ako naalalang batiin." himutok niya sabay lagok."Ah! Kaya pala dito mo ko niyaya! Magsisenti ka!" kantiyaw ko.Usually kasi kapag birthday niya, ililibre niya lang ako ng food sa resto or fast food o kaya sa bahay niya kasama family niya."Hayaan mo na ko, double purpose ang araw na ‘to.""Sige, kukunsintihin kita kasi ikaw ang gagasta, pero bakla, palagi na lang kayong nag-aaway, hindi malabong sa hiwalayan ang tuloy niyo. Sabi ko naman kasi sa’yo ‘wag mo ng bigyan ng
Magbasa pa
PREV
123456
DMCA.com Protection Status