Lahat ng Kabanata ng Lost in the world named Aragona: Kabanata 11 - Kabanata 20
33 Kabanata
CHAPTER 11: HINDI IMBITADONG TAUHAN
Sumakit bigla ang aming ulo. Isang tinig ang aming narinig mula sa aming isipan. Boses ito ng Diyosa na si Anna. May nais itong sabihin ngunit limitado lang ang oras na pwede namin siyang makausap. “Naririnig niyo na ba ako?” tanong nito. Tumugon naman kami kaagad. “Opo. Kayo na po ba yan Diyosa?” “Sawakas! Pasensya na kung medyo natagalan. Isa kasi sa Opisyal ni Luosito ang sumalakay sa aking palasyo. Sa dami ng kaniyang mandirigma na ipinadala, natagalan ang aking mga tauhan na talunin ang mga ito. Buti na lamang ay tuluyan na silang umatras.” Tumayo si Nads at hinanap kung saan nagmumula ang boses. Nagagalit pa rin ito sa Diyosa dahil sa biglaang pagkuha nito sa amin. “Paano kami makakabalik sa mundo namin? Ayaw naming mamamtay dito. Ibalik mo na kami!” “Sandali. Hayaan mo muna akong magpaliwanag.” Habang nagsasalita ang Diyosa, naghanap kami nang maari naming mapagtaguang bahay. Baka kasi madamay pa kami sa gerang n
Magbasa pa
CHAPTER 12: PAGPAPAHIRAP
Mula sa itaas ng malaking bahay, isang umiilaw na espada ang sumilaw sa aming paningin. Bitbit ito ng isang lalaki na may malaking pangangatawan. Tumalon ito mula sa itaas at itinusok sa lupa ang espada. Nagdulot ito nang malakas na puwersa na nagpatalsik sa mga salamangkero. Ito pala ay ang Heneral na si Heneral Cleo. Hindi kami kilala ng Heneral, pero alam niya na hindi kami kaaway. Nakita kasi niya na iniligtas namin ang pamilyang hinahabol ng mga salamangkero.Itinaas muli nito ang espada bago bumulong ng isang salamangka. Umapoy ang dulo ng espada at mala-dragong apoy ang biglang lumabas. Nilamon nito ang mga salamangkero hanggang sa abo na lang ang natira sa mga ito.“May nasaktan ba sainyo?” tanong ng Heneral.“Wala naman po,” tumugon kami at dali-daling inilabas nila Jas sa bayan ang pamilyang aming iniligtas. Naiwan ako sa tabi ng Heneral para maghanap pa ng taong nangangailangan nang tulong.Sinubukan akong p
Magbasa pa
CHAPTER 13: PAGKALUGMOK
Ang nagwawalang kalangitan ay unti-unti nang kumakalma. Humihina na rin ang matinding buhos ng ulan. Mabagal ngunit mabibigat ang aking mga hakbang. Sa bawat yabag ay madadama ang matinding galit na bumabalot sa aking katawan. Pinilit kong lumapit sa kinaroroon ni Pikasyo, kahit alam ko na sobrang delikado ng aking gagawin. Nang mga sandaling ito, hindi ko na alam kung ano ang tama sa mali. Sa ‘di kalayuan, napansin ako ni Luosito habang ito’y nagmamasid pa rin sa mga ulap. Nabaling ang interes nito sa akin. “Interesante, napaka-interesante. Nais kong makita kung ano ang magagawa ng batang ito. Nararamdaman ko na isang magandang eksena ang maari kong masaksihan ngayon.” Inipon ko sa aking binti ang buo kong lakas sabay inihanda ang aking mga kamao. Tatangkain ko sanang atakihin si Pikasyo. Bagama’t alam ko na wal
Magbasa pa
CHAPTER 14: PAGKAWALA SA SARILI
Pagkayaring magbago ng aking anyo, pagewang-gewang akong naglakad papunta kay Pikasyo. Pilit nya akong inilalayo gamit ang kanyang mahika. Pero kahit gaano karaming salamangka ang kanyang bitawan, nilalamon lang ito ng awrang nakapalibot sa akin. “Bakit mayroon kang itim na mahika? Hindi ba’t ang mga tauhan lang ni Lusiper ang mayroong niyan? Paanong nagkaroon nito ang isang normal na taong tulad mo?” natatarantang tanong nito. Misteryo pa rin para sa amin kung ano ang itim na mahika at kung para saan ba talaga ito. Sa mundo ng Aragona, kakaunting tao lang ang tunay na nakakaalam sa pinagmulan ng itim na mahika. Hindi tumigil si Pikasyo sa pag-atake sa pag-asang matataboy niya ako. Nagamit na n’ya ang kalahating porsyento ng kaniyang lakas. Pero hindi niya pa rin ako nagagawang galusan. Mas lalo pa itong natarant
Magbasa pa
CHAPTER 15: PAG-ASA
Pahigpit nang pahigpit at pasakit nang pasakit ang pagkapit ng itim na anino sa aking katawan. Para bang kinakain nito ang aking balat. Napapasigaw na lang ako sa sobrang hapdi. Subalit walang ibang tao ang nakakarinig sa akin. Dahil sa pagpapatuloy nito, hindi ko na magawang manatili pang gising. Ito ang dahilan kaya muli akong nawalan ng malay. Kasabay nito ang pagbagsak ng katawan ko sa lupa. Muli akong napunta sa isang madilim na kwarto. Walang ilaw, walang hangin at walang kahit ano mang tunog. Habang nag-iisa, matinding liwanag ang biglang sumibol sa madilim na kwarto. Dinala ako nito sa isang panaginip. Napakagandang panaginip kung saan hindi mo na nanaisin pang gumising. Nagtaka sila dahil biglaan na naman akong humandusay sa sahig. “Maaa...” muntikan nang su
Magbasa pa
CHAPTER 16: PAGSAKOP
“Weh? Hindi nga? Eh kung Diyos ka bakit ka nandito?” nagtatakang tanong ng aking mga kaibigan. Hindi pa rin sila makapaniwala na Diyos ang kanilang kausap.“Nagpapahinga ako sa aking palasyo pero narinig ko na nagkakaroon daw ng kaguluhan dito sa Siana. Kaya pumunta ako rito para tignan ito. Kayo ba? Bakit kayo nandito sa gubat?” pabalik na tanong ni Seraphil.“Oo nagkakaroon ng kagulahan doon sa bayan kaya nga kami nandito para magtago. Kaso naiwan ‘yong isa naming kaibigan doon. Kaya gumagawa kami ng plano ngayon kung paano namin sya makukuha,” sambit ni Mercury.“Ikaw ba? Kung doon ang pakay mo sa bayan, bakit ka nandito sa gubat?” tanong ni Set.“Bumaba muna ako dito sa gubat dahil may nakita ako na ayaw kon
Magbasa pa
CHAPTER 17: DESISYON
Sa pag-angat ko ng aking itim na espada, daglian ding inihanda ni Pikasyo ang kaniyang sarili upang dumepensa. "Heneral Cleo! Alam ko na ikaw si Heneral Cleo. Matagal na kitang kilala dahil kalat ang pangalan mo sa napakaraming lugar. Sa tingin mo, sino ang tunay na kaaway sa aming dalawa?" tanong ni Pikasyo. "Tumigil ka Pikasyo! Hindi mo ko malilinlang. Parehas lang kayong kaaway," tugon ni Heneral Cleo. Habang nag-uusap ang dalawa, muli akong lumipad ng napakabilis at sinubukan kong atakihin si Pikasyo.  Sa sobrang bilis ay hindi ito napansin ni Pikasyo, ngunit nakakabiglang pangyayari ang biglang naganap. Halos dumikit na ang dulo ng aking espada sa leeg ni Pikasyo pero sinalag ito ni Heneral Cleo. Gamit ang buo
Magbasa pa
CHAPTER 18: MALING PANAGINIP
"Mac!! Bumangon ka ng bata ka anong oras na," pambungad na sigaw ni mama. Kilala siya sa lugar namin bilang Bot subalit Lory Salas talaga ang tunay niyang pangalan."Opo! Teka lang," nagmamadaling tugon ko naman sa kaniya. Pasukan sa paaralan namin ng araw na iyon kaya't maaga akong ginising ni mama.Pagkabangon mula sa kama, agad akong dumeretso sa banyo. Binuksan ko ang gripo sabay idinampi ang kamay sa malamig na tubig."Grrr. Ang lamiiiiiggg!!" bulong ko sa sarili. Kahit malamig ang tubig, tiniis ko na lamang ito upang mabilis akong matapos sa paliligo."Maacc!!" muling sigaw ni mama. "Ano ba ma? Eto na nga 'di ba? Eto na!" naiinis kong tugon sa kaniya. 
Magbasa pa
CHAPTER 19: PAGBABALIK
Kasalukuyang pa ring nasa kamay ng demonyo ang aking katawan. Hindi pa rin umaalis si Jas sa aking harapan. Sinusubukan niya pa ring pigilan si Seraphil para hindi ako nito patayin.  Subalit ang demonyo ay kailanman ay mananatiling isang demonyo.  “Umalis ka na diyan! Kapag naghilom na ang katawan ng kaibigan niyo siguradong aatakihin niya kahit kayo,” nangangambang sambit ni Seraphil. “Hindi ako aalis! Baka kung ano ang gawin mo sa kanya,” pagpupumilit ni Jas. Napikon na si Seraphil kaya’t hindi nya na napigilan ang magmura. “P*ny*t*! Bakit ba ayaw mong makinig sa akin?”  Habang patuloy sa pagpupumilit si Seraphil na paalisin si Jas, hindi nila napansin na mu
Magbasa pa
CHAPTER 20: PANIBAGONG SIMULA
Mabagal ngunit malakas ang tunog na naidudulot ng bawat yabag na aking naririnig. Papalapit ito sa akin. Unti-unti kong nararamdaman na papunta na ito sa lugar kung nasaan ako. Napakulot ang aking noo dahil binalot ng takot ang aking kalooban. Sa lalong paglakas at paglapit ng mga yabag, agaran akong nagising at nagtago. Dahan-dahang bumukas ang pinto kaya’t binilasan kong pumunta sa sulok ng kama upang hindi ako makita ng tao o kung ano mang nilalang na papasok sa kwarto. Sa tuluyang pagbukas ng pinto, nabigla ako ng patakbo akong nilapitan at niyakap ng aking mga kaibigan. Napawi kaagad ang aking takot sa pag-aakalang ang nilalang na papunta sa kwarto kung nasaan ako ay ang demonyong nakita ko sa aking panaginip. May nakita kasi akong demonyo sa aking panaginip at
Magbasa pa
PREV
1234
DMCA.com Protection Status