Pagkayaring magbago ng aking anyo, pagewang-gewang akong naglakad papunta kay Pikasyo. Pilit nya akong inilalayo gamit ang kanyang mahika. Pero kahit gaano karaming salamangka ang kanyang bitawan, nilalamon lang ito ng awrang nakapalibot sa akin.
“Bakit mayroon kang itim na mahika? Hindi ba’t ang mga tauhan lang ni Lusiper ang mayroong niyan? Paanong nagkaroon nito ang isang normal na taong tulad mo?” natatarantang tanong nito.
Misteryo pa rin para sa amin kung ano ang itim na mahika at kung para saan ba talaga ito. Sa mundo ng Aragona, kakaunting tao lang ang tunay na nakakaalam sa pinagmulan ng itim na mahika.
Hindi tumigil si Pikasyo sa pag-atake sa pag-asang matataboy niya ako. Nagamit na n’ya ang kalahating porsyento ng kaniyang lakas. Pero hindi niya pa rin ako nagagawang galusan. Mas lalo pa itong natarant
Pahigpit nang pahigpit at pasakit nang pasakit ang pagkapit ng itim na anino sa aking katawan. Para bang kinakain nito ang aking balat. Napapasigaw na lang ako sa sobrang hapdi. Subalit walang ibang tao ang nakakarinig sa akin. Dahil sa pagpapatuloy nito, hindi ko na magawang manatili pang gising. Ito ang dahilan kaya muli akong nawalan ng malay. Kasabay nito ang pagbagsak ng katawan ko sa lupa. Muli akong napunta sa isang madilim na kwarto. Walang ilaw, walang hangin at walang kahit ano mang tunog. Habang nag-iisa, matinding liwanag ang biglang sumibol sa madilim na kwarto. Dinala ako nito sa isang panaginip. Napakagandang panaginip kung saan hindi mo na nanaisin pang gumising. Nagtaka sila dahil biglaan na naman akong humandusay sa sahig. “Maaa...” muntikan nang su
“Weh? Hindi nga? Eh kung Diyos ka bakit ka nandito?” nagtatakang tanong ng aking mga kaibigan. Hindi pa rin sila makapaniwala na Diyos ang kanilang kausap.“Nagpapahinga ako sa aking palasyo pero narinig ko na nagkakaroon daw ng kaguluhan dito sa Siana. Kaya pumunta ako rito para tignan ito. Kayo ba? Bakit kayo nandito sa gubat?” pabalik na tanong ni Seraphil.“Oo nagkakaroon ng kagulahan doon sa bayan kaya nga kami nandito para magtago. Kaso naiwan ‘yong isa naming kaibigan doon. Kaya gumagawa kami ng plano ngayon kung paano namin sya makukuha,” sambit ni Mercury.“Ikaw ba? Kung doon ang pakay mo sa bayan, bakit ka nandito sa gubat?” tanong ni Set.“Bumaba muna ako dito sa gubat dahil may nakita ako na ayaw kon
Sa pag-angat ko ng aking itim na espada, daglian ding inihanda ni Pikasyo ang kaniyang sarili upang dumepensa. "Heneral Cleo! Alam ko na ikaw si Heneral Cleo. Matagal na kitang kilala dahil kalat ang pangalan mo sa napakaraming lugar. Sa tingin mo, sino ang tunay na kaaway sa aming dalawa?" tanong ni Pikasyo. "Tumigil ka Pikasyo! Hindi mo ko malilinlang. Parehas lang kayong kaaway," tugon ni Heneral Cleo. Habang nag-uusap ang dalawa, muli akong lumipad ng napakabilis at sinubukan kong atakihin si Pikasyo. Sa sobrang bilis ay hindi ito napansin ni Pikasyo, ngunit nakakabiglang pangyayari ang biglang naganap. Halos dumikit na ang dulo ng aking espada sa leeg ni Pikasyo pero sinalag ito ni Heneral Cleo. Gamit ang buo
"Mac!! Bumangon ka ng bata ka anong oras na," pambungad na sigaw ni mama. Kilala siya sa lugar namin bilang Bot subalit Lory Salas talaga ang tunay niyang pangalan."Opo! Teka lang," nagmamadaling tugon ko naman sa kaniya.Pasukan sa paaralan namin ng araw na iyon kaya't maaga akong ginising ni mama.Pagkabangon mula sa kama, agad akong dumeretso sa banyo. Binuksan ko ang gripo sabay idinampi ang kamay sa malamig na tubig."Grrr. Ang lamiiiiiggg!!" bulong ko sa sarili. Kahit malamig ang tubig, tiniis ko na lamang ito upang mabilis akong matapos sa paliligo."Maacc!!" muling sigaw ni mama."Ano ba ma? Eto na nga 'di ba? Eto na!" naiinis kong tugon sa kaniya.
Kasalukuyang pa ring nasa kamay ng demonyo ang aking katawan. Hindi pa rin umaalis si Jas sa aking harapan. Sinusubukan niya pa ring pigilan si Seraphil para hindi ako nito patayin. Subalit ang demonyo ay kailanman ay mananatiling isang demonyo. “Umalis ka na diyan! Kapag naghilom na ang katawan ng kaibigan niyo siguradong aatakihin niya kahit kayo,” nangangambang sambit ni Seraphil. “Hindi ako aalis! Baka kung ano ang gawin mo sa kanya,” pagpupumilit ni Jas. Napikon na si Seraphil kaya’t hindi nya na napigilan ang magmura. “P*ny*t*! Bakit ba ayaw mong makinig sa akin?” Habang patuloy sa pagpupumilit si Seraphil na paalisin si Jas, hindi nila napansin na mu
Mabagal ngunit malakas ang tunog na naidudulot ng bawat yabag na aking naririnig. Papalapit ito sa akin. Unti-unti kong nararamdaman na papunta na ito sa lugar kung nasaan ako. Napakulot ang aking noo dahil binalot ng takot ang aking kalooban. Sa lalong paglakas at paglapit ng mga yabag, agaran akong nagising at nagtago. Dahan-dahang bumukas ang pinto kaya’t binilasan kong pumunta sa sulok ng kama upang hindi ako makita ng tao o kung ano mang nilalang na papasok sa kwarto. Sa tuluyang pagbukas ng pinto, nabigla ako ng patakbo akong nilapitan at niyakap ng aking mga kaibigan. Napawi kaagad ang aking takot sa pag-aakalang ang nilalang na papunta sa kwarto kung nasaan ako ay ang demonyong nakita ko sa aking panaginip. May nakita kasi akong demonyo sa aking panaginip at
“Paano ninyo malalaman ang tunay na nangyari kung hindi ito makikita ng inyong mga mata? Paano kayo maniniwala kung wala kayo sa pinag-ganapan?” Nagtaka kami sa itinanong ni Seraphil dahil bigla niya na lamang itong sinabi. “Huh? Saan nanggaling ‘yang tanong mo?” nagtatakang tanong ni Nads. “Ang nais ko lang sabihin ay kailangan mo makita at mapuntahan ang nakaraan para matukoy mo kung totoo ba ang sinasabi ng isang tao. Ang tunay na pakay ko kaya ko binura pansamantala ang alaala ni Mac ay hindi para pigilan ang demonyo sa pagsira sa isipan niya. Kung hindi ay para makita ko mismo kung ano ang nilalaman ng kaniyang memorya,” sambit ni Seraphil. “Hindi ka namin maintindihan, ano ba talaga gusto mong sabihin?” tanong sa kaniya ni Dane.
“Akin na ‘yang pagkain mo,” wika ng isang lalaking may mahabang buhok. Tumatawa ito ng malakas habang kinukuha ang pagkain ng isang kaawa-awang matanda. May kasama pa itong ibang lalaki na may malalalaking pangangatawan. “Parang awa niyo na ibalik niyo sa akin ‘yan. Hindi pa kumakain ang mga apo ko simula kahapon,” pagmamakaawa ng matanda. Nanghihina na rin ito dulot ng gutom dahil pati siya ay hindi pa kumakain ng araw na iyon. “Wala kaming pakialam! HAHAHA!” dagdag pa ng lalaki. Ang pagkain na kinuha nila sa matanda ay galing sa pagkaing nirarasyon nila Heneral Cleo sa bayan. Inabangan nila ang lola sa isang maliit na eskinita. Tiyempo namang naglalakad-lakad si Heneral Cleo sa paligid upang magmasid. Nasaksihan niya a