"Mac!! Bumangon ka ng bata ka anong oras na," pambungad na sigaw ni mama. Kilala siya sa lugar namin bilang Bot subalit Lory Salas talaga ang tunay niyang pangalan.
"Opo! Teka lang," nagmamadaling tugon ko naman sa kaniya.
Pasukan sa paaralan namin ng araw na iyon kaya't maaga akong ginising ni mama.
Pagkabangon mula sa kama, agad akong dumeretso sa banyo. Binuksan ko ang gripo sabay idinampi ang kamay sa malamig na tubig.
"Grrr. Ang lamiiiiiggg!!" bulong ko sa sarili. Kahit malamig ang tubig, tiniis ko na lamang ito upang mabilis akong matapos sa paliligo.
"Maacc!!" muling sigaw ni mama.
"Ano ba ma? Eto na nga 'di ba? Eto na!" naiinis kong tugon sa kaniya.
Kasalukuyang pa ring nasa kamay ng demonyo ang aking katawan. Hindi pa rin umaalis si Jas sa aking harapan. Sinusubukan niya pa ring pigilan si Seraphil para hindi ako nito patayin. Subalit ang demonyo ay kailanman ay mananatiling isang demonyo. “Umalis ka na diyan! Kapag naghilom na ang katawan ng kaibigan niyo siguradong aatakihin niya kahit kayo,” nangangambang sambit ni Seraphil. “Hindi ako aalis! Baka kung ano ang gawin mo sa kanya,” pagpupumilit ni Jas. Napikon na si Seraphil kaya’t hindi nya na napigilan ang magmura. “P*ny*t*! Bakit ba ayaw mong makinig sa akin?” Habang patuloy sa pagpupumilit si Seraphil na paalisin si Jas, hindi nila napansin na mu
Mabagal ngunit malakas ang tunog na naidudulot ng bawat yabag na aking naririnig. Papalapit ito sa akin. Unti-unti kong nararamdaman na papunta na ito sa lugar kung nasaan ako. Napakulot ang aking noo dahil binalot ng takot ang aking kalooban. Sa lalong paglakas at paglapit ng mga yabag, agaran akong nagising at nagtago. Dahan-dahang bumukas ang pinto kaya’t binilasan kong pumunta sa sulok ng kama upang hindi ako makita ng tao o kung ano mang nilalang na papasok sa kwarto. Sa tuluyang pagbukas ng pinto, nabigla ako ng patakbo akong nilapitan at niyakap ng aking mga kaibigan. Napawi kaagad ang aking takot sa pag-aakalang ang nilalang na papunta sa kwarto kung nasaan ako ay ang demonyong nakita ko sa aking panaginip. May nakita kasi akong demonyo sa aking panaginip at
“Paano ninyo malalaman ang tunay na nangyari kung hindi ito makikita ng inyong mga mata? Paano kayo maniniwala kung wala kayo sa pinag-ganapan?” Nagtaka kami sa itinanong ni Seraphil dahil bigla niya na lamang itong sinabi. “Huh? Saan nanggaling ‘yang tanong mo?” nagtatakang tanong ni Nads. “Ang nais ko lang sabihin ay kailangan mo makita at mapuntahan ang nakaraan para matukoy mo kung totoo ba ang sinasabi ng isang tao. Ang tunay na pakay ko kaya ko binura pansamantala ang alaala ni Mac ay hindi para pigilan ang demonyo sa pagsira sa isipan niya. Kung hindi ay para makita ko mismo kung ano ang nilalaman ng kaniyang memorya,” sambit ni Seraphil. “Hindi ka namin maintindihan, ano ba talaga gusto mong sabihin?” tanong sa kaniya ni Dane.
“Akin na ‘yang pagkain mo,” wika ng isang lalaking may mahabang buhok. Tumatawa ito ng malakas habang kinukuha ang pagkain ng isang kaawa-awang matanda. May kasama pa itong ibang lalaki na may malalalaking pangangatawan. “Parang awa niyo na ibalik niyo sa akin ‘yan. Hindi pa kumakain ang mga apo ko simula kahapon,” pagmamakaawa ng matanda. Nanghihina na rin ito dulot ng gutom dahil pati siya ay hindi pa kumakain ng araw na iyon. “Wala kaming pakialam! HAHAHA!” dagdag pa ng lalaki. Ang pagkain na kinuha nila sa matanda ay galing sa pagkaing nirarasyon nila Heneral Cleo sa bayan. Inabangan nila ang lola sa isang maliit na eskinita. Tiyempo namang naglalakad-lakad si Heneral Cleo sa paligid upang magmasid. Nasaksihan niya a
“Oo,” sambit ni Heneral Cleo. “Tama ka nga. Sobrang taas ng potensyal nila sa paggamit ng mahika. Nakita ko na rin sila noon, pero ngayon ko lang talaga sila nakita ng malapitan,” wika ni Steban. Kakaunting salamangkero lang ang may kakayahang sumukat ng lakas ng isang indibiduwal at isa na rito si Steban. Kaya niyang makita kung anong klaseng mahika ang tinataglay ng isang nilalang at kung gaano kataas ang kanilang potensyal. “Ano sa tingin mo Steban? Ipapasok mo na ba sila sa iyong paaralan?” tanong ng Heneral. “Bukas mismo ay ipapasok ko na sila. Bukas na ang simula ng mga pagsusulit para sa mga bagong salamangkero na papasok sa paaralan ko kaya makakaabot pa kayo,” ani ni Steban. “Mabuti na lang pala ay sinama kita.” Binalot ng saya at interes ang mata ni Steban. Mula sa aming mga katawan ay lumalabas ang iba’t-ibang kulay ng awra na naidudulot ng aming mga mahika. Ngayon lang siya nakakita ng ganito kaliliwanag na awra na tanging siya lang ang nakakakita. Hindi namin mainti
Unti-unti kong minulat ang aking mga mata. Nag-unat unat ako ng katawan sabay pumunta sa harapan ng bintana. Ang mainit-init na liwanag mula sa araw ang mas lalong nagpagising sa aking diwa. “Grabe ang sarap ng gising ko,” humihikab kong wika sa sarili. “Sana ganito na lang palagi gising ko, mapayapa at walang iniisip na problema.” Mabilis na katok ang bigla kong narinig mula sa pinto. “Hays! Ang aga naman nito nambubulabog. Sino kaya ‘to?” Naglakad ako papunta sa pinto kamot-kamot ang aking nangangating likod. Bubuksan ko pa lamang ito pero agad na itong bumukas. “Mac!!! Anong oras na mahuhuli na tayo sa pagsusulit,” sigaw ni J
Dali-daling nilapitan si Edwin ng kaniyang mga kaibigan at dinala sa klinika ng paaralan. Nagulat ang doktor sa klinika sa linis ng ginawa kong pagpapatulog kay Edwin. Hindi siya nagtamo ng malalang pinsala na tila ba walang nangyari sa kaniya. Sa kabilang banda ay dinala kami ni Steban sa kaniyang opesina at dito kami kinausap. Bagamat namangha siya sa nakita ay hindi niya ito pwedeng ipahalata. Bilang punong-guro ng paaralan ay kailangan niyang maging patas. “Heneral Cleo. Ikaw ang gagawin kong tagapag-alaga nila kaya lahat ng gagawin nila rito ay ikaw ang mananagot. Ayos lang ba ‘yon sayo?” tanong ni Steban. Tumingin ito sa amin. Akala namin ay magagalit ito pero sa halip ay natuwa pa ito at malugod na tinanggap ang sinabi ni Steban.
Kaming magkakaibigan ay nagmula sa mundo kung saan hindi laganap ang gera. Mapayapang namumuhay ang mga tao at ang teknolohiya ay patuloy na umuunlad kasabay ang ekonomiya. Simula ng mapunta kami sa mundo ng Aragona, hindi namin alam noong una kung paano kami makikiangkop sa kakaibang sistema ng mundong ito. Dahil sa aking makasariling desisyon, nadamay ko ang aking mga kaibigan kahit dapat ako lamang ang mapupunto sa mundong ito. Hanggang sa ngayon, ito ang nilalaman ng aking isipan. Kailangan ko silang maibalik sa aming mundo kahit Diyos pa ang pumigil sa akin at humarang sa aming kapalaran. Lumapit silang lahat kaya sinimulan ko nang ipikit ang aking mata at pinakinggan ang kanilang hiling. Hindi ko maramdaman ang mainit na pakiramdam na lumalabas sa akin sa tuwing tumutupad ako ng kahilingan. “Mac, ayaw ba gumana?” tanong ni Mercury. “Ayaw ata eh pre. Sa tuwing gumagana kasi ito may nararamdaman akong parang mainit na pakiramdam. Pero ngayon wala akong maramdaman,” wika ko sa