Semua Bab Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko: Bab 61 - Bab 70
3080 Bab
Kabanata 61
Nagkatinginan sina Zach at Yuri, pagkatapos ay tumingin sila ng nahihiya kay Joshua. “Mr. Lynch, halos alas otso na po ng gabi, at isang bata lang po ang boss namin. Dapat nasa tulugan na po siya.”“Kaya, baka po…”Naging malamig ang tingin ni Joshua sa mukha ni Zach. “Hindi ba’t sinabi mo kanina na kachat niyo lang siya?”Muling nagkatinginan ang dalawa bago nila tinawagan si Neil at sinabi na gusto siyang makita ni Joshua.“Sige.” ngumiti ng malamig si Neil sa balkonahe ng bahay ni Anne.Kausap siya ni Nellie kanina at sinabi nito sa kanya na inaway ng masamang lalaki na ‘yun ang Mommy nila, pero gusto nitong makipagkita sa kanya ngayon?Ah, marami siyang paraan para ipaghiganti si Mommy!Habang iniisip ito, binaba ni Neil ang phone at bumaba siya papunta sa kusina. Kumuha siya ng isang bote ng Sprite at isang pinya mula sa ref. Kinuha niya ang juice ng pinya, hinalo ito sa sprite, at dinagdagan niya ng ibang espesyal na sangkap. Pagkatapos ay binuhos niya ito sa isang thermos
Baca selengkapnya
Kabanata 62
Iniisip ni Joshua na nababaliw na siguro siya.“Gusto niyo po akong kwentuhan?” kumurap si Neil at naging mabait ang ugali niya. “Sige po!”Ngumiti ng mapait si Joshua. Pinahinto niya ang kotse kay Lucas sa tabi ng Bay Bridge kung saan wala gaanong tao kapag gabi. Kahit ang mga kotse ay kaunti lang.Binuksan ni Joshua ang pinto at tumayo siya sa tabi ng tulay. Tumingin siya sa tubig sa ilalim ng tulay. “Dito naaksidente ang asawa ko. Iniwan niya ako, pagkatapos ay nagkaroon siya ng aksidente.”“Nung pumunta ako sa eksena, maliban sa magulong sitwasyon at sira sira na railing, wala nang natira. Hindi ko alam kung saan siya napunta; hindi ko siya mahanap. Sinabi ng iba na namatay siya, pero hindi ako naniwala dito kahit minsan. Hangga’t hindi ko nakikita ang katawan niya, may pagasa pa rin ako na buhay siya.”“Sa nakalipas na kalahating buwan, naging tama ang hula ko. Buhay pa nga talaga siya. Hindi lang siya buhay, pero pinanganak niya rin ang anak namin. Siya ay ang batang iniligt
Baca selengkapnya
Kabanata 63
“Ayos lang naman po si Daddy kaninang hapunan.”Nakahawak si Nellie sa kamay ni Luna habang nakatayo sila sa main lobby ni Central Hospital. Nagaalala siyang tumingin sa kalayuan. “Bakit bigla pong sumama ang pakiramdam niya?”“Baka may nakain o nainom siya pagkatapos,” ang simpleng sagot ni Luna.Tumingin siya sa entrance ng hospital at nagsalubong ang mga kilay niya. Bakit nagkaproblema sa tiyan si Joshua? Mula sa naaalala niya, maganda ang panunaw ni Joshua. Lagi siyang nakikipaghalubilo sa iba, ngunit ni minsan hindi siya nagkaroon ng problema sa tiyan.Nagkaroon ng problema sa tiyan si Joshua sa loob lang ng anim na taon? Anong ginagawa ni Aura? Hindi niya ba inalagaan si Joshua hanggang maging ganito ang kondisyon hniya?Habang malalim na nag iisip, may huminto na isang itim na Maserati sa entrance ng hospital.“Si Daddy!” agad na binitawan ni Nellie ang kamay ni Luna at tumakbo siya ng mabilis papunta sa kotse.Nang makita niya ang pag aalaga ng anak niya, may kakaibang e
Baca selengkapnya
Kabanata 64
Matapos ang ilang saglit, bumukas ang pinto ng emergency room.Lumabas ng nakasimangot ang doctor. “Bigyan niyo po ako ng listahan ng lahat ng kinain ni Mr. Lynch ngayong araw. Gusto ko suriin ang lahat.”Kumunot ang mga noo ni Lucas. “Anong ibig sabihin niyo doc?”“Pinainom siya ng malakas na laxative.”Walang masabi si Luna. Alam niya na kung sino ang nagpainom nito kay Joshua.Kung sabagay, bago siya dumating, ang anak niya ay sadya na pumunta sa doctor at sinabi na seryoso ang constipation nito.Nagbuntong hininga si Luna. Kalokohan ito!“Pati.” tumingin ng malamig ang doctor kay Lucas “Alam niyo naman po na masama ang kondisyon ng tiyan niya. Bakit niyo siya pinainom ng malamig na inumin ng gabi?”Nabigla si Lucas. Naalala niya na si Neil ang nagbigay ng inumin kay Joshua, laxative pala ito...Huminga siya ng malalim. “Luna, ikaw muna ang bahala kay Mr. Lynch. Tatawagan ko ang butler para alamin kung sino ang mga katulong na gumawa ng hapunan ngayong gabi.”Habang sinasa
Baca selengkapnya
Kabanata 65
Walang dala na laxatives si Luna.Yumuko si Luna. “Hindi ko po dala.”“Lucas,” ang tono ni Joshua ay malamig, “Bumalik ka sa Blue Bay Villa at kunin mo ang natitirang laxatives.”Pagkatapos, medyo malandi ang tingin niya. Tumingin siya ng malalim kay Luna. “Saan mo nilagay?”Kinagat ni Luna ang kanyang labi. Hindi niya alam kung bakit sabik ang lalaking ito na ipainom sa kanya ang laxatives na nainom nito.Kumunot ang noo ni Luna. “Mr. Lynch malaki pong abala para kay Lucas na bumalik para kunin ‘yun. Nasa hospital naman po tayo, bakit hindi po natin makuha ang doctor na—”“Tama!” halatang ayaw bumalik ni Lucas sa Blue Bay Villa, ngunit bago pa matapos si Luna, sumingit si Lucas, “Sir, tawagin ko na po ba ang doctor?”“Ang sabi ko, gusto kong inumin niya ang natitirang laxatives.” Tumingin ng malamig si Joshua kay Lucas. Ang tono niya ay kasing lamig ng Arctic. “Hindi mo ba maintindihan?”Nabigla si Lucas. Dumilim ang kanyang ekspresyon.Tumingin siya kay Luna at tinanong niya
Baca selengkapnya
Kabanata 66
“Ikaw ang may gustong sumama sa akin sa kama at maging babae ko, pero ayaw mong maging malambing sa akin. Pinainom mo ako ng gamot, at tumanggi ka pang inumin ang inumin ko,” ang sabi ni Joshua habang nakatitig siya ng malamig kay Luna. “Luna, ano ba ang sinusubukan mong gawin?”Sa sobrang tindi ng titig ni Joshua ay hindi tumingin pabalik si Luna. Umubo ng mahina si Luna at nanatili siyang tahimik habang nakayuko.“Base sa mga plano mo dapat, tama lang na pinainom mo ako ng gamot, pero hindi dapat laxative.” makisig at nakakaakit ang boses ng lalaki sa pandinig ni Luna.Humigpit ang dibdib ni Luna. Kinagant niya ang kanyang labi. “Ako po ay…”“Pumikit si Joshua at nagpasya na siya, “Hindi ako ang layunin mo.”“Sabihin mo pala sa akin, ano ba ang gusto mo?” mahina ang boses ni Joshua.Sinusubukan niya bang magpanggap na si Luna Gibson? Baka gusto niya lang si Nellie? Ang dalawang rason na ito ay hindi sapat kung bakit gusto ni Luna na manatili sa tabi niya.May iba pa sigurong r
Baca selengkapnya
Kabanata 67
Nataranta si Luna. “Wala!” agad niya itong itinanggi, natatakot siya na matuklasan ni Joshua ang ugnayan nila ni Neil.Walang sinabi si Joshua tungkol dito at tumingin lang siya kay Luna, kaya’t mas naging balisa si Luna sa bawat lumipas na sandali.Matapos ang ilang sandali, tumingala si Luna. “Wala akong ugnayan sa kanya—totoo. Kasi…” huminga ng malalim si Luna at tumingin siya kay Lucas na nakatayo sa tabi ni Joshua.“Dahil po ito kay Mr. Bean. Sinabi niya po na gusto niyang alamin kung sino ang nagpainom sa inyo ng gamot. Sinabi niya na kapag hindi po ako ‘yun, ay wala nang iba kundi ang batang lalaki sa labas.”Nung binanggit ni Luna si Neil, nagpanggap siya na hindi niya ito kilala. “Mukhang nakikipaglaro lang po sa inyo ang bata, pero hindi niya po ito kakayanin kapag nagalit kayo. Kung sabagay, isang bata lang po siya.”“Kaya ikaw na ang umamin na pinainom mo ako ng gamot?”“Mhm.”“Ah.” tumaas ang kilay ni Joshua at ngumiti siya. “Sino ang mag aakala na si Ms. Luna ay is
Baca selengkapnya
Kabanata 68
Ngumiti si Joshua. “Totoo naman.”Pagkatapos, tumingin si Joshua kay Luna. “Pero, wala akong pakialam kung anong gawin mo kay Aura. Gusto kong makita kung sino ang mananalo sa inyo.”Lumubog ang puso ni Luna. Kaya pala hindi binanggit ni Joshua si Aura, hinihintay niya na banggitin ito ni Luna.Gusto niyang makita kung sino ang mananalo sa pagitan nila ni Aura? Nagduda si Luna.Sinusubukan lang siguro ni Joshua na matuto si Aura, dahil nararamdaman niya siguro na masyado niyang pinamihasa si Aura, hindi kaya?Kung sabagay, kayang patayin ni Joshua si Luna Gibson—na ipinagbubuntis ang triplets—noon dahil kay Aura, ano pa ngayon?”Sa kasamaang palad, noon, sinubukan ni Joshua na aliwin si Aura, at pinahirapan siya nito. Sa sandaling iyon, upang masiyahan si Aura, kailangan pa rin siyang pahirapan.Hindi napigilan ni Luna na makaramdam ng pait habang iniisip ito, ngunit hindi nawala ang ngiti niya. “Natural lang po na hindi ko matatalo si Ms. Gibson.”Maging anim na taon na ang n
Baca selengkapnya
Kabanata 69
Dinala ni Luna si Nellie at Neil pabalik sa Blue Bay Villa, at nagtext siya kay Anne na si Neil ay kasama niya at papunta doon.“Tsk, tsk! Ang ganda ng bahay ng masamang lalaking ‘yun.” ito ang unang beses ni Neil sa villa. Habang sinusuri niya ang maluhong villa, hindi niya napigilan na mangutya, “Apat tayong tumira sa isang dosenang metro kwadrado na lugar sa ibang bansa, pero siya nakatira sa isang malaking bahay na ganito ng mag isa!”Kumunot ang noo ni Luna. “Neil, mag ingat ka sa mga sinasabi mo!” Mabuti na lang at wala sa trabaho ang mga katulong ng ganitong oras, kung hindi, magkakaroon sila ng malaking problema kapag may nakarinig kay Neil!“Tumingin po ako sa paligid, at tayong tatlo lang po ang nasa bahay na ‘to.”Ngumiti ng mapaglaro si Neil at tinaas niya ang kanyang hinliliit, at hinila ang mga daliri ni Luna. “Mommy, alam ko po ang pinag aalala niyo. Magiging mabait po ako!”“Tsk.” gumulong ang mga mata ni Nellie kay Neil. Humalukipkip siya at umupo siya ng galit sa
Baca selengkapnya
Kabanata 70
Hindi nagbigay ng hint si Neil, ito ang dahilan kung bakit pinahula niya si Nigel!“Una, kakabalik mo lang dyan sa bansa. Wala kang ibang lugar na mapupuntahan. Pati gusto mo akong pahulain, kaya’t ang lugar siguro na ‘yan ay mahuhulaan ko pero hindi ko paniniwalaan. Bukod pa doon, mukhang exciting ang lugar na ‘yan para sayo, kaya’t gusto mo ‘tong sabihin sa akin.”Parang bata pa rin ang boses ni Nigel, ngunit ang tono niya ay mature at kalmado. “Kapag pinagsama ang lahat ng ito, ang lugar kung saan ka matatagpuan ay ang bahay ng masamang lalaki na si Joshua Lynch.”Naging malungkot si Neil. “Hindi masayang makipaglaro sayo.”“Kaya’t ‘wag ka nang makipaglaro ng mga boring na laro na tulad nito.” Ngumiti ng bahagya si Nigel. “Sabihin mo sa akin, bakit ka nandyan?”Tinikom ni Neil ang kanyang mga labi at isinalaysay ang mga nangyari ngayong gabi kay Nigel.“Kulang ka sa pagiingat,” ang sabi ni Nigel. “Mabuti na lang at naharap ito ng mabuti ni Mommy. Kung hindi, baka natuklasan na
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1
...
56789
...
308
DMCA.com Protection Status