All Chapters of The Bachelor's maid: Chapter 31 - Chapter 35

35 Chapters

Kabanata tatlumpu't isa

 “Himala! Nandito ka,” si Tita Lara na nakataas ngayon ang isang kilay habang tinitingnan n'ya ako at pinagkrus n'ya ang dalawa n'yang braso. “Si Tatay?” “Sa kuwarto. Pababa na 'yon,” sabay upo n'ya sa sofa ngayon na nandito sa sala. “Pumunta kami kahapon sa bagong tinutuluyan ni Chelsea. Napag-usapan na rin nami ang tungkol sa kasal nila.” “Pumayag naman kayo. Mabuti naman tanggap n'yo si Pino. Actually, kilala ko ang buong pamilya n'ya. Hindi ko nga akalain na siya pala ang naka-buntis kay Chelsea. Tapos ang kapatid n'ya pala bestfriend ko rin. Small world 'di ba?” taimtim lang itong nakatingin sa akin. “Hindi naman ako matapobre talaga na makikita sa TV, sa mga drama. Ang sa akin lang naman ay panindigan ng lalaking 'yon ang ginawa n'ya kay Chelsea. Kahit nakakahiya sa mga Amega ko. Ang importante n
Read more

Kabanata tatlumpu't dalawa

 Sabado ngayon at naisipan namin ni Karlos na dumalaw kila tatay. Pinakilala ko na si Emzo sa kanila. Si tatay sobrang tuwa. Nakita ko sa kaniya na masaya siya na makita ang kaniyang apo. Si Chelsea naman. Hindi ko alam sa kaniya. Dinadalaw ko naman siya matapos ang dalawang linggo no'ng nasaksihan ko na hindi maganda ang trato sa kaniya ni Pino. Okay naman daw silang dalawa. Pero hindi ako kumbinsido. Kung hindi lang dahil sa kaniya, kung hindi ako naaawa siguro alam na ng mommy at daddy n'ya ngayon at kalagayan n'ya sa puder ni Pino. Pero ayaw n'ya. Ako naman nag-ha-hanap ng timing na i-sumbong si Pino kay Tita Lara. Pero anong magagawa ko. Binantaan ako ni Chelsea. Magpapakamatay daw siya kapag mag-sumbong ako. Ayaw n'yang mawala si Pino sa kaniya. Sobrang mahal n'ya ang lalaki na ikamamatay n'ya talaga kapag tuluyan na siyang iwanan. “Naku, ang haba na ng buhok ni Emzo. Try kay
Read more

Kabanata tatlumpu't tatlo

 "Mabuti naman dinalaw mo ako dito," nagtatampong salubong sa akin ni Ate Elys pagkapasok ko sa kuwarto kung saan siya naka-confine ngayon. Naka-upo ito sa ibabaw ng kama n'ya habang mah nakasabit na dextrose sa may kamay n'ya. "Syempre naman. Gusto kitang dalawin. Lumabas na si baby." Tumingin ito sa tiyan n'ya na ngayon ay hindi na malaki ang umbok. Tapos tinaas n'ya ang tingin sa akin na naka-ngiti. "Obvious naman tinatanong mo pa, hahaha. Joke lang!" "Kapanganak mo lang nag-bi-biro ka na. Si Kuya Sander?" "Umuwi sa bahay. Hindi mo nakita do'n?" Kumibit-balikat ako sa tanong n'ya. "Ka-a-alis na rin namin ni Karlos. Nasa baba siya may bibilhin daw para sa 'yo. Si Drake gustong sumama. Ayaw ni madam. Siya na raw ang mag-a-alaga sa mga apo n'ya." "Hayystt, hindi ko alam kung ilang days ako dito. Sabi ng doctor ko dalawang araw nalang daw puwede n
Read more

Kabanata tatlumpu't apat

 Naalimpungatan ako bigla dahil sa naramdaman kong may tumapik sa pisnge ko. Pagmulat ko namalayan ko nalang ang sarili ko na nakahiga dito sa passenger's seat.  “Si Emzo?” papungas-pungas kong hanap sa aking anak. “Nasa likod,” sagot ni Karlos. Napabangon naman ako sa paghiga at binalingan sa likod si Emzo na mahimbing natutulog ngayon. “Saan tayo?” napapikit na tanong ko dahil wala akong may naaninag. Napatingin ako sa labas at nakita ko na may maraming building sa harap. Namalayan ko nalang na nandito kami sa mataas na bahagi nakahinto. “Baba tayo,” nakangiting aya nito sa akin. Sinimangutan ko lang siya dahil antok na antok pa talaga ako. Tiningnan ko naman sa likod si Emzo na humihilik na ngayon ang himbing ng kaniyang tulog kaya hindi ko napigilang mapangiti. Pagkababa ko sa kotse nakita ko si Karlos na nakat
Read more

Huling Kabanata

 Sa dalawang buwang nakalipas, marami ang nangyari. Kinasal sila Pino at Chelsea, isang buwan na ang nakalipas. Tapos kahapon ay nanganak na si Chelsea. Sinilang n'ya na ang healthy baby boy nilang dalawa ni Pino. Masaya naman ako kasi hindi pinababayaan ni Pino si Chelsea. Nasa tabi lang siya ng kapatid ko hanggang sa manganak. Hindi ko siya in-utusan. Kusa n'yang ginawa. Mag-asawa naman silang dalawa at nakikita ko naman kay Pino na ginagampanan n'ya ng maayos ang pagiging asawa n'ya kay Chelsea. Hindi n'ya naman pinapabayaan ang kapatid ko. Natuwa nga sila Tita Lara at Tatay sa kanilang dalawa.  “Good morning, ma'am.” “Good morning, ma'am.” “Good morning, ma'am.” Nginingitian ko lang ang mga empleyadong bumabati sa akin at saka ko rin sila binabati pa-balik sabay yuko. Sarap pala sa feeling na binabati.
Read more
PREV
1234
DMCA.com Protection Status