All Chapters of The Bachelor's maid: Chapter 11 - Chapter 20
35 Chapters
Kabanata labing-isa
 "Nandito na tayo!" Anunsiyo ni Ate Elys nang tumigil ang kotse na sinasakyan namin ngayon sa tapat ng bahay nila. "Ma-una ka na sa loob. Ako na ang bahala sa mga gamit mo na nagdadala," ngumiti ito ng ubod na tamis na agad ko namang tinanguan. Dito na ako titira sa bahay ng mga Buenavista. Ayaw ko sana. Pinilit ako ni Ate Elys. Palagi n'ya akong kinukulit araw-araw sa bahay para pumayag na dito na ako tumira.  Hindi ko alam kung tatagal ba ako dito. Kung ako ang tatanungin, ayaw ko ang ideyang dito na titira. Kasi nahihiya ako lalo na kay madam. Okay naman siya sa akin ngayon. Pero nangangamba pa rin ako sa posibilidad na mangyari. Iba kasi kapag kaming dalawa ni nanay ang mag-kasama. Kaso wala na siya ngayon. Masakit. Hindi ko yata kayang i-adopt ang ganitong klaseng environment. Nag a-adjust pa ako na sana makayanan at makasanayan ko. "Mom, si Alexa nandito n
Read more
Kabanata labing-dalawa
 “Ang cute talaga,” aliw na aliw na sambit ni ate habang karga ngayon si Baby Emzo. Isang buwan na ngayon si Baby Emzo. Habang lumilipas ang mga araw at palaki siya nang palaki. Sa tulong ni Aling Berna, madam, ate at ni Karlos. Hindi ako nahihirapang alagaan si Emzo. Kasi palagi silang nandiyan tumutulong sa akin at katuwang ko kay Emzo. “I-higa ko na siguro siya sa higaan n'ya. Tulog na,” sabay pakita ni ate sa akin kay baby na mahimbing na ngayong natutulog. “Sige, ate. I-higa mo na siya. Tulog na nga,” ngiting sabi ko kay Ate Elys na agad naman nitong tinanguan at pagkatapos ay ini-higa n'ya na si baby sa ibabaw ng kama para patulugin. “Himbing na himbing na ang tulog n'ya. Ma-iwan muna kita dito. Kailangan ako ni Karlos sa kompanya ngayon.” “Salamat, ate. Mag-ingat po kayo.” Tinapik ako nito sa balikat
Read more
Kabanata labing-tatlo
 “Anong ginagawa natin dito,” usisa ko kay Karlos nang makarating kami dito sa isang lugar kung saan dito n'ya ako dinala ngayon. Nginitian n'ya ako at saka nilapitan para akbayan. Kunot-noo ko namang siyang tiningnan. Kasi wala talaga akong ideya kung bakit n'ya ako dinala dito. “Haysstt, ang ganda ng lugar, 'no?” tanong nito sa akin na malapad ang ngiti. Dahan-dahan naman akong tumango sa sinabi at taka ko pa rin siyang tinitingnan habang naka-akbay pa rin siya sa akin ngayon. Ang kanang braso n'ya naka-akbay sa balikat ko at ang kaliwang kamay naman n'ya ay nakahawak sa isa kong kamay na nakababa. “Gusto mo ba dito?” “Pinagsasabi mo?” Kinalas ko patalikod ang braso nito na naka-akbay sa akin. Ngunit sadyang malakas ang pagka-akbay n'ya sa balikat ko na 'di ko kayang alisin sa balikat ko. “Tinatanong kita. Gusto
Read more
Kabanata labing-apat
 Dalawang linggo ang nakalipas nang huli kong nakita dito sa bahay si Ate Elys. Dalawang linggo ko na ring napapansin na parang lumalayo sa akin si Karlos. Pero dumadalaw naman siya sa kuwarto para kumustahin si Emzo nang mabilis. Pagkatapos ay aalis naman siya. Parang nag-iba siya. Hindi na siya kagaya dati na tumatagal sa kuwarto at magpapalambing sa akin. Ngayon napapansin ko, nararamdaman ko na umiiwas siya sa akin na hindi ko alam kung bakit. Wala rin akong ideya. Masakit sa kalooban ko. Nasasaktan din ako. Namalayan ko nalang na nagsasalita pala mag-isa ang anak ko ngayon. Tiningnan ko ito na masaya at aliw na aliw sa mga sinasabi at binibigkas ng bibig n'ya. Nagpapapadyak pa siya sa tili sa ibabaw ng legs ko. Buhat ko kasi itong patayo sa ibabaw ng legs ko habang hawak ko siya sa magkabilang kili-kili n'ya bilang alalay para hindi siya matumba. “Yes, baby. Tuwang-tuwa ka nga
Read more
Kabanata labing-lima
 Nagising ako sa isang kuwarto na kulay puti lahat. Lumingon ako sa kabilang direksyon at nakita ko sila Aling Berna at Ate Elys na nandito sa gilid ng kama na hinihigaan ko ngayon. “Si Emzo?” hanap ko sa anak ko dahilan para lingunin nilang dalawa ako. “Iha, gising ka na pala,” gulat na sambit ni Aling Berna nang lapitan n'ya ako dito na nanatiling nakahiga. Nakita ko na nagkatinginan silang dalawa na may alam sila na hindi ko alam.  “Alexa,” malungkot na tawag sa akin ni ate. Hinawakan nito ang isa kong kamay at saka ko siya takang tiningnan. “Magpahinga ka muna. Hindi ka pa malakas.” Bumaling sa ibang direksyon ang ulo at pagkatapos ay saka ko kinunutan ng noo si ate. “Si Emzo, ate. Nasaan siya. Kay Karlos ba?” hindi ito sumagot na nagbaba ng tingin. “A
Read more
Kabanata labing-anim
AFTER SEVEN YEARS... "Mama!" Humahangos na takbo ng isang batang lalaki papunta sa akin ngayon. "Uy! Namiss kita!" sabik na sambit ko sa kaniya nang yumuko ako para mapantayan ko siya at mayakap ng sobrang higpit. "Mama, bakit ngayon lang po kayo pumunta dito?" Hindi ko napigilang ngumiti sa kaniya sabay haplos ko sa kaniyang buhok ngayon at saka ko siya dinampihan ng halik sa kaniyang noo. "Namiss mo talaga si mama. Tara sa loob," anyaya ko sa kaniya at hawak kamay kaming dalawa pumasok sa loob ng bahay. "Alexa, nandito ka na. Mabuti nakapunta ka dito. Alam mo ba 'yang bata na 'yan? Miss na miss ka na n'ya. Palagi ka n'yang hinahanap sa akin." Napangiti naman ang bata na buhat ko na ngayon nang siya ay lingunin ko. "May chocolate ako dito. Heto, para sa 'yo 'yan," sabay abot ko sa kaniya ng chocolate na tinanggap n'ya naman at saka ko na siya binaba. Nangang
Read more
Kabanata labing-pito
 Natapos ang Christmas at new year na sa kuwarto ko lang ako nag-mukmok. Hindi ko kasi feel. Niyaya rin ako nila Ate Elys na sa bahay nalang nila ako maki-celebrate. Tinanggihan ko dahil mas gustuhin ko pang mag-mukmok dito sa kuwarto ko. “Tay, pinatawag n'yo raw ako?” tanong ko sa tatay ko pagkapasok ko dito sa opisina n'ya. Pinapapunta n'ya kasi ako dito sa kompanya nila nang hindi ko alam kung bakit. Tumingin ako sa harapan at nakita ko si Tita Lara na naka-upo at masama ang tingin sa akin ngayon na nangingigil. Agad ko namang in-iwas ang tingin ko sa kaniya dahil pati ako ay nahahawa sa mood n'ya ngayon. “Alexa, ma-upo ka muna.” “Bilisan mo na, tay. May lakad pa kami ni Drake ngayon,” inis na saad ko sabay tingin sa relo na nasa kaliwang kamay ko ngayon. Narinig ko namang nagpawala ng malalim na hininga si Tita Lara. Wala rin akong choice kung hind
Read more
Kabanata labing-walo
 Pagkagaling ko sa bahay nila Ate Elys. Dito ako dumiretso sa isang coffee shop kung saan minsan akong nandito para mag-kape. Gawain ko na ito minsan lalo na kapag kila ate ako nakitulog, dito agad ako didiretso. Like, nakasanayan. Ngayon nga ay nandito ako at nakapag-order na rin ako ng kape ko na usually in-order ko dito. Creamy latte. Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko ngayon. Alas-otso na pala. Nakaramdam na rin ako ng pag-ihi. Hindi ko na kaya 'to. Kaya nag-desisyon akong pumunta nalang sa rest room dito at matagal pa siguro ang order ko. Tumayo na ako para pumanhik sa rest room na nandito sa likod banda. Kabisado ko na kung nasaan ang rest room dito lalo na minsan akong nandito. Mabilis naman akong natapos. Nag-hugas muna ako ng aking kamay bago lumabas. Paglabas ko, nagkataon naman na may nakasalubong akong isang lalaki na pupunta rin siguro sa rest room ng mga lalaki. Pero natigilan ako. Dahil kil
Read more
Kabanata labing-siyam
 “Oo nga ate. Nakita ko talaga kahapon si Karlos pagkagaling ko dito,” sumbong ko kay ate. Nandito ako sa bahay nila ngayon para dito naman matulog. “Siguro. Alam mo naman na kinalimutan na ako ng pamilya ko. Remember, no'ng kasal ko hindi sila pumunta. Kaya sorry talaga. Wala akong balita kung talagang nandito si Karlos. Hindi na rin kami close gaya nang dati,” malungkot na sambit ni ate na alam ko naman. “Si Emzo lang naman ang kailangan ko, ate,” ma-i-iyak na sabi ko kay ate. Nilapitan ako nito para akbayan. Nandito kasi kami naka-upo sa sofa. “Ano na kaya ang itsura ni Emzo, 'no?” nagkibit-balikat ako sa tanong ni ate. In-isip ko rin kung ano na ba ang itsura ni Emzo ngayon. Alam ko noon na kuha n'ya ang itsura ng daddy n'ya. Napapa-isip ako at na-curious kung ano na ba ang itsura n'ya ngayon. “Kilala n'ya kaya ako?” malungk
Read more
Kabanata dalawampu
Na-una nang um-uwi si tatay. Ako nalang ang na-iwan dito ngayon. Tiningnan ko ang oras sa aking cellphone, alas-dyes na pala ng gabi. Nakatulog kasi ako kanina. Like, naka-upo ako sa swivel chair ko. Then, ang ulo ko ay nakahiga sa ibabaw ng lamesa. Ganito ang posisyon ko kanina na natutulog. Palagi kong ginagawa 'to kapag alam ko na antok na ako. Oras na siguro para um-uwi. Hindi pa ako nakapag-hapunan. Nakita ko rin na may text si tatay sa akin. Hinahanap na nila ako. Niligpit ko na ang mga gamit ko para umuwi sa bahay. Mabuti nalang dala ko ang kotse ko ngayon. Minsan kasi hindi ko ito dinadala at nag-co-commute ako. Mabilis akong dumiretso sa parking lot ng building na 'to para sumakay na sa aking kotse. Mabilis naman akong nakapasok. Nandito na ako naka-upo sa driver's seat para mag-maneho pauwi. Pinaandar ko na ang makina at umalis na dito hanggang sa makalabas ako at ngayon binabagtas ko na ang kalsada, ang daan k
Read more
PREV
1234
DMCA.com Protection Status