All Chapters of The Billionaire's Twin Babies : Chapter 21 - Chapter 30
83 Chapters
Kabanata 10.1
Hindi ko na namalayan pa ang pagdaan ng mga araw. Natagpuan ko na lamang ang sarili ko na naglalakad na ngayon sa pulang carpet habang nakasuot ng white wedding gown at lalaking naghihintay sa akin sa unahan. Ang kasal na pinangarap ko ang biglang naglaho, ang magpakasal sa taong gusto kong makasama habang buhay, ang lalaking papakasalan ko dahil mahal ko ay nawala. Ang lahat ng mga pangarap ko para sa sarili ko ay tila naging abo na lamang at sumama na lang sa hangin. Ang malafairy tale na pag-ibig na pinangarap ko ay hindi ko aakalaing ganito ang kakalabasan. Magpapakasal ako sa lalaking hindi ko mahal, sa lalaking hindi ko kilala. Hindi ako sigurado sa kaniya habang nasa iisang bahay kami, hindi ko makita sa kaniya na siya ang makakasama ko hanggang sa pagtanda. Gusto ko sanang ikasal sa lalaking pinangarap ko at hindi sa lalaking hindi ko kilala.Pero sadyang ganun talaga ang tadhana, hindi lahat ng gusto mo ay makukuha mo. Hindi lahat ay katulad ni Cinderella, hind
Read more
Kabanata 10.2
Umalis naman na si Samuel at pumasok sa loob, si Noah naman na ang nagbukas ng pintuan para sa akin. Napakagentleman talaga ng isang yun, alam niya na ngang ang laki-laki ng gown hindi man lang ako tinulungan kahit hanggang tapat lang ng kwarto ko.Hirap akong bumaba dahil sa laki ng wedding gown ko, mabuti na lamang at hindi naman ako iniwan ni Noah at tinulungan akong makababa at tinulungan niya na rin akong buhatin yun hanggang sa makaakyat kami ng hagdan.“Gaano ba kabigat yang gown mo at kailangan mo pa ng katulong? Nabuhat mo naman yan kanina ng mag-isa lang.” Saad niya, inirapan ko na lang siya saka hinarap si Noah.“Thank you,” saad ko saka binuksan ang pintuan ng kwarto ko saka pumasok. Napairap na lang ako sa hangin ng maalala kong hindi ko nga pala kayang tanggalin ito ng mag-isa. Tinawagan ko na lamang si Anna para tulungan ako. Hindi naman siya nagtagal at kumatok na sa pintuan ko.“Congra
Read more
Kabanata 11.1
TIFFANY POVMaaga kaming nagising na dalawa. Alas singko ang alis namin, para naman kaming nagmamadali. Nakaprivate plane naman pala kung bakit kailangan pa naming umalis ng maaga. Lumabas na ako ng kwarto ko habang hila hila ko ang maliit kong maleta, sakto rin ang paglabas ni Samuel sa kaniyang kwarto. Wala namang salita niyang kinuha sa akin ang maleta ko.“Okay lang naman, hindi naman mabigat eh.” Saad ko pero hindi niya ako pinakinggan at tuluyan ng bumaba dala-dala ang maleta naming dalawa.“Hindi na po ba kayo magkakape ma’am, sir bago umalis?” Tanong naman ni Anna ng makarating kami ng sala.“Sa plane na lang kami,” sagot naman ni Samuel kaya tumango na lang si Anna, ramdam ko pa ang puyat ko kahit na maaga naman akong natulog kagabi. Tahimik akong sumunod kay Samuel ng lumabas na siya, nasa labas na rin pala si Noah at naghihintay sa amin. Inayos na nilang da
Read more
Kabanata 11.2
Naglakad ako patungo sa kaniya at hindi niya naman ako nililingon, abala lang siya sa pagtipa sa laptop niya.“Hindi ka pa ba nakain?” tanong ko sa kaniya.“Ano ba sa tingin mo?” malamig niyang aniya saka itiniklop ang laptop niya at tumayo at diretsong nagtungo ng kusina. Anong problema ng lalaking iyun at nagsusungit? Tsss. Sumunod na lang din ako sa kaniya at nakaupo na siya sa upuan. Nanguha naman na ako ng dalawang pinggan at kutsara saka nilagyan ng pagkain naming dalawa.“Hindi mo na lang sana ako hinintay, pwede naman akong kumain pagkagising ko.” anas ko pero hindi niya ako pinansin, kinuha niya na ang pinggan niyang nilalagyan ko ng pagkain saka nag-umpisa na siyang kumain. Hindi ko naman kasi sinabi sa kaniya na hintayin niya akong kumain tapos ngayon magagalit? Makaemote lang eh!Kumain na lang din ako katulad niya. Walang nagsasalita sa aming dalawa, tanging ingay na lamang ng mga ku
Read more
Kabanata 12.1
“Let’s go?” sambit ni Samuel ng makagayak na ako. Tiningnan ko naman ang kabuuan niya at ang gwapo niya talaga, hindi siya nakasuot ngayon ng tuxedo na halos araw-araw kong nakikita sa kaniya. Isang simpleng damit lang naman pero bumagay talaga sa kaniya. Lumapit na ako sa kaniya at ikinawit ko na lamang ang kamay ko sa braso niya ng ilahad niya iyun. Kung titingnan mo talaga ay para kaming mag-asawa, mag-asawang nagmamahalan talaga.Nang makababa kami ng elevator ay inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng paligid at talaga namang nakakamangha. Ito yung lugar na muntik kong tanggihan? My God Tiffany! What happened to you? Lihim akong napapangiti dahil sa ganda ng paligid, my dream. Hindi ko alam na yung pangarap kong bansa na gusto kong puntahan kasama ng makakasama kong tao habang buhay ay kay Samuel ko pa natupad. Okay lang naman at least natupad ko pa rin naman yung dream country ko. Ito yung mga pagkakataon na muntik kong hindi magawa para lang m
Read more
Kabanata 12.2
“Not like that Sam, kahit ilang pictures pa ang kunin sa cell phone ko pero iisa yung posing nating dalawa at ang background useless din. Hinila ko na lamang ang kamay ni Samuel saka sinenyasan ang driver na sumunod sa amin. Nagtungo pa kaming dalawa sa ibang direction saka naghanap ng maganda pang spot. Nang makahanap naman na ako ay tiningnan ko si Samuel saka ako nagtungo sa likod niya. “You’re good in acting, right?” taas kilay ko pang tanong sa kaniya ng lingunin niya ako habang nasa likod niya ako.“What do you want?” tanong niya sa akin pero hindi ko na siya sinagot. Humawak ako sa dalawa niyang balikat saka ako tumalon at sumakay sa likod niya.“I just want a piggy back,” saad ko sa kaniya saka inayos ang pagkakasakay ko sa kaniya. Nanlaki pa ang mga mata ko ng hawakan niya ang pwet ko para mas itaas ako. Hindi naman ako pwedeng magreklamo lalo na at ako ang may plano nito. Naiilang man ako ay ipinagsa
Read more
Kabanata 13.1
“May balak ka pa bang puntahan?” tanong sa akin ni Samuel ng makababa kami ng sasakyan. Kaninang umaga pa kami namamasyal at halos malibot na namin ang magagandang tanawin dito sa Dubai.“Wala naman akong alam sa lugar na ito, ikaw na lang ang mamili kung saan magandang pasyalan.”“I thought this is your dream country?”“How did you know?”“Just don’t ask, I am asking if you have a place that you want to go before we go back.” Yes, this country is one of my favourite dream pero hindi ko rin alam kung saan ako pupunta.“Wala naman, ikaw na lang mamili kung saan maganda.” Anas ko sa kaniya. Uuwi na kami bukas kaya sinusulit na rin namin ang pananatili namin dito sa bansang ito. Magiging abala na rin si Sam bukas dahil iyun ang simula niya bilang bagong may-ari ng kompanya. Muling umandar ang sasakyan namin, nakatuon lamang ang mga mata ko sa la
Read more
Kabanata 13.2
*** Lumipas ang mga araw at kahit na nasa iisang bahay kami ni Samuel ay bihira kaming magkita. Maaga siyang umaalis ng bahay pero ginagabi pa rin sa pag-uwi. Wala naman akong pakialam sa bagay na iyun pero gusto ko lang naman siyang kausapin kung papayagan ba niya akong magtrabaho na lang sa kompanya niya. Naboboring na ako dito saka hindi porket asawa niya ako ay obligasyon niya ng lagyan ng pera ang banko ko. Gusto ko rin namang gumastos ng para sa akin na ako mismo ang nagpagod. Hindi porket mayaman na siya ay maglalagay na lang siya ng pera sa banko ko kung kailan niya gusto.Inabala ko na lang ang sarili kong nag-alis ng mga tuyong dahon sa mga halaman sa garden ni Samuel.“Akala ko pa naman para ka ng reyna sa bahay na ito, gardener ka rin pala.” Napalingon na lang ako ng marinig ko ang boses na iyun.“What are you doing here?”“Visiting you my sister, anong pakiramdam ng maging asawa ng i
Read more
Kabanata 14.1
Mabilis akong tumakbo papuntang banyo ng halukayin ang sikmura ko. Napahawak na lamang ako sa bowl ng cr dahil sa panghihina. Hindi ko alam kung may nakain ba ako kagabing hindi nagustuhan ng tiyan ko. Wala naman akong maalalang kinain ko kagabi kundi ang hapunan lang. Halos gusto ko ng isubsob ang mukha ko sa bowl dahil sa hilong nararamdaman ko. Kinapa ko ang noo ko pero hindi naman ako mainit, baka nga may nakain lang akong hindi maganda. Naghilamos naman na ako saka nagtooth brush at lumabas ng kwarto. Nakaginhawa naman na rin ako. “Good morning ma’am.” bati sa akin ni Anna ng makapasok na ako ng kusina. Nanguha na lang ako ng gatas saka naupo at uminom. Nakaramdam tuloy ako ng gutom dahil sa pagsusuka ko kanina, agang aga iyun ang sumalubong sa akin. Muli sana akong iinom ng gatas ko ng kunot noo kong tiningnan si Samuel na naka-tshirt lang at short. “What are you doing here?” tanong ko sa kaniya. Panandalian niya naman akong tinaasan ng kila
Read more
Kabanata 14.2
Malinis din ang tubig ng pool, talagang hindi napapabayaan kahit na bihirang gamitin. Nagamit niya na ba ito? parang sa sobrang busy niya ay hindi niya na maharap na libangin man lang ang sarili niya.“Nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap.” Napalingon ako kay Samuel, hindi ko naman siya sinagot. “I’m sorry about lately, I just don’t want to hear some things about us. Ayaw ko ng naririnig kong namamayat ka dahil nasa pangangalaga kita, na hindi kita kayang pahalagahan.” Taas kilay ko siyang nilingon pero iniwas niya lang sa akin ang paningin niya. “I hate gossips.” Dagdag pa niya.“What do you mean?”“It spreading in my company na pinakasalan kita dahil sa mana.”“Hindi ba at iyun naman ang totoo so what’s the problem?”“I know but I hate it, I deserve the company. My blood, my sweat, my tears is my capital in that
Read more
PREV
123456
...
9
DMCA.com Protection Status