All Chapters of My Little Trophy : Chapter 11 - Chapter 20
97 Chapters
Chapter 7.1
Walang pagsidhan ang kabang nadarama ni Dark Indigo. Para siyang maiihi habang nakatuon ang pansin nito sa malaking pintuan ng function room. "Are you okay?" Untag sa kanya ni Gabriel Villacorda. Marahil ay napansin nitong, hindi mapakali ang kanyang mga kamay. "Yes, Dad." Pinilit na lamang niyang ngitian ito. Iginala ni Dark Indigo ang paningin sa loob upang kahit papaano ay mabawasan ang kanyang kaba. Hiling niya, sana ay magustuhan ng babae ang disenyo ng lugar. Kung sa kanya naman ay pasado sa panlasa niya ang ginawa ng event organizer. Sa pinakagitnang bahagi ng lugar ay nakasabit ang malaking chandelier. May palamuti ring tela sa taas kung saan nakasabit ang mga kulay moss green na paper lanters. Sa ibang bahagi naman ay nakasabit ang tila natuhog na mga crystal beads at LED lights. Maging ang mga upuan ng mga bisita ay nilagyan ng dekorasyon. May disenyong kulay puting artipisyal na balahibo sa sandalan ng mga upuan. Malalaki iyon na mas mahaba lang ng kaunti sa sandal
Read more
Chapter 7.2
"Stop this bullshit wedding!" Dumagundong ang boses ni Ashton Blumentrint sa loob ng function room. Sunod na pumasok ang higit sa benteng kalalakihan. Dumeretso silang pumalibot sa mga guest. Lahat sila ay may mga tangan na de kalibreng mga baril at kaagad na itinutok iyon sa mga tao. "Uncle? What's the meaning of this?" Napanatili naman ni Dark Indigo ang pagiging kalmante. Humakbang palapit ang ginoo. Nag-iigting ang panga nito. At kulang na lang ay umusok ang ilong nito sa galit. "You can't marry her, Indigo!" Mariin nitong turan habang nakatuon sa kanya ang kulay kayumangging mga mata nito. Bago ba makapagsalita si Dark Indigo ay muli itong nagsalita. "You can't marry the mother of my son!" Kitang-kita ang paglabas ng litid nito sa leeg. Napanganga naman si Amber sa narinig mula sa lalaki. Nagsimula na ring umugong ang bulungan sa mga guest. Mabilis na itinaas ni Amber ang kanyang belo upang mas malinaw niyang makita ang lalaki. At para na rin makita siya nito. Aniya sa
Read more
Chapter 8.1
Dumagundong ang dibdib ni Amber nang magsimula siyang humakbang sa pintuan . Iba iyon sa pintuang nakasanayan niyang pasukin noon. Pagpasok nila sa loob ay sinalubong sila ng isang katulong na nakasuot ng kulay dark blue na unipormeng pangkatulong "Welcome home, Master." Magalang itong yumukod ngunit ni hindi man lang siya tinapunan ng tingin ni Ashton Blumentrint. Nang dumaan sa harap niya si Amber ay ginawaran siya nito ng matamis na ngiti. "Welcome to the house of Blumentrint, ma'am." Yumukod din ito sa kanya. Sandali namang huminto si Ashton at kunot-noong hinarap ang katulong. "She is Amber, the Lady of this house." Agad namang nabura ang ngiti ng katulong. "Pasensya na po, Master. Hindi ko po alam." Taranta itong yumukod na parang nakagawa ng malaking kasalanan. Puno naman ng pagtataka ang mukha ni Amber na pinaglipat-lipat ang tingin sa dalawa. Maya-maya lang ay bumaling sa kanya si Ashton Blumentrint. Walang kaemo-emosyon ang mukha nito. "She is Aya." "Hi Aya
Read more
Chapter 8.2
"Tell me, anong ginawa sa'yo ni Uncle?" Hindi naitago ni Indigo ang kanyang labis na pag-aalala para sa dalaga. Umiling naman si Amber ngunit patuloy pa rin ito sa pag-iyak Lalo tuloy nakaramdam ng pag-aalala si Indigo. Kanina pa sila nakaalis sa bahay ng kanyang tiyuhin. Labing-limang minuto na silang nakaupo sa pool area pero tila hindi nauubusan ng luha ang dalaga. "Sinaktan ka ba niya?" "Hindi." Umiling pa itong muli. Hindi pa rin maampat ang kanyang luha. Ginagap nito ang kamay ng babae at masuyo niya itong tinitigan. "Kung may ginawa siya, don't be afraid to confess it to me. Kakampi mo ako, Amber." "Wala ito." Umiling-iling siya kasabay ng pagbawi ng kanyang kamay. Napabuntong-hininga na lamang si Indigo kasabay ng pag-abot niya sa kanyang panyo sa dalaga. Alam niyang hindi totoong wala lang iyon. Hindi lang niya maintindihan kung bakit ayaw sabihin sa kanya ni Amber ang totoo. Tinanggap naman iyon ng dalaga. "Salamat." Ginamit nitong pamunas ang panyo. "Pasensy
Read more
Chapter 9.1
"Anong ginagawa mo rito?" Tila sa isang iglap ay nawala ang matinding pananakit ng ulo ni Amber. Nakaramdam siya ng pagkaalarma. Awtomatiko niyang iginala ang paningin kung saan siya maaaring lumabas maliban sa kinaroroonan ng lalaki. "Am I not allowed in our room?" "Our ka diyan! Ang sa'yo, sa'yo lang. Huwag kang pauso diyan. Maka-our ka naman diyan parang legal tayo." "Then let's make us legal." "Asa ka! Aalis na ako." Mabilis siyang tumayo sa kama. Nakakailang hakbang pa lamang siya nang maagaw ng pansin niya ang pagtawag. "Mama!" Napatingin siya sa pinagmulan ng tinig. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang pagpasok ng bata sa pinto. "Hyde, anak." Mabilis namang lumapit ang bata sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. "Anong ginagawa mo dito, anak?" Umupo siya upang pantayan ang bata. Sinipat rin niya ang kabuan nito. Mukhang namang walang masamang nangyari rito, masigla ito at may munting ngiti sa labi. "Mama, nalilito na ako." Nakanguso niyong turan at saka n
Read more
Chapter 9.2
Buntong-hininga na lamang na tumalikod si Dark Indigo. Para siyang sinampal sa kanyang nasaksihan. Nagsimula na rin siyang matakot na baka mauwi sa wala ang lahat ng kanyang pagod upang mapasakanya lamang ang babae. "Hoy! Indigo!" Awtomatiko siyang napatigil sa paghakbang dahil sa pagtawag. Kaagad rin siyang napalingon dahil doon. "Halika rito, dali!" Kumaway pa sa kanya ang babae. Mayroon itong ngiti sa labi. Puno man ng pag-aalangan ay tinawid pa rin niya ang distansiya patungo sa kinaroroonan nila. Kahit tila nakakapaso ang tingin ng kanyang tiyuhin na si Ashton Blumentrint. Nabura naman ang ngiti ni Amber nang tuluyan siyang makalapit. Kaagad rin itong napatayo mula sa pagkakaupo. Gumuhit sa mata nito ang pag-aalala. "Anong nangyari sa'yo?" Nakatuon ang atensiyon nito sa pasa ni Indigo sa kanyang bibig. Tila naman hinaplos ang puso ng lalaki sa pag-aalalang nahimigan niya mula sa dalaga. Kabaligtaran naman iyon ng nadama ni Ashton. Nagpupuyos sa galit ang kanyang kalooban
Read more
Chapter 10.1
Humagikgik ang batang si Hyde habang sinisipat niya ang suot nilang mag-ama. "Twinning tayo papa."  Malawak ang ngiti nito at nagniningning ang mga mata. Magkapareho ang suot nilang blue polo. Maging ang suot nilang pantalon at sapatos ay pareho-pareho sila. Napaikot na lamang ng mata si Amber matapos siyang lumabas sa walk in closet. Hindi niya lubos maisip kung anong trip ni Ashton Blumentrint at gano'n ang napili niyang damit para sa kanilang dalawa ng bata.  Siya naman ay nakasuot ng kulay blue na off-shoulder maxi dress. Tila tuloy nagkaroon sila ng color coding.  Hindi na natuloy ang pagsama nilang mag-ina kay Dark Indigo matapos ipagpilitan ni Ashton na mayroon na silang gamit na mag-ina sa loob ng bahay nito. Gusto niya sanang magwala pero ayaw naman niyang masaksihan iyon ng kanyang anak. "Tara na, naghihintay na ang Daddy Indigo mo sa labas." Nakuha naman niya ang atensiyon ng bata. "Mama, t
Read more
Chapter 10.2
Narinig iyon ni Ashton Blumentrint. Tila sirang plakang nagpaulit-ulit iyon sa kanyang diwa."Please, Indigo. Ilayo mo kami kay Ashton."Napakuyom siya ng kanyang kamao. Nag-igting ang kanyang panga. Tumalim din ang kanyang mga mata. At ang matalim na titig na iyon ni Ashton Blumentrint ang unang bumungad kay Amber pagpasok niya sa loob ng silid.Pinanlamigan siya ng katawan. Awtomatikong nabitawan niya ang hawak niyang teddy bear at chocolate. Napaatras siya at tarantang tinungo ang pintuang kanyang pinasukan ngunit bago pa siya makalabas ay sumarado na iyon. Sinubukan niyang hilain iyon ngunit hindi na niya mabuksan. Lalo tuloy lumakas ang kabog ng kanyang dibdib.  Nang lingunin niya si Ashton ay kitang-kita niya ang paglapit ng lalaki. Tila isa itong mabangis na leon na anumang oras ay lalapain siya."Ano ba?" Matinis siyang napatili nang masukol siya ni Ashton Blumentrint. Halos ibaon na niya ang sar
Read more
Chapter 11
Awtomatikong napalingon  si Amber sa pintuan nang bumukas iyon. Mula roon ay pumasok ang isang katulong, mahihinuha iyon sa suot niyang kulay dark blue na unipormeng pangkatulong. Nasa five flat lamang ang tangkad nito ngunit may kalakihan ang pangangatawan nito. Medyo may kalakihan ang hugis almond na mga mata nito. Natural na manipis ang kilay at hindi maayos ang ang arko. Hindi katangusan ang ilong nito na tulad ng typical na pinoy. Maamo ang bukas ng kanyang mukha. Larawan ito ng simple at mabait na Ginang.  Walang emosyong bumalik ang tingin ng dalaga sa dingding ng silid matapos ang panandaliang pagsuri ng tingin sa babae.  Aware naman siyang  limang beses sa isang araw kung pumasok ang katulong upang bigyan siya ng makakain ngunit umasa  pa rin siyang sa pagbukas ng pinto ay ang kanyang anak na ang papasok. Labis-labis na siyang nanabik na makita ito. At habang nadadagdagan ang araw na hindi niya ito nasisilayan ay tila lalo si
Read more
Chapter 12.1
Flashback..... Pagkababa pa lamang ng sasakyan ni Ashton ay nakita na niya agad ang kanyang hinahanap.  "Indigo, your father is very worried." Puno ng pag-aalala ang mukha nito. "Sorry, Uncle. Ngayon lang naman eh."  Tinakasan kasi nito ang kanyang bodyguard at sumama sa mga kaklase niya. Na-engganyo itong sumama sa kanila dahil ang birthday celebrant ay hindi tulad niyang galing sa mayamang angkan.  "I enjoyed the day, uncle. I never thought I could enjoy such kind of birthday party." Bakas ang galak sa mukha ng kanyang pamangkin. Napabuntong-hininga na lamang si Ashton. Naiintindihan din naman niya ito, dumaan rin naman niya sa gano'ng edad. "But for sure, pag-uwi mo ng bahay niyo, pagagalitan ka ng Daddy mo." "That's why I called you, uncle. I need your help." "Oh I got it!" Napangiti na lamang si Indigo. Aniya, the best talaga ang uncle Ashton niya. Hindi lang siya nagkaroon ng tiyuhin
Read more
PREV
123456
...
10
DMCA.com Protection Status