Share

Chapter 9.2

Buntong-hininga na lamang na tumalikod si Dark Indigo. Para siyang sinampal sa kanyang nasaksihan. Nagsimula na rin siyang matakot na baka mauwi sa wala ang lahat ng kanyang pagod upang mapasakanya lamang ang babae.

"Hoy! Indigo!" Awtomatiko siyang napatigil sa paghakbang dahil sa pagtawag. Kaagad rin siyang napalingon dahil doon.

"Halika rito, dali!" Kumaway pa sa kanya ang babae. Mayroon itong ngiti sa labi.

Puno man ng pag-aalangan ay tinawid pa rin niya ang distansiya patungo sa kinaroroonan nila. Kahit tila nakakapaso ang tingin ng kanyang tiyuhin na si Ashton Blumentrint.

Nabura naman ang ngiti ni Amber nang tuluyan siyang makalapit. Kaagad rin itong napatayo mula sa pagkakaupo. Gumuhit sa mata nito ang pag-aalala.

"Anong nangyari sa'yo?" Nakatuon ang atensiyon nito sa pasa ni Indigo sa kanyang bibig.

Tila naman hinaplos ang puso ng lalaki sa pag-aalalang nahimigan niya mula sa dalaga.

Kabaligtaran naman iyon ng nadama ni Ashton. Nagpupuyos sa galit ang kanyang kalooban
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status