Share

Chapter 10.2

Narinig iyon ni Ashton Blumentrint. Tila sirang plakang nagpaulit-ulit iyon sa kanyang diwa.

"Please, Indigo. Ilayo mo kami kay Ashton."

Napakuyom siya ng kanyang kamao. Nag-igting ang kanyang panga. Tumalim din ang kanyang mga mata. 

At ang matalim na titig na iyon ni Ashton Blumentrint ang unang bumungad kay Amber pagpasok niya sa loob ng silid.

Pinanlamigan siya ng katawan. Awtomatikong nabitawan niya ang hawak niyang teddy bear at chocolate. Napaatras siya at tarantang tinungo ang pintuang kanyang pinasukan ngunit bago pa siya makalabas ay sumarado na iyon. 

Sinubukan niyang hilain iyon ngunit hindi na niya mabuksan. Lalo tuloy lumakas ang kabog ng kanyang dibdib.  

Nang lingunin niya si Ashton ay kitang-kita niya ang paglapit ng lalaki. Tila isa itong mabangis na leon na anumang oras ay lalapain siya.

"Ano ba?" Matinis siyang napatili nang masukol siya ni Ashton Blumentrint. 

Halos ibaon na niya ang sar

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status