Lahat ng Kabanata ng THE BILLIONAIRES HATER: Kabanata 21 - Kabanata 30
44 Kabanata
Dinner with the Boobie
Hawak-hawak ni Levy ang tray ng hinanda niyang hapunan nang may magsalita mula sa dulo ng 14 seater table sa dining room.    “May paandar pang nalalaman, simpleng pagkain lang naman pala,” panunuya ni Leila sa kanya nang makita siya nitong palabas ng kitchen.   “Hindi ko naman ‘to niluto para sayo,” inis na sagot niya rito. “Inimbitahan ka man lang bang kumain dito?” tanong niya nang irapan pa siya nito.   “Feeling may-ari ng bahay? Kung ikaw lang naman ang nagluto nakakawalang gana namang kumain.”   “Edi umuwi ka sa bahay mo,” matigas na sagot niya rito. Muntik na niyang sabunutan ito kung hindi lang dumating ang kasambahay.   “Ma’am kumpleto na po ba
Magbasa pa
The Playful Kiss
“Mommy will do it later. How about we play some games?” pag-aalok ni Levy sa bata para sana iwala ang usapan.    “Narinig mo naman siguro ‘yung sinabi ng bata?” sabi naman ni Ren na nakangiti. Nagtataka lang siya kung bakit sinasakyan ng lalaki at parang ayos lang dito na kinikilala siyang nanay ng bata. Na-curious tuloy siya kung anong dahilan at hindi nito sabihin sa anak ang totoo. At kung ano ‘yung picture na naging basehan ng bata para masabi nitong kamukha niya ang Mommy nito.   May kung ano sa ngiti ni Ren na dahilan para magsitayuan ang mga balahibo niya. Hindi niya alam kung masyado lang siyang nag-iisip at pinagdududahan niyang may kinalaman ang lalaki kung bakit ‘yun nasabi ng bata.   Tatayo na dapat sana siya nang hilain siya ni Ren at dampi-an siya ng halik
Magbasa pa
The New Identity
Nahalata ni Levy ang panginginig ng kamay ni Rosa nang mapagsino ang babaeng nakasuot ng itim na dress na nakatayo sa may pintuan. “Mrs. Belmonte kanina pa po ba kayo rito?” tanong ng batang kasambahay sa babaeng nakatuon ang tingin kay Levy. Ibinaba nito ang suot na graded glass at sinuyod siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. “Ano ba namang bahay ‘to ang laki-laki nga kulang naman sa tao,” sambit ng may edad na babae na sadsad sa makapal na make-up ang mukha. “Pakitawag nga si Yvette, may mahalaga kaming pag-uusapan.” “Ay pasensya na po Mrs. Belmonte wala po si Ma’am Yvette ngayon maaga pong umalis kanina,” agad na paliwanag ng batang kasambahay habang pinupunasan nito ang patak ng honey na dumikit sa kanyang apron. “Pasensya na po naghahanda po kasi kami ng agahan.” “Susmio! Saan daw ba nagpupunta?” “H-hindi ko po alam, hindi po kasi siya nagsabi Madam.” Napakamot na lang sa ulo ang kasambahay. “Ano ba ‘yan! Kailangan ko pa nam
Magbasa pa
Confrontation
“Anong ibig mong sabihin?” sagot ni Levy. Isinuklay niya ang kamay sa buhok dahil sa matinding pagkabalisa. "I know you’re not a relative. Kilala ko lahat ng Rossi na wala dito sa Langria. So bakit Rossi ang apelyedo mo?” tanong ng lalaking ibang-iba sa taong nakasama nila ni Luigi kagabi. Hindi niya magawang tingnan ang mga mata nito dahil para siya nitong lalamunin ng buhay. “Kinasal kayo ni Paps? Kailan pa?” “Ha?” tipid na naisagot niya. Hindi niya alam kung anong sasabihin dahil nahuli na siya ng lalaki. Hindi niya maaaring aminin kung sino siya dahil masisira lahat ng naging usapan nila ni Don Armando. Ngunit pinagbibintangan naman siya nito sa bagay na hindi niya gustong paniwalaan nito. “What? Am I gonna call you G
Magbasa pa
Recollection
Unang araw pa lang ni Levy sa Langria Hotel ngunit parang nagsisisi na siyang makatrabaho ang dalawa. Bukod kasi sa masamang pakikitungo sa kanya ni Leila ay dinagdagan pa ito ni Ren. Mukhang kinukunsinti pa nito ang babae at naniwala ito kay Leila samantalang hindi naman nito talaga nakita ang buong nangyari kanina. Ayaw naman nitong I-check pa ang CCTV at abala lang daw sa oras kung titingnan pa ito ng lalaki para lang ma-prove ‘yung punto niya.   Ang totoo niyan napansin lang naman niya na nagbago ang pakikitungo nito simula nang mahuli niya itong nagkakalkal kaninang umaga sa kwarto niya. Kung tutuusin siya nga dapat ang magalit dahil pinakialaman nito ang personal na gamit niya. Kung hindi lang ito apo ni Don Armando ay hindi niya ito mapapatawad sa pangingialam nito sa gamit niya. Nagawa pa talaga siya nitong paratangan na hindi naman alam kung ano talagang namamagitan sa kanila ng Chai
Magbasa pa
Revelations
Pagkatapos mabawi ang sasakyan na pinaayos ay nagpaalam na si Ren kay Leila. Himalang hindi na ito nagpumilit na sundan siya at hinayaan lang siya nito. Marahil ay narinig nito na ipinapatawag siya ni Yvette. Naguguluhan pa siya kung bakit nasa ospital ito at sa lahat ng taong tatawagan nito ay siya pa. “Are you the guardian?” tanong ng doktor kay Ren nang aktong papasok na siya sa silid. Palabas na rin ang doktor kaya sa labas na sila nito nag-usap. “Immediate family,” nasabi na lang niya para hindi na humaba ang usapan. “Are you aware of her pregnancy?” tanong sa kanya ng lalaking doktor. Napakunot ang noo niya at hindi
Magbasa pa
Lola Panty
Nanindig ang mga balahibo ni Ren nang marinig ang sinabi ng may edad na lalaki. Gusto niyang paniwalaan na sana nga ay buhay pa si Roief. Ngunit sa tuwing makikita niya si Levy ay hindi niya maiwasang mainis rito lalo na at hindi naging maganda ang pagkakakilala niya rito. Isa pang rason ay malayo ang pinagkaiba ng mga ito.    Mahinhin ang kilos at mataas ang taste ni Levy padating sa mga gamit nito, ibang-iba kay Roief na simple lang at malakas ang dating. Mukhang mahilig din sa mga mamahaling gamit ang babae at naalala na naman niya ang perang inilipat ng kanyang Lolo sa account nito. Para sa kanya malakas ang dating ni Roief dahil sa kakaibang karisma at kilos nito na hindi niya kailanman nakita sa ibang babae. Hindi pa rin niya makalimutan ang kalyo ng mga kamay nito na hinawakan niya noon. Muli siyang napabuntong hininga dahil malabo ang iniisip ng kausap.  
Magbasa pa
The Secret Affair
Napalo ni Levy ang unan at isinampal ito sa mukha dahil hindi pa rin mawaglit sa isipan ang katawan ng lalaki. Nadama niya kasi ang pandesal nito dahil sa pagtulak niya rito kanina. N*******d pa naman ito ng pang-itaas kaya kitang-kita ng dalawang mata niya ang katawan nito. Hindi naman ito ang unang beses na nakita niya ‘yun pero naramdaman niya kanina ang katawan nito. Ramdam niyang matigas ang mga abs nito at hindi rin nakaligtas sa kanya ang matigas na bagay na tumama sa kanya kanina.   Hindi pa rin siya makapaniwala sa ginawa ng lalaking pag-amba sa kanya kanina. Simula’t sapul ay hindi na naging maganda ang paraan ng pagtatagpo nila. Para sa kanya si Ren ang klase ng lalaking kailangan niyang iwasan lalo pa at nakita niya kanina ang lantarang paglalandian ng dalawa. Isa itong mapanuksong lalaki na hdapat niyang layuan. Isa pa ang pangit ng ugali nito, hindi pa rin nawawala ang galit niy
Magbasa pa
Reroute
Labis ang inis na naramdaman ni Levy sa sinabi ng lalaki, hindi niya alam kung babatuhin niya ito ng suot na indoor slipper at mukhang narinig ni Nanay Maggie ang pagtawag ng lalaki sa kanya.   “Ano raw?” muling tanong ni Nanay Maggie upang bigyan niya ng linaw ang narinig nitong itinawag sa kanya ng lalaki.   “Ewan ko po ‘dun, “ sagot lang niya at hindi na pinansin ang lalaki. Itinuon na lang niya ang pag-ubos sa cereal niya at nang makaalis na siya.    “Hay, mula pa kasi noong ikasal ‘yung dalawa may hinala na ako na may kakaibang nangyayari lalo na kay Yvette. Hindi ko lubos akalaing ganito ang kahihinatnan ng lahat,” sabi nito habang kinukuha ang mga pinagkainan ng dalawa kanina. “Kung ano man ang mga naririnig o nalalaman mo sana tayo-tayo lang rin ang nakakaalam,”
Magbasa pa
The Deal
“Ano ulit?” panglilinaw na tanong ni Levy dahil pamilyar ang apelyido ng binanggit nito. Gusto lang niyang masiguro kung tama ba ang narinig.   “Can’t you hear clearly?” sagot lang ni Ren at hindi na nito inulit pa ang pangalan ng lalaki.   Wala na siyang sapat na oras para alamin pa o i-search ang profile ng taong ka-appointment nito dahil kita na niya ang isang malaking rest house sa may di kalayuan.    “Maghanda ka na, nandito na tayo,” sabi nito. “Dalhin mo ‘yang wine na nakalagay sa upuan. ‘Yung may tatak na AurumRed Gold,” dagdag pa nito.   Nakita niya agad ang nakalagay doon na paper bag at hinanap ang sinabi nitong nakasulat sa label ng mga wine na naroon. “Wala ka yatang dinala, walang AurumRed Gold na
Magbasa pa
PREV
12345
DMCA.com Protection Status