All Chapters of Her Unexpected Marriage: Chapter 91 - Chapter 100
132 Chapters
Kabanata 57: The Unexpected Trip (Part 3)
HINDI ko inakala na may ibang tao pa pala sa buhay ni Zandy bukod sa pamilya niya at sa kaibigang si Ton. Wala rin naman kasi akong ibang alam tungkol sa buhay niya. Ang alam ko lang, naging introvert ang isang Zandy Saavedra dahil sa hiniwalayan siya ni Beverly.Marami akong nalaman tungkol kay Zandy dahil sa mga kwento ni Chef Jr tungkol sa kaniya, kung gaano kasipag at kahusay si Zandy sa bagay na gusto niyang gawin. Nalaman ko rin na nakilala niya si Chef Jr sa isang pinasukan niyang cooking class kung saan naimbitahan ito na magturo ng isang local na putahe na matatagpuan sa Quezon at doon nagsimula ang pagkakaibigan ni Zandy at Chef Jr."I didn't expect na mayroon pa palang ibang tao sa paligid mo bukod sa alam ko na mga tao sa buhay mo," basag ko sa katahimikan habang naglalakad kami sa isang kalsada malapit sa dagat kung saan kita namin ang papalubog na araw. Kumalat ang kulay kahel sa kalangitan at ang sarap pagmasdan ng araw na lumulubog.Sa restaurant na kami kumain at mata
Read more
[Special Chapter 7]
Zandy's POVTAHIMIK akong pumasok sa bahay ng pamilya ni Miles. Tinawagan kasi ako ni Tito Wesley na pumunta raw ako roon dahil gusto niya akong makausap.Kakalipat lang namin ni Miles sa sarili naming bahay at katulad ng inaasahan ko, hindi naging madali para sa akin at alam kong ganoon din kay Miles.Pero sa sarili ko'y may excitement sa mga pwedeng mangyari sa pagitan namin ni Miles habang nasa iisang bubong kami. Alam kong matagal kaming magsasama pero alam kong magiging exciting iyon lalo't kita ko kung paano magalit at mainis si Miles sa akin.Nadatnan ko si Tito Wesley na nakaupo sa sala ng bahay. Wala roon si Tita Emma. Agad niya akong nginitian."I'm glad you came, Zandy. Have a sit," aya niya. Kaswal akong ngumiti at umupo sa katapat na upuan ni Tito Wesley. "Kumusta na po kayo, Tito Wesley? How's your health?" tanong ko.saglit na yumuko si Tito Wesley habang nakasilay sa mga labi niya ang ngiti. "I'm good now, Zandy. Mabuti na ang pakiramdam ko, salamat sa concern," balik
Read more
Kabanata 58: The Unexpected Hotness (Part 1)
KINAUMAGAHAN, maaga akong nagising kahit halos hindi ako nakatulog nang nagdaang gabi dahil sa kakaisip kay Zandy at sa kakaibang pinaparamdam niya sa akin. Hindi rin mawala sa isip ko ang sinabi niyang magtiwala ako sa kaniya. Hindi ko alam kung saang parte ako magtitiwala sa kaniya.Huling araw na rin namin sa resort at bukas ay babalik na rin kami ng Manila. Babalik uli ang lahat sa normal. Babalik sa trabaho at uuwi sa bahay na kasama si Zandy. Hindi ko na alam ang pwede pang mangyari dahil habang mas tumatagal mas lalo akong naguguluhan sa nararamdaman ko.Matapos naming mag-breakfast, nagpasiya akong maligo sa dagat kahit mataas na ang sikat ng araw. Hindi ko palalampasin ang pagkakataong ito na malapit ako sa dagat. Nagsuot lang ako short at bralette. Hindi naman kasi ako nagbi-bikini. Naramdaman ko ang mainit na sikat ng araw sa balat ko. Nagugusot pa ang mukha ko dahil sa tindi niyon."Ikaw, hindi ka ba sasama sa akin?" tanong ko kay Zandy habang nandoon kami sa isa sa mga co
Read more
Kabanata 58: The Unexpected Hotness (Part 2)
LUMIPAS ang mga oras na hindi ko alam kung paano ko kakausapin si Zandy matapos nang nangyari sa amin kanina sa dagat. Mas lalo akong nailang sa kaniya at alam kong ganoon din siya sa akin. Matapos kasi naming maligo, nasa loob lang siya ng villa at hanggang ngayon hindi pa siya lumalabas.Niyakap ko ang sarili ko habang nakaharap ako sa palubog na araw. Nagkulay kahel ang kalangitan at nagsisimula na ring kumalat ang dilim. Hindi pa rin maalis sa isip ko si Zandy at kapag naiiisip kong bukas ay babalik na kami ng Manila, hindi ko maiwasang malungkot dahil gusto ko pang makasama si Zandy ng mas matagal sa ganitong lugar. 'Yong wala kaming kailangan isipin at intindihin kung 'di ang mga-enjoy at mag-relax.Umihip ang malamig na hangin. Mas hinigpitan ko pa ang pagkakayakap ko sa sarili ko. Saglit akong yumuko. Nandito ako malapit sa dagat habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw.Hindi ko inakala ang lahat ng nangyayari sa amin ni Zandy at ang mga salitang sinasabi niya sa akin. Gusto
Read more
Kabanata 59: The Unexpected Lust (Part 1)
SUMAPIT ang gabi at parang ayaw ko nang matapos pa iyon dahil sa katotohanang bukas ay lilisanin na namin ang paraiso itong at muling babalik sa Manila. Gusto ko pa ng maraming oras na kasama si Zandy at kung pwede nga lang na i-extend ko pa ang bakasyong ito, gagawin ko kaya lang hindi pwede dahil sa trabahong naghihintay sa akin sa Manila.Pero alam ko rin na sa pag-uwi ko, dala-dala ko ang saya at ligayang pinaramdam sa akin ni Zandy habang nandito kaming dalawa sa lugar na ito."Thank you, Mila," magiliw kong sabi nang iabot niya sa akin ang buko juice na mayroon din si Zandy.Ngumiti ang magandang dalaga. "I hope that both of you enjoy staying here," sambit ni Mila na nandoon pa rin ang matamis na ngiti."Yeah, we enjoy staying here, Mila," kaswal naman na sabi ni Zandy at sinimulang inumin ang buko juice na ibinigay rin sa kaniya ni Mila."Tama si, Zandy Mila, nag-enjoy kami. Salamat for accommodating us well here," nakangiti kong wika. Binalingan ko ang buko juice na nasa harap
Read more
Kabanata 59: The Unexpected Lust SPG (Part 2)
ILANG minuto akong nagtagal sa loob ng bathroom, nagbabakasakaling maiibsan ang init na nararamdaman ko pero saglit lang iyon at nang makapagbihis ako, muli na namang umalab ang kakaibang init na iyon na hindi ko alam kung saan nanggagaling. Para bang hinahanap ng katawan ko si Zandy ngunit hanggang ngayo'y wala pa rin siya sa loob ng villa matapos nang nangyari kanina.Pumasok ako sa loob ng silid ko pero hindi pa rin ako mapakali. May kung ano sa loob ko na gustong kumawala. Hindi ko maintindihan ang sarili ko at ang biglang nararamdaman ko.Pabagsak akong humiga sa kama habang nakadipa. Tumitingin ako sa puting kisame at habang nakatitig ako roon bumalik sa akin ang nangyari kanina at ang nakita kong pagk*lalaki ni Zandy. Pinilig ko ang ulo ko at pumikit para pilit iwaksi iyon dahil lalo akong mababaliw habang nakikita ko ang tagpong iyon. Nakakahiya!Ilang saglit pa at muli akong bumangon sa pagkakahiga. Tumayo ako sa kama at lumapit sa glass wall kung saan kita ang malawak na res
Read more
Kabanata 60: The Unexpected
DAHAN-DAHAN kong iminulat ang mga mata ko at tumambad sa akin ang maliwanag na paligid. Napangiwi ako nang may maramdaman akong mahapdi sa parteng gitna ng hita ko. Kumunot ang noo ko. Agad akong nabahala nang maramdaman ko ang matigas na bisig na inuunanan ko at ang lalaking nakayakap sa akin. Kumurap ako nang paulit-ulit. Lumunok ako ng laway habang sinasalakay ng kaba. No! Biglang bumalik ang lahat nang nangyari nang nagdaang gabi. Ang kakaibang pakiramdam ko, ang init at pagnanasa. Nanlaki ang mga mata ko at nasapo ang bibig ko, ng paulit-ulit na bumalik sa isip ko ang marubdob na halik ni Zandy sa akin at ang buong nangyari sa amin nang nangdaang gabi. No! Hindi pwedeng mangyari ito. Bumaling ako sa nakayakap sa akin at nakita ko si Zandy na mahimbing na natutulog habang yakap ako. Lantad din ang malaki niyang katawan. Bahagya pa siyang gumalaw at umungol. "Ano ba 'tong ginawa mo, Miles?" tanong ko sa isip ko. Ngayon ko lang napagtanto ang nangyari. Ibinigay ko ang sarili ko ka
Read more
Kabanata 61: The Unexpected Question
ILANG oras na byahe bago kami tuluyang nakarating ng bahay. Ramdam ko ang pagod at ngalay ng katawan ko sa kakaupo sa sasakyan. Hindi na rin ako nakaidlip dahil sa magulong isip ko dahil sa nangyari sa amin ni Zandy. Hindi ko na alam kung paano siya haharapin at kakausapin pagkatapos nang nangyari sa amin nang nagdaang gabi. Nahihiya ako Huminto ang sasakyan sa loob ng garage ng bahay. Hindi ko na hinayaang pagbuksan pa ako ni Zandy kaya nauna na akong bumaba sa kaniya. Kinuha ko ang backpack ko sa passenger seat pero nang akmang kukunin ko na ang maleta ko nang unahan ako ni Zandy. "I'll handle this, Miles," kaswal na aniya sa likod ko. Nagdikit ang katawan namin na nagbigay sa akin ng kakaibang pakiramdam. Naamoy ko na rin ang mabango niyang amoy na ang sarap sa ilong. Hindi na lang ako umimik. Saglit ko lang siyang nilingon, saka naglakad patungo sa main door. Inilabas ko ang susing dala ko at binuksan iyon. Diretso na akong pumasok sa sala, ibinaba ko ang backpack ko at pabags
Read more
Kabanata 62: The Unexpected Woman
HINDI na ako nagulat nang pumasok ako sa trabaho kinaumagahan, katulad ng inaasahan ko, inulan ako ng maraming tanong at intriga ni Melissa at Andrea. Gusto ko nang takpan ang magkabilang tainga ko para hindi marinig ang sunod-sunod nilang tanong tungkol sa nangyari sa amin ni Zandy sa bakasyon. "Ano na nga, Miles? May nangyari ba sa inyo—I mean, ano'ng ganap sa bakasyon ninyo?" excited na tanong ni Melissa. "Oo nga, Miles chika naman diyan kahit konti lang," segunda naman ni Andrea. Kakaupo ko lang sa upuan ko pero 'yong tanong nila hindi ko mabilang. Mabuti't maaga pa at hindi pa oras ng trabaho. Kumunot ang noo ko at mariing pumikit. "Wait!" sabi ko kasabay nang pagtaas ng dalawang palad ko na nakabuka, senyales na pinapahinto silang dalawa. "Paano ako makakasagot, eh, sunod-sunod ang tanong ninyong dalawa. Pwede isa-isa lang?" seryoso kong pigil sa kaniya. Natigilan naman ang dalawa. Bahagya pa silang lumayo sa akin at humalukipkip. "Eh, ano ngang nangyari?" tanong ni Meliss
Read more
[Special Chapter 8]
Zandy's POVHINDI ako umimik nang sabihin ni Mama na iimbitahan niya si Miles na mag-dinner sa bahay. We're not okay at palagi lang kaming magtatalo kung palagi nila kaming pagsasamahin pero dahil gusto nila iyon, wala na akong magagawa.Naghanda si Mama ng pagkain at sinabi niyang susunduin niya si Miles sa pinagtatrabahuhan nito habang ako'y hindi nagpapakita ng interes.Ilang sandali pa't dumating si Mama kasama si Miles na palinga-linga sa paligid at kita sa mga mata niya ang pagkamangha sa nakikita. Hindi ako umimik para i-welcome siya at saglit ko lang din siyang binalingan ng tingin habang bakas ang saya sa mukha ni Mama."Finally you're here, Miles welcome to our home," magiliw na bati ni Papa kay Miles. "I'm glad you're here."Ngumiti si Miles. "Salamat po, Tito for inviting me here."Iginiya ni Mama si Miles sa upuan sa katabi ko. Hindi ako umimik at hinayaan siya roon. Ramdam ko ang pagkailang niya."Zandy, hindi mo man lang ba babatiin ang asawa mo? She's here," pukaw ni M
Read more
PREV
1
...
89101112
...
14
DMCA.com Protection Status