Lahat ng Kabanata ng CEO's Forgotten Wife: Kabanata 71 - Kabanata 80
111 Kabanata
Kabanata 36.1
“Are you ready?” tanong sa akin ni Louie ng makapasok siya ng kwarto ko. Kanina pa ako tapos, nakaharap lang ako sa salamin habang tinitingnan ang repleksyon ng mukha ko. Iniisip ko rin yung mga sinabi sa akin ni Darren, ewan ko pero naguguluhan ako. Ang simple lang naman ng mga tanong at mga sinasabi niya pero parang ang hirap sagutin. Napabuntong hininga na lamang ako saka ko tinanguan si Louie. “Dun na tayo sasakay sa sasakyan ko, mamaya pa naman ang simula ng event.” Tanging tango na lang ang naisagot ko sa kaniya. Napatingin na lang ako sa kaniya sa salamin ng hawakan niya ang dalawa kong balikat. “You’re so beautiful Trina, kaya siguro hindi ako makahanap ng ibang babae dahil  sayo.” pabiro pa niyang saad kaya inirapan ko siya. “Oo nga, hindi mo pa kasi ako sinasagot eh.” “Napag-usapan na natin ang tungkol dito Louie.” “I know pero kasal lang naman kayo sa papel ah? But don’t worry hindi naman ako nagmamadali, handa akong maghintay.
Magbasa pa
Kabanata 36.2
“Well, you’re right anyway. Siya nga pala, hindi ka ba busy sa susunod na araw. Palagi ka kasing busy kapag pinupuntahan kita sa kompanya niyo eh.” Parang nahihiya pa niyang saad, inisip ko naman kung marami ba akong gagawin sa susunod na araw pero hindi ko pa naman malalaman iyun ngayon.“I don’t know, why?” tanong ko sa kaniya baka kasi may gusto lang siyang sabihin sa akin.“Kung pwede ba kitang makausap kahit saglit lang.”“Itext na lang kita kapag wala akong masyadong gawa tapos sabihan mo na lang ako kung saan tayo magkikita.”“Really?” tumango naman ako sa kaniya na ikinangiti niya. Nag-usap usap pa kami tungkol sa ibang bagay habang nakamasid sa paligid namin. Palagi na lang ganito ang nangyayari kapag dumadalo kami ng party. Sa umpisa kaunting pagbati lang at pasasalamat pagkatapos naman ay bahala ka na kung sino ang kakausapin mo. Muli akong sumimsim sa hawak kong wine, naka
Magbasa pa
Kabanata 37.1
Muli akong napabuntong hininga. Iniisip ko yung nangyari kagabi, hindi man lang ako nakapagpasalamat kay Darren sa ginawa niya. Bigla na lang kasi akong hinila ni Louie saka inihatid sa bahay. Nakapagpasalamat man lang sana sa ginawa niya sa akin. Inalis ko naman na iyun sa isipan ko saka muling ginawa ang mga trabaho ko. Kailangan ko pang puntahan mamaya ang mga models ng kompanya. Abala ako sa ginagawa ko ng may tumawag sa cell phone ko. “Hello?” sagot ko kay Janet ng siya ang tumawag. “Trina,” mahina at parang nag-aalala niyang saad kaya napaayos ako sa kinauupuan ko. “May problema ba?” malumanay kong tanong sa kaniya. “Kasama ko kasi ngayon si Chris.” “Then?” “Eh kasi.” Hindi pa niya matuloy ang sasabihin niya kaya nakaramdaman nanaman ako ng inis. “Ano ba Janet. Diretsuhin mo na ako, bakit ba ang hilig mong mambitin sa mga sasabihin mo?” inis kong saad sa kaniya. “Daddy!” nagsalubong na lang ang kil
Magbasa pa
Kabanata 37.2
“Paano mo ba malalaman? Kapag ba sinabi ko sayong may anak ako ngayon maniniwala ka? kapag ba ipinakilala ko sayo si Chris bilang anak mo, paniniwalaan mo ba ako? ni wala ka ngang maalala Darren eh. Wala kang maalala sa akin kaya paano ka maniniwala na nagkaroon tayo ng anak? ayaw kong saktan si Chris, kilala ka niya pero ang sarili niyang ama ay hindi siya kilala. Ngayon, sabihin mo sa akin kung paano ko ipapakilala o sasabihin ang tungkol kay Chris? Wala kang maalala Darren.” Wika ko sa kaniya, natahimik naman siya sa sinabi ko. Totoo naman yun lahat, balak ko namang sabihin yun sa kaniya eh dahil gustong gusto na siyang makita at makilala ng anak namin pero simula ng malaman kong wala siyang maalala sa akin ay sinabihan ko si Louie na manatili na lang muna si Chris sa Paris, isama mo pa ang ugali niya.“I understand pero sana man lang sinabi mo sa akin ang tungkol sa kaniya ng malaman kong mag-asawa tayong dalawa.”“Para saan pa Darren?
Magbasa pa
Kabanata 38.1
THIRD PERSON POV Abala sa pagpipirma ng mga papeles at pagbabasa ng report si Trina ng may kumatok sa pintuan niya. “Come in,” anas niya rito ng hindi tinitingnan. Gusto niyang ituon ang buo niyang atensyon sa trabaho niya dahil wala siyang matatapos kung iisipin pa rin niya ang mga personal niyang problema. “Totoo ba? totoo ba talaga ang nalaman ko?” rinig niyang tanong. Napatingala naman siya at sumalubong sa kaniya ang nakakaawang itsura ng kapatid niya. “Sabihin mo sa akin Trina, totoo ba?!” inis niyang sigaw dito. Binitawan naman na muna ni Trina ang hawak niyang ball pen saka hinarap ang kapatid niyang malapit ng umiyak. “Ano bang nalaman mo?” blangko niyang tanong dito. Ayaw niya ng makipagtalo pa dahil marami pa siyang iniisip. “Totoo bang nagkaanak kayo ni Darren? Totoo bang sa kaniya talaga ang batang yun?” kagat labi niya na ang pang-ibaba niyang labi dahil sa pagpipigil niya ng luha. “Hindi ko naman iyun ik
Magbasa pa
Kabanata 38.2
Naghihintay naman sa waiting are si Nick at si Joyce hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ang mga kamay ni Joyce na may bahid ng dugo ng kapatid niya. Napatayo naman si Nick ng makita niya si Darren na mabilis na tumatakbo papalapit sa kanila. “Where’s Trina? Ano bang nangyari? Bakit siya naaksidente?” sunod sunod  na tanong ni Darren sa sekretarya niya pero wala itong maisagot sa kaniya. Inis na nasuntok ni Darren ang pader dahil nag-aalala siya para rito. Bakit ba kailangan pang mangyari ng lahat ng ito? Hindi mapakali si Darren sa kinatatayuan niya dahil wala pa ring lumalabas na doctor kung saan ipinasok si Trina. Sobra ang pag-aalala niya para rito. “What happened? Where’s my daughter?” hingal na hingal ding tanong ng Daddy ni Trina. “Dad,” mahinang saad ni Joyce, mabilis naman siyang dinaluhan ng ama at nag-aalala ng makita niya ang dugo sa kamay ni Joyce at ang ilang nasa damit nito. “What happened? Bakit may dugo ka?” nagpapanic
Magbasa pa
Kabanata 39.1
TRINA POV “Mommy okay ka na po?” tanong sa akin ng anak kong kararating kasama ni Louie. Umalis naman na muna si Darren sa tabi ko at napansin kong naupo siya sa sofa. “Are you okay? Ano ba kasing nangyari at naaksidente ka?” tanong na rin sa akin ni Louie, napapikit na lamang ako ng halikan niya ako sa noo. Bahagya pa akong nagulat ng magsalubong ang mga mata namin ni Darren. Iniwas ko naman na muna sa kaniya ang paningin ko. “Okay na ako baby, don’t worry. Hindi naman malala eh, nahagip lang ako ng gilid ng sasakyan.” Baling ko sa anak ko, binuhat naman siya ni Louie para magpantay ang tingin naming dalawa. “Huwag kang mag-alala kay Mommy, okay?” dagdag ko pa sa kaniya na ikinatango niya na lang. Napatingin na lang ako kay Darren ng lumapit siya sa amin saka niya kinuha si Chris. “Lalabas na muna kaming dalawa.” Wika niya saka tumalikod sa amin at lumabas ng kwarto. “Bakit parang hindi ko gusto kung paano ka niya tin
Magbasa pa
Kabanata 39.2
“Mommy!” sigaw na sa akin ng anak ko, sumunod naman si Darren na pumasok at napatingin sa aming dalawa ni Lyndon. “Mauuna na ko Trina, I’m glad that I met you again. Kita kita na lang tayo kapag nagkaroon ako ng oras na magbakasyon dito.” “Lyndon,” tawag ko sa pangalan niya ng tumayo na siya. Diretso ko naman siyang tiningnan sa mga mata niya at ngumiti. “Thank you, thank you for being my friend kahit sa maikling panahon lang. Alam kong mahahanap mo rin ang babaeng para sayo, yung babaeng mamahalin ka kung paano ka magmahal. You’re a good man at wala ng hahanapin sayo ang isang babae.” “But you didn’t like me back.” Pagbibiro pa niya sa akin kaya natawa ako. “Yah.” Napalingon na lang kami kay Darren ng lumapit na ito sa akin at tumayo sa tabi ko. Napapailing na lamang si Lyndon sa kaniya. “Ito na ba ang anak niyo?” bahagya naman siyang yumuko para magpantay ang tingin nila ni Chris. “Hi baby, ang cute cute mo naman.” Wika niya kay Chri
Magbasa pa
Kabanata 40.1
“What do you want babe? Gusto mo bang ipagluto kita ng paborito mong ulam?” tanong sa akin ni Louie. Nakauwi na ako kanina pa, napapalingon na lamang ako kay Darren na abalang nakikipagharutan kay Chris. Alam kong naririnig niya ang mga tanong sa akin ni Louie, ewan ko ba kung guni-guni ko lang ba ang mga emosyon na nakikita ko sa kaniya ngayon. Nakikipagtawanan siya kay Chris pero pilit lamang ang mga ngiti niya. “Babe, I’m asking you.” muling saad sa akin ni Louie, napaiwas na lamang ako ng tingin kay Darren ng magsalubong ang mga mata namin. “Ah, yes. Sure, bakit hindi?” pilit kong ngiti sa kaniya. “Did you heard what I said?” muli niyang tanong, nawala naman ang pilit kong ngiti. Napatingin na lamang ako sa ibang direksyon dahil hindi ko talaga alam kung ano ba talagang itinanong niya sa akin kanina, maaaring narinig ko pero hindi ko na maalala. Rinig ko naman ang pagbuntong hininga niya. “Ipagluluto na lang kita ng masarap mong ulam, gusto mo ba
Magbasa pa
Kabanata 40.2
*** Mabilis na lumipas ang mga araw, unti-unti na ring natutuyo ang mga galos ko. Simula ng magising ako sa hospital ay hindi ko pa nakikita si Ate Joyce, kamusta na kaya siya? wala kayang nangyari sa kaniya? hindi ko na kasi nalaman dahil mabilis akong nawalan ng malay. Nakabalik na rin ako sa kompanya at pinagpatuloy ang mga naiwan kong trabaho. Hindi ko rin napapansin ngayon dito si Darren, busy siguro dahil nacancel noong nakaraang linggo ang desisyon para sa bagong chairman ng kompanya dahil sa nangyaring aksidente sa akin. Pwede niya namang ituloy yun, hindi naman malala yung nangyari sa akin pero pinacancel pa niya edi chairman na sana siya ngayon kung lahat ng nasa board ay sang-ayon sa kaniya. “Come in” saad ko ng may kumatok sa pintuan. Nilingon ko naman kung sino yan saka niya ako nginitian. “Mabuti naman at okay ka na, pasensya ka na kung hindi na kita nadalaw sa hospital.” Wika niya. “Pwede ba kitang makausap? Kung pwede lang humingi kahit kaunti
Magbasa pa
PREV
1
...
678910
...
12
DMCA.com Protection Status