All Chapters of CEO's Forgotten Wife: Chapter 51 - Chapter 60
111 Chapters
Kabanata 26.1
“Anong ibig mong sabihing nabugbog mo siya? Who is William anyway?” tanong nito saka sumimsim sa kape niya habang nakatingin sa labas ng cafe. “Siya ang CEO ng Martinez Group.” Napatingin naman si Trina kay Lyndon at salubong na ang mga kilay niya. “Alam ko namang inosente ka, kilala ko kung paano maglaro si William. Marumi siya makipaglaro lalo na sa negosyo. Alam kong hindi kompanya nila ang may gawa ng mga design na ipinalabas nila ng magkaroon sila ng show.” “Alam mo ang tungkol sa nangyari?” tumango naman sa kaniya si Lyndon. “Nalaman ko ang tungkol dun at pinasok ko si Darren sa office niya. Hindi ko alam kung dapat ko bang pagsisihan na kinausap ko siya nung araw na yun o hindi.” “Why? What do you mean?” napabuntong hininga naman si Lyndon saka sumimsim ng kape niya. “Hindi pa ako tapos magsalita nun ng mabilis niyang kinuha ang susi ng kotse niya at alam kong balak ka niyang sundan. Ang kaso,” hindi pa niya naituloy na saad. Naibaba na
Read more
Kabanata 26.2
Napapatango-tango naman na siya dahil mukhang magiging matagumpay ang malakihang show ng Dela Vegas group. Pababa na sana siya ng hagdan ng matapakan niya ang isang madulas na tela. Nanlaki na lamang ang mga mata niya dahil alam niyang babagsak siya. “Wooaaah,” nanlalaking matang sambit niya. Kung babagsak man siya ay alam niyang may kataasan din yun dahil nasa ikatatlong baitang siya ng maliit na hagdan ng matapakan niya ang madulas na tela. Naialis naman ni Darren ang mga kamay niyang nakapamulsa ng makita si Trina na pabagsak na. Naging mabilis ang kilos niya at sinalo si Trina. Napapikit na lamang si Trina dahil ang akala niya ay bumagsak siya sa sahig pero bahagyang napakunot na lamang ang noo niya ng wala siyang maramdamang sakit sa katawan niya at ramdam niya rin ang dalawang brasong tila sumalo sa kaniya. Dahan dahan pa niyang iminulat ang isa niyang mata. Sumalubong naman sa kaniya ang nakakunot na kilay ni Darren. Ibinaba naman na siya ni Darren ng bigla na
Read more
Kabanata 27.1
“Okay na ba ang lahat? Nandito na ba ang mga gagamitin? Ang mga models? Handa na ba?” sunod sunod na tanong ni Trina sa mga staff na tutulong sa kaniya sa show. “Okay na po ma’am lahat. Ang lahat ng mga models ay mukhang excited sa show kahit na yung iba ay isang beses lang lalabas. Sa tingin ko magiging matagumpay ang show ng dahil sa inyo ma’am.” nakangiting sagot ng isang staff, bahagya lang namang ngumiti si Trina saka tiningnan pa ang iba. Ano mang oras ay magsisimula na ang show. “Janet,” tawag niya sa sekretarya niya. Lumapit naman sa kaniya si Janet. “Ikaw na ang bahala rito mamaya, kailangan ko kasing lumabas. Kapag nagkaroon ng problema, tawagan mo ako kaagad.” “Sure, no problem.” Saad naman nito. Minsan pang tiningnan ni Trina ang kalagayan ng back stage saka siya lumabas at naupo sa harapan. Halos lahat ng mga mahahalagang tao naman ay nandito na. “Maganda ang pagkakaayos ng stage, mukhang handang handa ka talaga.” Saad ni Darren ng makaup
Read more
Kabanata 27.2
Ilang minuto na lamang ay tatawagin na si Ashley for the final walk. Mabilis namang naayos iyun ni Trina saka niya ibinigay kay Ashley. Nagpalakpakan naman ang mga models at staff ng matapos iyun. Lumabas naman na si Trina kasama ng secretary niya at naupo na uli siya sa upuan niya katabi ni Darren. Nakatingin naman si Darren kay Trina at hinihintay kung ano nga bang magiging kalalabasan ng ginawa ni Trina.Muling nagsalita ang host, napaayos naman si Darren sa kinauupuan niya ng lumabas na ang model nilang may suot ng dress na nasira. Kalmado lang naman si Trina at napangiti ng makita ang naging resulta ng gawa niya.“Hmm, hindi na rin masama but the original design is the most beautiful for me.” nakataas na ang kilay ng mataray na designer. Napangiti naman si Darren dahil mukhang mas naging maganda pa nga ang dress ng ayusin iyun ni Trina. Napapairap na lamang si Joyce ng makita niyang nakangiti si Darren na ngayon niya lang nakita. Inis na inis na siya s
Read more
Kabanata 28.1
TRINA POV Maaga akong nagising at nakaramdam naman ako ng saya, ewan ko ba pero parang gumaan ang pakiramdam ko ng makausap ko si Darren. Ilang taon kaming hindi nagkita at nagkausap dahil lamang sa isang kasalanang hindi naman napatunayan. Matapang at masungit pa rin siya ayon sa mga sinasabi nila pero parang siya yung Darren na minahal ko noon pitong taon na ang nakalilipas, noong panahon na nagsisimula na kaming dalawa para sa relasyon namin ng makausap ko siya kagabi. “Diretso ka na ba sa office mo sa Dela Vegas group?” tanong sa akin ni Janet ng makalabas kami ng bahay. “Oo, dun na tayo.” Saad ko naman sa kaniya. Itinuon ko naman na sa labas ang paningin ko. Ganun na ba talaga siya makipag-usap sa iba kapag dalawa na lang silang naiiwan? Dahil kung hindi niya ako nakikilala bakit ganun siya makipag-usap sa akin kagabi? Parang normal lang. Nakarating naman na kami ng kompanya. Naglalakad na ako sa lobby ng makasalubong ko si Darre
Read more
Kabanata 28.2
“Paano po kapag hindi niya na talaga ako maalala?” tanong ko naman sa kaniya. Bahagya lang naman siyang ngumiti sa akin. “Naniniwala akong babalik din ang ala-ala niya. Ang sabi ng mga doctor may pag-asa pang bumalik ang ala-ala niya kapag may nakita siyang bagay na related sayo o mga senaryo na related sayo. Madali na lang yun dahil nandito ka na, hindi ka niya maaalala pero sayo niya lang makikita ang mga bagay na parang nangyari na sa kaniya noon.” “Bakit niyo po ito ginagawa?” taka kong tanong sa kaniya. Alam ko namang nag-aalala siya sa anak niya o sa amin ni Darren pero pakiramdam ko kasi may iba pang dahilan kung bakit niya ako kinakausap ngayon. “Dahil sayo ko lang nakita na sumaya ang anak ko.” seryoso niyang saad na nakapagpatahimik sa akin. “Hindi ko makita ang anak kong kapiling ang ibang babae. Ikaw ang gusto ko para sa kaniya dahil hindi man kita gaanong kilala pero nararamdaman ko kung gaano ka kabuting tao. Ikaw ang gusto ko para sa kaniya, pa
Read more
Kabanata 29.1
Maaga pa lamang ay dumiretso na ako sa training room ng mga models. Gusto ko pa rin silang makita sa pagprapractice nila. Nang makita nila ako umayos naman sila at nagbigay galang sa akin. “Good morning.” Bati ko sa kanila. “Good morning ma’am.” sagot din naman ng mga ito. Tiningnan ko naman silang lahat kung kompleto ba sila. Nagsalubong naman ang mga mata namin ni Ate Joyce at masama ang tingin niya sa akin, hindi ko naman na iyun pinansin pa. “Magpahinga rin kayo, huwag niyo masyadong pagurin ang mga paa niyo lalo na at wala pa naman tayong nakaschedule na event.” Sambit ko sa mga ito. “Yes ma’am.” sagot naman ng mga ito. Sinabi naman ng trainer nila na maupo muna sila at magpahinga. Tiningnan ko pa naman sila hanggang sa makaupo sila. Napatingin na lamang ako kay Ate Joyce ng lumapit siya sa akin. “Ano pang ginagawa mo rito? hindi ka pa ba masaya na inalis mo ako sa title ko? ako dapat yun, ako dapat ang may suot ng dress na iyun hindi ang
Read more
Kabanata 29.2
“Oh right, I just think that maybe I need to say this to you.” saad niya saka muling nagpatuloy sa pagkain niya. Naalala ko namang kailangan kong makuha ang endorsement mula sa CEO ng Gu’s group. Ang alam ko ay binata pa ang Chinese na yun, hindi ko alam kung mahihirapan ba ako o hindi. Hindi ko siya kilala at hindi ko alam kung paano siya makipag-negotiate. Bahala na, ang mahalaga ay makuha ko ang endorsement. Nang matapos kaming kumain at muli nanaman naming itinuon ang atensyon namin sa gawain namin. Saka lang kami mag-uusap kapag kailangan o related sa ginagawa naming dalawa. Mukhang balak talaga kaming pagurin ng chairman, hays. “Kung gusto mong matapos natin ito ng wala sa loob ng limang araw, kailangan nating ipagpatuloy ang paggawa hanggang alas syete ng gabi sa isang araw. If you agree with it.” “May magagawa pa ba ako?” pagtataray ko sa kaniya. Hindi niya naman pinansin ang pagtataray ko at muling itinuon ang atensyon sa gawain niya. Ano ba talagang
Read more
Kabanata 30.1
THIRD PERSON POV “Nabalitaan ko na hindi ganun kadali na mapapayag si Mr. Gu, marunong siyang magtagalog at ang alam ko ay mahilig siya sa dalaga. Alam mo na sa mga lalaki.” Saad ni Janet habang nag-aayos si Trina para sa welcome party ng Gu’s group. “Alam ko naman na hindi ka ganung klaseng babae Trina pero paano kapag may hiningi siya sayo na hindi naman na makatao?” nag-aalalang tanong saad ni Janet dito. Naalala niya naman si Joyce, nasabi ni Darren sa kaniya na siya ang muse niya dahil gusto siyang makita ni Mr. Gu. Ano rin bang kailangan ni Darren sa Chinese na yun? “Don’t worry Janet, pupunta ako dun bilang negosyante at hindi ko kailangang itaya ang katawan ko para lang makuha ko ang gusto ko pero gagawin ko ang makakaya ko para ibigay niya sa akin ang endorsement. Makikipag-usap ako sa kaniya bilang tao.” Wika naman ni Trina sa kaniya, rinig niya naman ang pagbuntong hininga ni Janet. Pinagpatuloy na lamang niya ang pag-aayos niya sa mukha n
Read more
Kabanata 30.2
“Kumain ka na ba?” rinig pa nilang tanong ni Lyndon kay Trina. Umiling naman sa kaniya ang dalaga, nagpaalam naman si Lyndon na kukuha lang ito ng makakain nilang dalawa kaya naiwan si Trina na kasama ni Darren at Joyce. “Magkakilala talaga kayo ng lalaking yun?” lumapit pa si Darren kay Trina habang nakasunod ang paningin sa kaaalis lang na si Lyndon. “Hmmm, matagal ko na siyang kilala.” Pormal niyang sagot saka muling uminom ng wine niya. Napatango na lamang si Darren. “Bakit hindi mo yata inaya ang top model mo rito?” singit naman ni Joyce. “Hindi naman na kailangan, ayaw kong gamitin ang top model ko para lamang sa mga dirty business.” Napataas naman ang kilay ni Joyce dahil dito. “May kailangan ka ba sa CEO ng Gu’s group?” tanong ni Darren kay Trina. “Hmm but none of your business.” Saad niya, ibinaba niya naman na ang wine glass niya sakto naman ang pagdating ni Lyndon saka ibinaba ang mga dala niyang pagkain. “Kumain ka
Read more
PREV
1
...
45678
...
12
DMCA.com Protection Status