All Chapters of I am Married?: Chapter 31 - Chapter 40
58 Chapters
Chapter 31
Habang nagpapatuloy ang kuwento ni Farrah ay siya naman datingan ng mga kliyente at mamimili kaya ‘di na niya natapos ang gusto ibahagi sa kaibigan, kaya naman maghapon sila naging busy sa flower shop. Pag-uwi ng bahay ay nag-aalala ang kaniyang ina at ‘di inaasahan na magtanong ito sa tunay niya kaugnayan kay Damon. Patong-patong na ang kasinungalingan ni Farrah sa ina at naisipan niyang lalo magiging mabigat ang kaniyang kasalanan dito kung hindi pa siya magtatapat. “S-Sorry mommy… gusto ko ipaliwanag ang lahat sa umpisa pa lang ngunit napag-uunahan ako ng takot,” pagsisimula ni Farrah. “Hindi kita maintindihan Farrah,” nalilito sabi ng ginang habang pinagmamasdan ang kaisa-isang anak na nakayuko at nakaupo sa sofa katabi ni Sandra. “Ipaliwanag mo mabuti kung sino ba talaga si Damon sa buhay mo para maintindihan kita,” dagdag pa ng ginang. “Mommy…” sambit ni Farrah na kagat ang ibabang labi at nag-angat ng mukha na may luha sa mga mata bago magpatuloy ng sasabihin, “Mag-asawa po
Read more
Chapter 32
Nainip si Farrah sa pagbalik ni Damon kaya minabuti na lang niya puntahan ito sa labas bahay. Nakita niya si Damon sa garahe at may kausap pa rin sa cellphone na halata seryoso ang mukha nito. Nilapitan niya si Damon na ngumiti naman sa kaniya at pinatay ang tawag sa cellphone.“Nakaistorbo ba ako?” tanong ni Farrah.“No, sakto lang na patapos na usapan namin ng secretary ko,” sagot ni Damon.“May magandang balita ako sa ‘yo,” dagdag pa nito na ngumiti pa ng pagkatamis. Nakarandam naman ng pagkailang si Farrah sa ginawa ni Damon.“A-ano ba ang m-magandang b-balita?” nauutal na tanong ni Farrah.“Nalaman ng secretary ko na extended ang vacation ni Mayor Morena sa bansa kaya naisipan ko puntahan natin siya this weekend,” pagbabalita ni Damon.“Oh no!” sambit ni Farrah na natakpan ang bibig sa sariling palad. Kumunot naman ang kilay ni Damon sa naging reaksyon ni Farrah na inakala niyang masisiyahan ito na dati ay siya pa ang nagmamadali makita si Mayor Morena.Narandaman ni Farrah na pa
Read more
Chapter 33
Hindi namalayan ni Farrah na nakatulog siya sa sofa at mabilis siya bumangon kahit nararandaman pa rin ang pananakit ng tuhod. Hinanap niya si Damon at natagpuan sa may lanai.“Nand’yan ka lang pala,” wika ni Farrah.Nagulat naman si Damon dahil ‘di inakala gising na si Farrah habang abala siyang pinagmamasdan ang kalangitan.“Bakit bumangon ka na?” tanong ni Damon at inalalayan si Farrah sa paglalakad papunta sa silya upang maupo.“Takipsilim na, napahaba ang tulog ko at ‘di mo man lang ako ginising,” tugon ni Farrah na may halong pagtatampo.“You had need to rest, kaya naman ‘di na kita inistorbo pa. I should take you home now, maaga pa kitang susunduin bukas,” sambit ni Damon at inalalayan muli si Farrah na makatayo.Pagdating ni Farrah sa kanilang bahay ay sinalubong kaagad siya ni Sandra na kakauwi lamang din. Nag-aalala ito sa kalagayan niya at dahil naiwan ni Farrah ang kaniyang mga gamit at hindi na natawagan pa ito. Wala rin siya contact kay Damon kaya naman umuwi na lang ng
Read more
Chapter 34
Sa silid ni Lerma muli pinatulog sina Damon at Farrah. Pagkailang ang nararandaman muli ni Farrah habang katabi si Damon sa papag kahit na ilang beses na silang nagkatabi matulog. Naaalala ni Farrah na ilang beses na rin kamuntikan may mangyari sa kanila ni Damon kapag nagkakadikit ang kanilang mga balat.Hindi maiwasan ni Farrah na kabahan sa pag-alala sa nakaraan kaya napakapit ng mahigpit sa kumot. Pakirandam niya ay nagiging marupok na siya pagdating kay Damon at iniisip niya baka nagkakagusto na talaga siya rito.Iniisip ni Farrah kung ganoon din ba si Damon o baka naman mali siya ng pakirandam. Mapaglaro si Damon sa mga babae noong nag-aaral pa sila at baka mapaglaruan din nito ang kaniyang damdamin. Ngunit bigla naalala ni Farrah ang nobyo si Jeff kaya napatingin sa kawalan.“Gising ka pa pala,” wika ni Damon na nakatitig sa mukha ni Farrah.Nagulat si Farrah kaya napabalikwas ng upo mula sa pagkakahiga. Napaupo na rin si Damon at nagkatitigan silang dalawa ni Farrah.“Ano ba n
Read more
Chapter 35
"May sumusunod sa 'tin," wika ng lalaking nasa driver seat.Hindi pa nakakalayo ng San Pablo ang sasakyan. Sinulyapan naman ng isa ang side mirror kung mayroon nga nakasunod sa kanila. Napansin nito ang isang owner type jeep na nakasunod sa kanila. "Pare, bilisan mo ang pagmamaneho at may nakasunod nga," wika nito.Habang si Farrah ay nakailang ulit na ng dasal mula pa nang palabas sila sa San Pablo. Narandaman niyang hinawakan siya sa kamay ni Damon ng mahigpit. Ipinapahiwatig nito na wala siyang dapat na alalahanin sa mga nangyayari.Sobrang bilis nang takbo ng sasakyan kahit baku-bako na ang dinadaanan. Hindi pamilyar kay Farrah ang kanilang tinatahak na lugar kaya palinga-linga ito."Lakasan mo ang pagdarasal," biglang sambit ni Damon na ikinagulat ni Farrah dahil ngayon lang may lumabas na salita mula sa bibig nito.Sumunod si Farrah sa sinabi ni Damon. Gustong matawa ng mga lalaking kumuha sa kanila dahil ang huli ay sumas
Read more
Chapter 36
Kahit anong gawin pag-alala ni Mayor Morena ay walang matandaan sa gabing nangyari ang sinasabing kasalan sa isang club. Marahil nalaseng na rin siya tulad ng kaniyang assistant nang gabing 'yun."Kahit anong gawin ko pag-alala ay wala ako matandaan na kasal," wika ni Mayor Morena. "Please, subukan niyo pa po alalahanin dahil kayo lamang ang pag-asa namin upang mapawalang bisa ang nasabing kasal," pakiusap ni Farrah na nakaupo katabi si Damon.Habang si Damon naman ay walang kibo at nakikirandam lamang. Wala siyang maisip na sabihin o suhestiyon."Mawalang galang po. Ang ninanais niyo ay maaaring makasama sa magandang katayuan ni mayor. Mapapasama ang tingin ng mga kababayan natin kung sakali," singit na wika ng katiwala ng dating mayor.Akala nila ay umalis na ang katiwala kaninang maghatid ito ng meryenda sa kanila. 'Di nila inasahang nakikinig pala siya sa usapan at marahil tama ang kaniyang sinabi."Wala po ba tayong ibang m
Read more
Chapter 37
Napilitan si Damon na samahan si Farrah sa flower farm nito. Nais talaga ni Damon na manatili sila sa bahay ni Norma hangga sa maayos na ni Mayor Morena ang kailangan dokumento."Hindi pa ba tayo uuwi?" tanong ni Damon."Grabe siya, wala pa tayong 30 minutes na nandito," tugon ni Farrah. Halata nito na naiinip at balisa si Damon. "May problema ba?""Wala naman.""Bakit balisa ka? Hindi ka ba nagagandahan sa mga bulaklak?"Tumingin si Damon kay Farrah at ngumiti."Magaganda ang mga bulaklak kaya 'di nakakapagtaka marami kayong kliyente. Pero, pinakamaganda ang bulaklak na nasa harapan ko."Pumalakhak ng tawa si Farrah. Kung dati ay naiinis si Damon sa mga babae na maingay tumawa. Ngayon ay parang musika sa kaniyang tainga ang pagtawa ng malakas ni Farrah."Naging bolero ka na naman, kaya siguro ang dami mo nabiktima nang college tayo.""Hindi naman, sadyang pogi lang ako."La
Read more
Chapter 38
“Ano ba, ang harot mo!” Sinubukan ni Farrah tumayo at kumawala sa bisig ni Damon ngunit hindi siya hinayaan nito. “Baka may makakita sa ‘tin, nakakahiya.”“Hayaan mo sila, alam naman nila na mag-asawa tayo.”“Alam din nila na maghihiwalay na tayo.”“Gusto mo ba ang maghiwalay talaga tayo?”“Iyon naman ang tama di ba?”Napabuntonghininga si Damon at inilayo ng bahagya ang katawan ni Farrah. Tumayo na rin ito at tumitig sa kawalan upang maiwasan ang tingin ni Farrah.“Mali ba ang pasya ko?” tanong ni Farrah.“Hindi, tinatama mo lang ang sitwasyon,” tugon ni Damon at tumalikod na ito. “Tara na sa loob at lumalalim na ang gabi.”“Damon.” Pigil ni Farrah sa braso ni Damon. “Pag-isipan mo mabuti ang tungkol sa ama mo. Kung makikipag-ayos ka pa o hindi na, at saka natin muli pag-usapan ang tungkol sa ‘tin."Hindi kumibo si Damon at tuluyan nang naglakad papasok sa bahay na ‘di man lumingon kay Farrah.
Read more
Chapter 39
Pinagmamasdan ni Farrah ang mga biniling damit at sapatos na dinagdagan pa ni Norma ng dalawang designer bags. Ayaw niyang tanggapin sana ang mga ito ngunit mapilit din si Damon.“Ganito ba talaga ang maging asawa ni Punongbakal?” bulong niya sa sarili. “Masyadong maluho,” dagdag pa nito.Ngayon ay ‘di siya makapagpasya alin ang nababagay na suotin mamaya. Isang dinner date na kasama ang pamilyang Buenavista. Sa kakaisip pa lang sa pamilyang ito ay ‘di na mapakali si Farrah.“Choose the black dress,” biglang sambit ni Damon na nakasandal sa may pintuan.“Kanina ka pa d’yan?”“No, kadarating ko lang at mukha malalim ang iniisip mo. Can’t decide which dress to wear?”“Ah, oo. Ang mahal kasi, ngayon pa lang ako nagkaroon ng ganitong kamahal na damit. Nakakapanghinayang isuot ng isang tulad ko.”Lumapit si Damon kay Farrah at dinampot ang black v-neck ruffle dress. Isinukat niya ito kay Farrah.“Babagay sa ‘
Read more
Chapter 40
“Ready ka na na?” tanong ni Damon.“Kanina pa,” tugon ni Farrah at halatang excited.Inalis kaagad ni Damon ang panyong nakapiring kay Farrah.“W-what?” hindi makapaniwala sambit ni Farrah habang nakikita ang picnic blanket na may basket. May wine and chips na rin kasama. “How?”“Tara.” Hinatak ni Damon si Farrah patungo sa picnic blanket at inalalayan niya itong maupo. “Pinaayos ko kay Bert kung sakaling umuwi kaagad tayo.”“Kaya pala bigla silang nawala ni Mang Luis kanina pagbaba natin sa sasakyan. Dito pala sila sa likod bahay pumunta para lang ayusin ito,” namamangha wika ni Farrah.“Look.” Turo ni Damon sa isang puno.Natuwa naman si Farrah dahil ang daming alitaptap sa isang sanga ng puno.“Ang ganda.”Nagsalin ng wine si Damon sa dalawang kopita at ibinigay ang isa kay Farrah.“Masaya ka ba?” tanong ni Damon.“Oo naman. Ang ganda talaga sa probinsya.”Hindi
Read more
PREV
123456
DMCA.com Protection Status