Lahat ng Kabanata ng The Impostor Wife: Kabanata 11 - Kabanata 20
118 Kabanata
CHAPTER 11
        HINDI kayang palampasin ni Milagros ang nangyari kay Apple. Hindi siya pwedeng manahimik na lang dahil kapag ganoon ang ginawa niya ay lalabas na tino-tolerate niya ang pananakit nina Jessica. Dahil din sa nangyari sa kaibigan niya ay nagbago na ang isip niya ukol sa trabahong in-offer ni Monica. Hindi na niya iyon tatanggapin dahil baka mas lumakas ang loob nina Jessica na i-bully si Apple kapag nalaman ng mga ito na hindi na siya palagi kasama ng kaniyang kaibigan. Kung walang silbi ang magsumbong kay Sir Perry dahil panig ito kina Jessica ay sa mas mataas dito siya hihingi ng tulong—kay Monica! “Milagros! Finally. You are back!” Malaki ang ngiting isinalubong ni Monica kay Milagros nang magpunta siya sa opisina nito. Sa sinabi ni Monica ay nahinuha niyang alam nito ang nangyari sa kaniya kaya ilang araw siyang hindi nakapagpakita. “Sorry, Miss Monica
Magbasa pa
CHAPTER 12
      “ANG akala yata ni Monica ay mapipigilan niya ako sa pagtakbo ko rito sa Plaridel. Akala niya yata porket anak ko siya ay susundin ko ang gusto niya. Esta equivocada! Ako pa rin ang masusunod sa pamamahay na ito, mi esposo...”Nakatayo si Valentina sa malaking oil painting ng kaniyang namayapang asawa na si Bernard Montealta. May hawak siya sa isa niyang kamay na isang baso ng mamahaling whiskey. Hatinggabi na ngunit mailap ang antok sa kaniya kaya naisipan niyang uminom at napunta siya sa parteng iyon ng kaniyang bahay.Nakalagay ang naturang oil painting sa pinaka malaking dinging sa library. Dati ay nasa may salas iyon pero simula nang mawala na ang kaniyang mister ay pinalipat niya ang painting nito sa library at pinalitan niya iyon ng painting niya. Siya na kasi ang nagmamay-ari ng bahay na iyon kaya ang mukha niya dapat ang unang mabubun
Magbasa pa
CHAPTER 13
      TILA tumama sa jackpot ng lotto ang pakiramdam ng buong pamilya ni Milagros nang malaman nila na binayaran ni Monica Montealta nang buo ang pagkakautang nila sa lupang kinatatayuan ng kanilang munting bahay. Bukod pa roon ay hindi na nila kailangang matakot na baka muling sabihin ni Mr. Sy na meron pa silang utang dahil nagkaroon na sila ng kasulatan na hindi na sila maaaring paalisin ng gahamang lalaki sa lupang iyon. Ang maganda pa ay pino-proseso na ang paglilipat ng titulo sa pangalan ng tatay ni Milagros. Kay Milagros sana iyon ipapangalan pero hiniling niya sa lawyer ni Monica na sa tatay na lang niya.Kahit hindi siya iniimikan ng nanay niya ay alam niyang nagpapasalamat ito sa kaniya.Dahil sa magandang pangyayari na iyon ay naisipan ni Milagros na magkaroon sila sa kanilang bahay ng maliit na salu-salo. Inimbita niya si Apple at maging ang nobyong si Martin. Hindi
Magbasa pa
CHAPTER 14
      MABILIS na nagdesisyon si Monica nang makita niya ang akmang pananakit ni Jessica kay Milagros. On the spot, sinisante niya si Jessica. Kinausap na kasi niya ito na kapag hindi pa rin ito tumigil sa pambu-bully kay Milagros o sa kahit na sinong empleyado niya ay aalisin na niya ito sa kaniyang resort. Akala yata nito ay hindi niya iyon tototohanin at panakot lang niya. Hindi pa siya kilala nito. Lahat ng binitiwan niyang salita ay pinapanindigan niya.“Miss Monica! Maawa po kayo! Kailangan ko ang trabahong ito! Ako na lang ang inaasahan sa amin kaya `wag ninyo akong tanggalin! P-pangako! Hindi ko na uulitin. Bigyan niyo pa ako ng isang chance!” Pagmamakaawa ni Jessica sa kaniya.Lumuhod pa ito sa harapan niya sa pag-aakala nitong lalambot ang puso niya sa ganoon.“Tumayo ka diyan, Jessica. Kahit tumambling ka pa o kumain ng apoy ay hindi na magbaba
Magbasa pa
CHAPTER 15
       AWTOMATIKONG sumimangot ang mukha ni Martha nang nakita niyang kasama ni Milagros si Martin na pumasok sa kanilang bahay. Abala siya sa paghahain ng kanilang hapunan. Maraming sobra sa nahuli ni Fredo na galunggong kaya nagprito siya at nagluto siya ng ginisang munggo. Naunang lumapit si Milagros sa kaniya para magmano at sumunod si Martin.“Anong ginagawa ng lalaking iyan dito?” Malamig niyang tanong.“Dito po ako kakain, Aling Martha!” Magiliw na tugon ni Martin.Napatingin sa lalaki sa Milagros na para bang wala itong alam na doon maghahapunan ang nobyo nito. Mas lalo tuloy siyang napasimangot. Tinawag na niya si Fredo at ang mag-inang sina Mirasol at Beloy. Sama-sama silang dumulog sa hapag-kainan.Magkatabi sina Milagros at Martin. Panay ang sulyap niya sa lalaki na may kasamang irap.Talagang hanggang ngayon ay hindi pa rin ito humihiwalay kay Milagros kahit harap-ha
Magbasa pa
CHAPTER 16
“DAMA ko ang bawat isa sa inyo. Dama ko ang hirap na inyong pinagdadaanan. Minsan na akong napunta sa sitwasyon kung saan gusto ko nang sumuko dahil pakiramdam ko ay walang gustong tumulong sa akin. Tapos na ang araw ng inyong pangangamba. `Andito na ako para kayo ay tulungan at kalingain. Ako po si Valentina Montealta—tatakbo bilang gobernadora ng bayan ng Plaridel. Mahal ko kayong lahat!”Isang malakas na palakpak ang ginawa ni Valentina matapos niyang mapanood sa telebisyon ang campaign ad na ginawa ng team niya noong isang linggo. Kasama niya sa sala si Monica at ang mga kasambahay nila.Tuwang-tuwa ang mga kasambahay sa napanood.“Naku, senyora! Sure win ka na niyan! Ang bait-bait mong tingnan sa patalastas mo!” wika ng isa niyang katulong.“Bakit hindi ba ako mukhang mabait sa personal, Letty?!” asik niya.“`Ayan, senyora... H-hindi ka mukhang mabait kapag ganiyan!”“Shut up! Bumalik na kayo sa mga trabaho ninyo!” Pagtataboy niya sa mga ito. Agad na tumalima ang mga kasamba
Magbasa pa
CHAPTER 17
HINDI biro ang paghahanda sa kasal—iyan ang napatunayan ni Milagros. Bukod sa kailangan ng maraming oras ay dapat handa rin ang iyong bulsa. Kahit pa sinabi ni Martin na meron itong kaunting ipon para sa kanilang kasal ay nangangamba pa rin siya na baka kulangin sila kapag nandiyan na ang mga kailangang bayaran. Inuna na nila ang mga counselling at kung anu-anong dapat nilang gawin para maging legal ang kanilang pag-iisang dibdib. Nagpunta sila sa munisipyo at simbahan sa kanilang lokal.Noon pa man ay pangarap na ni Milagros na maikasal sa kanilang simbahan. Hindi man iyong ganoon kalaki at kaganda kumpara sa ibang simbahan ay masasabi niyang sobrang memorable ng simbahay na iyon sa kaniya. Bata pa lang siya ay doon na siya nagsisimba. Iyon din ang kanlungan nila sa tuwing may malakas na bagyo. Magkasama rin silang nagsisimba ni Martin doon.Isang buwan din ang ginugol nila para sa legalidad ng kanilang kasal. Hindi niya iyon magawang tutukan dahil sa meron siyang trabaho.Isinu
Magbasa pa
CHAPTER 18
MASAYANG ikinuwento ni Milagros kay Martin ang pagsagot ni Monica sa kaniyang wedding gown. Kahit si Martin ay hindi makapaniwala sa sobrang kabaitan ni Monica sa kaniya. Biruin mo, isang beses niya lamang itong tinulungan pero napakaraming beses na siya nitong tinutulungan. Napakalaking bagay para makabawas sa gastos nila sa kasal ang ginawa ni Monica. Isa pang ikinatuwa niya ay sa kaniya na talaga ng naturang wedding gown dahil binayaran na iyon nang buo.“Napakabait pala talaga ng boss mo. Pero baka may kapalit iyang mga tulong niya sa iyo, ha. Makiramdam ka rin dapat,” sabi ni Martin.Sinundo siya nito sa resort ng gabing iyon. Kagaya ng kanilang nakagawian ay naglalakad lang sila pauwi sa bahay.“Sa tingin ko ay hindi ganoon si Miss Monica. Sobrang pasasalamat niya kasi iniligtas ko ang buhay niya. Pero sa totoo lang, sapat na sa akin iyong binayaran niya ang lupa namin at pinatitiluhan niya. Kaya iyong mga sumunod na ibinibigay niya ay nahihiya na akong tanggapin.”“Basta,
Magbasa pa
CHAPTER 19
       “AND the best actress award goes to... Valentina Montealta!”Medyo nagulat at napahinto sa pagpasok sa bahay niya si Valentina nang makita si Monica. Alam niya na napanood nito ang interview niya sa telebisyon kung saan umiyak siya at idinamay pa niya ang pangalan nito.Nang-uuyam ang ngiti ni Monica sa kaniya. Sa hitsura nito ay halatang hindi nito gusto ang kaniyang ginawa pero wala siyang pakialam sa nararamdaman nito. Ang importante ay ginawa niya ang alam niyang magsasalba sa kaniyang pangalan at magpapapanalo sa kaniya sa nalalapit na eleksyon.Nagpatuloy siya sa pagpasok pero nagsalita ulit si Monica kaya napahinto siyang muli. “I saw your interview with Mel Aragon. Ganap na ganap ka sa pag-iyak mo, ha. Very good acting but not convincing para sa akin,” turan pa ni Monica.Itinirik niya ang mata sabay ngiti. “That is not acting, my dear daughter. Genuine ang iyak kon
Magbasa pa
CHAPTER 20
       HABANG nag-a-apply ng lipstick si Monica sa kaniyang magandang labi ay napansin niya ang dalawang babae sa tabi niya na nagbubulungan at tumitingin sa kaniya nang palihim. Ang akala yata ng mga ito ay hindi niya iyon napapansin dahil meron siyang ginagawa. Nakakainsulto na pakiramdam niya ay siya ang pinag-uusapan ng dalawa tapos nasa tabi lang siya.Gustung-gusto na niyang tarayan ang mga babae pero baka kasi hindi siya ang pinag-uusapan. Mapapahiya pa siya.Nang matapos na siya ay naghanda na siya sa paglabas ng restroom. Pinapasadahan niya ng huling tingin ang sarili sa salamin nang mahaging ng tenga niya ang kaniyang pangalan mula sa bibig ng isa sa mga babae. Iyon na ang hudyat para ipakita niya sa dalawa kung paano magmaldita at magtaray ang isang Monica Montealta!Tumikhim muna si Monica at seryosong humarap sa dalawa. “I heard my name. Pwedeng lakasan ninyo ang mga pinagsasabi ninyo tungkol sa ak
Magbasa pa
PREV
123456
...
12
DMCA.com Protection Status