Lahat ng Kabanata ng THE REBOUND BRIDE: Kabanata 31 - Kabanata 40
105 Kabanata
KABANATA 31
Sinadya niya talagang hintayin si Sean since hirap din naman siyang matulog. Nang marinig na dumating na ang lalaki ay agad na lumabas siya ng kwarto bago pa man ito makapasok sa loob ng kwarto nito.Kinausap niya agad ito tungkol sa mga damit sa loob ng kabinet niya. Hindi niya alam kung bakit parang natigilan itong nakatingin lang sa kanya. Dumako ang mga mata niya sa exposed na dibdib nito dahil hindi nakasara ang ilang butones sa itaas ng polo nito. Hawak pa ng isang kamay nito ang nakasabit sa balikat na coat.Siya naman ang parang natigilan. Medyo magulo ang buhok ng lalaki at namumula ang mukha.Nakainom ba ito?"Let's not argue about it. Nabili ko na ang mga iyon. Hindi na pwedeng ibalik. Kung ayaw mong isuot, you can give them away if you want." Walang ano mang sabi nito na bigla na lang siyang tinalikuran na para bang ayaw na siyang harapin.Parang nainsulto ang pakiramdam niya. Napatingin tuloy siya sa sarili. Maayos naman ang mukha niya, ah! Bakit parang nagmamadali na it
Magbasa pa
KABANATA 32
Naiilang siyang makaharap uli si Sean pero wala siyang choice kundi gumising nang maaga dahil first day niya sa trabaho.Nakaligo na siya at nakapagbihis pero nag-aalangan pa rin siyang bumaba sa komedor. Alas otso magsisimula ang oras ng trabaho niya at mag-aalas sais y media pa lang. Suot niya ang isa sa mga binili niyang damit pang-opisina. Tumayo siya at huminga muna nang malalim bago kinuha ang shoulder bag sa ibabaw ng kama.Nakahanda na ang almusal nila sa mesa pero walang Sean siyang nakita. Ang alam niya kasi sa gano'ng oras ay handa na ang lalaking pumasok sa opisina nito."Good Morning! Kumain ka na at nang makapagtrabaho ka nang maayos. Unang araw mo pa naman ngayon," masiglang bati ni Nana Klaudia at agad na siyang pinaupo."Si S-sean ho?""Hindi ka na nasanay do'n. Hindi naman talaga iyon nag-aalmusal. Maagang umalis dahil may business meeting siya. Hindi na nga rin iyon nakainom ng kape niya."Tumango lang siya."Saluhan ninyo na ho ako, Nana," aya niya sa babae."Mauna
Magbasa pa
KABANATA 33
Mabuti na lang at wala si Mr. Rado nang bumalik siya ng opisina nito. Para siyang lutang hanggang sa makaupo sa harap ng laptop.Pinilit niyang bumalik sa ginagawa kanina pero ang mukha ng dalawang naglalandian ang nakikita niya sa screen ng laptop.Hindi pa siya nakakatagal sa pagkakaupo nang tumunog ang Avaya phone. Inalis muna niya ang bara sa lalamunan bago sagutin iyon. Iniisip niyang baka magpa-follow up na si Lany sa pinagawa nito sa kanya. Hindi pa naman siya nakakapangalahati do'n."Yazmin de Lara of Mr. Rado's office." Iyon agad ang bungad niya dahil sabi ni Lany kanina ay magpakilala agad siya at sabihin kung saang office para malaman agad ng nasa kabilang linya kung tama ba ang natawagan nila. Puro internal calls o within the office lang kasi ang tinatanggap na tawag ng Avaya niya. Si Lany naman ay nakakatanggap ng mga tawag both internal and external. Ito kasi ang kumakausap sa mga clients bago iyon pinapasa kay Mr. Rado."Come back and get the documents, Miss de Lara,"
Magbasa pa
KABANATA 34
Hindi naman siya pinag-overtime sa unang araw niya sa trabaho. Pinauna pa nga siya ng uwi ni Mr. Rado dahil may tatapusin daw itong trabaho kasama ni Lany.May pakiramdam na siya kung ano'ng klaseng "trabaho" ang ibig nitong sabihin. Wala naman siyang ebidensiya kaya't pinigilan na niya ang sariling mag-isip ng gano'ng bagay tungkol sa dalawa. Kahit naman totoo ang hinala niya ay labas na siya do'n. Buhay naman nila iyon at hindi naman siguro pinupwersa si Lany.Dahil hindi nga siya magpapasundo kay Mang Rogelio ay kailangan pa niyang maglakad hanggang kabilang kanto kung saan ang sakayan. Nakalabas na siya ng exit door ng malaking building na pinapasukan nang may magsalita sa likuran."Hi!"Nagtatakang napalingon siya at nakita niya ang humahangos na lalaki. "I think this is yours." May inabot ito sa kanya.Nang tingnan niya ang inabot nito ay awtomatikong kinapa niya ang bulsa ng blazer kung saan niya inipit ang ID. Wala na nga do'n ang ID niya."Yazmin de Lara?" Binasa pa ng lalak
Magbasa pa
KABANATA 35
Hindi niya alam kung bakit malakas ang urge niyang magpaliwanag kay Yazmin or ipaalam man lang dito na hindi niya kasama si Bhelle sa buong araw.Sa katunayan ay umalis agad ang babae na parang inis nang pagsabihan niya ito tungkol sa inasta nito kay Yazmin.Gusto niyang tawagan uli si Yazmin para papuntahin sa opisina niya para makita man lang nitong wala na nga si Bhelle. Hindi niya nga alam kung bakit kailangan niyang gawin iyon gayong malinaw naman ang usapan nila na walang pakialaman sa isa't-isa.Dahil hindi rin naman siya mapakali buong araw ay umuwi na siya kahit alas tres pa lang ng hapon. Kadalasan ay ginagabi siya sa opisina kaya't kahit si Nana Klaudia ay nanibago nang umuwi siya kahit hindi pa naman oras ng uwian.Pagkauwi ay naligo lang siya saka nagbihis uli para bumalik sa opisina. Hindi niya dala ang kotse bagkus ay ang motorsiklo ang sinakyan niya. Ginagamit niya lang talaga iyon kung gusto niyang mag road trip mag-isa.Hinintay niya ang pag-uwi ni Yazmin. Gusto niya
Magbasa pa
KABANATA 36
Dahil gusto rin niyang makita ang iba pang mga empleyado ng kompanya ay sa cafeteria sa 11th floor siya kumakain ng lunch.Sa laki ng kompanya ay may cafeteria kada floor. Sa tenth floor lang ang wala dahil wala naman masyadong empleyado sa floor nila dahil opisina lang ni Sean at Mr. Rado ang ando'n.Marami ngang mga empleyadong nagtatrabaho sa kompanya ni Sean. Umupo siya sa isang bakanteng mesa since wala pa naman talaga siyang kakilala pa roon. Si Lany kasi ay sa labas kumakain.Nagsisimula na siyang kumain nang may magsalita. Napaangat ang tingin niya at nakita niya ang nakangiting mukha ni Jacob."Pwedeng maupo?" "Oo naman," kiming sagot niya. Naalala niya kasi no'ng iniwan niya itong bigla sa sakayan.Imbes na sa harap niya umupo ang lalaki ay tumabi ito sa kanya mismo. Nagulat man ay umusog na lang din siya konti para hindi sila magsiksikan sa pahabang upuan.Medyo naiilang na siya sa lalaki kaya hindi siya masyadong umiimik."May boyfriend ka pa lang bigatin. Boyfriend mo iy
Magbasa pa
KABANATA 37
Halos gabi-gabi siyang tumatawag sa kapatid niyang si Joshua na nasa Davao na. Nagkita silang dalawa bago ang flight nito papuntang Davao.Umiiyak itong nagpasalamat sa kanya at halatang hiyang-hiya ito sa nagawa.Kakababa lang niya ng phone at mukhang maayos naman ang lagay ng kapatid sa Davao. Ito rin ang tinatanong niya tungkol sa kalagayan ng mga magulang nila. Napag-alaman niya rin kasi dito na hindi pa rin humupa ang galit ng ama sa kanya.Hindi niya alam kung kailan talaga mawawala iyon pero hangga't hindi pa niya pwedeng kontakin nang diretso ang mga magulang ay sa kapatid niya muna siya nagtatanong.Okay naman daw ang kalagayan ng mga ito ayon sa kamag-anak na pinakiusapan ni Joshua na tumira muna sa kanila habang wala ito. Napalagay na rin ang loob niya sa kaalamang iyon.Nagtanong din ito kung kumusta na siya at kung saan siya nakatira sa ngayon. Ang sabi niya lang ay nakahanap siya ng trabaho sa isang maliit na kompanya at nakahanap siya ng boarding house na malapit lang
Magbasa pa
KABANATA 38
Lunes.Halos hindi magkandaugaga sina Mr. Rado at Lany na nagdi-discuss ng ire-report ni Mr. Rado sa conference meeting na gaganapin ng alas diyes ng umaga.Gusto niya sanang tumulong pero parang hindi na siya napapansin ng dalawa na parang tense na tense. Nanatili na lang din siya sa mesa niya at ginagawa ang encoding ng iba pang dokumentong pinapagawa ni Mr. Rado sa kanya.Panaka-naka siyang napapatingin sa mga ito at baka may iuutos sa kanya. Sinabi ni Mr. Rado pagkarating na pagkarating niya pa lang sa opisina na dadalo sa conference meeting ang isa sa mga anak ng isang business tycoon ng bansa na si Mr. Arnulfo Esguerra. Nang banggitin nito ang pangalan ng bibisita sa kompanya ay agad na nalaman niyang iyon ang mestisang sinundo ni Sean sa airport no'ng isang araw ayon sa nakita niya sa page ng kompanya nila.Latonia Esguerra. Posible ring ito ang kasama ni Sean buong araw kahapon dahil hindi niya nakita ang lalaki sa bahay nito hanggang sa gumabi. Naalala niya tuloy ang nasa c
Magbasa pa
KABANATA 39
Buong linggong halos mabibilang lang ang oras na mahahagilap si Sean sa office. Lagi ay nasa labas ito. Ang alam niya ay uma-attend ito ng iba't-ibang client meetings kasama si Latonia. May usap-usapan kasi na gagawa ng isang malaking project together ang dalawa.Kapag nasa office naman ang lalaki ay palagi namang makikita sa tabi nito si Latonia. Nang minsang makita niya ang dalawa ay nakaabrisyete pa sa braso ni Sean ang babae. May bulung-bulungan nga na baka nagkabalikan na ang dalawa.May mga naging regular na nakakasabay na rin siya ng lunch na taga-ibang department. Doon siya laging nakakasagap ng mga tsismis.Si Jacob naman mula nang layasan siya sa kalagitnaan ng lunch nila ay parang umiiwas na sa kanya na ipinagkibit-balikat niya na lang.Mas pabor nga iyon sa kanya dahil ayaw niyang pagmulan pa ng issue ang pakikipaglapit nito sa kanya lalo pa't may pamilya na pala ito kahit hindi pa kasal.Mabuti na lang at hindi niya masyadong nakikita si Sean kahit sa bahay. Hindi na siy
Magbasa pa
KABANATA 40
Nakalatag sa ibabaw ng kama ang nasa halos sampung piraso ng cocktail dresses na nakuha niya sa closet. Pagkatapos niyang maglaba ay dumiretso na siya sa kwarto para makapamili ng damit na susuotin para sa party. Kunot na kunot ang noo niya dahil hindi siya makapag-decide kung alin sa mga iyon ang pipiliin. Magaganda naman kasi lahat. Kinuha niya ang isang itim na damit na silk ang tela. Mahaba iyon pero siguradong hapit sa katawan niya. May slit din iyon sa gilid. Malalantad ang buong balikat niya kapag suot niya iyon. Sinipat niya ang damit at nakita niya sa loob ang dalawang pads. Hindi yata pwedeng magsuot ng bra kaya iyong mga pads ang magsisilbing pantakip niya sa dibdib nang hindi bumakat ang nipples niya.Hindi kaya malaswa ang dating no'n? Baka magmukha siyang sexy star na naligaw sa isang formal party.Saka iyong boobs niya, hindi ba aalog-alog dahil hindi naman iyon susuotan ng bra?Ibinalik niya ang damit saka tiningnan uli ang iba. May nakita siyang pulang damit na hin
Magbasa pa
PREV
123456
...
11
DMCA.com Protection Status