Lahat ng Kabanata ng Heartless Tears: Kabanata 41 - Kabanata 50
62 Kabanata
HT - 41
[ Alistair, kumusta d'yan sa California? ] Ngumiti ako kay Gizzy ng mag-request siyang mag-video call sa akin. "I'm doing good here, Gizzy! Medyo nag-i-snow na rito. See," ani ko sa kanya at pinakita ang paligid kung nasa'n ako. [ Wow! Ilang damit na ang suot mo ngayon, Alistair? ] Masayang tanong niya sa akin habang nakikita ko ang ningning sa kanyang mga mata. Tinaas ko ang tatlong daliri ko sa camera. "Tatlong damit na ang suot ko tapos puro makakapal pa iyon, Gizzy!" [ Uy, ingatan mo ang baby mo, ha? ] Tumango ako sa kanya. Lagi na lang niya iyan sinasabi sa akin. Walang araw niyang sinasabi ang tungkol sa baby ko. [ Oo nga pala, Alistair. Ayoko naman sabihin sa'yo ito pero nag-promise tayong no more secrets, right? ] Tumango ako sa kanya. Nakita kong tumingin ang mga mata niya sa gilid. May tinatago siya sa akin.[ A-ano kasi... Ilang buwan ka na d'yan sa America, 'di ba? ] Nakatingin lamang ako sa kanya at naghihintay
Magbasa pa
HT - 42
"Princess, handa ka na ba?" Nakita ko si mommy na nakatayo sa haligi ng kusina.Tumango ako sa kanya, "Opo, mommy! Handa na po ako. Handa na po kami." masayang wika ko sa kanya at hinaplos ang ilang buwan kong tiyan. Lumalaki na talaga ang baby bump ko. Hindi na maitatagong buntis ako. Napahaplos ako sa aking baby bump habang sakay ako ng kotse papunta sa hospital. Kailangan ko na raw i-admit doon at oobserbahan ako ng ilang araw para makasiguro silang healthy akong operahan. Syempre need din nilang i-monitor ang baby ko. Hinawakan ni mommy ang kaliwa kong kamay. "Everything will be okay too, princess. Your daddy and I are just here, okay?" pagpapakalma sa akin ni mommy. Tumingin ako sa passenger seat, nandoon ang kalmadong mukha ni daddy. At, si tito naman ang nagda-drive papuntang hospital. Hindi na sumama si tita Ysa at si kuya Reed ay may trabaho sa isang publishing house rito sa California."Thank you, mommy. I'll promise magiging successful po
Magbasa pa
HT - 43
Isang buwan ang nakalipas nang tuluyang gumaling ako. Hindi ako pinabayaan ni doctor Hart at maging ang obstetrician ko rito sa California ay hindi rin ako pinabayaan. Always akong dinadala ng obstetrician ko. Always niyang chine-check ang lagay ko at ni baby. Marami rin siyang binilin sa akin na mga bawal at p'wede kong gawin. P'wede pa rin naman daw ako magpa-breastfeed sa kabilang dibdib ko dahil 'di naman daw niyon nahawaan. Natuwa nga ako ng malaman ko iyon. Laking ginhawa ko na p'wede pa rin ako mag-pa-breastfeed sa baby ko. Lagi rin akong kinakumusta ni doctor Hart. Pumupunta rin siya sa bahay para sa weekly check-up ko. Binigyan lang niya ako ng vitamins para lumakas ang aking immune system."Thank you very much for visiting me, doctor Hart." ngiting sabi ni mommy sa kanya.Ngumiti sa amin si doctor Hart. "No worries, Mrs. Roxas. It is my duty to visit Ms. Alistair for his speedy recovery. I always tell her not to get tired, especially since the b
Magbasa pa
HT - 44
"Your baby is in good condition, Ms. Alistair Roxas. So nothing to worry about your baby..." Masaya akong marinig na healthy ang baby ko. Napahaplos ako sa baby bump ko. Nandito kami sa clinic ng kaibigan ni doctor Hart. Siya ang obstetrician ko rito sa California. Half pinay and half american si doktora. Sobrang bait niya at talagang pinapaliwanang niya sa amin ang p'wede kong gawin at kainin. Tinatatak sa aking isipan ang mga bawal namang gawin ko. "Also, take the medicine I gave you for baby at the right time, Alistair. Your milk, I know you don't like it but you really need to drink it for your baby." bilin niyang sabi sa akin. Talagang diniin niya ang salitang gatas.Napangiwi ako sa sinabi ni doc. Hindi ko alam pero hindi ko gusto ang lasa ng gatas ngayon. Siguro 'di kasi ako roon naglilihi kaya ayoko nu'n, maamoy ko nga lang nasusuka na ako. Kaya no choice ako kung 'di, pisilin ang aking ilong habang iniinom ko ang gatas para kay baby kasi ni
Magbasa pa
HT - 45
Hindi ako mapakali sa aking kinauupuan. Nandito ako sa loob ng k'warto ko at iniisip ko kung ano ang pinag-ku-k'wentuhan nina kuya Reed and kuya Zachary sa sala. Halos hindi nga ako makatingin sa kanya kanina. Para akong tuod na nakatingin lamang sa aking harapan. Parang may harang akong nilagay sa aking leeg para 'di ako lumingon sa magkabilang gilid ko.Nakatutok lang ako sa dingding ng maramdaman kong tumunog ang aking tiyan. "Nagugutom na ako!" impit na hiyaw ko sa aking sarili. Napahawak ako sa aking baby bump, "baby, gutom ka na rin ba d'yan?" Kausap ko sa kanya habang hinahaplos ito.Tumayo ako at inilang hakbang ang pinto. Bakit ako matatakot sa kanya? Kapatid naman niya ang may kasalanan at hindi ako. Saka, bahay nila tita ito, hindi sa kanya. Kaya bakit ako mahihiyang magpakita sa kanya? Desidido na akong lalabas para sa baby ko at sa sarili ko. Nagugutom na ako, e. Pinihit ko nang dahan-dahan ang doorknob, mahina ko ring bin
Magbasa pa
HT - 46
"Ma...mi!" Napangiti ako ng marinig ang boses ng anak kong lalaki na si Xavior. Pinangalanan ko siyang Xavior Axel, dahil siya ang nagsagip sa akin sa kalungkutan ko. Mag-iisang taon na siya pero sobrang talas niyang mag-isip. Napangiti ako nang lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa aking labi. "Mami," tawag niya ulit sa akin. Para tuloy hinahaplos ang aking puso kapag tinatawag niya akong mommy. Masaya akong ngumiti sa kanya. Binuhat ko siya at umupo kami sa sofa-ng nandito.Ilang taon na ang nakakaraan nang maipanganak ko ang aking baby boy. Mahirap para sa akin na habang nasasaktan akong umiire na mag-isa sa operating room. Pero, nawala ang sakit ng marinig ko ang iyak niya. Halos 'di ako makatulog ng ilang buwan para tignan siya. Kung maayos ba ang pagkakahiga niya. Kung basa na ba ang pampers niya. Kung 'di ba iritating ang suot niyang damit. Lahat niyon iniisip ko dahil siya ang buhay ko, si Xavior Axel ang life savior ko. Buti na lang
Magbasa pa
HT - 47
Dalawang taon na ang nakakalipas. Bumalik ang pagkakaibigan namin ni Tiny. May galit pa rin ako sa kanya despite sa pagiging bestfriend namin, siya ang unang tumalikod sa akin, pero sabi nga nila, ‘ang Diyos nga nagpapatawad tayong tao pa kaya?’ Hindi man mabubura agad ang galit ko sa kanya atleast nag-uusap na ulit kami katulad ng dati. Lagi na rin siyang nangangamusta sa akin at kay baby Axel. Always na rin siyang nagpapadala ng kung ano-ano sa anak ko. Parehas sila ni kuya Zachary. Tambak na tuloy ang gamit ni baby Axel. Sana nga lang magamit pa niya ito, hindi ba nila alam na lumalaki ang mga baby. Kinuha ni mommy sa akin si baby Axel, inaasikaso na kasi namin ang pagbalik namin sa Pilipinas. Kailangan na kami ni daddy. At, wala naman ng saysay para magtago ako. Hindi naman ako nagtatago, gusto ko lang humilom itong puso ko. Gumaling naman na kaya handa na akong makaharap man sila.Ilalaban ko ang anak ko. [ Alistair! Seryoso ka ba? Uuwi na kayong ma
Magbasa pa
HT - 48
Nag-email ako kina Gizzy and Tiny. Hindi na ako nagsend ng email kay kuya Zachary, paniguradong alam naman niyang ngayon ang lipad namin pabalik sa Pinas. Sinabi na rin siguro sa kanya ni kuya Reed. Nagpaalam na kami kila tita at nagpasalamat din kami sa halos dalawang taong tumira kami sa kanila. Ang dami nilang naitulong sa amin ni mommy. "Stay safe, Alistair and to our grandson Axel. Mamimiss ka ni mamu." kausap ni tita kay baby Axel habang karga niya ito. "Mamu!" masayang tawag ni Axel kay tita at hinalikan niya ito sa pisngi. "Ikaw talagang baby namin. Mamimiss ka talaga namin, baby Axel." paalam ni tita sa anak ko at pinupog niya ng halik ang leeg ni Axel. Binalik niya sa akin si Axel. Binuhat ko siya at kahit may kabigatan na si Axel para sa akin. "Thank you po, tita and tito." hingi kong pagsasalamat sa kanila. Dahil sa dalawang taon na paninirahan namin dito, naging pangalawang magulang ko na rin sila. "Wala niyon, Alistair. We w
Magbasa pa
HT - 49
"Mommy, nagkita kaming dalawa ni Xerxes..." kinakabahan kong sabi kay mommy. "P-paano kung kunin niya sa akin si Axel? H-hindi mapagkakailang mag-ama sila, mommy." natataranta kong sabi sa kanya. Nang mabangga namin sina Xerxes and Edel, bigla ko na lang binuhat si Axel at tumakbo ako papalayo sa kanila. Hindi ko na nga ininda na mabigat si Axel basta nasa isip ko, makalayo sa kanilang dalawa.Hindi ko na nga inisip ang pagiging mabigat ni Axel, basta tumakbo ako habang buhat-buhat ang anak ko. Hindi na ako nakasipot sa usapan namin nina Tiny and Gizzy. Hanggang ngayon 'di pa ako nakakapagtext sa kanya kung bakit bigla akong umalis sa mall. Basta nagtext na lang ako na, may importante pa akong lakad. "Mommy, p-paano kung," Pinutol ni mommy ang aking sasabihin sa kanya. "Huwag kang mataranta, Alistair." Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko. "Siya ang pumutol sa ugnayan niya bilang ama ni Axel. Sinabi mo naman sa kanya noon na buntis ka at siya ang
Magbasa pa
HT - 50
May narinig akong nag-doorbell. Hindi ko pinansin niyon dahil busy ako sa pagpapakain kay baby Axel. Nakatutok na naman kasi siya sa cartoons na pinapanood niya."Baby, ubusin mo muna ito para maging strong ka na. Iinumin mo pa ang vitamins mo." sukong sabi ko sa kanya pero parang wala siyang narinig sa sinabi ko. Patuloy pa rin ang mga mata niyang naka-focus sa television dito sa sala. "Mamaya darating sina ninang Gizzy and ninang Tiny mo." masayang sabi ko sa kanya, na siyang pagkakuha niya ng atensyon sa aking sinabi.Lumingon ito habang ngumunguya pa ang bibig na tumingin sa akin. "Nanang?" pagtatanong niya habang may confused sa mukha niya. Tumango ako sa kanya. "Opo, si ninang Gizzy at si ninang Tiny mo! May gift sila sa'yo mamaya." masayang sabi ko ulit sa kanya at sinubuan ulit siya. Nagningning ang mga mata niyang tumingin sa akin. Nakatitig na siya ngayon habang naka-awang ang kanyang mapupulang labi sa akin."Kaya dapat maubo
Magbasa pa
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status