All Chapters of Pangarap Ko Ang Ibigin Ka: Chapter 11 - Chapter 20
83 Chapters
Chapter Eleven
UMUUNGOL sa sakit na nagising si Anastasia. Sa konting kibot niya ay agad na kumikirot ang bahaging likod niya. Marahan niyang iminulat ang mga mata nang may naririnig siyang nag-uusap."Wala namang nabaling buto sa kanya. Pero para mas makasiguro tayo, dahil mo siya sa hospital para masuri ng husto.""Maraming salamat, Doc."Nakita nitang nakipagkamay si Craig sa lalaking may katandaan na. Gusto sana niyang tumayo pero hindi niya magawa. Pagkalabas ng lalaki ay bumaling ng tingin sa direksyon niya ang asawa at agad na nagdilim ang mukha nito nang makita siyang gising na."Craig.""Buti naman gising ka na." Humakbang ito palapit sa kanya."Anong nangyari?""Hindi mo alam kung ano ang ginawa mo kagabi? Nilagay mo sa kapahamakan ang buhay mo!" singhal nito sa kanya.Naguguluhang inalala niya ang nangyari kagabi. Ang natatandaan niya, malakas na umuulan, may batang babae ang humingi ng saklolo at sumama siya rito para saklolohan ang ina ng bata tapos may matigas na bagay ang humampas sa
Read more
Chapter Twelve
MAHINANG umungol si Anastasia nang dumampi ang mainit na labi ni Craig sa tyan niya nang matanggal nito ang suot niyang dress. Gumapang ang labi nito sa pataas sa pagitan ng mga dibdib niya.Umarko ang katawan niya dahil sa sensasyon na nararamdaman niya sa bawat pagdampi ng labi nito sa balat niya. Pakiramdam niya may naiiwang init sa balat niya sa tuwing ililipat nito ang labi sa ibang parte ng kanyang katawan.Nakagat niya ang ibabang labi nang tuluyang natanggal ni Craig ang bra niya at agad na inangkin ng bibig nito ang isa niyang dibdib. Dumidila at sumisipsip. Malakas siyang napa-ungol sa dulot na sarap ng ginagawa nito. She felt her v*gina tingling with the sensation she felt right now.Muli siyang umungol nang salatin ng kamay nito ang basa na niyang pagkababae."I think you're ready for me, Princess," paos ang boses na sabi nito kuway pumaibabaw sa kanya.Malakas siyang napadaing nang walang Sabi-sabing ipinasok nito ang kahabaan sa loob niya. She felt so full between her le
Read more
Chapter Thirteen
BUONG araw na abala sa pagsusulat si Anastasia dahil malapit na ang deadline ng manuscript niya. Gusto man niyang puntahan pa ang ibang tourist spot sa Zahara ay hindi niya magawa dahil kailangan niyang tapusin ang sinusulat niya."Hindi ka raw kumain ng tanghalian?"Nabaling ang tingin niya kay Craig. Hindi man lang niya napansin ang pagpasok nito. May dala itong pagkain at nilapag nito iyon sa tabi ng laptop niya.Sinipat niya ang oras sa cellphone niya. Alas-tres na ng hapon."Hindi ko napansin ang oras. Salamat."Hinila nito ang bakanteng kahoy na upuan at naupo sa tabi niya. "Trabaho ba 'yang ginagawa mo?"Tumango siya. "Oo.""Anong trabaho?""Isa akong writer," buong pagmamalaki niyang sabi.Nangunot ang noo nito. "Writer?""Yep. Isa akong romance writer at yung mga naisususlat ko naisasalibro siya.""Iyan ang pinagkakakitaan mo sa limang taong nanirahan ka sa Maynila?""Yes."Hinaplos nito ang buhok niya na hindi niya inaasahang gagawin nito. "Okay lang magtrabaho pero sana huw
Read more
Chapter Fourteen
PAGKATAPOS kumain nila Anastasia at Craig, inaasahan niya na babalik na sila sa Zahara pero sinabi ni Craig sa kanya na mag-stay sila sa Baguio ng tatlong araw bilang bakasyon."You like the room? O gusto mong magpalipat tayo?" tanong sa kanya nito pagkapasok nila sa kwartong nirentahan nito para sa tatlong araw nilang pananatili sa Baguio."I like the room. Honestly, hindi itong kwarto ang pinoproblema ko. Wala akong dalang damit para sa tatlong araw na pag-stay natin dito.""You don't need them." Humakbang ito palapit sa kanya habang mayroon itong malapad na ngiti sa mga labi. "Ikukulong lang kita rito sa loob ng tatlong araw.""Craig naman...""Hindi ba pwede 'yun? Five years kang wala, Ana, so take the responsibility," pilyo nitong sabi.Tumango-tango siya at ikinawit ang mga kamay sa batok nito. "Okay, I'll take the responsibility. Make love to me, Craig, as long as you want."Yumakap ang mga braso nito sa baywang niya. "I thought I would never see you again, so I was happy when
Read more
Chapter Fifteen
"WHAT are you doing?" tanong ni Craig sa kanya pagkalabas nito sa banyo. Naglakad ito palapit sa kanya para tingnan ang sinusulat niya."Nililista ko lang mga lugar na pwede nating pasyalan dito sa loob ng tatlong araw."Napatingin siya rito nang kinuha nito ang papel mula sa kamay niya. Nanlaki ang mga mata niya nang punitin nito 'yon."We don't need this, Princess. Gusto kong mag-enjoy tayo kung saan tayo dadalhin ng mga paa natin. Pero kung ako ang tatanungin mo, gusto ko na lang magkulong dito sa kwarto and make love to you," nakangising sabi nito."Craig ha!"Hinawakan nito ang baba niya at mabilis siyang binigyan ng halik sa mga labi. "Let's go?""Okay. Pero pwede bang kumain muna tayo ng umagahan bago tayo mamasyal? Meron daw ritong sikat na lugawan. Gusto ko 'yun matikman.""Sure Princess."Kinuha niya ang shoulder bag at mabilis na tumayo saka ikinawit ang kamay sa braso nito "Let's go."Sasakay sana sila sa taxi pero mas gusto niyang maglakad papunta roon. Pagkarating nila r
Read more
Chapter Sixteen
KINABUKASAN pinasyalan nila Craig ang ilang magagandang spot sa Baguio na pwedeng pasyalan at restaurant na masarap kainan, talaga namang nag-enjoy sila at nabusog. Kahit saan yata kasi sila magpunta ni Craig hindi mawawala ang pagkain, kahit sabihin niyang busog pa siya hindi ito nakikinig at hibilhan pa rin talaga siya nito.Kasalukuyan silang nasa Mirador Hill and Eco Park nang tumawag si Virginia sa kanya, na agad naman niyang sinagot."Bes?""Nasaan ka?" tanong nito agad pagkasagot niya."Nasa Baguio kami ngayon ni Craig. Bakit?""Nandito ako sa Zahara.""Ha?!" Napatingin sa kanya si Craig sa biglang sigaw niya. "Hindi nga? Binibiro mo lang yata ako ei.""Hindi no, pinapasok ako ni Nonna Maria nang malaman niyang kaibigan mo ako. Pero 'yung isang lalaki rito akala mo kung sino. Ayaw sana akong papasukin.""Wait! Are you really in Zahara?""Oo nga, Bes."Nabaling naman ang tingin niya kay Craig nang maykinusap din ito sa cellphone nito."You're in Zahara?" sabi nito at nagkatingin
Read more
Chapter Seventeen
"ANO NA ang status ninyo ni Craig, Bes?" tanong sa kanya ni Virginia nang makorner siya nito sa garden. "Sa nakikita ko okay na kayong dalawa. Kung hindi ko lang alam kung anong totoong dahilan kung bakit pa kayo nagsasama hanggang ngayon, iisipin ko na nagmamahalan talaga kayong dalawa."Ano nga ba ang status ng relasyon nila ni Craig ngayon? Naging sweet ito, maalaga, maasikaso at higit sa lahat s tuwing nagtatalik sila ay ipinararamdaman nito sa kanya kung gaano siya kahalaga rito."I don't know," ang tanging nasagot niya."Hindi mo alam? Pwede ba 'yun? You already consummate your marriage?"Marahan siyang tumango. Wala ng dahilan para pagsinungalingan pa niya ang tungkol 'dun. "Yes."Nagbuga ito ng hangin na tila ba ito ang napapagod sa sitwasyon na meron sila ngayon. "What if he still decides to annul your marriage in the end? Paano ka na? Masasaktan ka na naman?"Mapait siyang ngumiti. "At least I tried. Kung hindi man niya piliing manatili bilang asawa ko tatanggapin ko 'yun. M
Read more
Chapter Eighteen
TAHIMIK lang si Anastasia mula pa kanina hanggang sa pagtapos kumain ng hapunan. Ngayon kasalukuyan silang nasa pool area dahil nagkaayayaang mag-inuman. Beer ang iniinom nila Craig at Prince habang wine naman ang sa kanila ni Virginia."Buong akala ko boring sa probinsya hindi pala. Hindi ko rin talaga akalain na mayaman at tagapagmana pala itong si Anastasia. Noong napadpad kasi ito sa Maynila, wala siya kapera-pera," mahabang sabi ni Virginia."Sira ka dyan," tanging nasabi niya.Nilingon siya ni Craig na nakaupo sa fool bench habang siya naman ay nakaupo sa gilid ng pool habang nakasawsaw ang mga paa sa tubig."Hindi ko nataning sayo. How did you survive for five years?""Noong unang tapak ko sa Maynila hindi ko talaga alam kung paano ko bubuhayin ang sarili ko. Bukod sa hindi ko natapos ang kolehiyo, hindi ko rin dala ang mga dokomento ko. Tanging sampung libo lang ang dala ko. Laking pasalamat ko si Virginia ang una kong nakilala," aniya na nilalaro ng mga paa niya ang tubig."A
Read more
Chapter Nineteen
KINAUMAGAHAN nga ay maagang gumising si Anastasia para mamalengke at magluto ng mga dadalhin nilang pagkain para sa picnic. Habang sila Virginia at Prince naman ay pumunta da grocery para bumili ng iba pang makakain at maiinom.Kasalukuyan silang nagluluto ng kaldereta ni Nonna Maria nang pumasok si Craig sa kusina. Wala itong pakialam sa prisensya ng matanda na niyakap siya nito mula sa likuran."Mukhang busy ang asawa ko ah." Mabilis siya nitong hinalikan sa pisngi."Nagpapaturo kasi ako kay Nonna magluto.""Nagpaturo ka, hmmm?" Pinupog siya nito ng halik sa pisngi, sa labi at bumalik sa kanyang pisngi."Craig, nagluluto ako," natatawang sabi niya. Pero patuloy pa rin siya nitong pinupog ng halik sa mukha na para bang walang ibang tao sa paligid."Naku! Kayong dalawa oo. Bumalik kayo sa kwarto ninyo at doon ninyo ituloy ang lambingan ninyong dalawa."Good idea, Nonna." Napatili siya nang bigla siyang buhatin ni Craig na parang isang sako."Craig! Ibaba mo ako. Nakakahiya kay Nonna,"
Read more
Chapter Twenty
MAY NGITI sa mga labi ng magising si Anastasia kinabukasan. Napatingin siya kay Craig na mahimbing pa rin na natutulog sa tabi niya. This is new to her dahil palaging nauuna si Craig na magising sa kanya, kung minsan mas nauuna pa itong magising kaysa tilaok ng manok sa umaga.Nawala ang ngiti niya sa mga labi ng maalala na tatlong araw na lang ang natitira para sa kanila. Tumaas ang kamay niya para haplusin ang gwapo nitong mukha nang hawakan ni Craig ang kamay niya at dinala iyon sa bibig nito."Good morning, my princess." And then he slowly opened his eyes.Mabilis na tumibok ang puso niya sa simpleng titig sa kanya ni Craig. Iba talaga ang ipekto nito sa kanya."Good morning too, Craig."Tipid siya nitong nginitian. "Can I have a good morning kiss?""Oo naman." Mabilis niyang hinalikan ang mga labi nito."Can I have more?" Muli niya itong hinalikan sa mga labi.Nang ilalayo na niya ang labi rito ay humawak ang kamay ni Craig sa batok niya para mas dumiin ang labi nito sa kanya. An
Read more
PREV
123456
...
9
DMCA.com Protection Status