Share

Chapter Eleven

UMUUNGOL sa sakit na nagising si Anastasia. Sa konting kibot niya ay agad na kumikirot ang bahaging likod niya. Marahan niyang iminulat ang mga mata nang may naririnig siyang nag-uusap.

"Wala namang nabaling buto sa kanya. Pero para mas makasiguro tayo, dahil mo siya sa hospital para masuri ng husto."

"Maraming salamat, Doc."

Nakita nitang nakipagkamay si Craig sa lalaking may katandaan na. Gusto sana niyang tumayo pero hindi niya magawa. Pagkalabas ng lalaki ay bumaling ng tingin sa direksyon niya ang asawa at agad na nagdilim ang mukha nito nang makita siyang gising na.

"Craig."

"Buti naman gising ka na." Humakbang ito palapit sa kanya.

"Anong nangyari?"

"Hindi mo alam kung ano ang ginawa mo kagabi? Nilagay mo sa kapahamakan ang buhay mo!" singhal nito sa kanya.

Naguguluhang inalala niya ang nangyari kagabi. Ang natatandaan niya, malakas na umuulan, may batang babae ang humingi ng saklolo at sumama siya rito para saklolohan ang ina ng bata tapos may matigas na bagay ang humampas sa
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Lilibeth Dueña Tarala
next spesode pls
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status