All Chapters of Where Lie Lies: Chapter 11 - Chapter 20
53 Chapters
CHAPTER XI
ROUGJAN AISLINN ALLEJO  Ilang minuto ang lumipas ay nilamon ako ng pagkabagot mula sa pakikinig sa lesson na itinuturo ng Professor naming si Mr. Vega. Halos nakakatrenta minuto pa lang yata ang pagsasalita niya sa harapan pero wala lang talaga siguro ako sa mood na mag-aral. Isa pa, iniisip ko pa rin ang nangyari sa party. Bakit ako ang pinili nila? "Hindi maikakaila sa ating lahat na dito sa Pilipinas ay wala halos pag-unlad pagdating sa technology at patuloy lang na nag-aadapt sa--" Natigilan si Mr. Vega sa pagtuturo nang tumunog ang bell. Breaktime na. "Bring books next time," pahabol nito nang magsilabasan na ang ilan kong kaklase. "Tara na," ani Aillard nang tumayo ito kaya naman kaagad kong niligpit ang gamit ko. Nang makapagligpit ay sabay na kaming lumabas ni Aillard. Pababa na sana kami nang tumunog ang bell pero iba ang interval nito kaysa karaniwan. Nagsimula
Read more
CHAPTER XII
ROUGJAN AISLINN ALLEJO Kinabukasan ay maaga akong bumangon dahil sa alarm sa phone ko, mabuti na lang at hindi pa rin low battery. Nauna na akong maligo at magbihis dahil nakalimutan kong banggitin sa kanila kagabi na kailangang maaga akong pumasok. "Dieosh, aalis na 'ko," paalam ko kay Dieosh na saktong kalalabas lang ng kwarto. "Maaga pa ah?" tanong ni Dieosh. "Pinapapunta ako ng office. Sa cafeteria na lang ako kukuha ng pagkain. Pakisabi na lang sa kanila." "Okay, ingat ka." Bahagya lang akong tumango saka lumabas. Tahimik at walang tao sa labas maliban na lang sa ilang Black Knights na nag-iikot, nang mapunta ang atensiyon nila sa akin ay kaagad silang lumapit sa akin kaya naman natigilan ako. "It's too early. Saan ka pupunta?" tanong ng isang lalaking nakasuot ng uniform ng Black Knight, nasa likuran niya ang dalawa
Read more
CHAPTER XIII
AILLARD LLZALDE "Good afternoon. I am Ms. Almira. Before we start our discussion, gusto kong iparating sa inyo na simula na ng Battle of the Knight Blood," paliwanag ng professor namin sa Business Management. "Miss, ano po 'yan? Bago po ako rito," tanong ng classmate ko na naka-upo sa bandang unahan ko. "Ang Battle of the Knight's Blood ay isang pinakamadaling paraan para mailuklok ka sa itaas. Everyone is allowed to join, but you should be brave enough to conquer death. Ang lahat ng miyembro ng Black Knights ay inaasahan sa labas ng Blood Camps para sa isang pagsubok. Ang bawat kalahok ay kinakailangang makuha ang badge ng isang miyembro ng Black Knight para mapabilang siya rito. Kung ano man ang ranggo ng makukuhanan mo ng Black Knight ay mapupunta sa 'yo, you just have to keep it until the sun rise," mahabang paliwanag ni Ms. Almira na humila sa atensyon ko. "Hoy, anong iniisip mo
Read more
CHAPTER XIV
ROUGJAN AISLINN ALLEJO Lumipas ang ilang mga araw ay naging busy ako sa office dahil sa bundok-bundok na mga papeles na itinatambak nila sa table ko. "I'm buying lunch, what do you like?" tanong ni Ryker nang tumayo ito. Lunch time na. "I'm going out with my friends, sorry," sagot ko rito. "Oh, we can go together to the cafeteria." "Grab me some coffee, I want it now," utos ni Lord Lantis sa kaniya. "Okay, mauna na pala ako sa 'yo, Ms. Allejo." Kaagad siyang lumabas ng office. Matapos kong ayusin ang mga papel sa lamesa ko ay tumayo na rin ako para pumunta ng cafeteria at maglunch kasama sina Alec. "Ms. Secretary, dito!" tawag sa akin ni Dieosh na bahagya pang tumatawa, parang timang. "Wala si Aillard, nag-iikot daw sila," saad ni Louise. "Kain na tayo, nagugu
Read more
CHAPTER XV
ROUGJAN AISLINN ALLEJO trigger warning: sexual harassment “Someone’s getting laid tonight,” bulong ng isang lalaki sa tenga ko na nagpatindig sa buong balahibo ko. "Miss sexy, pa'no ka na niyan?" Nakakikilabot na mga pagngisi nila ang nangibabaw sa pandinig ko dahilan para unti-unting manlambot ang tuhod ko. Hindi ko na halos maapuhap kung saan ako kukuha ng hangin dahil sa tindi nang paninikip ng dibdib ko. Pinipilit kong igalaw ang mga kamay ko para pigilin ang mga kamay nilang unti-unting humahaplos sa katawan ko pero hindi ko magawa, mahina ako. "T-Tulong," sigaw ko pero tila hangin lang iyon dahil hindi ko na halos marinig ang sarili ko. Sa pangalawang pagkakataon ay unti-unti na naman akong nilalamon ng panghihina at pagkatakot habang unti-unting sumasariwa sa isipan ako ang isang bangungot na
Read more
CHAPTER XVI
ROUGJAN AISLINN ALLEJO   Nang magkamalay ako ay nakita ko na lang ang sarili kong nakahiga sa kama, nasa dorm ako. Wala akong ibang naramdaman kung hindi ang panghihina ng buong katawan ko. “Kadiri!” humahagulgol na sigaw ko saka malakas na binato ang unan sa pinto. “Rouge!” Kita ko ang alalang mukha ni Alec nang pumasok ito sa kwarto. Kaagad akong nagtalukbong ng kumot at tumalikod. Hindi ko naramdamang lumubog ang kama kaya alam kong hindi siya naupo sa roon. Rinig ko ang mahinang paghikbi niya kasabay ng pigil ding paghikbi ko. “I’m sorry…we failed to protect you…” Sa pagkakataong iyon ay napamaang ang labi ko. “Rouge, sorry…” Mula kanina ay mas lumakas ang iyak niya. Dahan-dahan kong inangat ang kumot para tingnan siya. Mga apat na hakbang
Read more
CHAPTER XVII
ROUGJAN AISLINN ALLEJO  “Si Louise nawawala.” Nagitla ako nang marinig ang mga salitang ‘yon kay Aillard. “Bakit? ‘Di ba nasa klase siya? Paanong nawawala?” sunod-sunod kong tanong dahil hindi pa rin makapaniwala. “I don’t know. Nagulat na lang ako nung biglang nakita ko si Dieosh na tumatakbo. Sinubukan kong humingi ng tulong sa mga under sa akin pero walang sumunod,” may bahid na inis sa tono ng boses niya. Malalim akong huminga saka pumasok sa kwarto at nagmamadaling isinuot ang itim na long sleeves bago lumabas ulit. “Saan ka pupunta?” takang tanong ni Alec. “Hanapin niyo si Louise. Pupunta ako sa office,” saad ko pero kita ko ang pagtutol sa tingin nila. “You need to quit, Rouge. Masyadong delikado,” saad ni Alec sa
Read more
CHAPTER XVIII
ROUGJAN AISLINN ALLEJO “Ms. Allejo, come with me,” utos ni Lord Lantis saka dire-diretsong naglakad kaya napatingin ako kay Ryker, nagtataka. “Uwi ka na pagkatapos, ingat ka,” nakangiting sambit ni Ryker bago pumasok sa office kaya wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod kay Lord Lantis. Hindi ko alam kung mabilis ba siyang maglakad o sadyang malalaki lang talaga ang hakbang niya kung ikukumpara sa akin dahil malayo na ang distansiya naming dalawa. Tinatahak namin ngayon ang daan papunta sa Veil Graveyard. “What are we doing here?” tanong ko habang pilit na humahabol sa kaniya. “Black Knights were attacked by the Dark Tribe,” saad nito habang patuloy pa rin sa paglalakad. “Hindi ba nandito rin si Gen. Elivarra?” takang tanong ko, bahagyang kinakabahan dahil alam kong nandito rin si Aillard. “Walk faster and shut your mouth,” sambit nito kaya napagitla ako. Hindi na lang ako nagsalita pa saka binilisan ang paglalakad hanggang sa bigla ko siyang mabunggo dahil huminto siya.
Read more
CHAPTER XIX
ROUGJAN AISLINN ALLEJO “Damn…” usal ni Aillard saka kami sabay na nagmamadaling lumapit kina Alec at Dieosh na walang malay na nakahandusay sa sahig. “Alec…Alec,” saad ko habang mahinang tinatapik ang pisngi ni Alec, gano’n din ang ginagawa ni Aillard kay Dieosh. “Anong nangyayari? Nasa’n si Louise?” tarantang tanong ko habang pilit pa ring ginigising si Alec. “Bro, wake up!” bahagyang sigaw ni Aillard habang mas lumalakas ang pagtapik niya kay Dieosh. “Hmm.” Napatingin ako kay Alec na unti-unting nagdilat ng mata niya. “Alec! What happened? Ayos ka lang ba?” kaagad na tanong ko. “Rouge…” Iniangat niya ang kamay niya para hawakan ang pisngi ko. “Ayos ka lang?” Marahan siyang tumango saka dahan-dahang bumangon kaya inalalayan ko siyang maupo. “Si Dieosh wala pa ring malay,” ani Aillard saka binuhat si Dieosh para ihiga sa couch. “Anong nangyari dito? Bakit wala kayong malay?” tanong ko. “Si Louise nasaan?” tanong ni Aillard. “Nagp-prepare si Dieosh ng pagkain namin tapos big
Read more
CHAPTER XX
ROUGJAN AISLINN ALLEJO “Are you just going to stand there?” Napalingon ako sa harapan ko nang marinig ang seryosong boses ni Lord Lantis. His both hands are on his pocket. “Ah…” Hindi ako nakasagot sa kaniya dahil lumingon ulit ako sa puno kung saan ko nakita ang babae pero wala na siya ro’n. “Proceed to the office,” sambit niya bago ako lagpasan kaya hindi ko na lang pinansin ang nakita kanina. “Oh, Ms. Allejo, you’re here.” Tumayo si Ryker nang pumasok ako sa office. Tambak na ng mga papel sa ibabaw ng table ko nang makita ko iyon. “Let’s go to the VSC, that’s our workplace for today,” nakangiting saad nito bago naunang sumakay sa elevator kaya sumunod ako. “Do you have an update about my friend’s case?” tanong ko habang nakatayo sa tabi niya, maliit lang ang distansiya naming dalawa dahil maliit lang ang elevator. “Don’t worry, the investigation is on-going, and I heard this morning that they are chasing the culprit.” Napatango ako dahil sa sinabi niya. It’s great, at least we
Read more
PREV
123456
DMCA.com Protection Status