Lahat ng Kabanata ng Revenge of the Billionaire: Kabanata 41 - Kabanata 50
71 Kabanata
Chapter forty one
“KUNG nakita mo lang ang itsura nang mukha niya, Uncle.” Wika ni Calvin sa kaniyang tito habang pagak na tumatawa dahil sa nangyaring pagkikita nila ni Andrew. Ngunit nakita niyang nakatingin lang kaniya ang kaniyang tito at seryoso ang mukha nito. “Uncle, may problema ba?” tanong niya rito.“Calvin, anak. alam ko na nais mong maghiganti sa taong iyon, pero sa tingin mo ba, tama pa ang ginagawa mo? Naisip mo ba na maaaring mong ikapahamak ang ginagawa mo?” nag-aalalang tanong nito sa pamangkin. “Calvin, nakikita ko sa iyo kung gaano kalaki ang galit mo sa kaniya, pero natatakot ako sa maaari niyang gawin sa iyo at sa iyong mag-ina.” anito, binitawan nito ang tasa na hawak saka lumapit kay Calvin. “Bilang Uncle mo, sana makinig ka sa akin, nag-aalala lang ako sa iyo.” Wika nito, saka tinapik ang balikat nito. Naglakad na ito paakyat nang hagdan, habang sinusundan ito nang tingin ni Calvin.Naiwang mag-isa si Calvin sa salas, pabagsak na napa-upo na lamang siya sa sofa at Iniisip niya a
Magbasa pa
Chapter forty two
MATAPOS ang nakakapagod niyang maghapon, napasandal na lang si Calvin at huminga ng malalim. “Ngayon lang ako napagod nang ganito.” Kaya naman saglit niyang ipinikit ang kaniyang mga mata, nang hindi niya namalayan na siya’y nakatulog na. Naramdaman na lamang niya ang bahagyang pagtapik ng kaniyang driver sa kaniyang balikat. Nagulat siya ng sabihin nito na nakarating na sila. Kaya naman agad siyang lumabas nang sasakyan at pumasok sa loob ng mansyon. Pagpasok niya nakasalubong niya si Annie kasama ang kaniyang Uncle Ronaldo.“Hijo, bakit hindi mo sinabi sa akin na narito si Annie? nagulat ako ng makita ko siya sa kusina at nagluluto ng hapunan,” anito ng makalapit ang mga ito sa kaniya.“Ninong, hayaan na muna nating makapagpahinga si Calvin, bago tayo kumain. Dahil mayroon tayong mahalagang pag-uusapan mamaya.” Wika ni Annie, kinuha niya ang kamay ni Calvin at hinawakan ito. “Umakyat na muna tayo, para makapagpalit ka.” nagpatianod na lang si Calvin kay annie dahil wala talaga siya
Magbasa pa
Chapter forty-three
ISANG umaga nakatanggap si Isabella ng tawag mula kay Calvin. nais nito na magkita sila, dahil may importante silang pag-uusapan. Kaya naman nang maka-alis si Andrew, nagmamadaling magbihis ito. Hindi naglipat oras nakarating na siya sa kanilang tagpuan. Agad niyang nakita nag sasakyan ni Calvin at mabilis siyang sumakay roon. Pagkasakay niya agad siyang sinunggaban ng halik ni Calvin na kaniya namang tinugon. “I miss you!” buong pusong wika ni Calvin kay Isabella. Napangiti naman ito at saka dinampian ng maliliit na halik sa pisngi.“I miss you too!” sagot niya rito habang patuloy na nagbibigay ng mumunting halik rito. natapos ang kanilang paglalambingan inihinto ni Calvin ang sasakyan sa isang lugar kung saan malayo sa kabihasnan. Doon tanaw nila ang nagtataasang gusali at malawak na tanawin.“Ano ba ang pag-uusapan natin.” tanong ni Isabella.Huminga muna nang malalim si Calvin saka tumingin sa mga mata ni Isabella. “Alam mo naman na bago tayo muling magkita, kasintahan ko na si An
Magbasa pa
Chapter forty-four
NAGISING si calvin na wala na sa kaniyang tabi ang babaeng mahal niya, kaya nagmadali siyang magbihis, dahil naisip niya nab aka maabuta pa niya ito. ngunit ng magtanong siya sa babaeng nasa front desk. Sinabi nito na ilang ras na ang nakakalipas ng umalis ito sa condo. Bagsak ang balikat na nagbalik sa kaniyang unit si Calvin.“Isabella,” aniya, habang pikit ang mga mata. hindi nagtagal umalis na rin siya ng condo at umuwi nang mansyon. Pagdating niya roon, nakita niya si Annie ng naka-upo sa sofa at tila hinihintay siya. Nang makita siya nito, mabilis itong lumapit at mahigpit siya nitong niyakap.“where have you been? Kanina pa ako tumatawag sa iyo, pero hindi mo sinasagot ang mga tawag ko. Sinubukan ko naman tumawag sa opisina mo, pero ang sabi ng secretary mo hindi ka raw pumasok.” Tanong nito, ngunit hindi sinagot ni Calvin ang mga tanong nito. Bagkos ay kumalas ito sa pagkakayakap kay Annie at naglakad ito paakyat ng hagdan. “Sorry, wala lan ako sa mood makipag-usap. Magpapahin
Magbasa pa
Chapter forty-five
MASAYA at nagmamadaling sumakay si Calvin sa kaniyang sasakyan, dalhin nais makipagkita ng anak sa kaniya. nagpaalam siya kay Annie na may mahalagang tao siyang kikitain ng araw na iyon ngunit hindi niya sinabi na si Reece ang taong iyon. Mabilis lang niyang binaybay ang daan patungo sa lugar kung saan ang fastfood na tiniutukoy ng anak.Pagkatapos niyang i-park ang sasakyan agad siyang lumabas at mabilis na naglakad patungo sa loob ng nasabing fastfood. Pagpasok sa loob, nakita niya si Reece na tahimik at palingalinga habang maka-upo sa upuan, kaya lumapit na siya rito at nakangiting binati. “Reece, Hijo!” aniya. Tumingin ito sa kaniya ngunit hindi nagsalita matapos niya itong batiin. “Something wrong, hijo?” nag-aalalang tanong niya rito. ngunit hindi pa rin ito sumasagot. Kaya naman nilapitan niya ito at tinignan ang bawat parte ng katawan nito, braso, likod, mukha. Ngunit wala naman siyang nakitang senyales na sinaktan ito ni Andrew.“Tito, what are you doing?” tanong ito.Tumingi
Magbasa pa
Chapter forty-six
“KALOKOHAN iyang sinasabi mo,” sambit ni Andrew sa private investigator na kaniyang kausap. “Paano mangyayari iyon e, malinaw na ipinakita sa akin ni Alex ang mga litrato kung saan nakalibing si Evren, nagpakita rin ng mga evidence na namatay ito, kinuhanan rin ito ni Alex, nakita ko iyong lahat.”“Pero sir, maaaring gawa-gawa lang ito ng mga pulis para palabasin na nagpakamatay ito. Sir maniwala ka mayroon akong witness na magpapatunay na buhay si Evren Morales.” Wika nito kay Andrew.“Kung ganoon iharap mo siya sa akin at saka ako maniniwala!” giit ni Andrew sa imbestigador. Kaya naman agad na tinawagan nito ang taong tinutukoy. Hindi naglipat oras ay may kumakatok na sa pintuan ng bagong opisina ni Andrew. Mabilis na tumayo ang private investigator at binuksan ang pinto.“Come in, mabuti naman at dumating ka.” wika nito sa babaeng papasok ng silid.Laking gulat ni Andrew ng makilala ang bagong pasok. “Ikaw?” sambit niya dahilan para mapatayo siya sa kaniyang upuan.Nakangising luma
Magbasa pa
Chapter forty seven
“ANO ba ang isi-celebrate natin at kailangan pa na kasama kaming mag-ina?” inis na tanong ni Isabella habang nasa likod naman si Reece at naka-earphones habang abala sa pakikinig ng musika sa likod ng sasakyan. Hindi naman sumasagot si Andrew habang seryosong nagmamaneho. “Andrew, sabihin mo na. alam mong hindi rin ako titigil sa pagtatanong kapag hindi mo sinabi sa akin.”“Sweetheart, kapag sinabi ko sa iyo, hindi na iyon magiging surpise. Be patience, my dear. malapit na tayo.” Anito, habang lumilinga ng kaliwa’t kanan, hanggang makarating sila sa lumang bahay na pagmamay-ari ng dating mag-asawang Martinez.“Andrew, what are doing in here?” kinakabahang tanong ni Isabella,“Oh my dear wife, narito ang supresa ko sa inyong mag-ina,” wika nito, habang nakangiti.Nang makita ni Isabella ang paraan ng pagngiti ng asawa, alam niya na may binabalak ito. “I know that smile, Andrew,” aniya, saka tumingin sa anak na abala pa rin sa pakikinig.“Really? Kung ganoon hulaan mo kung ano ang mero
Magbasa pa
Chapter forty eight
“EVREN!” sambit ni Andrew sabay tawa ng malakas. “Akalain mo nga naman, naitago mo ang sarili mo sa katauhan ni Calvin Del Fierro. Ang isang criminal na katulad mo nagbago dahil sa isa kang heredero ng matandang Del Fierro. Napakasuwerte mo!” natatawa man si Andrew ngunit kalakip nuon ay ang galit at pagkamuhi rito.“Paano mong nalaman ang lahat ng iyan? wala kaming ibang pinagsabihan nito.” Saad ni Calvin rito. nakita niyang ngumisi si Andrew at tumingin kay Annie.“I have my sourse here,” habang marahang hinahaplos ang pisngi ni Annie na panay ang iyak. “Alam mo ban a kusang lumapit sa akin ang babaeng ito at sinabi sa akin ang lahat?”Dahil sa narinig napatingin si Calvin kay annie, “Bakit?” tanong niya rito.“Mabuti pa na siya na ang magsabi sa iyo. Ayoko naman na lumabas na paki-alamero ako hindi ba, Miss Salvacon?” nakangiting tumingin sa Andrew rito at mabilis na tinanggal ang takip sa bibig ni Annie.“Calvin, I’m sorry!” wika ni Anie habang umiiyak. “Ayoko lang na mawala ka s
Magbasa pa
Chapter forty nine
“MAAYOS na ba ang lahat?” tanong ni Andrew sa kaniyang abogado, “Maghanda ka, dahil kapalit ng buhay ng mga bihag ay ang malaking kayaman ng pamilya nito. “He took Everything to me, kaya triple dapat ang kapalit. Malaki ang nawala sa akin kaya kailangan mabawi mo ito sa kaniya. Sa laki ng kayaman ng mga Del Fierro, maaari akong magbuhay hari. Lahat ng resources nila, kayaman at pag-aari sa iba’t ibang bansa. Kahit katulong, magbubuhay mayaman sa pera nila.” Nakangiting wika ni Andrew habang iniisip ang mga gagawin. “Bukas na bukas, tatawagan natin ang matandang Del Fierro, kailangan mapasunod natin siya sa gusto natin. kayo na ang bahala sa kaniya. babalik na muna ako sa bahay para makapagpahinga. Batayang mabuti ang mga bihag,” utos ni Andrew saka naglakad palabas ng lumang bahay.Sa kabilang silid kung saan naroon sina Annie, Calvin at ang kaniyang mag-ina. Wala namang magawa si Annie kung hindi tumangis dahil hindi naman niya malapitan si Calvin dahil nakatali siya sa kama. Ang ma
Magbasa pa
Chapter fifty
“HINDI!” sigaw ni Calvin ng isang katawan ang humarang sa kaniya. agad niyang sinalo ito ang katawan nito ng makita niyang patumba na ito. mabilis na pinaputukan ni Calvin si Andrew, ngunit sa balikat lamang ito tinamaan. Mabilis na nakatakas si Andrew sa tulong ng isa sa kaniyang tauhan. Hindi na magawang iwanan ni Calvin ang duguang babae sa kaniyang harapan. “Bakit?” tanong ni Calvin, habang ang mga palad ay nakalapat sa tiyan kung saan ito tinamaan.“Sorry,” wika nito, habang tila nawawalan na ito ng malay sa bisig nang lalaking pinakamamahal. “P-patawarin mo ako.” Nanghihinang wika nito.“Annie, bakit mo ito ginawa? Ang mabuti pa huwag ka na magsalita, magpapatawag na ako ng ambulansya. Panatilihin mo lang na dilat ang mata mo, paki-usap, Annie.” sambit ni Calvin habang marahan na tinatapik ang pisngi ng kasintahan.“C-calvin, patawarin mo ako sa nagawa ko. Alam ko na galit ka sa akin kaya nais kong bumawi. Bumalik ako upang protektahan ka sa kaniya at hindi naman ako n-nabigo.”
Magbasa pa
PREV
1
...
345678
DMCA.com Protection Status