All Chapters of Unveiling Mr. CEO's Daughter : Chapter 31 - Chapter 40
134 Chapters
Kabanata 30: Age
TAHIMIK at tulalang nilalaro ni Zymon ang hawak na ballpen habang nakaupo sa swivel chair at kaharap ang computer sa table niya. Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang nangyari kanina nang bumalik si Monica para kunin nito ang bag na naiwan. Kitang-kita at tila naiwan sa isip niya ang maamo at magandang mukha nito. Ang mga mata ng dalaga na may katamtamang laki at ang labi nitong tila nang-aakit na halikan niya.Balak sana niyang gulatin ang nobya, pero imbis na ito ang dumating, si Monica ang aksidenteng nahila niya. Mabuti na lang at nakilala niya agad ito bago sana halikan ito.Kumurap siya nang mapansing naglalayag na naman ang isip niya sa kakaisip kay Monica. Umayos siya ng upo at inilapag ang ballpen. Sinubukan niyang humarap sa computer at simulan ulit ang magtrabaho pero tila distracted pa rin siya kaya walang pumapasok sa isip niya. Wala na rin doon si Shy dahil may kailangan daw itong gawin.Bumuntong-hininga siya. Tumayo siya sa pagkakaupo at naglakad patungo sa glass w
Read more
Kabanata 31: Best Friend
"HEY! Kanina ka pang tulala, may nangyari ba?" tanong ni Crystal kay Monica, lumapit pa ito sa kaniya at umupo sa tabi niya. Kasalukuyan siyang nasa office nito dahil pinapunta siya nito roon. Mabuti na lang at napaayos na niya ang sasakayan.Kumurap siya at balisang binalingan ang kaibigan. Kanina pa kasing hindi mawala sa isip niya ang nangyari nang nagdaang araw, nang tanungin ni Zymon ang totoong edad ni Princess. Kinakabahan siya dahil baka pumasok sa isip nito ang ideyang baka ito ang ama ng anak niya. Mas magiging magulo ang lahat kung pati ito ay magtatanong na rin ng parehong tanong ni Jericho.Bumuntong-hininga siya. Ipinatong niya ang palad sa hita niya. "Natatakot ako, Crystal," simula niya. "Hindi ko alam ang gagawin ko kung pati si Zymon magtanong na rin na baka siya ang ama ni Princess." Saglit siyang huminto. Kinagat niyang saglit ang pang-ibabang labi. "Hindi ko alam kung paano nalaman ni Zymon ang totoong edad ni Princess, pero alam niya at tinanong niya sa akin ang
Read more
Kabanata 32: Reason
NATATAKOT SI Monica na harapin ulit si Zymon dahil natatakot siya na baka tanungin nito ang tungkol sa ama ni Princess, hindi pa siya handang sagutin ang tanong na iyon. Hindi pa siya handang pasukin ang mas magulong sitwasyon na pwede niyang kasadlakan.Habang abala siya sa paglilinis ng sala sa taas, natigilan siya nang makita si Jericho na kakaakyat lang. Seryoso ang mukha nito habang tila nahihiyang tumingin sa kaniya. Nakapamulsa pa ito sa suot niyang pantalon.Umiwas siya rito ng tingin. "Ano'ng kailangan mo, Jericho?" walang emosyong tanong niya rito. Kahit hinahayaan niya itong pumunta sa bahay at makasama si Princess, hindi ibig sabibin niyon na tinatanggap niya ito bilang ama ng anak niya. Itaboy man kasi niya ito, ipipilit pa rin nito ang sarili sa kaniyang anak.Hindi agad sumagot ang binatilyo. Humakbang ito palapit sa kaniya, saka pinagdikit ang mga labi. Tila may sasabihin ito na nahihirapan itong masabi. "Monica," simula nito. "I just want to ask your permission."Tumi
Read more
Kabanata 33: Mother's Guilt
PAKIRAMDAM NI Monica, mas naging mabigat ang mundo niya sa mas nagiging komplikadong sitwasyon na kinasasadlakan niya. Hindi niya alam kung paano siya makakalabas doon, kung paano muling tatahimik at gagaan ang mundong ginagalawan niya.Dahan-dahan siyang umupo sa gilid ng kama matapos niyang iwan si Jericho sa labas. Gusto niya itong saktan sa ginawa nito sa kaniya pero hindi niya magawa dahil pakiramdam niya'y nawalan siya ng lakas sa pamamagitan ng yakap at nangungusap nitong pagmamakaawa. Mas ginulo nito ang isip at ang puso niya.Naiipit siya sa sitwasyong hindi niya alam kung siya ang dahilan ng pagiging mas komplikado niyon. Pinipili ba niyang mas pahirapan ang sarili sa sitwasyon o dahil mas gusto lang niyang piliin ang tahimik na buhay kasama ang anak?Naramdaman niya ang panunubig ng mga mata at ang dahan-dahang pagdaloy niyon pababa. Hindi niya alam ang dapat niyang gawin. Sa tuwing nakikita niya si Princess na masaya habang kasama si Jericho, naiisip niya ang kailangan nit
Read more
Kabanata 34.1: Hangout
MABILIS NA nag-ayos si Monica ng sarili nang sumapit ang gabi. Tinawagan kasi niya ang kaibigan na si Crystal na mag-bar sila para libangin ang sarili sa mabigat niyang pakiramdam. Nagtaka pa ito sa bigla niyang pag-aaya dahil hindi naman niya ugaling gawin ang bagay na iyon pero sa huli'y excited itong pumayag para kahit pa paano raw ay makapag-relax siya.Muli niyang sinipat ang sarili sa salamin. Simpleng pantalon at damit na white long sleeves, na nakababa sa balikat niya. May mga sobrang tela pa iyon sa leeg at fitted sa parteng baba habang labas ang pusod niya. Gusto niya ring magsuot ng mga ganoon damit kahit minsan.Matapos niyang magpaalam at ihabilin ang anak sa mga magulang, umalis na siya ng bahay para pumunta sa bar na sinabi niya.Wala siyang ibang maisip para libangin ang sarili at kahit pa paano'y ilayo ang isip sa magulong sitwasyon, ito lang ang naisip niya. Mabuti rin siguro na kahit paminsan-minsan maglibang at maghang-out siya para hindi siya palaging nag-o-overth
Read more
Kabanata 34.2: Hangout
"WHAT If I say, it's my business to care, Monica?"Parang mas nabingi pa si Monica sa sinabi ni Zymon kaysa sa malakas na musika sa loob ng lugar. Hindi siya nakaimik habang nakatingin lang sa gwapo nitong mukha na parang gusto niyang tingnan ng mga oras na iyon."Hey! Buti at dumating ka, Zymon akala ko'y hindi ka na darating, eh." Mabuti na lang at nagsalita si Vincent kaya napakurap siya at napagtantong nakatingin pala siya sa binata. Kumurap siya at agad na umiwas ng tingin kay Zymon. Nakaramdam siya ng hiya sa sarili na naging dahilan ng pamumula ng pisngi niya, mabuti na nga lang at hindi maliwanag sa bahaging iyon kaya hindi iyon pansin.Napaatras siya sa sofa style na upuan, nang tumabi ito sa kaniya. Nakaramdam siya ng pagkailang at parang mapapaso kung didikit man ang balat niya rito."So, pinapunta mo rito si Zymon, Love?" nagtatakang tanong ni Crystal sa nobyo. Tumango si Vincent. "Bakit bawal ba? Inisip ko lang na baka maging awkward kay Monica kung tayong dalawa nandit
Read more
Kabanata 35: Secret
DAHAN-DAHAN iminulat ni Monica ang mga mata niya pero hindi iyon natuloy dahil nasilaw siya sa liwanag ng silid. Napangiwi siya nang maramdaman ang kirot ng ulo niya dulot ng hangover. Nasapo niya iyon at humilata sa malambot na kama. Gumalaw siya at kinuha ang unan, saka niyakap iyon. Ang bigat ng katawan niya at mas gusto niyang matulog pa."You're not in your own room, Monica. Mataas na ang sikat ng araw, bumangon ka na riyan."Agad gumana ang utak niya sa pagtataka. Tama ba siya nang narinig? Boses iyon ni Zymon at bakit naman niya maririnig ang boses nito sa sarili niyang silid? Umiling siya. Pinili niyang huwag imulat ang mata dahil baka gawa-gawa lang iyon ng isip niya. Mas niyakap niya ang unan.Ngumiti si Zymon at umiling. "You're not dreaming, Monica, you really heard my voice because you're in my room." Tila nabasa nito ang sinasabi ng isip niya.Awtomatikong nagmulat ang mga mata niya. Agad tumambad sa kaniya ang maliwanag at halos kulay puting silid, malayo sa sarili niya
Read more
Kabanata 36: Bistado
"I KNOW your secret, Monica."Parang nabingi si Monica sa narinig mula kay Zymon. Biglang tumigil ang lahat sa paligid niya at tila huminto ang pagtibok ng puso niya. Ano'ng sikreto niya ang alam ni Zymon? Sinalakay siya ng boltaheng kaba, dahilan para matigilan siya at hindi makapagsalita."Bakit parang nakakita ka ng multo? Sinasabi ko pa lang na alam ko ang sikreto mo and I'm not spill it out yet," anito kasabay ng pagngiti nito na tila ba hinuhuli siya sa kaniyang reaction.Kinalma niya ang sarili. Bahagyang lumisya ang mga tingin niya sa binata. Napalunok siya. "A-ano'ng sinasabi mo, Zymon? W-wala akong tinatagong sikreto," halos mautal na balik niya rito.Bahagyang kumiling ang ulo nito habang nakapaskil pa rin ang makahulugang ngiti sa mga labi. "Walang sikreto? I doubt it, Monica. Everyone has a secret even me." Humakbang pa ito ng isang hakbang. Hindi nito inaalis ang tingin sa kaniya na para bang gusto nitong makita ang reaction niya.Sinubukan niyang salubungin ang mga ting
Read more
Kabanata 37: Palakasan
HALOS HINDI nakatulog si Monica nang nagdaang gabi sa kakaisip sa dapat niyang gawin dahil sa nangyari nang nagdaang araw sa pagitan nila ni Zymon. Alam na nito ang katotohanan at hindi pa siya handang aminin dito ang totoo, lalo't alam niyang may girlfriend ang binata.Gusto niyang lumayo muli, bumalik ng Davao at doon ipagpatuloy ang tahimik nilang buhay ng kaniyang anak. Gusto niyang iwan muli ang lahat sa Manila kasama ang katotohanan pero tila may pumipigil sa kaniyang gawin iyon."Mommy, pwede po ba akong maglaro sa labas? May mga bata po kasing naglalaro roon."Lumingon siya sa anak na kanina'y nasa sala ito. Kasalukuyan siyang nasa terrace at ukupado ang isip sa magulong sitwasyon nila. Walang emosyong tiningnan niya ang anak. "No, Princess, maglaro ka na lang dito sa loob," pagtutol niya sa gusto nito. Natatakot siyang baka biglang dumating si Zymon at muli siyang tanungin at piliting aminin ang totoo. Kung pwede lang na huwag na siya ritong magpakita, gagawin niya iyon "Pe
Read more
Kabanata 38: Schedule
WALA NANG nagawa si Monica kung 'di payagan si Zymon at Jericho na pumasok sa bahay at para makita ang anak niya kahit sa loob niya'y nagngi-ngitngit iyon. Paano kung magtanong si Princess tungkol sa kanilang dalawa? Ano'ng isasagot niya, gayong hindi rin niya alam ang totoo."Mag-merinda muna kayo mga, hijo," ani Mama niya nang ilapag ang tinapay at malamig na juice sa lamesa kung saan nakaharap ang dalawang binata na parang nakikiramdam lang pero ngumiti ang mga ito sa kaniyang Ina."Siya nga pala, bakit parang nanliligaw ata kayo sa anak ko? Hindi niyo ba alam na may anak na siya?" Binalingan pa siya nito kahit ilang araw din siya nitong hindi pinapansin dahil sa huling pagtatalo niya. Hindi siya tumingin sa mga lalaki habang nakatayo lang at hawak sa kamay si Princess.Ngumiti ang dalawang lalaki. "Naku, hindi po, Tita, I just want to have some time with Princess," magalang na sagot ni Jericho na hindi na bago sa kaniyang ina dahil alam naman nito ang dahilan ni Jericho. Hindi nam
Read more
PREV
123456
...
14
DMCA.com Protection Status