All Chapters of Unveiling Mr. CEO's Daughter : Chapter 51 - Chapter 60
134 Chapters
Kabanata 49: Family
TAHIMIK lang na nakaupo si Monica sa front seat ng sasakyan ni Zymon. Hindi niya magawang tumingin dito dahil sa hiyang nararamdaman niya, maging kay Princess.Hindi niya namalayang nagising pala ang anak niya nang araw na iyon at nakita nito ang halik na namagitan sa kanila ni Zymon. Nagawa lang magpanggap ni Princess na tulog ito at walang nakita. Hindi rin niya alam na marunong na pa lang umarte si Princess.Abala sa pagtingin sa labas si Princess, sa tabi niya. Bakas ang saya nito sa tuwing lumalabas at nakikita ang malalaking gusali at iba't ibang sasakyan sa kalsada. Ayaw man niyang sumama, pero dahil na rin sa pamimilit ng anak niya kaya wala na siyang nagawa kung 'di ang pumayag kahit hindi niya alam kung saan sila dadalhin ni Zymon.Kanina pa silang tahimik, naiilang sa isa't isa. Nakapokus lang ang paningin niya sa labas pero hindi niya mapigilan palihim na tingnan si Zymon na abala sa pagmamaneho."Princess told me about that kiss."Napalingon siya sa binata dahil sa sinabi
Read more
Kabanata 50: Confusion
HUMINTO ang sasakyan ni Zymon sa tapat ng bahay ni Monica. Nakatulog na si Princess habang nakahilig sa kaniya. Inabot na rin sila ng gabi at hindi niya namalayan ang mga nagdaang oras dahil na-enjoy niya ang araw na iyon, na magkakasama silang tatlo. Hindi niya alam pero gusto niya maulit ang pagkakataong iyon.Tiningnan siya ni Zymon, saka bumaling ito kay Princess. "Mukhang napagod si Princess, sa maghapong paglalaro," nakangiting anito. "Her smiles always reminds me that there's always a happiness in life at gusto kong maramdaman iyon, kasama si Princess, kasama ka, Monica." Natigilan siya nang mag-angat dito ng tingin. Nagsimula na namang magwala ang puso niya dahil sa paraan ng pagtingin nito na para bang may mga puso sa mata nito na kumikinang at hindi niya magawang makawala.Nang makabawi siya, kumurap siya at bahagyang yumuko. "Zymon, ayaw kong masyado kang ma-attach kay Princess, dahil hindi pa tayo sigurado kung ikaw ba talaga ang ama niya. You'll just get disappointed, ma
Read more
Kabanata 51: Date With Who?
"MONICA, are you really ok?"Napapitlag si Monica nang maramdaman ang pagkulbit sa kaniya ni Crystal. Kanina pa pala siya nitong kinakausap pero para siyang nasa ibang mundo dahil ukupado ni Zymon ang utak at sistema niya. Ginugulo pa rin ng komplikadong sitwasyon ang isip niya at ng kakaibang nararamdaman niya para sa binata na pilit niyang inilalayo.Kumurap siya at bahagyang kumiling. Sinapo niya ang noo. "N-nasaan na nga ba tayo?" parang wala sa huwisyong tanong niya. Nakalimutan na niya kung ano'ng pinag-uusapan nila sa opisina nito.Bumuntong-hininga si Crystal. "We are talking about the supplier, Monic." Seryoso siya nitong tiningnan na may bahid ng pagtataka habang sinusuri ang mukha niya, dahil sa kakaibang kinikilos niya. Pasalamat pa rin siya dahil wala roon si Zymon, dahil kung nandoon ito, baka mas nataranta siya at hindi na alam ang gagawin."Oo nga pala." Pilit siyang ngumiti. Binalingan niya ang papel na nasa harap niya kung saan nakalista ang maaaring maging supplier
Read more
Kabanata 52: Shy
"KUMUSTA ang shop, Ria?" tanong niya mula sa kabilang linya. Tinawagan niya ito para kumustahin ang iniwan niyang negosyo. Matagal na rin kasi siya sa Manila at hindi naman siya makauwi ng basta sa Davao para sa negosyo niya.Last night, matapos nilang mag-dinner ni Jericho, inihatid siya nito sa bahay. Hindi siya naging comfortable sa binata dahil naiilang siya sa hindi niya malamang dahilan. Hindi siya naging masaya kahit alam niyang mahal pa rin siya nito."As of now po, Ate pautay-utay bumabawi ang sales dahil ang ibang flowers from other countries ay nakakarating na po ulit sa atin at ang ilan pong local supplier ay kaya na rin pong mag-supply ng ilang bulalak sa atin," masayang balita nito. Napapikit siya dahil sa relief na nararamdaman. Sa wakas, makakabawi na ulit ang shop. Nitong mga nakaraan kasi, bumaba ang sales dahil sa limitadong supply ng ilang bulalak na hinahanap sa shop niya.Nasapo niya ang noo. "Well, that's a good news, Ria. Kumusta ang services ng shop?""Bumabal
Read more
Kabanata 53: Invitation
TAHIMIK niyang pinagmamasdan si Princess na mahimbing na natutulog habang katabi niya at yakap nito ang malaking stuffed toy na galing kay Zymon. Napangiti siya dahil nakikita niya kung gaano nito kagusto ang bagay na iyon at kung gaano ito kasaya sa tuwing kasama ang binata.Marahan niyang hinimas ang tuwid nitong mga buhok. "Parang kailan lang at ngayon, ang laki mo na," mahinang sabi niya habang bakas ang saya sa mukha. Nagpapasalamat siya dahil nagawa niyang mapalaki ng ganoon ang kaniyang anak kahit wala itong ama. Gumalaw ito at umungol. Muli niya itong tiningnan at saka banayad na hinalikan ito sa noo. Para itong anghel sa paningin niya at hindi niya ito pagsasawaang titigan.Inayos niya ang kumot nito at nang akmang hihiga na rin siya, narinig niya ang pagkatok sa pinto ng silid niya. Napatingin siya roon, saka bumaba sa kama para tingnan kung sino iyon."'Ma? Bakit po, may kailangan po ba kayo?" bungad niya ng makita ito sa tapat ng pinto. Seryoso lang itong nakatingin sa ka
Read more
Kabanata 54: New Man
NAGTATAKANG ibinaba ni Monica ang tawag mula kay Shy habang nasa harap siya ng laptop niya at inaayos ang design na naisip niya sa event. Nakapili na rin siya ng mga bulaklak na gagamitin at supplier na lang ang kailangan nila at ang mga taong tutulong sa kanila sa pagsasagawa ng plano. Alam niyang naka-leave siya sa trabaho na hindi naman niya hiningi dahil kusa iyong ibinigay sa kaniya ni Crystal dahil kailangan niya ng pahinga. Nagtataka siya kasi tumawag si Shy at sinabing gusto siyang makilala ng kaibigan nito na tutulong sa kanila para sa mga taong tutulong sa pagsasagawa ng plano at para mapag-usapan na rin daw ang dapat pag-usapan. Hindi na siya nagtaka kung paano nito nakuha ang number niya, malamang kinuha nito iyon sa kaibigan niya. Isinara niya ang laptop. Kahit naka-levae siya sa trabaho, hindi siya nakatanggi kay Shy dahil alam niyang makakatulong ito sa success ng plano. Mabuti na rin iyon dahil naiinip rin siya na palaging nasa loob ng bahay. Tumayo siya sa pagkakaup
Read more
Kabanata 55.1: Party
HINDI maramdaman ni Monica ang excitement para sa dadaluhan niyang party kasama si Jericho. Dahil sa totoo lang, ayaw niyang sumama rito pero dahil sa pamimilit ng kaniyang mga magulang wala siyang nagawa. Gusto rin niyang isipin na gawing paraan iyon para alisin ang pag-iisip niya kay Zymon at para subukang makilala ulit si Jericho at bigyan ito ng pagkakataon para sa kaniya.Nanatili siyang nakatitig sa isang Sleeveless V-Neck Fit & Flare Casual Dress na matagal na niyang hindi nasusuot. Kulay Maroon iyon at kung susuutin niya iyon, siguradong lalabas ang hugis ng katawan niya at ang mapuputi at makinis niyang hita. Hindi naman na bago iyon sa kaniya dahil nang manirahan siya sa Davao, natutunan niyang makibagay sa mundong ginagalawan niya."Anak."Lumingon siya sa pinto ng silid niya ng may kumatok doon at narinig niya ang boses ng kaniyang ina. Tumayo siya sa pagkakaupo sa gilid ng kama. Nakasuot lang siya ng white bathrobe habang nakabalot sa puting tuwalya ang buhok niya.Bumung
Read more
Kabanata 55.2: Party
"I'M SORRY, I just go to the restroom," ani Monica nang dumating si Jericho sa table kung nasaan siya."Are you ok?" tanong nito.Ngumiti siya. "Yeah, I'm fine." Natawa pa siya dahil bakas ang pag-aalala sa mukha nito na para bang may nangyari sa kaniyang masama."Let's go, ipakikilala kita sa ilang mga friends ko personally and friends ko sa business," kaswal na sabi nito. Inilahad nito ang kamay.Ngumiti siya kahit sa loob niya'y kinakabahan siyang humarap sa mga taong sinasabi nito. Kapagkuwa'y kinuha rin niya ang kamay nito. Marahan siya nitong inalalayan sa pagtayo at iginiya siya sa mga grupo ng mga taong nandoon sa gawing unahan ng hardin, nandoon din si Fered."Oh! Nandito na pala si Mr. CEO with her date," natatawang salubong ni Fered sa kanila. Lahat naman ng nandoon ay napatingin at bakas ang saya sa kanila."Aalis ka na rin ba sa circle of friends na single?" tanong naman ng isang lalaki na may kaliitan.Natawa si Jericho at napakamot sa noo. "If I would choose, gusto ko n
Read more
Kabanata 55.3: Jealous Yarn?
"KUNG wala ba akong girlfriend, hahayaan mo bang mahalin kita?"Natulala si Monica kay Zymon dahil sa naging tanong nito. Parang huminto ang paligid niya kasabay ng mabilis na pagtibok ng kaniyang puso. Gusto niyong sumagot sa tanong na iyon pero hindi niya hinayaan iyon dahil alam niyang mali.Nagtama ang kanilang mga tingin na para bang naglalaban ang mga iyon at sa huli'y nagkakasundo. Kahit bahagyang madilim sa lugar, kitang-kita niya ang hugis ng mukha ni Zymon at kung gaano ito kaguwapo sa paningin niya."P-paano kong sabihin kong oo?" Hindi na niya naririnig ang sariling boses dahil sa tanging tibok ng puso niya ang kaniyang naririnig. Nawala na siya sa katinuan at huli na para bawiin ang sinabi niya.Kapagkuwa'y, umiwas si Zymon ng tingin sa kaniya at saglit na yumuko. Seryoso lang ito pero mababanaag sa mukha ang pagkalito at magkahalong emosyon.Napalunok siya. Kumurap siya ng ilang beses at kinalma ang sarili, saka lang niya na-realize ang binitawang salita. Alangan siyang
Read more
Kabanata 56: Pagdududa
"WHAT happened to your face, anak?" gulat at nag-aalalang tanong ng ina niyang si Riya nang pumasok si Zymon sa bahay nila. Nagpalipas lang siya ng gabi sa condo niya at nagpasiyang umuwi para ikalma ang sarili niya dahil hindi pa rin niya makalimutan ang nangyari nang nagdaang gabi. Magulo ang isip at puso niya at kailangan niyang ayusin iyon."Wala 'to, 'Ma. I just need to get rest," walang ganang sabi niya. Ni hindi niya na-appreciate na nandoon ang ina niya na bihirang mangyari.Dumeretso siya sa paglalakad at umakyat sa second floor. Pumasok siya sa sariling silid at hindi na nag-abalang kausapin si Riya at tanungin kung nandoon din ang ama niya at kung bakit sila nasa bahay? Marami siyang iniisip at wala siyang pagkakataon para roon.Umupo siya sa gilid ng kama. Hinubad niya ang suot na jacket at tanging t-shirt na white ang suot niya. Hinawakan niya ang panga niya at napangiwi siya dahil hanggang ngayon, may sakit pa rin iyon dahil sa lakas ng pagkakasuntok ni Jericho. Damang-d
Read more
PREV
1
...
45678
...
14
DMCA.com Protection Status