All Chapters of The Atonement: Chapter 91 - Chapter 100
117 Chapters
Chapter Ninety-One: Ang Pamilya Forteza
Naging matagumpay ang live broadcast ng "Party Together."Sa ngayon ay abala sina Brent at Angel sa pagliligpit ng mga gamit."I know this has been a tiring and overwhelming day for you, Angel. You know what, let's grab some coffee and sweets. It's my treat" ang pampalubag-loob ni Brent."Did I just hear someone say "coffee?"Sabay na napalingon sina Brent at Angel nang makarinig sila ng boses mula sa labas.Angel's jaw almost fell halfway to the floor nang makita niya ang pamilyar na mukha ng lalaki. Ito ang lalaking nakita niya sa condo ni Boss Brent na nakatapi lamang ng tuwalya.Ito ang napapabalitang "kalaguyo" ng kanyang Boss."Liam! Are you making rounds in your own company?" ang nakangiting bati ni Brent sa kaibigan."Well, I'm just observing since nag-reformat ang "Party Together." And since you're the resident stylist and make-up artist ng show ay naisipan ko na dalawin ka. Dinalhan kita ng paborito mong kape." Liam said, as he playfully winked at his friend."Oo nga pala, th
Read more
Chapter Ninety-Two: Sealing The Deal!
Lihim na napangiti si Brent nang may isang ideya na pumasok sa isip niya."May gusto sana akong sabihin sa inyo, Mama. It's supposed to be a surprise pero para sa ikakapapanatag ng loob mo ay ito na ang tamang panahon para malaman mo ang totoo." ang panimula niya."At ano naman iyon, aber?"ang tanong ni Donya Cherie."I already have a girlfriend."Awtomatikong napabangon mula sa kama si Donya Cherie. Si Ellie naman ay napatitig sa kanyang Kuya habang nanlalaki ang mga mata nito."Talaga? Sino?" ang sabay na tanong ng mga ito."Well, Assistant ko siya sa opisina. We've been going out for weeks already. Dapat nga ay ipapakilala ko siya sa inyo sa family reunion natin." ang sabi ni Brent."Anong pangalan niya, iho?"ang interesadong tanong ni Donya Cherie."Her name is Angel Perez." ang sagot ni Brent."Kung gayon ay aasahan ko ang kanyang pagdalo sa ating family reunion. Gusto ko siyang makilala ng mabuti." pahayag ng kanyang ina."I'm sure you'll like her. So, okay na ba ang pakiramdam m
Read more
Chapter Ninety-Three: Titas Of Manila
Sa ngayon nga ay nasa isang sikat at malaking shopping mall sina Brent at Angel."Aside from our make-up classes, gusto rin kitang turuan tungkol sa latest fashion trends. At isa pa, malapit na ang family reunion namin. I want you to look presentable kapag ipinakilala na kita sa pamilya ko. Ayokong mapahiya sa kanila." pahayag ni Brent."Yes. I have to make a good impression to your family." ang segunda ni Angel."Tama ka diyan. Halika at pumasok na tayo sa loob so we can try lots of clothes." Brent unconciously grabbed Angel's hand at naglakad na sila papasok sa isang mamahaling clothing shop.Angel almost forgot how to breathe nang maramdaman niya ang malambot na palad ni Brent sa kanyang kamay.Ito ang isa sa mga pinapangarap niyang gawin kapag nagkaroon na siya ng boyfriend. Gusto niyang maglakad kasama ang kanyang boyfriend habang magkahawak ang mga kamay nila.Makalipas pa ang ilang sandali ay nakikipag-usap na si Brent sa Manager ng shop na iyon."Ikaw na ang bahala sa kanya, An
Read more
Chapter Ninety-Four: Sharing The Night Together
"Amanda, tatahiin ko iyang bibig mo. Ayusin mo iyang tanong mo." ang sita ni Rafaela sa kapatid."Napaka-old fashioned mo talaga. Kung mahal nila ang isa't-isa, normal lang naman sa magkasintahan ang mag-do." ang pang-iinis ni Amanda."Hep! hep! Huwag muna kayong magsabong ngayon. Kasama natin ngayon sina Brent t at Angel. Mahiya naman kayo ng konti sa kanila!" pangaral ni Tiya Hiyasmin.Bigla namang natahimik ang dalawa. Tamang-tama din na pumunta sa kanilang table si Donya Cherie, ang mama ni Brent.Umiikot ito sa bawat lamesa upang masiguradong nag-i-enjoy ang lahat sa reunion party."At ano naman ang pinag-uusapan ninyo?" ang agad na tanong nito sa kanila.Lihim naman na nakahinga ng maluwang sina Brent at Angel dahil sa pagdating ng matanda."Well, tinatanong ko lang naman ang lovestory nina Brent at Ashley." ang sagot ni Tiya Hiyasmin."Why don't you tell them, iho?" ang yakag naman ni Donya Cherie sa anak.Nagkatinginan sina Brent at Angel. Ito na ang hudyat upang mai-apply ang
Read more
Chapter Ninety-Five: Simply Irresistible
Kasalukuyang naglalakad sina Angel at Ellie sa mahabang corridor papunta sa kuwarto nito upang kumuha ng damit.Ellie's been really nice to her. Magiliw itong nakikipag-usap sa kanya. Ibang-iba ang ugali nito sa kapatid nito na si Brent.Nasa huling taon na ito ng kolehiyo at ito na lamang ang kasama ni Donya Cherie sa malaking mansiyon na iyon simula nang magpasyang bumukod si Brent."---sa tingin mo bakit kaya mukhang hindi alam ni Angel ang tungkol sa ex-girlfriend ni Brent?"Napahinto si Angel nang marinig niya ang boses ng isang babae mula sa isa sa mga kuwarto. Nakabukas ng konti ang pintuan kaya nadinig niya ang boses ng babae."Baka naman ayaw nang ipaalam ni Brent ang tungkol kay Ysabelle sa bago niyang girlfriend." sagot ng isa pang babae."Sobra siyang nasaktan kay Ysabelle. Plano pa ngang pakasalan ng pinsan natin ang babaeng iyon. Pero noong nag-propose si Brent, that woman had the nerve to decline his proposal. Pagkatapos noon ay biglang naglaho si Ysabelle na parang bula
Read more
Chapter Ninety-Six: Ang Pagbabalik Ng Unang Pag-Ibig
Pupunta ka ba sa reunion, pare?" ang tanong ni Liam nang mapadalaw ito sa opisina ni Brent."Sure, why not?"ang nakangiting sagot ni Brent, habang may pinipirmahan siyang isang dokumento.Maang naman na napatigtig si Liam sa kaibigan."Mukhang maganda yata ang mood natin ngayon, ah. May nangyari bang maganda sa'yo?""Wala naman. Why do you look so surprised? Ngayon mo lang ba ako nakitang ganito?" balik-tanong ni Brent."Masaya lang ako dahil masaya ka. Hindi na ako magtatanong kung ano ang dahilan ng pagiging masaya mo ngayon." sambit ni Liam."Salamat, pare."responde naman ni Brent.Nasa gitna pa rin sila ng pag-uusap nang mag-ring ang landline phone ni Brent."Boss, nandito po si Donya Cherie." ang pagbibigay-alam ni Kendra mula sa kanilang linya."What? Okay, papasukin mo siya." ang natatarantang utos ni Brent."Aba, bago ito ah. Bakit kaya biglang napasugod si Tiya Cherie?" ang curious na tanong ni Liam."Your guess is as good as mine." kibit-balikat na sabi ni Brent.Makalipas p
Read more
Chapter Ninety-Seven: Looking Back At The Past
Makalipas ang ilang oras ay natapos na rin ang live broadcast ng Happy Together. Kasalukuyang nasa Dressing room si Brent at inaayos niya ang kanyang mga gamit.Pagkatapos noon ay babalik na sila ng opisina ni Angel. Medyo nag-aalala rin siya dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik si Angel. Inilabas niya ang kanyang phone upang tawagan ang babae."Hello, Brent."Wala sa loob na naibaba ni Brent ang kanyang phone nang muli niyang marinig ang boses ni Ysabelle.Tinignan niya lamang ang babae habang naglalakad ito palapit sa kanya.Maraming tanong ang gumugulo sa kanyang isipan ngayon. Bakit bumalik pa ito? Bakit lumalapit ito ngayon sa kanya? At bakit ito nagtatrabaho sa MBN?"Can we talk?" ang pakiusap ni Ysabelle."Miss Ysabelle Morales, kanina pa tapos ang live show kaya sa tingin ko ay wala na tayong dapat pag-usapan tungkol sa trabaho." malamig na pahayag ni Brent."Alam mong hindi tungkol sa trabaho ang ipinunta ko dito." Ysabelle stated."Is there something else that we n
Read more
Chapter Ninety-Eight: Ang Masakit Na Katotohanan
Sa isang Italian restaurant."Magkakasama na kami nina Brent at Ysabelle sa Unibersidad. Pareho kami ng kursong kinuha,which is Mass Communication. Sa totoo lang ay hindi ko itinuring si Brent bilang isang kaibigan. Itinuring ko siyang parang sarili kong kapatid. At alam kong ganoon din ang turing niya sa akin. At tungkol naman kay Ysabelle, naging magkasintahan na sila ni Brent noong nasa kolehiyo pa lamang kami. Akala nga naming lahat ay sila na ang magkakatuluyan sa huli lalo na at may plano palang mag-propose ni Brent noon. But Ysabelle turned him down. At kahit isang taon na ang nakalipas simula nang mangyari iyon, mukhang hindi pa rin nakakalimutan ni Brent ang mapait na alaala na iniwan ni Ysabelle." ang mahabang salaysay ni Liam."Obvious naman na hindi pa rin siya maka-move on. He's been pretty shaken up nang muli niyang makita si Ysabelle." ang matabang na sabi ni Angel.Tinitigan ni Liam si Angel."And you're affected as well.""At paano mo naman nasabi na affected ako?I'm p
Read more
Chapter Ninety-Nine: Ang Pagsuyo Kay Angel
Ipinikit ni Brent ang kanyang mga mata nang makaupo na siya sa kanyang swivel chair. Kagagaling lang niya sa isang luncheon meeting kasama ang organizers ng Binibining Hermosa. Isa sila sa mga napiling make-up artists para sa pageant night...Ngayon lang siya napagod ng husto. He's been exhausted physically, mentally and emotionally.Napakadami ng mga nangyari sa kanya nitong mga nakaraang araw. Nagulo ang kanyang mundo nang biglang bumalik si Ysabelle.Naalala niya ang naging huling pag-uusap nila ng babae.*Flashback*"I missed you..." ang emosyonal na sabi ni Ysabelle at pagkatapos noon ay bigla na lamang siyang hinalikan nito.Hindi siya nakagalaw dahil sa sobrang gulat. Pero makalipas ang ilang segundo ay marahan siyang lumayo mula dito."Ysabelle, please don't let your emotions cloud your judgement." ang sabi niya.Nagtatakang napatitig naman sa kanya si Ysabelle."A-Anong sinsabi mo? Yes, I'm emotional right now pero dahil iyon sa pagmamahal ko sa'yo. I'm still inlove with you,
Read more
Chapter One Hundred: Ang Kuwento Ng Pag Ibig ni Rafael Esquivel
"At bakit ngayon ka lang, Eliza? Kanina pa nandito si Dr.Lee! Saan ka nanaman ba gumala at natagalan ka sa pagbili ng gamot ko?" ang agad na singhal ng kanyang ina nang makabalik na siya sa ward ng St Mattheus Hospital.Namula si Eliza matapos masinghalan ng ina sa harap ng maraming tao. Bukod sa kanilang dalawa ay may tatlo pang mga pasyente sa ward na iyon, kasama ang kanya-kanyang bantay. Idagdag pa doon si Dr Clark Lee, ang Cardiologist ng kanyang ina at isang nurse.She's already 38 years old pero kung kagalitan siya ng ina ay para siyang limang taong gulang. Para tuloy gusto niyang lumubog sa kanyang kinatatayuan."Pasensiya na po at hinanap ko pa ang isang gamot na hindi available sa ibang botika.""Hay naku, aatakehin ako sa iyo! Sa sobrang bagal mo ay baka mamatay na ako sa kakahintay sa'yo!" patuloy na pagtataray ng ina.Sumailalim kasi ang kanyang ina sa "Angiogram" kung saan may ipinasok ang cardiologist na maliit na wire sa inner thigh hanggang sa singit. Ipinasok ang wire
Read more
PREV
1
...
789101112
DMCA.com Protection Status