All Chapters of Marrying the Tyrant Cowboy: Chapter 161 - Chapter 170
189 Chapters
Chapter 146
PERFECT MISTAKE 32 Ngiting-ngiti na kumakaway pa si Rosey kahit malayo na ang kotse ni Thor mula sa kinatatayuan. Kilig na kilig siya dahil niyaya na naman siya nitong mag-dinner. Sayang nga lang at kinailangan nitong umalis agad dahil may emergency raw itong pupuntahan. Thor has been consistent with her these past few days. Para itong manliligaw niya. Iyon nga lang, wala naman itong sinasabi. Pero naniniwala naman si Rosemarie sa kasabihang, ‘Action speaks louder than words’. Kapag tinanong siya nito kung pwede bang manligaw, palilipasin niya muna ng ilang oras bago sabihing ‘oo’ rito. Nag-iinit ang mga pisnging tumalikod siya. Subalit, bigla na lang siyang napasigaw sa gulat nang bumungad sa kanya si Killian na parang striktong amang inaabangan ang uwi niya. “It’s eight. Bakit ngayon ka lang?” “Si Celine?” sa halip ay tanong niya at nilagpasan ito sa may pinto. “Sleepi
Read more
Chapter 147
PERFECT MISTAKE 33 Handa na sanang sitahin ni Rosemarie ang anak nang bigla-bigla na lang itong tumayo sa backseat para dumukwang sa espasyong nasa pagitan ng kinalalagyan nila ni Killian. “Daddy, saan mo po nakuha ang car mo?” Ang sita niya ay nauwi sa pagkagulat. Lalo na nang hindi kumontra si Killian sa itinawag dito ni Celine. “Borrowed it from a friend? Why?” “Akala ko po nag-sorry na ikaw kay Papa Uncle tapos may car ka na ulit.” Sa halip na sumagot ay umanggulo ang ulo ng lalaki at ipinagpatuloy ang pagmamaneho ng sasakyan. “Kawawa naman si Uncle Thor,” si Celine ulit na magkakasakit yata kapag hindi nakapagdaldal. “Walang air ang gulong ng car niya. Sundo pa naman niya kami ni Mommy ko.” “Accidents happened, Peanut.” Napanganga na si Rosemarie sa itinawag ni Killian sa anak niya. “Iniwan nga natin siya. Dapat hatid na lang natin.” “Sorry
Read more
Chapter 148
PERFECT MISTAKE 34 Initsa sa kanya ni Vioxx ang kulay brown na envelop pagkapasok na pagkapasok pa lang nila sa home office ng mansyon nito. Ibinagsak niya ang sarili sa pang-isahang couch na naroroon sabay parang may-ari ng bahay na nagde-kwatro ng mga paa. “What’s this?” “Copy of the CCTV footage that night at the party.” Bahagyang kumunot ang noo niya. “Akala ko ba sira ang mga CCTV sa mansion niyo nang araw na iyon?” “Iyon din ang alam ko.” Pumamulsa si Almeradez habang nagpapalakad-lakad sa harap niya. “But because of my wife, I made a thorough investigation.” Hindi lingid sa kanya na dumaan sa matinding pagsubok ang mag-asawa kaya naghalungkat talaga si Vioxx para alamin kung ano ba talaga ang nangyari noon. Vioxx was the one who introduced the illegal d rugs to him. He was the bad influence to Killian’s life. And as the youngest and spoiled Revamonte, hindi siya nagpapapigil na sumama kay
Read more
Chapter 149
PERFECT MISTAKE 35 Kung ano man bumabagabag kay Killian, sigurado si Rosemarie na may kinalaman iyon sa naging usapan nito at ni Vioxx. He became silent when he left Vioxx’s home office. Mas naging tahimik ang atmospera sa pagitan nila dahil tulog si Celine sa backseat, walang makulit na magdadaldal. “Who are you texting?” Napaangat siya ng tingin dito nang bigla na lang magsalita si Killian. Kusang ibinaba niya ang hawaka-hawak na cellphone na para bang may ginagawa siya roon na masama. “Si Thor. Nag-reply ako sa kanya kasi kanina pa pala siya nag-text sa akin. Hindi ko napansin.” “If you’re with me and Celine, don’t think of that sh!thead.” Sumimangot siya nang hindi magustuhan ang tono nito. “Hindi naman kita tatay para sermunan ako at pagbawalan sa mga ginagawa ko.” “Celine looked at me as her dad. Parang pamilya na rin tayo kapag magkakasama. Respeto na lang kay Celine.”
Read more
Chapter 150
PERFECT MISTAKE 36 “Mommy!” Awtomatiko ang pag-silip ni Rosemarie para tingnan ang anak na inutusan niyang pagbuksan ang kung sino mang nasa front door. Abot-tainga ang ngiting lumingon ito sa kanya, ang mga mata ay halos magkislapan sa tuwa. “May suitor po ikaw.” “Papasukin mo na ang Uncle Thor mo,” aniya at muling binalikan ang nilulutong pananghalian. Narinig niya na naman ang madaldal na si Celine at ang pamilyar na boses na papalapit sa kinaroroonan niya. Hindi muna niya nilingon si Thor dahil busy siya sa paghihiwa ng mga patatas na ilalagay sa kalderetang niluluto. “Mommy, may dala po ang manliligaw mo.” Narinig niya ang pagtakbo ni Celine palapit sa kanya. Nang bahagya niyang nilingon ang anak, bumulaga sa kanya ang three stem pink roses na walang tinik. “Bigay po ni Daddy,” hagikhik ni Celine na parang maligayang-maligaya sa nakikita. Awtomatiko ang pag-angat ni
Read more
Chapter 151
PERFECT MISTAKE 37 Inis na dumungaw siya sa binta. Hindi na siya nagulat nang makita si Killian na kumakaway sa kanya. Sumenyas ito na parang sinasabing bumaba siya. Kapagkuwan ay itinuro nito ang four-seater van na hindi pamilya sa kanya. Ano ba ang ginagawa nito? Lumayas ito kanina matapos silang kumain. Akala niya nga ay matutulog na rin dahil may trabaho pa ito bukas. Suot ang maluwag na t-shirt ang maikling cycling short, lumabas siya ng bahay dala-dala ang kanyang Mcbook. “Ano?” pasinghal na tanong kay Killian. Iniistorbo siya nito sa mga dapat niyang tapusin. Ngunit sa halip na maintimida ay ngumiti pa ito na parang t-nga. “So grumpy, Miss Ma’am.” Hindi na siya tumanggi nang kinuha nito ang kanyang Mcb ook at iginiya siya patungo sa kaliwang bahagi ng bakuran kung saan nakaparada ang sasakyan. “Saan mo ‘to ni-carnap?” “Dyan lang, Miss Ma’am.” Kumindat pa ang h udyo na malut
Read more
Chapter 152
PERFECT MISTAKE 38 “What’s your plan, Man?” tanong ni Raegan sa kanya habang panay ang hithit nito sa yosing hawak. Sinindihan niya ang sigarilyong nasa bibig bago siya sa sumandal sa pader at ibinaling ang tingin sa malayo. “My family shouldn’t know about this. Kargo ko ‘to, ako ang aayos. Nahanap mo na ang pinapahanap ko sa ‘yo?” “He’s died years ago.” Humalo ang usok na ibinuga nito sa dilim. “Killed to be exact. Isa siya sa mga hindi sumuko sa programa nang gobyerno laban sa pagsugpo ng droga. If he’s smart enough to surrender himself, he would be living now.” It’s his turn to blow a cloud of smoke. “How about the drug? Nakakuha ka ba ng kopya?” “Yeah. They were called the d rug, ‘chimera’. Natigil ang serkulasyon niyon sa underground dahil sa pangingialam ng Sigma. It’s a dangerous project targeting the l ust of a person as their weakness.” Muli siyang napahithit sa sigarilyo. Wala raw nang
Read more
Chapter 153
PERFECT MISTAKE 39 Wala sa loob na hinaplos Rosemarie ang bahagyang nakaawang na mga labi. Pakiramdam niya ay nakalapat pa rin sa kanya ang mga labi ni Killian. Parang naamoy niya pa ang mabango nitong hininga at nakakakiliti ang init na dulot niyon. Ramdam ni Rosemarie ang pag-iingat sa ni Killian at hindi niya iyon maalis-alis kanyang isipan. He was so gentle like she’s a fragile crystal. Sa klase ng pagkakahawak nito sa kanyang baywang ay parang takot na takot itong mabasag siya. Ibang-iba sa Killian na talagang pine-pwersa siya noon na dumudugo na ang labi niya sa rahas ng h alik nito. “Rosemarie—ng bruha!” Napakurap-kurap siya nang marinig ang iritado at matinis na boses ni Antonia sa kanyang harapan. Napangiwi siya nang makitang naniningkit ang mga mata nito. “Kanina pa ako talak nang talak rito, tapos ikaw naman para kang tangang ngumingiti riyan mag-isa.” “Sorry, Bes.” “Sorry
Read more
Chapter 154
PERFECT MISTAKE 40 “I’m sorry, Thor,” muli niyang hingi ng paumanhin sa lalaki matapos mag-sorry na rin sa mga costumer at staff ng restaurant. Tumango ito habang nilalapatan ng cold compress ang nasaktang mukha. “D-mn his fist. Tumabingi yata ang panga ko.” “H-Hindi ko talaga alam na susugod siya sa ‘yo.” Umiling ito habang nasa mga labi ang mapaglarong ngisi. “You should know now, Rose. You should know now.” Naguguluhan na kinuha niya ang kanyang bag. “Susundan ko lang si Killian. I-I’ll, sh!t. Lagot talaga siya sa akin.” Padabog na lumayas siya kahit hindi pa nakakasagot si Thor. Narinig niya ang halakhak nito. Mabibigat ang kanyang hakbang nang lumabas siya sa restaurant. Hinanap ng kanyang mga mata si Killian na binitbit ng limang gwardiya palabas kanina. Nakita niya itong pilit na pinipigilan ng mga gwardiya na makapasok. Kunot na kunot ang kanyang noo na nilapitan
Read more
Chapter 155 (Part 1)
PERFECT MISTAKE 41. 1 Mahina siyang suminghap nang pumulupot ang matitigas na braso sa kanyang baywang habang abala siya sa paghahalo ng ulam. “Smells good.” Inignora niya ang kiliting dulot ng mainit nitong hininga na pumapaypay sa kanyang tainga. “Madali na ‘to. Maupo ka na.” “I like watching you, Miss Ma’am.” Ngumuso siya para itago ang ngiti. “Ihanda mo na lang ang mga plato.” Isa pang h alik sa kanyang sintido ay pinakawalan na siya nito. Pasimple pang humaplos ang kamay nito sa kanyang baywang. Nagsitaasan ang balahibo sa kanyang batok Bumalik sa tabi niya si Killian nang takpan niya ang kaldero. “Change your clothes upstairs. Ako na ang bahala rito,” mababa ng boses nitong wika. Kinuha nito sa kanya ang sandok. Hindi naman na siya nagprotesta at sumunod na lang. Gusto niya ring dumistansya ng ilang sandali kay Killian dahil natotorete siya sa bilis ng pintig ng puso niya.
Read more
PREV
1
...
141516171819
DMCA.com Protection Status