All Chapters of The Billionaire's Ex-Wife: Chapter 11 - Chapter 20
48 Chapters
Chapter 11
Angela's POVNakalabas na ng kwarto si Lola pero nakatayo parin ako sa likod ni Rafael. Mukhang hindi ko na talaga matatakasan ang sitwasyon ko ngayon.“Mabuti pang kumain ka muna. Pagkatapos maligo ka narin para pagdating ng coordinator mamaya mapag-usapan natin ang kasal natin next-week.” Nakangiting wika ni Rafael.Papalabas na siya ng kwarto pero pinigilan ko ang braso niya. Kaya lumingon siya sa akin. Pinagmasdan ko ang abuhin niyang mga mata. Wala naman sa mukha nito na nagbibiro lang ito. Hindi ko na nakikita ang galit niya sa akin. Mula nang dumating ako sa mansyon nila. Bakit? Anong nagpabago sa kanya? Totoo ba talagang gusto niyang maikasal kami? Paano si Lalaine?“Bakit? May kailangan ka ba?” Tanong niya sa akin. Humarap pa siya para makita ang mukha ko. Yumuko ako sa kanya upang hindi niya makita ang nagbabadyang luha ko sa mata.“Please, alam kong ayaw mo sa akin at may iba kang mahal. Puwede bang kausapin mo na lang si Lola? Ikaw lang ang may kakayahang pumigil sa kasal
Read more
Chapter 12
Angela’s POVNagulat ako nang makita ko si Mathew. Hindi ko akalain na pupunta pa talaga siya dito para puntahan ako. Bigla tuloy akong kinabahan dahil sa kanya. Ayokong magalit siya sa akin ng tuluyan. Pero wala naman akong magagawa dahil nandito na ako. Naramdaman ko ang paghawak ng mahigpit ni Rafael sa kamay ko. Hinapit niya rin ang beywang ko kaya magkadikit ang katawan namin. Doon nakatingin si Mathew habang papalapit sa akin.“Mathew, anong ginagawa mo dito?” Tanong ko. Naawa ako sa itsura niya. Malalim ang mga eye bag niya at magulo din ang buhok niya. Nakonsensya ako dahil sa kanya. Tinangka kong bumitaw kay Rafael ngunit mas humigpit ang hawak niya sa kamay ko.“Pwede ba tayong mag-usap?” Mahinahon na tanong niya.“No, wala na kayong dapat pag-usapan pa. We will get married next week kaya kung ano man ang sasabihin mo. Sabihin mo na ngayon tapos umalis ka na.” Walang emosyon na wika ni Rafael. Sinamaan ko siya ng tingin pero hindi siya nagpatinag.“Rafael, kakausapin ko lang
Read more
Chapter 13
Rafael’s POV“Rafael, mabuti naman at nakarating ka dito. Balita ko ay masyado kang abala nitong mga nakaraang araw?” Tanong ni Bernard.Nandito kami sa condo niya. Tinawagan niya kasi ako. Pumunta na lang ako dito kaysa makita ang malungkot na mukha ni Angela. Dalawang beses ko na siyang pinagtangkaan. Dala ng aking galit at emosyon. Hindi ko akalain na sa maiksing panahon na pagkakilala naming dalawa ay nagkaroon na kaagad siya ng malaki ang epekto sa akin. At lalong tumatagal ay nagiging possesive na rin ako pagdating sa kanya. Kaya hindi ako papayag na bumalik pa siya sa Mathew na yun!“Kumusta naman ang magandang fiance mo? At pwede ba kaming dumalaw sa inyo para makita si Grandma?” Nakangising tanong ni Iñigo. Akala niya siguro nakalimutan ko na ang huling pag-uusap namin.“Si Grandma ba talaga ang gusto mong makita? O baka naman gusto mong sulutin si Angela?” Sabat naman ni Bernard. Nagsalin ako ng alak sa baso at iniwasang sumagot. Inubos ko muna ang laman bago ako magsalita.
Read more
Chapter 14
Rafael’s POVHabang tumatagal ay nagiging magaan ang pagsasama namin ni Angela. Hindi na rin kami nag-aaway. Palagi na siyang nakangiti sa akin at palagi din maganda ang mood ko. Kapag nasa opisina nga ako parang gusto ko na lang laging umuwi para makita siya. Palagi ko din silang nahuhuli ni Lola na nagtatawanan. Magkasundong-magkasundo ang dalawa. Minsan nga isang beses ay nag-bonding sila sa pagba-baked ng cake. Parang apo na kung ituring ni Lola si Angela. At bumabalik na din ang lakas nito. Naging mabilis ang mga araw at preperasyon ng kasal namin. Masyado kaming naging abala ni Angela halos araw-araw ay magkasama kaming dalawa. Hindi ko alam kong bakit naging magaan na rin ang pakikitungo namin sa isa’t-isa o talagang tanggap na niya na hindi na siya pwedeng umatras pa.Bukas na ang kasal naming dalawa at garden wedding ang napili naming setting. Malapit na kaibigan at kamag-anak lang ang inimbitahan namin. Dahil yun din ang hiniling ko kay Lola. Natuwa si Angela dahil inimbita
Read more
Chapter 15
Angela’s POVIto na ang araw na magiging isa na akong ganap na Valdez. May bahay ni Rafael Valdez. Sa sobrang bilis ng pangyayari ay hindi pa rin ako makapaniwalang ikakasal na ako. At hindi ko na ito matatakasan pa. Kahit mahirap unti-unti ko na rin tinatangap ang lahat. Wala ba na rin naman akong magagawa pa sa ngayon kundi sumabay sa agos ng magiging buhay naming dalawa.Abala ang lahat ng tao sa mansyon sa magaganap na kasal namin ni Rafael. Kaya maaga din kaming gumising at upang maghanda. Napakaganda ng set-up ang ginawa nila sa malawak na garden dito sa mansyon. Kombinasyon ng red at white flowers ang nagsilbing palamuti sa bawat sulok ng garden. Maaliwalas din ang panahon. Mataas ang araw pero hindi mainit sa balat dahil malapit na din ang pasko.Kasalukuyan ‘kong pinagmamasdan ang aking sarili sa harapan ng malaking salamin. Isang simpleng off shoulder mermaid lace ang suot kong wedding gown na kita ang buong likod. Si Lola ang pumili nito para sa akin dahil bagay na bagay d
Read more
Chapter 16
Chapter 16 Angela’s POV Isang oras na ang nakalipas mula nang umalis si Rafael. Galit parin si Lola kahit alam niya ang dahilan ng pag-alis nito. Ipinaliwanag ni Bernard ang lahat kung bakit siya umalis. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. May karapatan ba akong masaktan? Nasa bingit ng kamatayan ang dati niyang kasintahan. Ang babaeng mahal niya. Nakita ko sa mga larawan kung gaano nila kamahal ang isa’t-isa. Ayaw man niyang ipakita sa kin, nararamdaman ko ang sakit na nararamdaman niya. Mahal pa rin niya si Lalaine at ako ay pantapal lang sa sugat na iiwan niya kay Rafael. Hindi ko akalain na sa maganda niyang mukha ay nagtatago ang matinding karamdaman. “She had Cancer! She’s dying!” Paulit-ulit na lumarawan sa akin ang mukha ni Rafael nang sabihin yun ni Xandro. Tinakasan ng kulay ang kanyang mukha sa sinabi nito. Napanuod ko din ang video na nakuha daw ni Fernan sa cellphone ni Lalaine. Sa likod ng mga ngiti niya sa video ay hindi mo maaninag sa kanya ang pag-aal
Read more
Chapter 17
Rafael’s POVNang makarating ako sa condo ni Lalaine matapos kong umalis sa reception ng kasal namin ni Angela. Ay nadatnan kong nakaupo si Fernan sa sofa. Balisa siya at bakas ang pagkalugmok niya. Napansin ko kaagad ang video ni Lalaine sa flat screen TV at duon natuon ang attensyon ko.“Hi Love! Nandito ulit ako sa hospital. Alam mo magiging proud ka sa akin. Nakaya ko yung masasakit na medical exams…”Garalgal ang boses niya nakita ko ang pangingilid ng luha niya. Kuha ‘yon two years ago dahil sa date na nakalagay sa video. “Kaya lang ang sakit pala. Hindi ko ma-imagine ang pinagdadaanan ng mga batang nagkaroon ng brain tumor na gaya ko. Gusto ko sana hawak ko ang kamay ko habang kinukuhanan ako ng sample para mabawasan ang sakit. Pero don’t worry kapag na-operahan na ako pwede na akong bumalik diyan. I missed you. I’m sorry kung hindi ko sinabi sayo ang totoo. Alam ko kung gaano mo ako kamahal kaya natakot ako na baka masaktan ka ng dahil sa akin. Kapag gumaling na ako sasabihin
Read more
Chapter 18
Rafael POV Papasok na ako sa hospital kung saan dinala si Lalaine. Naglalakad ako sa pasilyo patungo sa kwarto niya. Habang papalapit ako ay mas lalong bumibigat ang paghakbang ko. Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin at kung ano ang magiging reaction ko kapag nakita ko na siya. Pero kailangan kong lakasan ang loob ko. Hindi ko alam kung galit ba siya sa akin dahil sa ginawa ko sa kanya. Pero handa kong tangapin ang hinanakit niya, mapatawad niya lang ako at mabawasan ang nararamdaman niyang sakit. Nasa tapat na ako ng pintuan ni Lalaine nang biglang magbukas ang pinto. “T-tita.” “Rafael? Anong ginagawa mo dito?” Kunot noo na tanong ni Tita. Hindi niya kasi alam na susunod ako dito. “I want to see Lalaine.” “Hindi ka na dapat nagpunta dito. Ayaw niyang makita mo ang kalagayan niya.” Hinila niya ako malayo sa kwarto ni Lalaine. “Rafael mas makakabuti kung hindi mo na siya makita sa ganung kalagayan. Dahil yun ang gusto niya at hiling niya.” Nag-umpisang mamula ang mga mat
Read more
Chapter 19
Angela’s POVDalawang linggo na mula nang umalis si Rafael. Niyaya ako ni Lola na sundan si Rafael sa Canada pero hindi ako pumayag. Gusto kong bigyan siya ng oras para sa babaeng mahal niya at hinanda ko na rin ang sarili ko sa magiging desisyon niya pagbalik. Palagi na lamang akong sinasamahan ni Lola sa mall or kahit saan para siguro maaliw ako paminsan-minsan. Tinuturuan din niya ako sa pagbuburda kaya minsan hindi ko namamalayan na nakakatapos na pala ako kahit isang maliit na bulaklak. Kahit abala pa siya sa maraming negosyo, maraming mapagkakatiwalaan si Lola na tumutulong sa kanya habang wala pa si Rafael.Matiyaga parin akong naghihintay sa kanya kahit walang kasiguraduhan kung kailan siya babalik. Hindi ko alam kong bakit ko rin natitiis ang ganito na maghintay na lamang kahit may karapatan na naman ako sa kanya. Alam ko kasi ang katotohanan na sa papel lang ang kasal naming dalawa at kahit kailan hindi niya ako magagawang mahalin. Masakit, akala ko okay lang sa akin ang nan
Read more
Chapter 20
Angela’s POVMaaga akong gumising upang paghandaan ang pag-alis namin mamaya. Kailangan din kasi ni Lola umalis patungong Macau, dahil nagkaroon daw ng emergency meeting doon kasama ang ibang shareholders ng kanilang negosyo. Nag-aalala na rin ako dahil baka bumagsak ang kalusugan ni Lola. Pero sinigurado niyang magiging okay siya at babalik din agad siya. Pag natapos na ang problema doon.“Lola, sigurado po ba kayong kaya niyo na?” Nag-aalalang tanong ko.“Oo apo, ako na ang bahala. Alam ko naman na miss na miss mo na ang mga tao sa ampunan pero umuwi ka din dito dahil baka umuwi si Rafael.” Paalam niya sa akin. Niyakap ko siya at pagkatapos ay sumakay na siya sa kotse. Inihabilin ko din siya sa private nurse na wag na wag siyang pabayaan. Nangingilid ang luhang kumaway ako sa kanya habang papalayo ang sinasakyan niya. Napakabait ni Lola, hindi siya kagaya ng ibang mayayaman na mataas ang tingin sa sarili. Kahit hindi ko hinihingi ay binibigay niya. Binigyan niya rin ako ng black car
Read more
PREV
12345
DMCA.com Protection Status