Angela’s POVBago pa nila ako makita ay mabilis na akong umalis, dahil ayokong maka-agaw sa atensyon nilang dalawa habang pinagsasaluhan nila ang kasabikan sa isa’t-isa. Siguro ito yung rason kaya niya ako sinama sa party na ito. Para pagselosin ang babaeng mahal niya.Nagtagumpay naman siya dahil kahalikan na niya ang babaeng yun ngayon. At wala na rin akong paki-alam kung ano pa ang gawin nilang dalawa. Parang gusto kong sawayin ang aking sarili. Dahil kahit wala naman kaming relasyon feeling ko nasasaktan ako. Hindi kaya dahil sa harap-harapan niyang tinatapakan ang pagkatao ko? O baka talagang may pagtingin na rin ako kay Rafael?Inayos ko ang aking sarili at pumasok na ako ng entrance. Nakita ko agad ang mga kaibigan niya at kinawayan pa nila ko para lumapit ako sa kanila. Nahihiya man ay wala akong magawa dahil wala naman akong ibang kilala dito.“Angela, akala ko hindi ka na babalik eh.” Nakangiting wika ni Iñigo. Ngiti lang din ang tinugon ko sa kanya.“By the way, seryoso ba
Magbasa pa