Share

Chapter 13

Rafael’s POV

“Rafael, mabuti naman at nakarating ka dito. Balita ko ay masyado kang abala nitong mga nakaraang araw?” Tanong ni Bernard.

Nandito kami sa condo niya. Tinawagan niya kasi ako. Pumunta na lang ako dito kaysa makita ang malungkot na mukha ni Angela. Dalawang beses ko na siyang pinagtangkaan. Dala ng aking galit at emosyon. Hindi ko akalain na sa maiksing panahon na pagkakilala naming dalawa ay nagkaroon na kaagad siya ng malaki ang epekto sa akin. At lalong tumatagal ay nagiging possesive na rin ako pagdating sa kanya. Kaya hindi ako papayag na bumalik pa siya sa Mathew na yun!

“Kumusta naman ang magandang fiance mo? At pwede ba kaming dumalaw sa inyo para makita si Grandma?” Nakangising tanong ni Iñigo. Akala niya siguro nakalimutan ko na ang huling pag-uusap namin.

“Si Grandma ba talaga ang gusto mong makita? O baka naman gusto mong sulutin si Angela?” Sabat naman ni Bernard. Nagsalin ako ng alak sa baso at iniwasang sumagot. Inubos ko muna ang laman bago ako magsalita.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status