Lahat ng Kabanata ng The Revengeful Heiress: Kabanata 11 - Kabanata 20
25 Kabanata
10: TENSION
Naiwan akong nakanganga sa aking kinatatayuan dahil sa sinabi ni Leon. Hindi ko alam kung dapat ba akong maging masaya dahil nag-aalala siya sa akin o dapat ay mainis ako dahil sa sinabi niya. Nang unti-unting mag-settle sa utak ko ang paraan ng pagkakasabi niya ng mga salitang iyon sa akin ay unti-unting uminit ang ulo ko.Kahit naririnig ko ang ungol nina Kirsten at Uriel, binalewala ko iyon at inis na humabol sa papalayong si Leon.“Sino ka ba para pagsabihan ako?” Tumaas ang boses ko pero hindi man lang siya huminto para harapin ako.Sa sobrang inis ko ay hinaklit ko ang kaniyang braso para mapilitan siyang harapin ako. Pero nagulat ako sa sunod na ginawa niya. Hinawakan niya ang aking magkabilang balikat at mariiin pinatuwid ako nang tayo.“Nakita mo naman hindi ba? Walang normal sa mga kaibigan ko maliban kina Maureen at Bryan. Kung talagang matino silang kaibigan at magandang impluwensiya sa’yo o sa akin o sa kahit sino, hindi sila gagawa ng ganitong kababuyan sa ating harapan.
Magbasa pa
11: INTENSE NAKEDNESS
Dahil wala akong kakilala sa lugar na tinitirahan ko, bandang hapon ay nagdesisyon akong magtungo sa bahay nina Aira para bumisita sa kaniya. Hindi naman malayo ang bahay nila. Puwede itong lakarin mula sa apartment na tinutuluyan ko o kung tinatamad ka ay puwede ring mag-tricycle. Mayroon namang paradahan sa kanto malapit sa apartment. Pero dahil gusto ko ring maglakad-lakad, iyon ang ginawa ko para kahit paano ay ma-exercise ko naman ang aking mga paa at binti.Wala rin kasi akong ginagawa sa apartment kapag wala si Marco. Inaabala ko nalang ang sarili ko palagi sa pagbabasa ng mga pocketbooks o hindi kaya sa panunuod ng TV. Kapag naman tumatawag si Isabelle para magkuwento, ang pinakamatagal na naming pag-uusap ay umaabot lang ng tatlumpung minuto. Hindi katulad ng dati na ilang oras kaming magka-telebabad.Ito rin ang unang beses na pupunta ako sa bahay ng taga-rito sa Paso. Masarap sa pakiramdam na isiping may isang taga-local na gusto akong maging kaibigan.Nang makarating ako s
Magbasa pa
12: HIGH HEAT
Kinabukasan, nagising ako na wala na si Marco sa tabi ko. Nang ibaling ko ang aking paningin ay naroon pa rin pala ako sa living room ng apartment. Nang tingnan ko ang aking sarili ay agad kong kinuha ang unan sa tabi ko para gamitin pantakip sa aking katawan.Nakahubad pa rin ako. Hindi man lang nag-alala si Marco na baka may makakita sa akin sa ganitong kalagayan. Ni hindi man lang niya ako sinuotan ng panty at bra bago niya ako iniwan.May galit akong naramdaman. Pero wala naman na akong magagawa. Nakaalis na siya. Kahit magtampo at magwala pa ako rito, wala na rin namang mangyayari. Mabuti nalang at nakasara ang pinto at bintana ng bahay kaya naman sa tingin ko ay safe pa rin naman ako.Nang tumayo ako, naramdaman ko ang sakit ng buong katawan ko.Habang naliligo ay biglang pumasok sa aking isipan ang nangyari kagabi. Naalala kong may mga nakakita sa ginagawa namin habang binabayo niya ako sa aking likuran. May kung anong hiya ang pumuno sa katawan ko. Paano na ako lalabas ng baha
Magbasa pa
13: CARE  
Kumunot ang aking noo sa kaniyang tanong. Hindi ba obvious na kaya ako nandito ay dahil namili ako?Marahan kong itinaas ang basket na dala ko na naglalaman ng mga gulay at isda na pinamili ko.“Namili ako. Para sa talipapa ni Ate Aira.”Siya naman ngayon ang may nakakunot na noo.“Aira? Aira Ramirez? Kilala mo siya?”Nagulat din ako nang malamang kilala niya si Ate Aira. “Bakit mo siya kilala?”Tila natauhan naman si Leon nang marinig niya ang tanong ko.“W-wala. Huwag mo nang alamin.”Napalabi ako at umayos nang tayo. Inayos ko na rin ang pagbitbit sa hawak kong basket.“Sige, mauuna na ako. Baka hinahanap niya na kasi ako eh.”Tumango naman si Leon. Akmang hahakbang na ako palayo sa kaniya nang biglang may nagmamadaling costumer na biglang tumulak sa akin. Nabitawan ko ang basket na hawak ko kaya alam kong safe ito. Pero ako naman ang sumubsob sa basket na may lamang nilagang mais.“Celine!”Dinig ko ang pag-aalala sa boses ni Leon. Naramdaman kong may pumulupot na braso sa aking b
Magbasa pa
14: DON'T LEAVE
Mahirap para sa akin ang desisyon kong umuwi. Nakakaramdam ako ng takot at lungkot dahil naging tahanan ko na rin ang Paso De Blas sa loob ng dalawang buwan. Pero nangako na ako kay Isabelle na uuwi na ako.Ilang beses na rin akong hinanap ng aking mga magulang sa kaniya. Para hindi raw kasi mag-alala ang mga ito, sinabi niyang sa condo niya muna ako tumutuloy dahil nahihirapan daw akong maging kumportable sa mansiyon.Kaya hindi puwedeng hindi ako umuwi.Isa pa, iyon din ang kagustuhan nina Leon at Ate Aira para sa akin. Para tuluyan na akong makalayo kay Marco, mainam nang ituloy ko ang aking pag-alis. Ang sabi pa nila, mas makabubuti kung hindi ko ito sasabihin kay Marco ang tungkol sa plano ko.Pero iyon ang hindi ko kayang gawin. Hindi man ako nirerespeto ni Marco sa ibang bagay, mabait naman ang pakikitungo niya sa akin kahit paano.Pagsapit ng Sabado ng gabi, alas siete palang ay narinig ko na agad ang busina ng kaniyang sasakyan. Dali-dali akong bumaba ng first floor para pagb
Magbasa pa
15: HIS ILL-MANNERED FRIENDS  
Nakasakay ako ng sasakyan ni Marco. Linggo ngayon at niyaya niya akong pumunta sa birthday party ng isa sa mga kaibigan niyang ayon sa kaniya ay hindi pa niya naipapakilala sa akin.Ilang oras na ang lumipas pero hindi ko pa rin nasasabi sa kaniya ang plano ko. Naisip ko naman, mamaya kapag nasa resort na kami, saka ko nalang sasabihin sa kaniya. Panigurado namang nasa mood siya mamaya.Bumaling ako sa kaniya at nakitang pasipol-sipol pa siya.“Masaya ka yata?” tanong ko.Mas lalong lumawak ang kaniyang ngiti nang marinig ang sinabi ko.“Of course. Sa wakas kasi ay maipakikilala na kita sa ibang mga kaibigan ko.”“Masyado ba silang marami para ipakilala sa akin?”Umiling siya.“No, actually, apat lang sila. Si Aiko, Tanya, Hera, at Lia.”Kumunot ang aking noo nang marinig ang pangalan ng mga ito.“Si Tanya ang may birthday. Galing din siya sa isang mayamang pamilya. Businessman ang kaniyang ama. Yung pinapatayong warehouse sa Barangay Antonio, sila ang may-ari niyon. Sina Aiko, Hera,
Magbasa pa
16: BLACKMAIL
“What are you talking about?” naguguluhang tanong ko kay Maureen. I was confused. Hindi ko lang kasi sa kaniya narinig ang mga salitang iyon, bagkus ay ilang beses na.May halong pagkainis na umirap sa akin si Maureen.“Oh, come on, Celine. You know what I am talking about. Sinabi sa amin ni Leon ang pag-uusap niyo. Nangako ka sa kaniya na aalis ka na ng Paso De Blas. Pero bakit hanggang ngayon ay nandito ka pa rin.”Umiling ako.“Hindi ba para naman kasing nakakabastos iyon para kay Marco. Aalis ako nang walang paalam? That’s outside of my character. Ayoko namang umalis nang hindi nagsasabi.”Narinig ko ang mahina niyang pagmumura/“Ang hindi mo pakikinig sa sinasabi ni Leon ang ikapapahamak mo. Noong unang beses kitang nakita sa barko, akala ko ay matalino ka.”Nagsalubong ang kilay ko nang marinig ang sinabi niya. Sa unang pagkakataon, nainsulto ako sa sinabi sa akin ng isang tao.“Oh, bakit? Huwag mo sabihing nasaktan ka sa sinabi ko? Sinasabi ko lang ang nakikita ko, Celine.”“Ba
Magbasa pa
17: OBSESSION  
Nanginginig ang aking buong katawan dahil sa mga sinabi ni Marco. Hindi ako makapaniwala na magagawa niya sa akin ito. Tinrato ko siya nang maayos. Pinakitaan ko siya nang mabuti. Pati mga kaibigan niya ay pinakisamahan ko. Lahat ng bagay na gusto niya ginawa ko. Ni minsan, hindi ako nakaramdam ng galit sa kaniya. Pagkatapos ganito ang gagawin niya sa akin?Hindi ko maintindihan kung bakit naging ganito siya bigla. Oh baka, ganito na siya dati pa, pero ngayon ko lang ito nakita. Ito ba ang sinasabi ni Leon sa akin? Ito ba ang bagay na pinaalala sa akin ni Maureen kanina?Kung nakinig ba ako sa kaniya na huwag sabihin kay Marco ang tungkol sa pag-alis ko, hindi ba mangyayari ito?Halos sumabog ang ulo ko sa kaiisip. Samantala nakatayo pa rin si Marco sa kaniyang puwesto. Nakangisi ito habang nakatitig sa kaniyang phone.“You really think you can leave this place, huh? Akin ka. Hindi ka puwedeng umalis sa lugar na ito hangga’t hindi ako nagbibigay ng permiso.”Ikinuyom ko ang aking kama
Magbasa pa
18: PRISONER
“Nagustuhan mo ba ang niluto ko para sa’yo?” tanong niya pagkatapos naming kumain ng agahan.Isang tango ang isinagot ko sa kaniya. Surprisingly, masarap siyang magluto. Hindi ko alam kung paano niya iyon ginawa pero nagustuhan ko talaga. Naparami ang kain ko. Mukhang gutom ang naging epekto ng nangyari sa akin kagabi.“Hindi ba linggo ngayon? Bakit nandito ka?” tanong ko sa kaniya gamit ang kaswal na tono.“Ayaw mo bang nandito ako?”Nag-angat ako nang tingin at nakitang nakangisi siya sa akin. Hindi ako sumagot. Ayokong pilitin ang sarili ko. May hangganan din ang pagpapanggap ko. I’m not okay and I don’t want to see his face. That’s the truth. Pero ayokong sabihin sa kaniya iyon nang diretsahan dahil kilala ko siya.Humugot siya ng malalim na hininga at umayos sa pagkakaupo.“Magmula ngayon, araw-araw na akong pupunta sa’yo. Para i-check ka.”Kumunot lalo ang aking noo.“Paano mo gagawin iyon? Hindi ba may pasok ka sa eskuwelahan?”Nagkibit-balikat siya.“I can make few arrangement
Magbasa pa
19: FIRST KILL
Naitaikip ko ang aking palad sa aking bibig sa labis na pagkagulat.“Marco!”Lumapit sa akin si Marco at yumakap sa akin. Bakas sa kaniyang mukha ang pag-aalala. Hinaplos pa niya ang aking pisngi at tiningnan ako nang mabuti.“Nasaktan ka ba? May ginawa ba siya sa’yo?”Agad akong umiling. Hindi ako nahawakan ng matanda, pero nakaramdam ako ng takot nang makita siya.“Paano nangyaring nakapasok siya sa bahay?” nanginginig ang aking katawan nang itanong ko iyon kay Marco.Umiling siya. Halatang gulong-gulo rin siya sa mga pangyayari.“Hindi ko alam. Marahil naging kumpiyansa ako na maayos kong naiwang naka-lock ang pinto.”Muli akong bumaling sa matandang nakahandusay sa sahig.“Marco, hindi na siya gumagalaw. Patay na yata!”Kumalas si Marco sa pagkakayakap sa akin upang tingnan nang matanda.“Buhay pa siya. Pero huwag kang mag-alala, dahil ginulo ka niya. Sisiguraduhin kong ang tulad niya ay hindi na masisikatan pa ng araw.”Kumabog ang aking dibdib nang marinig ang tinuran niya.“Ano
Magbasa pa
PREV
123
DMCA.com Protection Status