Share

17: OBSESSION  

Nanginginig ang aking buong katawan dahil sa mga sinabi ni Marco. Hindi ako makapaniwala na magagawa niya sa akin ito. Tinrato ko siya nang maayos. Pinakitaan ko siya nang mabuti. Pati mga kaibigan niya ay pinakisamahan ko. Lahat ng bagay na gusto niya ginawa ko. Ni minsan, hindi ako nakaramdam ng galit sa kaniya. Pagkatapos ganito ang gagawin niya sa akin?

Hindi ko maintindihan kung bakit naging ganito siya bigla. Oh baka, ganito na siya dati pa, pero ngayon ko lang ito nakita. Ito ba ang sinasabi ni Leon sa akin? Ito ba ang bagay na pinaalala sa akin ni Maureen kanina?

Kung nakinig ba ako sa kaniya na huwag sabihin kay Marco ang tungkol sa pag-alis ko, hindi ba mangyayari ito?

Halos sumabog ang ulo ko sa kaiisip. Samantala nakatayo pa rin si Marco sa kaniyang puwesto. Nakangisi ito habang nakatitig sa kaniyang phone.

“You really think you can leave this place, huh? Akin ka. Hindi ka puwedeng umalis sa lugar na ito hangga’t hindi ako nagbibigay ng permiso.”

Ikinuyom ko ang aking kama
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status