Warning: READ AT YOUR OWN RISK! (WILD AND EXPLICIT SCENES ARE PROHIBITED FOR YOUNGSTERS!) Walang ibang nais si Atasha Revamonte kundi makaranas ng tunay na pagmamahal mula sa taong nais niyang makasama habang buhay. Akala niya ay maligaya at masaya ng buhay ang sasalubong sa kaniya pagdating niya sa Paso De Blas. Akala niya ay langit ang kaniyang mararanasan sa piling ni Marco Madrigal na lalaking kaniyang mahal. Ngunit nagkamali siya. Impiyerno pala ang naghihintay sa kaniya at pagmamalupit ang mararanasan niya sa mga kamay nito. Paano matatakasan ni Atasha ang pamilyang pinagmalupitan siya sa loob ng isang taon? At paano pababagsakin ng dalaga ang pamilya Madrigal na siyang sumira sa buhay niya at sa kaniyang buong pagkatao?
View More“Itatakas na kita rito, Celine habang wala pa si Marco. Halika, aalalayan kita.”
Seryoso akong tumingin kay Leon habang nakaupo ako sa kama at yakap-yakap ko ang aking mga binti. Kanina pa ako umiiyak pagkatapos akong pagmalupitan ng ina ni Marco. Sa mga nakalipas na araw, palagi nalang ako ang napagbubuntunan nito tuwing galit siya kaya kitang-kita ang mga sugat at pasa na natatamo ko tuwing sasaktan ako nito.
Halos isang taon na rin akong nanatili sa kanilang poder at magmula noon, walang araw na hindi ako nakakaranas na pagsalitaan ng masasakit na salita at tratuhin na para bang isang alila na kailangang sumunod sa mga utos nila.
Hindi naman ako nakaranas ng ganito sa mga magulang ko. Kahit gaano kayaman ang pamilya namin, hindi naman ganito ang pakikitungo nila sa ibang tao. Nanggaling din ako sa isang mayamang pamilya. Kung tutuusin ay mas mayaman pa sa pamilya Madrigal. Mas malaki rin ang mansiyon na mayroon kami. Mas maraming katulong. Ngunit ni isa sa mga ito ay hindi nakakaranas na mapagbuhatan ng kamay ng aking mga magulang.
Muli kong iniangat ang aking tingin sa nag-iisang tao na may lakas ng loob na tumulong sa akin. Si Leon Dela Luna.
Matagal ko nang pinag-iisipan ang tungkol sa sinabi niya sa kaniyang plano na iligtas ako. Noong nakaraang linggo ay binanggit niya sa akin ang tungkol sa event na pupuntahan ng mga Madrigal sa kabilang bayan. Aalis ang buong pamilya sa mansiyon at ang tanging matitira lamang ay ang guwardiya at ang ilang katulong sa bahay na kagaya ko, nakakaranas din ng pagmamalupit sa pamilya Madrigal. Ang pamilyang ito ang pinaka-kinikilala ng mga tao sa bayang ito. Sila ang batas. Sila ang maaaring maghusga. Sa kanila lang naniniwala ang mga mamamayan sa kabila ng kasamaan ng pag-uugali ng bawat miyembro ng pamilya nito.
Walang puwedeng sumagot, umapila, at higit sa lahat, walang puwedeng bumastos sa kanila. Matagal ko ring natanggap sa aking sarili na matatagalan ako bago makaalis sa impyernong ito. Alam kong hindi magiging madali. Kaya noong lumapit si Leon sa akin para tulungan ako, hindi ko naiwasang magdalawang isip.
Sunod-sunod na pumasok sina Mara at Amy sa aking silid kasama ang guwardiya na si Mang Nestor. Bakas sa mga hitsura nito ang awa sa akin.
“Sige na, Ma’am Celine. Mabuti pa kung sumama nalang kayo kay Sir Leon para makalaya na kayo sa bahay na ito,” ani Amy.
Mabilis kong pinunasan ang aking mga luha at tumayo sa kama. Mabilis akong nagtungo sa dalawang kasambahay na naging kakampi ko na rin at karamay sa loob ng isang taon dito sa mansiyon.
“Kapag umalis ako, paano kayo? Siguradong sa inyo ibubunton ni Don Franco at Doña Helena ang galit nila.”
Lumapit ang guwardiya at humarap sa akin.
“Huwag po kayong mag-alala, Ma’am Celine. Ako na po ang bahala sa kanila. Gagawa nalang kami ng kuwento kung paano ka nakatakas nang hindi namin napapansin. Okay lang kami. Ang mahalaga ay makaalis na kayo rito.”
Bumaling ako kay Leon.
“Masisiguro mo bang magiging ligtas sila kapag umalis ako?” tanong ko na ang tinutukoy ay ang mga kasambahay at guwardiya.
Tumango si Leon.
“Huwag kang mag-alala, Celine. Kapag nakaranas pa sila ng hindi magandang trato sa mga Madrigal, ako na mismo ang kukuha sa kanila. Sa akin sila magta-trabaho.”
Malaki ang naging papel ni Leon sa buhay ko. Malaki ang naitulong niya para mapanatili kong maayos ang sarili ko habang nandito ako sa bahay na ito. Sa loob ng ilang buwan, siya ang nagsilbing liwanag sa madilim kong mundo.
Malaki ang nagawa kong pagkakamali dahil sa pagmamahal ko sa isang lalaki. Naniwala ako sa kaniyang mga pangako. At ang pinakamasakit sa lahat, dahil sa pagmamahal ko sa lalaking iyon ay nasira ang mga pangarap ko na binuo ko para sa aking sarili. At ngayong may pagkakataon na ako para umalis sa lugar na ito. Gagawin ko ang lahat para maibalik sa maayos na takbo ang buhay ko.
Mabilis akong kumilos. Nagpalit ako ng damit at kumuha ng malaking jacket na magsisilbing pangkubli ko para hindi ako makita ng mga tao habang sakay ng kotse palabas sa bayan ng Paso De Blas.
Bago ako umalis ay yumakap muna ako kina Amy at Mara. Hiningi ko rin ang numero ng telepono nito nang sa gayon ay matawagan ko sila kapag nakaalis na ako sa bayan na iyon.
“Mag-iingat kayo. Mang Nestor, kayo na po ang bahala sa kanila. Siguraduhin niyo pong magiging ligtas sila.”
Muli akong humarap sa dalawang babae.
“Kukunin ko kayo. Babalikan ko kayo. Hmm?”
Muli silang yumakap sa akin.
“Mag-iingat po kayo ni Sir Leon, Ma’am Celine. Tandaan po ninyo na lahat ng mga taga-Paso De Blas ay bayani ang tingin sa mga Madrigal. Kilala ka nila bilang dating asawa ni Sir Marco. Kapag may nakakita sa’yo sigurado akong ire-report ka agad ng mga iyon sa mga tauhan ni Don Franco.”
“Maraming salamat sa paalala mo, Mara.”
Nang matapos kaming magpaalam sa isa’t-isa ay mabilis ang naging kilos namin ni Leon. Sumakay agad kami sa kaniyang kotse at mabilis niyang pinaandar ito.
Normal ang pagkakaroon ng mga checkpoint sa bayan. Iyon ang pinakadahilan kung bakit ako kinakabahan. Pero nang malagpasan namin iyon, nakahinga ako agad nang maluwag.
“Hanggang sa port lang kita maihahatid, Celine. Buksan mo ang box. Nariyan ang ticket ng barko na binili ko para sa’yo at ang perang magagamit mo para makabalik ka sa pamilya mo.”
Napatitig ako sa isang bundle ng pera nasa kahon.
“Masyadong marami ang pera na ito, Leon. Hindi ko kailangan ang iba rito.”
Kumuha lang ako ng limang libo sa naka-bundle na pera. Pagkatapos ay ibinalik ko ang perang natitira sa kahon. Kinuha ko na rin ang cellphone na roon.
“Nariyan ang number ko. Kapag nasiguro mong ligtas ka na, tawagan mo ako.”
Marahan akong tumango sa kaniya. Habang nagmamaneho siya ay saka ko inabot ang isa niyang kamay dahilan para mapalingon siya sa akin. Isang matamis na ngiti ang binigay ko sa kaniya. Gumanti rin siya nang ngiti at marahang pinisil ang kamay ko.
Nang makarating kami sa checkpoint ay kinailangan kong magsuot ng facemask.
“Umarte ka na maysakit. Bubuksan ko na ang bintana.”
Labis ang kabog ng aking dibdib. Pakiramdam ko ay sasabog ang puso ko sa labis na kaba.
“Sir Dela Luna. Saan ho kayo? At sino ho itong kasama niyo?”
“Ah, Sir, isa ho sa mga katulong namin sa bahay. May sakit ho at nais nitong umuwi ng karatig probinsiya para makasama ang kaniyang pamilya,” dinig kong paliwanag ni Leon sa police na naka-assign sa check-point.
“Puwede ho bang alisin ang facemask? Para lang sana makumpirma namin ang identity ng kasama niyo.”
“Naku, Sir. May nakakahawang sakit ho kasi itong kasambahay namin. Mahirap na at baka kayo ho ay mahawa. Ako nga rin ho, kagagaling ko lang sa trangkaso.”
Narinig ko ang mabilisang pag-atras ng pulis sa bintana ng sasakyan ni Leon.
“Sige, Sir. Ingat ho. Ilayo niyo na ho iyang babaeng iyan dito, baka siya pa ang dahilan para magkahawaan ng mga sakit ang mga tao rito sa bayan ng Paso De Blas.”
Hindi ko maiwasang mapasimangot nang marinig ang tinuran nito. Masama talaga ang ugali ng mga tao rito. Kung paano talaga umaakto ang pinuno, ganoon din ang mga taga-sunod nito.
Nang makalagpas kami sa check-point ay nakahinga ako nang maluwag. Malayo pa ang biniyahe namin ni Leon para makarating sa portna bumabiyahe mula sa lalawigang ito patungo sa karatig probinsiya kung saan ako lumaki.
Nang makababa ako ng sasakyan, agad na lumapit sa akin si Leon. Hinawakan niya ang mga kamay ko.
“Mag-iingat ka, Celine.”
Tumango ako sa sinabi niya.
“Sana magkita ulit tayong dalawa.”
Ngumiti ako.
“Sisiguraduhin kong mangyayari iyon.”
Naglakad na ako patungo sa pila ng mga taong naglalakad papasok ng barko. Ngunit nakakailang hakbang palang ako nang may bigla akong maalala. Muli akong humarap sa kaniya.
“Hindi Celine Altamonte ang tunay kong pangalan.”
Kumunot ang kaniyang noo, halatang naguguluhan siya.
“Anong ibig mong sabihin?”
“Ako si Atasha Revamonte. Ang anak ng pinakamayamang negosyanteng nakatira sa Cebu. Ako ang kanilang nawawalang anak. Babalik ako, Leon. Babalikan ko silang lahat na nang-api, nanakit, at sumira sa buhay ko. Sisiguraduhin kong babagsak sila sa kung saan sila nararapat. Gaganti ako at sisiguruhin kong magmamakaawa sila sa akin. Kukunin ko ang lahat sa kanila.”
Nang maramdaman ko ang pagbagsak ng luha sa aking pisngi at marahas ko itong pinunasan gamit ang palad ko bago tumalikod muli at dire-diretsong naglakad palayo kay Leon Dela Luna.
Sasakyan pa rin ni Leon ang ginamit namin patungo sa restaurant na binanggit ni Kirsten na pupuntahan namin. Pagbaba namin, maraming tao agad ang napabaling sa aming gawi ni Maureen. Ang mga kababaihan naman na nasa gilid, sina Bryan at Leon ang pinagtitinganan. Kulang nalang, maglaway ang mga ito.Nang ilibot ko ang aking paningin ay roon ko lang nasabi na talagang akma ang kasuotan namin sa lugar na iyon. Naghuhumiyaw ang karangyaan ng buong lugar. Sabi sa akin ni Maureen kanina, ang Casa Alcazar daw ang pinakamaganda at pinakamahal na restaurant sa Paso De Blas at buong Sta. Victoria. Kaya naman pala ito ang napili ng mga kaibigan nila para maipakita ang kayamanan ng mga ito kahit sa murang edad pa lamang.“Iyon sila,” mahinang saad ni Bryan at itinuro ang isang mahaba at malawak na lamesa. Engrande ang disenyo nito at tunay na napakaraming palamuti sa paligid.Umikot ang mga mata ni Maureen nang makita niyang palapit sa amin si Lia Juarez. Kung hindi ako nagkakamali, siya yung bab
“Alam mo, sis. Hanga rin talaga ako sa’yo. Kahit na alam mong gina-gago ka lang niyang si Marco, hindi ka pa rin nagsasalita ng masasakit sa kaniya. Wala ka man lang reaksiyon kapag nakikipagharutan siya sa ibang mga babae. Hindi ko alam kung tanga ka o sadyang maintindihan ka lang.”Pareho kaming nakaupo ni Maureen sa isang bench na malapit sa basketball court sa community college na pinapasukan namin. Ito ang unang linggo namin dito. Hawak ko ang isang plastic bottle ng coke, habang siya naman ay humihithit ng sigarilyo.Sina Bryan at Leon, nasa canteen pa, bumibili ng pagkain. Recess kasi namin. Pareho ang kurso nina Bryan at Leon—engineering. Samantalang kami ni Maureen ay social work. Alam kong hindi ito ang gusto niyang kurso, pero kinuha niya pa rin sa kadahilanang gusto niya raw akong bantayan. Na-appreciate ko naman iyon. Malaking tulong ang pagliligtas niya sa akin sa mga panahong halos lahat ng babaeng kaklase namin ay binu-bully ako.Hindi naman ako nag-expect na magiging
Hindi lang ako ang nabigla sa ginawa ni Maureen kundi pati na rin si Marco. Kung nagulat ako, mas nagulat siya nang makita ang isa sa mga malalapit niyang kaibigan na si Leon na naglalakad palapit sa amin.Naunang nakarating si Maureen sa kinatatayuan namin kaya agad siyang yumakap. Tinapik-tapik niya pa ang aking likuran. Nang kumalas siya, si Marco naman ang tinapik niya sa balikat.“Anong ginagawa niyo rito?” tanong ni Marco sa kanilang tatlo. Hinila ni Bryan ang kaniyang girlfriend palayo kay Marco at inakbayan ito. “Bakit, pare? Hindi mo ba nabalitaan ang ginawa ko sa University? Dude, I made hella fire in the Economics Building. Kaya ayun, kicked out.”Tumaas ang kilay ni Marco.“Kung na-kick out ka, bakit pati sila kasama mo?” He was referring to Leon and Maureen.“Are you kidding me, bro? Of course, I would bring them. Sila na nga lang ang mga kaibigan ko, iiwan ko pa sila? What kind of mindset is that?” tumatawa-tawang sagot ni Bryan na halatang inaasar lang si Marco.Sumim
Every person we pass in the area stares at the two of us."Isn't he the Mayor's son? Who is that girl with him? What, his apple of the month again?"I swallowed when I heard what one of the people we passed said. We are in front of the community college that Marco mentioned to me. The school is good. It doesn't look like a simple community college. The government of Paso De Blas is really spending that money. But this place is nothing compared to private universities across the province.I just remained crouched down. I thought, he will not continue to let me enter this place. I couldn't help but be nervous and scared because firstly, I didn't know anything about this school's policy, secondly, I didn't know anyone here. What if someone hurts me? Also, it's obvious that there are many people who like him here. What if those girls do something bad to me?I don't know how else to get through it.Honestly, I don't care if he finds someone else. That would be better for me to lose the att
Nagising ako kinabukasan nang marinig ang ingay ng mga tao na dumadaan sa gilid ng apartment na tinutuluyan ko. Marahan akong tumayo sa kama habang hawak ko ang aking ulo. Masakit pa rin ito. Inatake kasi ako ng migraine nang umalis si Marco kagabi. Wala naman akong mahanap na gamot dito sa loob ng bahay at kahit gustuhin ko mang lumabas para bumili sa tindahan, ay hindi ko na ginawa dahil natatakot akong mabiktima ng mga tambay sa tabi ng tindahan.Bukod pa roon, natatakot din ako sa posibleng gawin ni Marco sa mga ito kapag binastos nila ako. Hindi pa nga ako nakaka-move on sa nangyari kay Mang Kanor.Nang maalala ko si Mang Kanor ay biglang nanlaki ang mga mata ko. Marahil iyon ang dahilan kung bakit maraming tao ang patungo sa baybayin ngayon. Agaran kong binuksan ang bintana para tingnan ang nangyayari.Sobrang lakas ng tibok ng puso ko nang mapansing may iilang mga kalalakihan ang nakabaling sa kinatatayuan ng apartment na tinutuluyan ko.Humugot ako ng malalim na hininga at sin
Naitaikip ko ang aking palad sa aking bibig sa labis na pagkagulat.“Marco!”Lumapit sa akin si Marco at yumakap sa akin. Bakas sa kaniyang mukha ang pag-aalala. Hinaplos pa niya ang aking pisngi at tiningnan ako nang mabuti.“Nasaktan ka ba? May ginawa ba siya sa’yo?”Agad akong umiling. Hindi ako nahawakan ng matanda, pero nakaramdam ako ng takot nang makita siya.“Paano nangyaring nakapasok siya sa bahay?” nanginginig ang aking katawan nang itanong ko iyon kay Marco.Umiling siya. Halatang gulong-gulo rin siya sa mga pangyayari.“Hindi ko alam. Marahil naging kumpiyansa ako na maayos kong naiwang naka-lock ang pinto.”Muli akong bumaling sa matandang nakahandusay sa sahig.“Marco, hindi na siya gumagalaw. Patay na yata!”Kumalas si Marco sa pagkakayakap sa akin upang tingnan nang matanda.“Buhay pa siya. Pero huwag kang mag-alala, dahil ginulo ka niya. Sisiguraduhin kong ang tulad niya ay hindi na masisikatan pa ng araw.”Kumabog ang aking dibdib nang marinig ang tinuran niya.“Ano
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments