All Chapters of Governor's Possession (Savage Men Series): Chapter 51 - Chapter 60
72 Chapters
S2: Chapter 10
Nagmamadaling naglakad papalabas ng ospital si Jane. Iyong takot na nararamdaman niya ay unti-unting napapalitan ng galit. Galit na galit siya dahil parang ang dali lang para sa binata ang lahat. Sa dami ng mga nangyari sa nakaraan ay akala ba nito na gano’n gano’n na lang ang pagpapatawad na gagawin niya rito? Hanggang ngayon ay may trauma si Lana dahil sa ginawa nito sa kaniya. Siya! Kinailangan niyang lumayo sa pamilya niya para lang maging ligtas sila! Hinding-hindi niya ito mapapatawad kahit na ano pa ang gawin nito sa kaniya. “Ouch!”Muntik nang matumba si Jane noong biglang may nabunggo siyang matigas na bagay. Maigi na lang at may kumapit sa kaniyang baywang kaya hindi siya tuluyang natumba. “Hannah!” “Brian?” Agad na umayos nang tayo si Jane at nagtatakang tiningnan ang binata. “What are you doing here?” “Checking on you? Ano’ng nangyari sa ‘yo?” “Ha?” Bumuntonghininga si Brian. “Your staff called me. Kanina pa sila nag-aalala sa ‘yo. Pagdating daw nila sa shop ay bukas
Read more
S2: Chapter 11
“Oh, my God, Hannah! You scared me!” salubong ni Rico pagbaba ni Jane sa kotse. Agad niyang nilapitan ang dalaga at niyakap nang mahigpit. “Ano ba ang nangyari sa ‘yo?” “Can we go inside first?” Balisang tumingin sa paligid si Jane. Pakiramdam niya ay mayroong mga matang nakamasid sa kanila. “Okay.” Inakay ni Rico si Jane papasok ng kwarto. Sinensyasan niya si Brian na pumasok na lamang sa bahay. Tumango naman ang binata. Pumasok silang tatlo sa loob. Pinaupo ni Rico si Jane sa sofa saka nagmamadaling kumuha ng tubig. Pagkabalik niya ay agad niya itong inabot sa dalaga at pinainom. Naupo si Rico sa tabi ni Jane. “Now tell me. Paano ka napunta sa ospital? Ano ‘yong kinukwento ni Brian? I almost call Jaxon to gather up his men!” Pinagsaklob ni Jane ang kaniyang mga palad at mahigpit na hinawakan iyon. Sandali niyang tiningnan si Brian na nakatitig lang din sa kaniya bago muling tumungo. Naiiyak na tiningnan niya si Rico. “H-He’s back, Rico. I told you. Hindi niya ako titigilan.”
Read more
S2: Chapter 12
“What do you mean you will go to the Philippines?” nagtatakang tanong ni Rico kay Jane habang pinapanood itong mag-ayos ng mga gamit. “Narinig mo siya, Rico. I need to go there. Kinuha niya ang anak ko!” “Hindi sila makakaalis dito nang hindi nakikita ng mga tao ni Jaxon, Jane. Can we just wait for their update?” Inis na binitawan ni Jane ang mga damit sa kama. “You don’t know him, Rico. For now, sigurado ako na nasa eroplano na sila at bumabyahe na pauwing Pilipinas! And I need to go there!” “You’re not safe there, Jane! Kailan ka ba makikinig sa akin?!” Nagtaas na ng boses si Rico. Pakiramdam niya kasi ay hindi siya pinakikinggan ni Jane. Kanina niya pa ito tinatawag at sinasabing maghintay at huminga muna dahil ginagawan na nila ng paraan ngunit hindi naman ito natigil. “I can’t wait, Rico! My son is out there with that monster! I can’t just wait here!” “Okay!” Biglang namagitan si Brian sa kanilang dalawa na nakatayo lang kanina sa may pinto ng silid. Hinarap niya si Rico. “
Read more
S2: Chapter 13
“Rodrigo! Mabuti naman umu– What the hell is that?!” gulat na tanong ni Clarixto noong makita ang batang akay-akay ni Rodrigo. Agad itong kumapit sa binti ni Rodrigo at bahagyang nagtago. Nagtatakang tiningnan niya ang pamangkin. Nakangisi ito na para bang tuwang-tuwa pa.“What?” “Anong what? Sino ‘yan?” Lalong napangiti si Rodrigo. Naupo siya at hinarap si Renz. “Uncle, he is my son, Renz. Your grandson.” Tiningnan niya si Clarixto na nakanganga pa ring nakatingin sa kanila. “Greet your, Lolo.” Tiningnan ni Renz si Clarixto. “Hello, Lolo,” magalang na sabi nito pero mababakas ang pag-aalinlangan. Pinagpalit-palit ni Clarixto ang tingin kay Renz at Rodrigo. Kilala niya ang pamangkin mula pa lamang noong maliit ito. Hindi niya nga maitatanggi ang pagiging magkamukha nito. Halos parang pinagbiak na bunga ang mga ito. Kamukhang-kamukha ng bata si Rodrigo noong bata pa lamang ito. Tumalikod siya at marahas na napabuga ng hangin. “Are you–” Tiningnan ni Clarixto ang bata. Muli siyang
Read more
S2: Chapter 14
Huminga nang malalim si Jane. Habang papalapit nang papalapit ang sasakyang naghahatid sa kaniya papunta sa mansyon ni Rodrigo ay lalong bumibilis ang pagtibok ng kaniyang puso. Pagbaba niya kanina mula sa eroplano ay may nag-aabang na sa kaniyang kotse. Mukhang alam ni Rodrigo na parating na siya. Tama ang naging desisyon nila ni Brian na mauna siyang umalis papuntang Samar. Naiwan ang binata para ihanda ang ilang mga kailangan nilang gawin para makaalis sa puder ni Rodrigo. Hindi nagtagal ay narating na nila ang mansyon. Doon ay parang mayroon nang nagkarerahan sa kaniyang dibdib. Binuksan ng driver niya ang pinto sa kaniyang gilid at bumaba roon. Wala pa ring pinagbago ang hitsura ng mansyon. Kagaya pa rin noong huli niyang na aalala. Ngunit kataka-takang wala na ang mga armadong mga tauhan ni Rodrigo na nagkalat sa paligid. Mayroon pa ring mga bodyguards pero hindi na kagaya rati na nakatatakot talagang humarap sa kanila. Naglakad na si Jane papasok sa loob. Unti-unting bumalik
Read more
S2: Chapter 15
Matapos makausap ni Jane si Rodrigo ay pinilit niyang mag-ipon ng lakas saka pumasok sa loob ng mansyon. Nakita niya ang anak na nakaupo na sa may dinning area at masayang nakikipag-usap na naman kay Rodrigo. Hindi niya maiwasang mainis dahil para bang sa sandaling panahon na nagkasama ang dalawa ay parang magkasundong-magkasundo na agad ang mga ito. “Mommy! Come here!” Agad na ngumiti si Jane noong tawagin siya ni Renz. Naglakad siya papalapit sa mga ito at naupo sa tabi ng anak. Si Rodrigo naman ay nakaupo sa pinaka gitna ng mahabang lamesa. “How are you, baby? Did you sleep well here?” tanong ni Jane sa anak. Hinaplos niya ang buhok nito. “Yes, mommy! Daddy reads me a story before I sleep.” Sandaling tiningnan ni Jane si Rodrigo na nakangiti lang. “Daddy?” Tumango si Renz. “He is my daddy, right?” Tinitigan ni Jane ang anak. Sa tinagal-tagal na panahon kahit alam niya kung sino ang ama nito ay hindi niya pa rin matanggap. Hindi nararapat na maging tatay ang kagaya ni R
Read more
S2: Chapter 16
Lumipas ang ilang araw na pananatili ni Jane sa puder ni Rodrigo ay hindi niya maitatanggi na may pagbabago nga sa binata. Naging ilag pa rin siya nito dahil nasaktan siya sa unang araw ng kaniyang pagdating. Ngunit mula no’n ay hindi na siya ulit nasaktan ng binata. Ni pagtaasan siya ng boses ay hindi na nito ginagawa sa kaniya. Nakakapanibago pero iniisip na lang ni Jane na mas maigi na gano’n ang binata kaysa sa dati. “When are you going home, Jane? It’s been days!” reklamo ni Rico mula sa kabilang linya. Nasa parke sila Jane noong tumawag si Rico sa kaniya. Ilang araw na itong nagsasabi na umuwi sila ngunit hindi pa siya makatyempo. “I don’t know,” ani Jane. Tinanaw niya ang dalawa na masayang naglalaro sa swing. Siya naman ay nakaupo sa tabi ng puno kung saan sila naglatag ng tela para mapaghingahan. “Renz like here.” “Renz like there? Jane! Nababaliw ka na ba? Naririnig mo ba ang sarili mo?” Bumuntonghininga si Jane. “I know, Rico. Hindi ko lang alam paano ko sasabihin kay
Read more
S2: Chapter 17
Ilang araw muna ang pinalipas ni Brian bago umuwi ng Samar. Ginawa na rin niya iyon dahil hindi na siya tinigilan ng daddy niya sa tawag at text mula noong umalis si Jane pabalik sa Samar. Galit na galit ito dahil nga ay nagawa pang magpakita roon ng dalaga. Kaya minabuti ni Brian na h’wag munang sagutin ang mga tawag nito at manatili na lang muna sa Manila. Itinigil ni Brian ang sasakyang kaniyang minamaneho sa tapat ng isang malaking bahay. Bumaba siya roon at pinagmasdan ang kanilang tahanan. Sa isang taon ay isang beses lamang siya nauwi. Tuwing pasko lamang at agad din siyang umaalis pabalik ng Canada. Kung hindi nga lang dahil sa kaniyang ina ay hindi na siya babalik pa rito. Hindi niya kasi matagalan ang kaniyang ama. Palagi kasi siyang pinipilit ni Clarixto na manatili na lamang sa Pinas para tulungan sa mga negosyo nila. Negosyo na hindi naman sa kanila dahil pagmamay-ari iyon ng kaniyang pinsan. Idagdag pang hindi siya pabor sa mga masasamang gawain ng mga ito. Napailing n
Read more
S2: Chapter 18
“Ang pogi naman ng baby ko!” masayang sabi ni Jane habang hinahaplos ang pisngi ni Renz. Nakasuot ito ng tuxedo na pang bata. Nangingintab din ang buhok nito na pinahiran ng gel. “You too, mommy! You are maganda!”“Ahhw. Thank you, baby!” Pinisil ni Jane ang pisngi ni Renz. “Come on? Punta na tayo sa baba?” Inilahad ni Jane ang kamay sa anak at naglakad na sila palabas ng kwarto. Nagdaos ng party si Rodrigo para sa kanilang mag-ina. Ito na rin ang paraan nito para pormal nang ipaalam sa mga tao na siya ay nagbalik na. Ayaw sana ni Jane dahil wala naman siyang balak magtagal dito. Ngunit wala na siyang nagawa dahil inayos na pala lahat ni Rodrigo. Maging ang isusuot nilang mag-ina ay nakahanda na. Nakasuot siya ng pulang long gown na may mahabang slit sa laylayan kaya kita ang maputi niyang hita. Wala rin iyong manggas at ipit na ipit ang kaniyang dibdib. Hindi na siya nagpaayos pa at hinayaan na lang na nakalugay ang buhok. Tuwang-tuwa rin kasi si Renz para sa party na mangyayari. S
Read more
S2: Chapter 19
Kumalas si Jane kay Brian at salubong ang mga kilay na tinitigan ito. “Bakit ngayon ka lang? I was waiting for you! Akala ko umuwi ka na sa Canada!” may himig ng pagkainis na sabi ni Jane.Natawa nang kaunti si Brian. “I’m sorry. Hindi ako nakabalik agad because of dad. Alam mo naman ang gusto niyang mangyari, ‘di ba? Actually, he was furious when we met earlier.” Bumuntonghininga siya. “How are you? Sinaktan ka ba ni Rodrigo?” Umiling si Jane. “Na… Nasampal niya ako.” “What?! Why?!” “Nagtalo kami. Tama ang hinala ko, Brian. Nakita na niya kami. Narito na kami. Hindi na niya ako pakakawalan. He is using Renz.” “Napaka sama talaga niya! I don’t even know why we are related.” Hinawakan ni Brian ang magkabilang braso ni Jane at marahan iyong hinagod. “Don’t worry. Narito na ako. Hindi ko hahayaan na may mangyari sa inyo. Gagawa tayo nang paraan para makaalis kayo rito.” Tumango si Jane. “Thank you, Brian. At least you are here now. Medyo panatag na ako.” Ngumiti si Brian. “Of cour
Read more
PREV
1
...
345678
DMCA.com Protection Status