Share

S2: Chapter 10

Nagmamadaling naglakad papalabas ng ospital si Jane. Iyong takot na nararamdaman niya ay unti-unting napapalitan ng galit. Galit na galit siya dahil parang ang dali lang para sa binata ang lahat. Sa dami ng mga nangyari sa nakaraan ay akala ba nito na gano’n gano’n na lang ang pagpapatawad na gagawin niya rito? Hanggang ngayon ay may trauma si Lana dahil sa ginawa nito sa kaniya. Siya! Kinailangan niyang lumayo sa pamilya niya para lang maging ligtas sila! Hinding-hindi niya ito mapapatawad kahit na ano pa ang gawin nito sa kaniya.

“Ouch!”

Muntik nang matumba si Jane noong biglang may nabunggo siyang matigas na bagay. Maigi na lang at may kumapit sa kaniyang baywang kaya hindi siya tuluyang natumba.

“Hannah!”

“Brian?” Agad na umayos nang tayo si Jane at nagtatakang tiningnan ang binata. “What are you doing here?”

“Checking on you? Ano’ng nangyari sa ‘yo?”

“Ha?”

Bumuntonghininga si Brian. “Your staff called me. Kanina pa sila nag-aalala sa ‘yo. Pagdating daw nila sa shop ay bukas
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status