Lahat ng Kabanata ng LOVE RETRIBUTION AFTER DIVORCE : Kabanata 41 - Kabanata 50
58 Kabanata
CHAPTER 41 - ALEX MONTENEGRO
Pagkatapos marinig ang sinabi ko, nakita ko si Amarah na tiningnan ng makahulugang tingin si Drako. Nakuha naman ni Drako ang gusto nitong sabihin kaya ito lumabas at hinayaan kaming makapag-usap ng sarilinan ni Amarah. "Ngayong nakalabas na ang kasama ko, mapagbigyan nyo na po ba ako sa aking kahilingan Boss Demon?" narinig kong tanong niya sa akin."Depende, kung paano mo ako kumbinsihin na tulungan ka. Hindi ko sakop ang angkan ng Aerie. Isa pa matagal na silang hiwalay sa pamamahala ng gobyerno ng New York. May sarili silang paniniwala at kultura. At ako bilang Demon King, hindi ako nanghihimasok sa pamumuhay nila dahil labas na sila sa mga organisasyon na hinahawakan ko.""Kaya ko hinihingi ang tulong mo dahil maraming organisasyon na nasa ilalim mo mismo ang halos nakapasok na sa Aerie. Kawawa ang mundo ng mga Aeta na malayang namumuhay doon. Kayamanan lang naman na nakabaon sa bundok na yon ang habol ng mga tauhan mo. Buti sana kung naghuhukay lang sila, ngunit maliban sa pina
Magbasa pa
CHAPTER 42 - HIS DEMON QUEEN
“Sige ituloy mo ang pagsipa sa akin, hahalikan na talaga kita!” Nakita kong agad itong natigilan. “Woman, huwag mong kalimutan na lungga ng Demon King itong pinasukan mo. Huwag mong hintayin na may gagawin pa ako sayo na hindi mo magugustuhan.” mapang-uyam kong wika sa kanya.Galit niya akong tinalikuran, at tumakbo palabas ng lobby habang umiiyak. Tinapunan ko ng makahulugang tingin ang aking mga tauhan na naka hilerang nakatayo lang sa gilid ng lobby at kanina pa nanonood sa sparring namin ni Amarah.“Sundan niyo siya at dalhin sa kwarto ko!” galit na sigaw ko sa kanila. Agad namang tumakbo ang mga ito palabas. Napakamot ako sa aking batok. Nahihirapan akong paamuin si Amarah dahil ibang tao ang tingin niya sa akin. “Fuck!” Napamura ako sa aking sarili. Masakit talaga ang ulo ko ngayon. Ilang sandali pa’y buhat-buhat na ni Ansel, si Amarah na wala nang malay. Agad kong pinasan ang aking asawa at galit na binitin patiwarik sa kwelyo si Anse_isa sa mga tauhan ko. Hindi ko na naramdama
Magbasa pa
CHAPTER 43 - DON'T DARE TO LEAVE ME AGAIN
Pagpasok ko, nakita ko ang dalawang lalaki na nakaupo at walang malay habang nakagapos sa kani-kanilang upuan. Ang isa ay tinatantyang nasa 40 taong gulang. Kulot ang buhok nito, maitim at parang Aeta ang hitsura. Habang ang kasama naman niya ay nasa 30 taong gulang. Mas bata lang ito ng kaunti sa isa. Kulot na rin ang buhok nito at mahahalata mo talagang mga Aeta sila. Gayunpaman hindi sila katulad ng mga Aeta ng Pilipinas dahil magkaiba sila ng pananamit. Mas malinis ang mga ito tingnan at pwedeng ihambing sa mga negritos ng Africa.“Pero paanong umaaligid sila sa mansion ng mga Fuentebilla?” napapaisip ako."Buhusan mo ng tubig ang mga iyan." madiin kong utos kay Troy.Mabilis naman na tumalima si Troy at agad na binuhusan ng malamig na tubig ang mukha ng dalawa.Ilang sandali pa'y nagising na ang mga ito at bakas ang gulat at takot sa kanilang mga mata ng makita ang aking suot na maskara.“B-boss Demon? Bohoho..maawa po kayo sa amin, wala kaming kasalanan.” pagmamakaawa ng isa sa
Magbasa pa
CHAPTER 44 - SECOND CHANCE
Malaki ang aking mga hakbang pabalik ng mansion. Nasa kalagitnaan pa lang ako ng hallway ng bigla akong sinalubong ni Drako at may balak pang kunin si Amarah mula sa mga bisig ko.“Reina Águila, ¿Qué te pasó?" Reyna Aguila, Anong nangyari sa inyo?” nagtatakang tanong ni Drako habang sinusundan ako. Kahit spanish ang pananalita nito ngunit naintindihan ko pa rin kung ano ang tinatanong niya. Alam kong nag-aalala lang siya kay Amarah, ngunit ayaw kong maudlot ang paggamot ko sa mga sugat niya. Nilingon ko si Drako at tinapunan ng matalim na tingin na nagpapahiwatig na huwag akong sundan. Mabuti naman at mabilis naman itong nakakaintindi. Agad kong tinakbo ang hagdan paakyat at tumungo sa aking silid. Maingat kong pinahiga si Amarah sa kama at hinubad ang damit na suot niya. Kumuha ako ng face towel at nilublob yun sa maligamgam na tubig na nasa maliit na palanggana. Pagkatapos ay agad ko namang piniga iyon bago ipunas sa buong katawan ni Amarah. Pinagmasdan ko ang kanyang katawan, may
Magbasa pa
CHAPTER 45 - HEART TRANSPLANT
Hindi ako mapakali sa loob ng silid habang minamasdan ang aking asawa na nag-aapoy sa lagnat. "Put***ng ina naman, Nasaan na ba si Troy?" Bigla akong napamura habang pabalik-balik sa labas ng pintuan sa pag-aabang kung nakarating na si Troy kasama si Doc Nicolai. Sa sobrang inip ko kinuha ko ang aking cellphone at tinawagan si Troy."Hello, Troy, bakit ba ang bagal mo? Ano? Matagal pa ba kayo?!" agad na singhal ko sa kanya after niyang masagot ang tawag ko."Boss, kakarating lang namin ni Dr. Nicolai. Papuntahin ko na po siya diyan sa itaas." Agad kong pinatay ang tawag ng marinig mula kay Troy na paakyat na si Doc Nicolai.Di nagtagal nakita ko na si Doc Nicolai na mabilis ang mga hakbang habang paakyat sa hagdan. Agad ko siyang sinalubong at dinala sa silid ko, kung saan nakahiga si Amarah."Doc, nagising na siya kanina, ngunit biglang nawalan siya ulit ng malay." Pagbibigay-alam ko kay Doc Nicolai, nang maka-upo na ako sa gilid ng kama, ni Amarah."Marco, kumalma ka lang. Pwede ban
Magbasa pa
CHAPTER 46 - HINAHAMON KITA MARCO
AUTHOR'S POVNasa kalagitnaan si Marco ng pagbubukas ng mga files sa kanyang laptop ng bigla siyang nakarinig ng mga kalabog mula sa pinto. Galit siyang nagtungo sa pintuan at binuksan ito."Tang'na naman Troy! Kung makakatok ka parang sisirain mo ang pinto! Ano bang problema mo?!""B-Boss, ma..malaking problema, nakatakas ang dalawang Aeta." Humihingal na pagbabalita ni Troy. Agad na umakyat ang dugo ni Marco sa ulo ng marinig ang sinabi ng tauhan niya."Ano? Put**ng ina naman Troy! Isa talaga kayong kampon ng mga katangahan! Paano sila, nakatakas? Di ba mahigpit kong bilin sayo na bantayan mo silang mabuti? Anong nangyari?!""Yun nga Boss eh. Inutusan mo akong sunduin si Dr. Nicolai, pagbalik ko nawala na sila. Sigurado talaga akong nilock ko ang basement bago ako umalis.""Ni-lock mo? Paano sila nakatakas? Huwag mong sabihin sa akin na may hudas sa loob ng lungga natin?!"Sabay silang nagkatinginan dahil pareho sila ng naiisip. May hudas nga sa loob ng kanilang hideout."Tangina, b
Magbasa pa
CHAPTER 47 - FOLLOW ALL OF HER COMMANDS
"Pero Boss, alam mo ang pilosopiya ng mga Mafia dahil Mafia ka rin. Hindi sila basta-bastang aamin kung sino ang totoong Alex Montenegro. Mas gugustuhin pa nila ang mamatay kaysa ang umamin.""Hindi lahat ng Mafia ganun ang pananaw Troy. Sa oras na pamilya na nila ang sangkot, mabilis mo silang mapapaamin. Pwera na lang sa mga Mafia na talagang walang pakialam sa kanyang pamilya, dun maniniwala ako na mas nanaisin pa nila ang mamatay at madamay ang pamilya kaysa umamin.""Ibig sabihin…" luwa ang mata ni Troy sa naisip na plano ni Marco."Yan ang unang hakbang natin Troy. Sisimulan ko sa kanilang pamilya. Mamayang gabi, isa-isahin nating kidnappin kahit isa sa miyembro ng kanilang pamilya, nang sa ganun may dahilan sila para umamin.""Paano ang asawa mo boss?""Uuwi siya kapag kaya na ng katawan niya. Kailangan siya ng mga anak namin. Sige na, ihanda mo na ang mga tauhan natin at ang mga kailangan nating gamitin. Aalis tayo pagkatapos kong makausap ang asawa ko.”Agad na tumalima si Tr
Magbasa pa
CHAPTER 48 - HIHINTAYIN KITA BABE
Nahulog si Marco sa malalim na pag-iisip matapos ang pag-uusap nila ni Doc Amy. Nahilamos niya ang mukha dahil sabay-sabay nagsi datingan ang kanyang problema. Nagpakawala muna siya ng malalim na buntong hininga, bago lumabas sa kanyang library. Ilang sandali pa, dala niya ang food tray ng mga pagkain na personal niyang niluto sa kusina, pumasok siya sa loob ng kanyang silid kung saan nakahiga si Amarah. Nakita niyang tulog pa rin ito. Dahan-dahan muna niyang inilagay ang mga pagkain sa bedside table bago umupo sa gilid ni Amarah.Kinuha niya ang kamay nito na may nakakabit na swero at dinala sa kanyang labi upang dampian ng masuyong halik. Naawa siyang tingnan ang kanyang asawa na pilit nilalabanan ang sakit para lang mahanap si Alex Montenegro.“I love you babe. Gagawin ko ang lahat para sayo at sa mga anak natin. Sana, patuloy kang lumaban para sa kanila, dahil hindi ko alam kung kailan ako makakabalik. Lagi mong tatandaan, mahal na mahal kita kaya sana huwag kang sumuko. Magpaga
Magbasa pa
CHAPTER 49 - SIMULA NG PANININGIL
"Babe, I'm leaving first; I don't know when I'll be able to return. Always take care of our children. I love you."Napapaluha si Amarah, pagkatapos niyang basahin ang laman ng sticky notes na iniwan ni Marco sa bedside table nya. "Promise me my love, babalik ka," usal niya sa sarili. Katatapos lang niyang kumain nang biglang tumunog ang kanyang cellphone."Madam A, nandito na po ako sa ibaba" Narinig niyang wika ni Mike pagkatapos sagutin ang tawag."Sige Mike, pababa na ako." Agad na siyang naghanda ng sarili at mabilis ang mga hakbang na bumaba ng hagdan. Pag-angat niya ng mukha, saglit pa siyang natigilan ng biglang lumuhod si Mike at nakayuko ang ulo habang hinihintay ang paglapit niya."Tumayo ka Mike, bakit ka nakaluhod?" utos niya ng malapit na siya sa harapan nito.Agad namang tumayo si Mike at nagsalute kay Amarah. Mahalata ang namumuong luha mula sa sulok ng kanyang mga mata.“As our captain's wife, I'll do my best whatever it takes to serve you, Madam A.” magalang at snappy
Magbasa pa
CHAPTER 50 - PROMISE ME, MOM
“Sandra!, akin na yang anak ko, ito lang naman ang gusto mong makuha di ba?” sabay taas ni Amarah ng kanyang kwintas na nakasabit sa kamay niya.Biglang nagliwanag ang mga mata ni Sandra, pagkita niya sa kwintas. Kapag nakuha niya ito mula sa kamay ni Amarah, kahit na nabigo siyang kidnapin ang mga anak nito, makakabalik pa rin siya ng Aerie at hindi paparusahan ng kinikilala niyang ama na si Alex Montenegro. Kilalanin siyang Eagle Queen at lahat ng kapangyarihan mayroon si Alex Montenegro ay magkakaroon din siya.“Ibigay mo sa akin yan Amarah, para lang sa akin yan! Ako ang karapat-dapat na maging Eagle Queen.” Wika ni Sandra, halata ang pagiging excited sa kanyang mukha.“Hindi mo makukuha ang kwintas na ito, hanggat hindi mo naibibigay sa akin ang anak ko!” Sandaling nag-isip si Sandra matapos marinig ang kondisyon ni Amarah.“Ibabalik ko sayo ang anak mo pero sa isang kondisyon, paalisin mo ang mga tauhan mo na nakaharang sa daanan ko!”
Magbasa pa
PREV
123456
DMCA.com Protection Status