Share

CHAPTER 43 - DON'T DARE TO LEAVE ME AGAIN

Pagpasok ko, nakita ko ang dalawang lalaki na nakaupo at walang malay habang nakagapos sa kani-kanilang upuan. Ang isa ay tinatantyang nasa 40 taong gulang. Kulot ang buhok nito, maitim at parang Aeta ang hitsura. Habang ang kasama naman niya ay nasa 30 taong gulang. Mas bata lang ito ng kaunti sa isa. Kulot na rin ang buhok nito at mahahalata mo talagang mga Aeta sila. Gayunpaman hindi sila katulad ng mga Aeta ng Pilipinas dahil magkaiba sila ng pananamit. Mas malinis ang mga ito tingnan at pwedeng ihambing sa mga negritos ng Africa.

“Pero paanong umaaligid sila sa mansion ng mga Fuentebilla?” napapaisip ako.

"Buhusan mo ng tubig ang mga iyan." madiin kong utos kay Troy.

Mabilis naman na tumalima si Troy at agad na binuhusan ng malamig na tubig ang mukha ng dalawa.

Ilang sandali pa'y nagising na ang mga ito at bakas ang gulat at takot sa kanilang mga mata ng makita ang aking suot na maskara.

“B-boss Demon? Bohoho..maawa po kayo sa amin, wala kaming kasalanan.” pagmamakaawa ng isa sa
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status