ILANG TAON siyang walang narinig na balita tungkol kay Matthew matapos itong magpunta sa ibang bansa. Sa pagkakaalam niya’y hindi na ito babalik at doon na mamumuhay.“Maupo ka muna, Luna,” ang utos ni Fausto.Saglit na tumingin si Luna sa suot na relo. May ilang minuto pa naman bago matapos ang lunch-break kaya naupo na siya sa sofa, kaharap si Matthew.“Tapos mo na ba’ng interview-hin ang mga aplikante?”“Yes, Dad.”“Ilan ang posibleng matanggap?”“Four or three, depende dahil may final interview pa with the panel.”Tumango-tango si Fausto saka sumulyap kay Matthew. “Idagdag mo na si Matthew sa final interview.”Taas ang kilay na tiningnan ni Luna ang pinsan. Nakangiti ito, halatang-halata ang tuwa sa sinabi ni Fausto.“Hindi siya dumaan sa tamang proseso, kaya hindi siya ko siya isasali sa final interview.”“Alam ko ‘yun, kaya nga pinapahabol ko siya sa final interview.”“I won’t allow it, Dad. Ano na lang ang sasabihin ng mga applicant kung bigla siyang makita, e, hindi naman nila
Terakhir Diperbarui : 2023-02-01 Baca selengkapnya