Ang tagal uling nakapag-update. Actually, I have to re-write the 26-29 kasi na-delete siya. Wala akong back up 'cause I'm using ang new device, even the outline kaya pigang-piga utak ko sa pag-alala kung ano ba 'yung sinulat ko each chaps. Kaya ayon 🥲. Goodbye for now and have a good day!
SAKAY NG HELICOPTER ay nilisan ni Marcus ang lugar. Tapos na ang kanyang misyong iligtas si Scarlette at Olga kaya babalik na siya.At habang nasa himpapawid ay mag-isa niyang nilinis ang sugat sa braso. Hindi gano’n ka lalim ang daplis ng bala kaya sigurado siyang makakaya niya ang kirot hanggang sa trabaho.“Sir, ayos lang kayo? Gusto niyo bang tumawag ako ng medic pagbaba natin?” tanong ng piloto.“Hindi na kailangan.” Sabay punas sa pinagpapawisang noo.Hindi na rin nagkomento ang piloto sa pagtanggi niya’t nag-focus na sa pagmamaneho.Mabilis silang nakabalik at agad rin siyang umalis matapos makapagpasalamat sa piloto.Sumakay siya sa kotse at mabagal na pinatakbo ito. Dahil na
MABILIS ANG LAKAD na sumunod si Luna sa staff’s personnel na tumulong sa kanyang maihatid si Marcus sa emergency room.May lumapit agad na doctor upang tingnan si Marcus. “Sinong guardian—”“Ako po! I'm the w-wife.” At lumapit si Luna.“Sa'n niya nakuha ‘tong sugat?”“I-I don’t know. Umuwi siya ng bahay na may sugat na.”“Halatang na-infection ‘to dahilan kung bakit ganto kataas ang lagnat niya. Dumaan ka na ba sa counter?”Umiling si Luna.“Ibigay mo muna ang information mo sa staff na naka-assign.” Tapos ay muling tiningnan si Marcus. “And I think, tama ‘to ng baril. May mga galos din siya at kaunting bugbog sa ibang parte ng katawan. We need to call a police and report this.”“No need—” agap ni Luna. “He's a warden. B-baka nakuha niya ang sugat sa trabaho.”Tumango ang doctor at hindi na nagtanong pa.Kinapa ni Luna ang bulsa at naalalang naiwan niya ang cellphone sa kotse. Kailangan niya ‘tong balikan para matawagan ang magulang.Hindi na pwedeng ilihim ang sitwasyon ngayon ni Mar
KALAHATING TAON na ang nakakalipas, nang makilala ni Luna ang Ginang na lumapit sa kanya habang nasa business trip siya no'n sa Singapore.Sa may mall kung saan siya namimili ng bagong bag sa isang well-known brand store. Ina-assist siya that time ng sales lady nang may isang babaeng lumapit at nagtanong sa sales lady’ng kausap niya.Sa damit pa lang at suot na alahas ay alam na ni Luna na mayaman ang babae o tamang sabihin na Ginang.Ramdam niyang hindi nalalayo ang edad nito sa kanyang Ina.Saglit na umalis ang sales lady upang magtawag ng ibang staff na siyang mag-a-assist sa Ginang.At habang naghihintay ay inabala ni Luna ang sarili sa pagtingin sa mga bag na naka-display. Hanggang sa kinausap siya ng Ginang. Doon ay nalaman niyang Pinay rin itong tulad niya.Magkagano'n man ay isa pa rin itong estranghera kaya’y ngumingiti at tumatango lang siya kapag kinakausap nito hanggang sa makabalik ang sales lady.Matapos mabili ang kailangan ay umalis din siya agad. Ilang minutong pag-ii
NAGPALIPAT-LIPAT ang tingin ni Lucas sa dalawa matapos ‘yung tanungin ni Corazon.“Baka sa mga social-politics gatherings?” tugon ni Allan. “Siya kasi ang uma-attend kapag hindi ko magawang pumunta dahil sa trabaho.”“Yes, Tita,” sang-ayon ni Lucas. “And very sociable pa kaya madalas na siya ang gusto ng iba na uma-attend, no offense meant, General.”Natawa naman si Allan sa pahayag ni Lucas. “Totoo ‘yan, kaya nga ayoko na talagang nagpupunta sa mga party na ‘yan dahil ang asawa ko ang laging hinahanap.” At muling natawa.Kahit si Amelia at Lucas ay natawa rin sa komento ni Allan.Kaya nakisabay na rin si Corazon kahit pa malakas ang kutob niyang hindi pa niya nakita ni minsan noon si Amelia.Hindi rin naman nagtagal ang usapan dahil kailangan ng umalis nila Allan. At habang nasa sasakyan ay kapansin-pansin ang pananahimik ni Amelia.Pansin ‘yun ni Allan. “May problema ba?”Umiling siya. “Napagod lang siguro ako sa biyahe. Medyo kulang ako sa tulog ngayon.”Umusog palapit si Allan. “G
TININGNAN ni Andrew si Mr. Roces, mula ulo hanggang paa. Sa suit at relo na suot, hanggang sa mamahaling sapatos. Lahat ay sumisigaw ng karangyaan kaya nagduda si Andrew kung bakit gusto nitong tulungan sila? Sila na pinaghahahanap ng alagad ng batas. “Gusto mo kaming tulungan? Anong kapalit?” diretsahan niyang tanong. Matalim ang tingin ni Alberto at saka tiningnan ang kasamang lawyer. Ito ang magpapaliwanag ng dapat na gawin ng grupo. Inumpisahang ipaliwanag ng lawyer ang plano at kondisyon. Ngunit hindi nagustuhan ni Andrew ang sinabi nito. “Ano?! Hindi ko binuong muli ang grupo para lang maging alipin ng kung sino lang.” Nagkatinginan si Alberto at Mr. O. “Masiyadong hambog ang pinakilala mo sa ‘min. Ayokong mag-aksaya ng oras kaya aalis na lang kami.” Tumalikod si Alberto upang umalis. Tumango naman si Mr. O at hindi ito pinigilan. “Pasensiya sa istorbo, ihahatid ko na kayo sa labas.” “S-sandali lang!” pigil ni Andrew. “P-pa’no kami Mr. O.?” “Tulad ng sinabi ko. Hindi ko
SA MAY KAKAHUYAN ay tinungo nila Scarlette ang lugar kung sa'n sinasabing natagpuan ang patay na katawan ng isang lalake. At kahit paakyat ang daang tinatahak ay hindi niya iyon alintana, makita lang sa malapitan ang sinasabing bangkay ni Andrew. May ilang sibilyan ang nais makiisyoso sa nangyayari na pinapauwi ng ilang pulis na nakaharang. Pinapasok naman sila agad matapos magpakilala. Nakaalalay sa magkabilang bahagi ni Scarlette ang dalawa dahil malubak at matalahib ang daan. Napalingon ang kasamahan nilang pulis. “O, anong ginagawa niyo rito?” Ito ang kausap kanina ni Scarlette na nagsabing magtutungo sa kabilang bayan. “Anong sabi? Si Andrew ba talaga ang bangkay?” balik tanong niya. “Inaalam pa ng SOCO. Masiyadong wasak ang pagmumukha kaya baka matagalan ang pagkumpirma. Siya ba ‘yung na-encounter niyo?” Tumango si Scarlette pero ang tingin ay nasa nakataob na katawan ‘di umano ni Andrew. Nakapaling ang mukha sa kabilang direksyon pero makikitang dumanas ito nang paghihira
PIGIL ANG HININGANG naghintay si Luna.Pero wala siyang naramdaman.Ang inaasahan niyang halik ay hindi nangyari.Pagmulat ng mata'y malayo na ang mukha ni Marcus.Napahiya siya sa pag-iisip na hahalikan siya nito!Matalim siyang tumingin at marahang tinulak upang itago ang hiyang nararamdaman. Pero kalaunan ay nawala rin agad ang inis nang mapansin ang pamumula ng tenga nito.Nakaiwas ang mga mata at hindi siya matingnan nang diretso.Tumikhim pa ito at bahagyang lumikot ang mga mata na nagbigay tuwa sa kanya. Ibig sabihin ay apektado ito. May epekto siya kay Marcus!“G-gusto ko lang sanang tanungin kung pwede ba akong sumama?” napahagod pa sa batok si Marcus nang tanungin ‘yun.Kumibot ang labi ni Luna sa pagpipigil na mangiti. “Bakit?” pero trinaydor siya ng sariling nararamdaman at tuluyan na ngang napangiti.“Day off ako ng ilang araw at wala naman akong ibang gagawin kaya...” Natigil si Marcus nang makita ang matamis nitong ngiti.Hindi napalis ang ngiti niya nang tumango. “Of c
NILAPAG ni Luna ang dalang bag sa kama at pagtapos ay nilingon si Marcus, na sinusuri ang banyo na transparent glass ang style.Kumunot ang kanyang noo. Bakit lagi silang napupunta sa ganitong klaseng style ng banyo?Nabaling tuloy ang tingin niya kay Marcus at napatitig hanggang sa muling mahuli nito.Pambihira! Strike two na siya!Kaya mabilis niyang tinuro ang bag nito na nasa sofa bilang pantatakip sa hiyang nararamdaman. “Ilagay m-mo na rito ang bag mo.”“Hindi na kailangan, sa sofa ako matutulog.”Napaturo naman si Luna sa kama. “Maluwag ‘tong kama, kasya tayong dalawa.”Lumamlam ang tingin ni Marcus. “Sigurado ka?”Tumango si Luna at saka lang na-realize ang nasabi. Nanlaki ang mata niya.Yes! Nagkasama na sila sa iisang kwarto. Pero ibang usapan na ang magtabi sa kama!Napaurong siya sa kaba. Hindi na niya mababawi pa ang nasabi na kahit gusto niyang bawiin. Bukod pa ro'n ay kinuha na ni Marcus ang bag at nilipat sa tabi ng kama.Nakasunod ang tingin ni Luna dahil hindi na gum