BIGLANG dumating ang Head Warden bago pa man masabi ni Marcus ang dahilan kung bakit si Hipolito Bautista ang pumatay sa grupong X.M..Agad na nagpatayo sina Scarlette at Olga at hinarap ito bilang pagbibigay-galang. Bahagyang yumuko si Olga, habang si Scarlette ay marahan lang ang tango.“Magandang araw, Sir,” magalang na bati ni Olga.“Sa inyo rin. Anong ginagawa niyo rito sa hallway?” malamig ngunit may awtoridad ang tinig ng Head Warden. Matapos ay ibinaling niya ang tingin kay Marcus. “Ba’t hindi mo sila dalhin sa office?”“Hindi na ho kailangan, Sir. Hindi na rin kami magtatagal,” mabilis na tanggi ni Scarlette, ayaw nang makasagabal pa.“I insist. Mga bisita kayo, kaya nararapat lang na sa office na kayo mag-usap.” Tumikhim ito at muling nag-utos, “Marcus, samahan mo na sila sa opisina ko.”Hindi na naghintay pa ng tugon at agad na tumalikod ang Head Warden, bitbit ang bigat ng kanyang awtoridad sa bawat hakbang.“Tara,” ani Marcus na bahagyang napakamot sa batok bago naunang ma
Last Updated : 2023-03-27 Read more