Biglang napabuntong-hininga si Scarlette. “Pero may problema tayo,” ang pahayag niya. “Wala ng nakakaalam kung nasa’n siya ngayon. Wala kahit isang record mula sa department.”“You mean, nawala siyang parang bula?” ani Olga, kunot ang noo dahil imposibleng mangyari ang gano'n.Tumango si Scarlette. “Kahit si Papa ay walang balita. Hindi na nila ito na-trace pa kahit na minsan.”“What if, umpisahan nating hanapin no’ng mga panahon na hindi pa siya nawawala? Sa kulungan kung sa’n ito nakulong,” ang suggestion ni Olga.“Pa’no natin gagawin ‘yun kung sa ‘Heaven’ siya nakulong?” ani Kurt.“Sa ‘Heaven’?!” nabigla si Olga. “M-mukhang mission impossible ‘to, Captain.” Dahil wala ni isang nakakalabas na impormasyon sa kulungang iyon.Umiling si Scarlette habang malalim ang iniisip. “Imposible nga ba?” ang bulong niya pa. “Pa’no kung lapitan natin si warden Lopelion? Humingi tayo ng tulong?” Kahit labag sa kagustuhan niya.Nagkatinginan muna sina Kurt at Olga bago tumango at sumang-ayon sa sinab
Last Updated : 2023-02-23 Read more